You are on page 1of 4

QUARTER 3 WEEK 1

Edukasyon Sa Pagpapakatao 3

Pangalan:_____________________________Baitang/Seksyon:____________________

Aralin Kaugaliang Pilipino, Mahalin at


1 Panatilihin

MELC: Nakapagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng:


 pagmamano,
 paggamit ng “po” at “opo”,
 at pagsunod sa tamang tagubilin ng mga nakatatanda.
EsP3PPP-IIIa-b-14
Susing Konsepto
Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating mahalin at panatilihin
ay ang pagmamano, paggamit ng “po” at “opo” at paggamit ng iba
pang magagalang na salita.

Ang paggamit ng “po” at “opo” at iba pang magagalang na


pananalita tulad ng pagtawag ng ate, kuya, diko, ditse, manong,
manang, at iba pa sa ating mga nakatatandang kapatid ay likas din sa
ating mga Pilipino. Wala itong katumbas na salita sa ibang wika. May
mga bayan sa ating bansa na hindi gumagamit ng mga salitang ito
ngunit hindi ibig sabihin ay hindi sila magalang.

Mahalaga sa ating mga Pilipino ang paggalang sa kapuwa.


Bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay.

Iba’t iba ang paraan ng pagpapakita ng paggalang lalo na sa


mga nakatatanda. Ang pagmamano ay isang pagpapakita ng
paggalang na tanging sa mga Pilipino lamang natin makikita. Dapat
natin itong panatilihin
Ang at huwag
pagpapakita iwaksi
ng mga sa ating buhay.
kaugaliang Pilipino gaya ng mga
nabanggit ay sadyang napakasarap pakinggan at nagpapakita ng
respeto sa bawat isa.

1
Gawain 1: Bituin ng Paggalang
Panuto: Masdan ang mga linya sa ibaba. Bawat linya ay may mga aksiyon na
maari mong ginagawa o sinasalita. Lagyan ng bituin ang linya kung ito ay
iyong ginagawa o sinasalita at buwan naman kung hindi mo ito ginagawa o
sinasalita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. ___________ “Maari po bang magtanong?”
2. “Magandang gabi po, Gng. Alberto.”
3. Makiki-abaot naman po ng baso.
4. “Ate, aalis na po ako.”
5. Nagmamano sa mga nakatatanda pagdating sa bahay.
Gawain 2: TAMA O MALI
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap, Isulat sa sagutang papel kung
TAMA o MALI ang ipinakikita ng bawat sitwasyon.

1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na bumibili rin. Binati


mo siya at ikaw ay nagmano.

2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong nanay. Ikaw

lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano ka at siya ay iyong

pinatuloy.

3. Inutusan ka ng iyong tatay na pumunta sa iyong Lolo para maghatid ng


ulam. Kumatok ka sa kanyang pintuan, at sinabing "Magandang tanghali
po Lolo. Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.”

4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng


kanilang bahay si Aling Belen, ang nanay ng kaniyang kaibigan. Binati niya
si Aling Belen nang pasigaw na parang galit.

5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa


paaralan, magalang siyang nagsabi sa kaniyang nanay na gusto na

niyang kumain dahil mag-aaral pa siya ng kaniyang mga aralin.

Mga Gabay na Tanong:


Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa mga guhit sa baba ng bawat
bilang.

2
1. Bakit mahalagang panatilihin natin, mahalin at ipagmalaki ang mga
kaugaliang Pilipino?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?

___________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

2. Magbigay ng mga salitang nagpapakita ng paggalang na iyong


ginagamit araw araw.

__________________________ _________________________
___________________________ _________________________
___________________________ _________________________

3
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 GAWAIN 2

1. 1. TAMA

2. 2. TAMA

3. 3. TAMA

4. 4. MALI

5. 5. TAMA

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 3, Kagamitan ng Mag-aaral-Tagalog


Yunit III-Para sa Kabutihan ng Lahat Sumunod Tayo
Aralin I-Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin pahina 132-139

You might also like