You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Western Mindanao State University


College of Teacher Education
Normal Road, Baliwasan, Zamboanga City

BANGHAY ARALIN
SA
EDUKASYONG PAGPAPAKATAO III

Inihanda nina:
Pangkat 3 BSNED II – D
Noat, Reymart S.
Lagahit, Glaiza Lou
Estomago, Roschel Ann
Villacora, Rennie Rose

Ipapasa kay:
Prof. Manilyn Vegara Miñoza
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PAGPAPAKATAO III

I. Layunin
Pagkatapos ng 30-minutong talakayan, ang mga mag-aaral sa Ika-tatlong Baitang ay inaasahang
maisagawa ang mga sumusunod na may 85% kawastuhan.
a. Nasasabi na ang paggamit ng “po” at “opo” ay isa sa mga mabuting kaugalian ng mga Pilipino
b. Naitutukoy ang tamang paggamit ng “po” at “opo”
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggmit ng “po at “opo”

II. PAKSA: Mga Kaugaliang Pilipino tulad ng paggamit ng “Po” at “Opo”


Sanggunian: ESP 3, Pahina 153-158

III. KAGAMITAN: Incentive chart, mga larawan patungkol sa aralin, at powerpoint presentation.

IV. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Paghahanda

Magandang Araw mga bata! (Magandang Araw, Teacher!)

Kamusta naman kayo? (Mabuti naman po, Teacher.)

Upang gabayan tayo sa ating talakayan sa araw na ito, hayaan niyong ibahagi ko ang aking screen
para sa ating maikling panalangin. Panatilihing naka-off ang inyong mikropono at manalangin nang
maintim. Malinaw ba? (Opo, Teacher.) magaling! Dahil tayo ay magsisimula na.

(Ipakikita ni Teacher ang kaniyang screen)

Panginoon po naming Diyos, Salamat po ng napakarami, Dahil ligtas mo po kaming tinipon sa


dakong ito Upang makapag-aral po kami ngayon. Sana linisin mo po anuman ang nakita mong hindi
mabuti sa aming mga puso. Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan. Ihanda mo ang aming
pag-iisip sa pagtanggap ng mga karunungan Upang lalo naming maunawaan ang ituturo sa amin
ngayon Lalo mo pong tulungan ang aming mahal na guro Pagpalain mo po siya sa kanyang walang
sawang pagmamalasakit sa amin Magiging masaya nawa siya sa kanyang pagtuturo At kami naman
ay handang makinig sa kanyang ituturo Ingatan mo po kaming lahat sa buong panahon ng pag-aaral
Sa inyo po lahat ng kapurihan Hinihingi po namin ang lahat ng ito Sa pangalan ni Hesus na aming
Dakilang Tapapagligtas. Amen...

Bago tayo magsimula sa ating klase, ano ang dapat ninyong tandaan o gawin? (Umupo nang mabuti
at ang mga mata ay nakatingin lamang sa screen) Tama! Maliban dito, ano pa sa tingin ang dapat
Ninyo tandaa? (Siguraduhin na nasa tahimik na lugar para marinig nang maayos ang talakayan at
mga tanong) Mahusay! Maliban doon, ano pa? (Buksan ang mga camera at panatiling naka-off ang
inyong mic kapag may nagsasalita. Buksan lamang ito kung ninanais) Magaling! Buksan lamang
ang mikropono kung nais magsalita. Malibna dito ano pa? (Kung nais magsalita, magbahagi ng
inyong kaalaman o magbigay ng sagot pindutin ang raise-hand button sa inyong mga screen at
hintayin na kayo’y tawagin) Tama! At ang panghuli ay? (Ninanais ang inyong kooperasyon mula
simula at hanggang sa huli ng klase para makalikom ng puntos.) Mahusay, mga bata! Ito ang mga
bagay ang dapat nating isaalang-alang habang tayo ay nagtatalakay. Malinaw ba sainyo ang mga
patakaran natin? (Opo, Teacher.)

Para malinaw sa lahat ang bawat partisipasyon at tamang sagot naibibigay ninyo sakin ay katumbas
ng dalawang (2) puntos. Ang pinakamaraming nakalikom na puntos ay ang siyang makatatanggap
ng simpleng premyo na aking inihanda sa araw na ito. Malinaw na ba? (Opo, Malinaw na po.)
2. Pagganyak

Bago tayo magpatuloy sa ating tatalakayin ngayong araw, tayo ay magkakaroon muna ng isang
maikling ehersisyo na kung saan magbibigay ako ng mga larawan at huhulaan ninyo kung ano ito.
Ang mga larawan ay patungkol sa ating mga tatalakayin ngayong araw, nakuha na ba? (Opo,
Teacher!)

Mabuti, kung alam ninyo ang sagot at nais ninyo itong ibahagi pindutin, lamang ang “RAISE
HAND” na nasa inyong mga screen at tsaka ko kayo tatawagin. Handa na ba ang lahat? Dahil
tayo’y magsisimula na. (Handa na po, teacher!)

Ano ang nakikita ninyo sa unang larawan? (Ang nasa unang larawan ay nagpapakita ng pagmano sa
nakakatanda at pagsasabi ng “Po” at “Opo”)

Magaling! Ano naman ang sa ikalawang larawan? (Nagpapakita rin po ang ikalawang larawan ng
paggalang sa pamamagitan ng pagsabi ng “Po”)

Mga bata, ginagawa niyo ba ang mga ito? (Opo, Teacher!) Bakit? Anong kaugalian ang ipinapakita
Ninyo kapag ginagamit Ninyo ang “po” at “opo”? (Ang kaugalian na ipinapakita kapag ginagamit
natin ang “po” at “opo” tuwing tayo ay nakikipag-usap ay paggalang) sa tingin Ninyo tama ba ang
maging magalang tayo sa ating kapwa? Bakit? (Mahalaga at tama ang pagiging magalang tayo sa
ating kapwa dahil ito ay isa sa magagandang asal na nagbibigay respeto at nagpapakita na pagiging
isang mabuting tao)

Tama! Dapat gawin pa din ito ng mga batang Pilipino katulad ninyo. Lahat ng nabanggit ninyo ay
tama at may koneksyon sa tatalakayin natin ngayon araw na patungkol sa mga kaugalian ng mga
Pilipino. Dahil dyan ang mga nagbigay ng mga tamang sagot sakin ay nakakuha ng limang puntos.
Ipagpatuloy ang inyong partipasyon para mas makalikom pa ng mas maraming puntos.

B. PAGLALAHAD

Bago tayo magtungo sa ating gawain ay magbabasa muna tayo ng tula na pinmagatang “Wastong
Asal: Isabuhay”. Habang binabasa natin ito, nais kong unawain nating mabuti kung ano ang ating
binabasa nang sa ganoon ay makasasagot tayo sa mga sumusunod na mga katanungan. Handa na ba
kayo? (Opo, Teacher)

Wastong Asal: Isabuhay

Wastong asal, nasaan ka na?


Sa mga kabataan ‘di ka na nakikita
Kabutihan ng kalooban at paggalang sa kapwa
Tila ba sa isip at gawa, nalimutan ka na.

Mga kabataan, ngayon, sa ugali’y nagkukulang


Kasiyahan lamang ng sarili ang kaniyang pinahahalagahan
Kaya’t pag-ibig sa kapwa walang pakialam
Na ‘di rin isinasaalang-alang ang tagubilin ng magulang

Wastong asal. Nasaan ka na?


Sa murang gulang pa lamang ng anak,
Itinanim ng ng magulang, sa puso’t-isipan ng anak na sa tuwina’y
Ipinaramdam sa anak na minamahal
Upang mapanuto at gumanda ang inaasam sa buhay.

Kagandahan ng ugali, lubhang kailangan


Upang ang kapayapaan ay ating maranasan
Buhay ay gaganda, suliranin ay maiiwasan
Kaya’t atin itong panatilihin, wastong asal ay isabuhay natin.

C. PAGTATALAKAY

Ngayon ang tanong mga bata, ano sa tinigin ninyo ang nais ipabatid sa atin ng tulang binasa? (Ang
nais ipabatid sa atin ng tula ay ang pagmamahal at pagpapanatili sa mga kaugalian nating mga
Pilipino kagaya ng paggamit ng “po” at “opo”, pagmamano, at pagsunod sa mga nakakatanda.)
Magaling! Ipinababatid sa atin ng tula na dapat ay mahalin natin at panatilihin ang kaugaliang
Pilipino tulad ng pagmamano, pagsasabi ng “po” at “opo” at pagsunod sa tagubilin ng mga
nakatatanda.

Ano ang iyong naramdaman sa binasa mong tula? (Ang aking nararamdaman sa binasang tula ay
kasiyahan, sapagkat aking natutunan na mainam na magkaroon ng magandang kaugalian gaya ng
pagrespeto lalo na sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng psalita o ang paggamit ng po at opo)
Mahusay! Ikaw ba'y gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa iyong mga magulang? Bakit?
(Oo. Dahil ito ang itinuro nila sa akin kung makikipag usap ng nakakatanda at pagbibigay din ng
respeto kapag nakikipag usap sa kanila) Tama! Ano ang karaniwang sinasabi ng nakatatanda sa mga
batang marunong gumamit ng po at opo? (Sinasabi ng mga matatanda sa mga batang marunong
gumamit ng po at opo ay isang mabait at ma respetong bata) Magaling! Ano ang inyong
nararamdaman kapag sinabihan ka na ikaw ay magalang na bata? (Masaya) Ano naman ang inyong
nararamdaman kapag sinabihan ka na di ka man lamang marunong gumamit ng po at opo sa iyong
pakikipag-usap sa nakatatanda sa inyo? (Mahihiya Po sa kadahilanang ikaw ay batang pilipino
ngunit hindi ka marunong gumamit ng po at opo dahil ang pag gamit ng po at opo ay isang
palatandaan na ikaw ay isang batang magalang) Tama! Mahalaga ba sa isang batang tulad mo ang
pagiging magalang? Bakit? (Opo, dahil ang pagiging magalang ay Isang katangian na maari nating
ipagmalaki na tayo ay isang tunay na Pilipino)

Magaling, mga bata! Dahil dyan ang inyong grupo ay makakatanggap ng karagdagang puntos!

D. PAGLALAHAT

Base sa ating talakayan, sino ulit ang makapagsabi sa buong klase kung ano ang kahalagahan ng
paggamit ng “po” at “opo” o ang kahalagahan ng pagiging magalang? (Mahalaga ang paggamit ng
“po” at “opo” o ang pagiging magalang sapagakat ito ay isang paraan ng pagbigay respeto sa ibang
tao at ito rin ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao) Magaling! Laging tandan natin na ang
paggamit ng “po” at “opo” ay isang mabuting kaugalian. Ugaliin natin gumamit ng po at opobilang
tanda ng ating paggalang sa ating mga kausap na tao na mas nakatatanda sa atin. At higit sa lahat,
ang batang Pilipino ay magalang at marunong gumamit ng salitang “po” at “opo”. Nakuha ba ng
lahat? (Opo) Mahusay!

E. PAGGAMIT

Ngayon mga bata, dahil alam na natin ang mga iba’t- ibang kagandahang-asal na ating dapat gawin
at maitamo, magbibigay ako ngayon ng mga sitwasyon. Dapat ninyo itong unawain at I-click
lamang ang “raise hand icon” kung nais na sumagot. Handa na ba ang lahat? (Opo, Teacher.) Kung
gayon, tayo ay magsisimula na!

1. Di mo sinasadyang nabasag ang mamahaling banga sa inyong bahay. Galit na galit ang iyong
nanay. Ano ang iyong sasabihin sa iyong nanay? (Kakausapin nang maayos ang aking nanay at
sasabihin ang totoong dahilan kung bakit nabasag ang banga.)

Tama! Kausapin nang maayos ang iyong Ina at sabihin ang totoong dahilan kung bakit ito nabasag.
Dahil dyan, makakakuha ka ng karagdagang limang (5) puntos.

2. Kinakausap ka ng inyong Tita Analyn at kinukumusta ang inyong pag-aaral. Paano mo


pakikitunguhan? Anong maganda na salita ang iyong gagamitin? (Dahil mas nakakatanda ang aking
Tita Analyn sa akin, gagamitan ko ng po at opo sa pakikipagsalita sa kanya at kakausapin ko siya
nang maayos at may respeto.)

Mahusay! Ang magandang salita na iyong dapat gamitin kapag nakikipag-usap sa kapwa na mas
nakatatanda sa atin ay “po” at “opo”. Limang (5) puntos din para sa’yo!

3. May nagsumbong sa inyong guro na ikaw raw ay kumopya sa iyong kaklase sa oras ng
pagsusulit. Paano mo kakausapin ang inyong guro? (Sasabihan ko ang aming guro kung ano ang
totoo na hindi ako kumopya sa aking kaklase sa isang pribado at maayos na usapan.)

Magaling! Kausapin ang guro sa isang pribado at maayos na paraan at doon ipaliwanag ang iyong
sarili sa totoong nangyari. Dahil syan, ikaw din ay makakatanggap ng karagdagang limang (5)
puntos. Palakpakan natin ang ating mga sarili, mga bata!

Tandan mga bata, ang pagpapakit ng mga kaugaliang Pilipino tulad ng: pagmamano, paggamit ng
“po” at “opo” at pagsunod sa tagubilin ng nakakatandA ay likas na sa ating mga pilipino. Wala
itong katumbas na salita sa ibang wika. Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino gaya ng mga
nabanggit ay sadyang napakasarap pakinggan at nagpapakita sa respeto sa bawat isa.
F. PAGBIBIGAY HALAGA

Upang mas lalo pa nating maunawaan ang mga kagandahang-asal na ating dapat gawin at kaugalian
ay magkakaroon tayo ng isang maikling activity.

A. Panuto: Bilugan ang larawan na nagpapakita ng isang magandang asal.

B. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang istar ( )kung Tama at parisukat
( ) kung mali

______1. Ang po at opo ay lagi kong ginagamit sa pakikipag-usap sa nakatatanda sa akin.


______2. Ang paggamit ng po at opo ay tanda ng pagiging magalang.
______3. Ikinahihiya kong gamitin ang salitang po at opo sa pakikipag-usap.
______4. Mahalagang matutuhan na mga kabataan ang paggamit ng salitang po at opo.
______5. Kapag ako’y tinatawag ng tatay ko, sisigaw na lamang ako na nandito ako.

Mahusay, mga Bata! Patunay lamang na naintindihan niyo nang maigi ang ating talakayan ngayon.
Dahil dyan, lahat kayo ay makakakuha ng karagdagang puntos. Sino ang nangunguna sa ating
chart? (Si ____ po teacher) Magaling, _______ palakpakan naman sya nating lahat! Muli, ako si
Teacher_____ na nagsasabing “ang batang magalang, karangalan ng magulang. At ang batang may
kabaitan, madaling makakuha ng kaibigan”.

You might also like