You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Philippine Normal University


The National Center for Teacher Education
Mindanao
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

DETALYADONG BANGHAY
ARALIN SA FILIPINO 2
(4’AS STRATEGY)
Final Draft

Ipinasa nina:
Loisannah Kaye M. Bucton
BECED-IV

Ipinasa kay:
Prof. Elvie Charie L. Ortua
Grade 2 Filipino Teacher

Oktubre 02, 2023


Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 2

I. Layunin: Sa loob ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakakatukoy ang mga magagalang na salita sa loob ng kwento;
b. nakasasabi ang kahalagahan ng pakikisalamuha sa kapwa; at
c. nakabubuo ng isang dialogo base sa sitwasyong ibinigay sa pamamagitan
ng pagsasadula.

Pagpapahalaga: Pakikisalamuha sa kapwa gamit ang wika at paggamit ng


magagalang na salita.

II. Paksang Aralin: Si Boy Magalang


Paksa: Paggamit ng Wika bilang tugon sa Sariling Pangangailangan/Paggamit ng
Magagalang na Pananalita na Angkop sa Sitwasyon - Pagbati.
Mga Kagamitan: Mga Larawan, Puzzle, Libro
Sukat nang oras: Isang oras
Mga Sanggunian: Vinta Book: Paglalayag sa Wikang Filipino 2
Estratehiya: 4A’s

III. Pamamaraan

MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magandang hapon mga mag-aaral. Magandang araw rin po, titser.
Bago natin simulan ang ating
talakayan, tayo’y tumayo muna at
sundin niyo lahat ng sasabihin ko
pero wag kayo gagaya sa gagawin
ko.
Maliwanag ba? Opo, titser.

Umupo
Tumayo
Tumalon
Itaas ang kamay
Iwagayway
Ipadyak ang Paa
Ituro ang daliri sa Paa
Igalaw ang mga dairi
Tumalon
Umikot
Ituro ang ilong
Ituro ang bibig
Ituro ang tuhod…
Ngumiti sa katabi
Umikot
At maupo ng maayos.
2. Balik-Aral
Noong nakaraang Biyernes, mayroon
kayong nabasang kwento, ano ang
pamagat nito? Si Dong Pagong at si Lando Pilandok

May tatlong larawan sa pisara.


Base sa kwentong inyong binasa
sino-sino kaya sila? Si Dong Pagong, Tatang Kalabaw, at si
Lando Pilandok
Tungkol saan ang kwento? Tungkol sa magkaibigan na gumala at
ang payong ibinigay ni Kalabaw
Kung kayo si Dong at Lando,
susunod ba kayo sa payo ni Tatang Opo, titser.
Kalabaw? Upang hindi mapahamak ang sarili.
Bakit naman?

Mahusay! Palagi ba kayong


sumusunod sa payo ng inyong mga Opo, titser
magulang?
Bakit dapat kayo susunod sa payo Dahil itoy ikakabuti saakin.
ng inyong magulang?

3. Pagganyak (MOTIVATION)
Sa Puntong ito, tayo ay bubuo ng
larawan. May sobre ako dito at ang
laman nito ay isang larawan na putol-
putol. Ang kailangan niyo lang gawin ay
kunin at idikit ang mga pirasong papel
upang mabuo ang larawan.

Base sa mga larawan na inyong binuo May nag uusap at may dumadaan, titser
ano kaya ang mga nangyayari sa .
larawan?
*nakadepende ang sagot*
Ano kaya ang kanilang pinag usapan? Para hindi makadisturbo, titser.
Bakit kaya siya dumadaan ng ganyan?
Sa tingin niyo ba, tama ang kanyang Opo, titser.
ginawa? Dahil ito’y nagpapakita ng pag galang sa
Bakit naman? kapwa
Opo, titser.
Sigurado ba kayo na tama?
Osge, ating alamin ang kwento ni Boy
magalang.
B. Paglinang ng Gawain
1. Paglalahad
Sa araw na ito ating takakayin ang
mga magagalang na salita na ating
magagamit sa ano mang sitwasyon.

a) Pagbibigay ng Pamantayan
Bago ang lahat, sino ang
makapagsabi saakin kung ano-ano ang
kailangan nating gawin pag nag-uusap si
titser? Makinig
Makilahok sa Aktibidad
Maging mabait
Aasahan ko ang lahat na na iyon sa
inyo. Opo, titser.
2. Mga Gawain (ACTIVITY)

“Si Boy Magalang”

Siya si boy magalang.


Roy ang kaniyang pangalan.
Saan mang dapit siya mapadpad,
Siya ay palaging mapalad.
Hindi dahil marami siyang pera
Kundi dahil sa kabutihan niyang dala.
Kapag siya ay iyong kinakausap
Palaging may “po” at “opo” sa
pangungusap.
Pag siya’y may nakasalubong na
matanda
Kamay niyay umaabot para magmano sa
kanila.
At pag may nag uusap sa harap.
Siya ay yumuyuko sabay sabing “padaan
po”
Siya si boy magalang.
Ang Ipinagmamalaki ng lahat.

3. Analisis Tungkol sa lalaking magalang, titser.


Tungkol saan ang kwento? Roy
Ano ang kanyang pangalan? Dahil siya ay may respeto sa kaniyang
Bakit kaya siya tinawag na magalang? kapwa.
Nagmamano, nag sasabi ng po at opo,
Ano ang mga bagay na kanyang ginawa? yumuyuko sa nag uusap.

Sa tingin niyo ba, tama ang kaniyang Opo.


ginawa? Dahil itoy mabuting gawain.
Bakit naman?
Tama, dahil ito’y mabuti. Sa tingin niyo
ba matutuwa ang kanyang magulang kay Opo.
boy magalang? Dahil siya ay isang mabuting anak at
Bakit naman? napalaki nila si Roy ng maayos.

4. Paghahalaw
Ano pa ang mga magagalang na gawain,
bukod sa mga nabanggit sa kwento?

Pag bibili kayo sa cafeteria, tapos


nabigay na sainyo ang iyong kailangan at Magpasalamat.
sukli, ano ang dapat mong gawin?
Tama! Dapat palagi tayong
magpasalamat dahil itoy nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kapwa.
Katulad nalang pag may nagpapahiram Salamat po.
sayo ng gamit. Ano ang sasabihin mo?
Kapag may mga titser kayong Salamat po.
tumutulong sa gawain niyo, ano
sasabihin niyo? SALAMAT po.

Ano ang ating sasabihin? Walang Anuman.


Paano naman pag tayo ang
pinapasalamatan?
Magandang Umaga, titser.
Tama! Kapag may nakasalubong kayong
guro sa umaga, ano ang sasabihin niyo?

Sa inyong guro lang ba dapat sasabihin


ang Magandang Umaga? Paano naman Opo, Titser.
ang mga naglilinis sa labas, kailangan Dahil tao rin sila na kailangan ng ating
niyo bang bumati sa kanila? irespeto.
Bakit naman?

Tama! Kaya kailangan niyong Isaulo ang


mga magagalang na salita dahil ito’y
nakapagbigay ng kaligayahan sa puso ng
ating kapwa. Opo, Titser.

Naiintindihan ba ako?

C. Panapos na Gawain

1. Paglalahat
Ano ang kailangan nating tandaan
pagmakikipag usap tayo sa iba? Kailangan tayo maging magalang, titser.
Ano ang mga salita na kailangan nating
isaulo pag makipag usap. Po at opo.
Padaan po
Walang Anuman.
Salamat.
Pwede bang
Maari po bang
Kanino tayo dapat magalang? Sa lahat ng tao, titser.
Bakit tayo dapat magalang? Upang maging masaya ang nakapaligid
saatin.

2. Pagpapahalaga
Bakit kaya mahalagang makikipag
usap sa kapwa? Para tayo’y madagdagan ng kaibigan.
Makatulong sa kapwa.
Makagawa ng ating gusto.
Makaboo tayo ng relasyon sa kapwa.

Bakit kailangan tayo maging maingat sa


ating sinasabi? Upang hindi makasakit ng iba.
Dapat ba tayo maging magalang? Opo.
Bakit naman? Dahil ito ang katangian ng isang taong
may respeto.

3. Paglalapat (Application)
Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo.
Maghanda kayo ng isang presentasyon
tungkol sa isang sitwasyong ibibigay.

Unang Grupo: May nakitang


matandang babae na may dinadalang
mabigat.
Ikalawang Grupo: Magpapaalam sa
titser na gustong lumabas saglit.
Ikatlong Grupo: Pinagbawalan ng
magulang gumala kasi malapit na ang
gabi.

D. Takdang Aralin/Kasunduan

Sa iyong kwaderno, magbahagi ng isang ‘di malilimutang pangyayari kung saan


nagpapakita ng respeto.

You might also like