You are on page 1of 14

No

Paaralan: New San Jose Baitang: VI – 3


Elementary School
Guro: Rafael Flores Tuazon Asignatura: FILIPINO
Petsa at Oras Abril,04,2024 Markahan: Ika-apat

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN
I. Layunin a) Natutukoy ang mga uri ng pangungusap sa usapan at iba’t-
ibang sitwasyon.
b) Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa ibat-ibang uri ng
pangungusap.
c) Naipapakita ang kooperasyon at pagpapahalaga sa pangkatang gawain.

A. Pamantayang Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


Pangnilalaman pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagsasagawa ng radio-broadcast/teleradyo, sabayang


bigkas, reader’s theatre o dula-dulaan.
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit sa usapan at iba’t-ibang sitwasyon ang mga uri ng
Pagkatuto pangungusap.

II. Nilalaman Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Usapan at Iba’t-ibang


Sitwasyon
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. References
1. Mga pahina sa Gabay
ng Guro
2. Mga pahina sa Gabay F6PN-IVd-3.1 Curriculum Guide 6
ng Pang-mag-aaral
3. . Mga pahina Teksbuk Landas sa Wika 6 pahina 168
4. Mga Karagdagang https://youtu.be/2sMAUIjAChU?feature=shared
Kagamitan mula sa
Learning Resources https://youtu.be/rpPDDSCYjMM?si=WtY5nhwEanKuaGS0

5. Iba pang Kagamitang Laptop na naglalaman ng PowerPoint presentation, PowerPoint


pangturo presentation na naglalaman ng aralin, TV para sa pagppresent at
pagtatanghal na bidyo, sagutang papel,kahon na naglalaman ng ibat-
ibang reaksiyon ng mukha at kartolina.
IV. Pamamaraan
Teacher’s Activity Students’s Activity
A. Panimulang Gawain

Pagdarasal
Maganda umaga Grade 6 Saturn, maaari ba
kayong tumayo para simulan ang ating klase sa Magandang umaga,titser raf!
pamamagitan ng isang panalangin?
Opo
Tayo na’t manalangin sa pamamagitan ng isang
bidyo.
Handa na ba? Opo

Kung gayon, tumayo nang tuwid, iyuko ang mga


ulo at damhin ang presensya ng Panginoon.

https://youtu.be/2sMAUIjAChU?feature=shared

Amen.
Amen
Manataling nakatayo at sisimulan natin ang
ating klase sa pamamagitan ng isang
energizer.Ang gagawin niyo lang ay sundan ako
at ang nasa bidyo.

https://youtu.be/rpPDDSCYjMM?si=WtY5nhwEa
nKuaGS0
Pagbati
Magandang umaga! Kumusta naman kayo
ngayong araw? Maayos po kami. Kayo po?
Maayos din ako. Salamat sa pagtatanong.

Pagtala ng Lumiban
Ngayon naman, nais kong malaman mula sa
inyo kung may lumiban ba sa ating klase
ngayong araw. Maghanda ang bawat lider ng
pangkat upang itala kung may lumiban ba sa
inyong grupo sa ating klase ngayon.

Unang pangkat, may lumiban ba sa inyong Ikinagagalak ko pong sabihin na walang lumiban
grupo? sa aming grupo.
Sa inyo naman, pangalawang pangkat? Masaya po akong ibahagi na walang lumiban sa
ating klase mula sa aming grupo.
Paano naman sa pangkat ng panghuling grupo?
Natutuwa po akong sabihin na wala pong
Magaling mga bata, natutuwa akong malaman lumiban sa grupo namin.
na walang lumiban sa ating klase ngayong araw!

Pagwawasto ng Takdang-Aralin
Kahapon ay may pinagawa ako sa inyong
takdang aralin, nagawa ba ito?

Iguhit sa loob ng kahon ang hindi mo Opo


malilimutang karanasan na nangyari sa iyo.

Magpalitan na ng kuwaderno ang bawat isa.


Bigyan ng perpektong sampu ang bawat isa
kung lahat ang may iginuhit bilang sagot sa
ating takdang aralin. At kung wala namang
guhit, wala rin tayong mailalagay sa iskor.
Maliwanag ba?
Opo
Tapos na ba kayo?
Kung gayon, bilangin at isulat ang numero kung
ilan ang tamang sagot na nakuha ninyo sa ating
takdang aralin at ipasa paharap ang inyong mga
kuwaderno upang aking mai-rekord ang inyong
Nagtaas ng kamay ang mga bata.
mga iskor.

Sino ang nakakuha ng perpektong puntos na


ang ibig sabihin ay gumuhit para sa ating
takdang aralin?

Magaling mga bata! Natutuwa akong malaman


na lahat ay nakakuha ng perpektong puntos sa
ating takdang aralin na siyang nagpapatunay na
gumawa kayo lahat ng ating takdang aralin.

Balik-Aral
Grade 6 Saturn, tungkol nga saan ulit ang aralin
natin kahapon?
Patungkol po ito sa Opinyon at Katotohanan
Tama, ito ay tungkol sa Opinyon at Katotohanan

Ngayon naman, nais kong malaman kung


lubos ninyong naintindihan ang ating pinag-
aralan kahapon.

Dahil diyan tayo ay maglalaro ng hep-hep


hoorey. Handa na ba kayo mga bata?

Panuto:Basahin ang mga sumusunod na


pangungusap. Isigaw ang hoorey kung
nagpapahayag Opinyon at hep-hep kung
nagpapahayag ng katotohanan.

1.Mas masarap ang Jollibee kaysa sa


Mcdonald's
Hep-hep
2.Ang Pilipinas ay nasa Asya at Maynila ang Hoorey!
kapital nito. Hoorey!

3. Nagiging paruparo ang caterpillar.


Hep-hep
4.Matalino at Masiyahin ang mga estuduyante
ng New San Jose.
Hephep!
5.Si Ma'am Virgie,Reginabel,Titser Raf at Sir
Allan ay ang pinakamaganda at guwapong guro
sa Bataan.

Magaling mga bata, lubos akong natutuwa dahil


naintindihan ninyo ang tinalakay natin kahapon.

Bigyan natin ng "Ang galing clap"ang bawat isa.

“Ang Galing Clap”

B. Paghahabi ng layunin ng aralin

Pagganyak
Sa oras na ito, ay may inihando akong kuwento.
Ito ay patungkol sa "Tunay na Kaibigan"
Opo.
Ngunit bago tayo magsimula, ano muna ang
mga alituntunin na dapat sundin ng bawat isa
kapag nagbabasa o aakting?
Huwag pong magulo,makinig sa nagbabasa o
umaakting at huwag tumawa pag may
Si Angelica Joy ay masayahin at palakaibigan na nagkamali.
bata kung kaya't marami syang nagiging
kaibigan.
Isang araw habang naglalaro Si Anglica nakita
siyang batang malungkot, linapitan niya ito at
tinanong...

"Bata,bakit ka "Ako'y
malungkot?" nalulungkot dahil
walang gustong
makipagkaibigan
sa akin!.Dahil
madungis daw

👩 👧
ako".
Huwag ka ng Talaga!!!Gusto
malungkot,kasi ako mo ako maging
gusto kita maging kaibigan?

👩 👧
kaibigan.

Ako naman si
Jene Rose.
Oo naman,Ako pala
si Angelica
Joy.Ikaw Ano
Pangalan mo?

👩 Kunin mo na ang
👧
mga gamit mo at Sige po ate
umuwi na tayo. Angelica,Pagabi
na din po baka
hinahanap nako ni
nanay.Salamat po.

👩 👧
At simula nga noon ay naging matalik na mag
kaibigan si Jene Rose at Angelica.
Aral:Ang pakikipag kaibigan ay hindi dapat
tumitingin sa pisikal na anyo bagkus tignan
kung gaano kabuti ang puso nito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin.
Paglalahad
“Nasiyahan ba kayo sa ating ginawa?” Opo

Tungkol saan ang ating binasang kuwento Ito po ay tungkol sa Pakikipag-kaibigan o Tunay
Mahusay! na kaibigan.

Batay sa ating nasaksihan kanina.Gumamit ba


ng pangungusap sa kuwento na binasa o
inakting nila? Ano ang mga napansin niyo?
Titser raf,mayroon pong bantas ng tandang
padamdam.
Tama.Ano pa?
Mayroon po itong bantas ng tandang pananong
Magaling!May napansin paba kayo? at tuldok.

Mayroon po itong tandang padamdam at tuldok.


Mahusay!

Ngayon,alamin muna natin kung ano nga ba ang


Ang pangusap po ay lipon ng mga salita na buo
pangungusap at mga uri nito ayon sa ating
tinalakay. Sino kaya ang may ideya sa ibig ang diwa.
sabihin ng pangungusap?

Tingnan nga natin kung tama ang kanyang


sagot.
Magaling!
Pangungusap- ang pangungusap ay lipon ng
mga salita na buo ang diwa.Binubuo ito ng
simuno at panag-uri.

Ngayon base muli sa ating binasang kuwento


magbigay nga kayo ng mga halimbawa ng uri ng
pangungusap na makikita o nabasa niyo?May
"Bata,bakit ka malungkot?" ito uri ng
makakapagbigay ba?
pangungusap na Patanong.

Bakit?
Dahil ito po ay mayroon po bantas na tandang
pananong titser at humihingi po ng kasagutan.

Mahusay!May makakapagbigay paba?


"Kunin mo na ang mga gamit mo at umuwi na
tayo".Ito po ay ng pangungusap na Pautos".

Magaling!Paano mo nasabi na ito ay


Pangungusap na Pautos?
Dahil ito ay nagtatapos sa tuldok.At inuutusan
niya po ito na umuwi na sila.
Magaling!Ano pa?

"Ako'y nalulungkot dahil walang gustong


makipagkaibigan sa akin!.Dahil madungis daw
ako".Ito po ay uri ng pangungusap na
Padamdam".Dahil ito po ay nagpapakita ng
damdamin na malungkot.

Tumpak!May makikipagbigay paba?Sige Ikaw


Kervin? "Huwag ka ng malungkot,kasi ako gusto kita
maging kaibigan".Ito po ay uri ng pangungusap
ma pasalaysay.
Paano mo nasabi na ito ay Pangungusap na
pasalaysay?
Dahil ito po ay nagbibigay kaalaman o
impormasiyon at nagtatapos po sa tuldok.

Mahusay!Grade 6 Saturn!
"Mobile Legend Clap"

Ngayon naman para sa ating beripikasyon sa


aklat (Book Verifacation) kunin niyo ang inyong
libro at ibukas ito sa pahina 168 at basahin ang
mga uri ng pangugusap.Alamin natin kung tama
ang inyong mga sinagot

May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.

Landas sa Wika 6 pahina 168

1.Pangungusap na Pasalaysay - Nagbibigay ng


impormasyon o kaalaman. Nagta- tapos sa
tuldok (.).

Halimbawa: Siya ay nakaupo na lang sa isang


lumang wheelchair.

2.Pangungusap na Patanong-Nagtatanong o
humihiling ng kasagutan. Nagtatapos sa
tandang pananong (?) .

Halimbawa: Anong gusto mong gupit?

3.Pangungusap na Pautos-Pangungusap na nag


-uutos. Nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa: Huwag mong gaanong nipisan ang


aking buhok.

4.Pangungusap na Padamdam-Nagsasaad ng
matinding damdamin, tulad ng tuwa, lungkot, o
gulat. Nagtatapos sa tandang pandamdam (!).

Halimbawa: Masaya talaga ako sa gupit ko!

May katanungan ba?


Wala po.
Mahusay bigyan niyo nga ang inyong mga sarili
ng Mobile Legend Clap!. "Mobile Legend Clap"

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Ngayon para inyong unang gawain maglabas


kayo ng isang buong papel.

Maari mo bang basahin ang panuto Ariel?


Panuto: Sabihin kung ito’y Pasalaysay, Pautos,
Panuto: Sabihin kung ito’y Pasalaysay, Pautos, , Patanong, at Padamdam.
Patanong, at Padamdam.
Tamang Sagot:
_____1.Marami akong nakitang murang sapatos
sa pagpunta naming sa shopping mall. _____1.Marami akong nakitang murang sapatos
sa pagpunta naming sa shopping mall.
_____2.Sunog! Nasusunog ang bahay!.
(pasalaysay)
_____3.Nay, ano po ang ulam natin ngayon?
_____2.Sunog! Nasusunog ang bahay!.
_____4.Mario, kunin mo nga yung sapatos ko sa (padamdam)
ilalim.
_____3.Nay, ano po ang ulam natin ngayon?
_____5. Naku! Nahulog ang bata sa kama!
(patanong)

_____4.Mario, kunin mo nga yung sapatos ko sa


ilalim.

(pautos)

_____5. Naku!Nahulog ang bata sa kama!

(padamdam)
Sino ang nakuha ng limang puntos?apat?tatlo
pababa?

Mahusay!Lahat kayo ay nakakuha ng perpektong


puntos dahil diyan bigyan ninyo ang inyong mga
sarili ng Ang galing clap! "Ang galing Clap"
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan # 2
Ngayon naman magkakaroon kayo ng
pangkatang gawain. Ngunit bago tayo tumungo
dito, anu-ano na nga ba ang dapat tandaan? 1.Gumawa nang may mahinang boses upang
hindi makaistorbo sa Gawain ng iba.

2.Gumawa ng may pagkakaisa at tulungan ang


grupo upang maging maayos at tama ang
gawain.
Mahusay!Ngayon ay magbilang tayo mula isa
hanggang tatlo,doon tayo magbabase ng inyong
grupo.Magsasama ang bilang isa,dalawa,at
tatlo.

Ngayon ay ibibigay ko na ang mga gawain.

Panuto : Magbalita,Magsadula at Gumawa ng


Maikling Tula gamit ang mga uri ng
pangungusap.

Senaryo 1- Magbalita sa katatapos lang na


Opo
NAT(National Achievement Test)

Senaryo 2- Tula patungkol sa "Paghahanda sa Wala po.


Sunog"

Senaryo 3- Magsadula sa pagpaplanong


pagtatanim ng mga halaman sa inyong
paaralan.

Bibigyan ko lamang kayong 5 minuto upang


makapaghanda sa inyong gagawing
presentasyon.

Mahusay! Grade 6 Saturn ako'y nagagalak dahil


tama ang inyong mga sinagot at
presentasyon.Nakikita ko na kayo ay nasiyahan sa at
nagkaisa ating gawain.

Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng Ang Galing


Clap.
"Ang galing Clap"
F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa
Formative Assessment)

Sa pagkakaraong ito ako ay may inihandang


kahon na naglalalaman ng ibat-ibang
ekspresiyon na inyong pagugulungin. Ang bawat
bilang na babasahin ninyo ay lalapatan niyo ng
tono o ekspresiyon.

Halimbawa:Sa unang bilang kung ang natapat na


ekspresiyon sayo ay malungkot ito ay babasahin mo
ng malungkot.

Nauunawaan ba? Opo

Wala nabang katanungan?

Wala na po

Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap


ay pasalaysay, patanong, pautos o padamdam.

1. Ang Pilipinas ay isang bansa sa Asya.

2. Saan nakatira si Mang Cardo?

3. Paki dala mo ito kay Lola Maria.

4. Yehey! Darating na si Nanay.

5. Tumakbo ka na.

6.Darating ba sa sa susunod na buwan ang


tatay mo?

7. Pakisauli mo ang alampay sa iyong tiya.

8. Talaga?! Dadalaw siya dito sa ating lugar.

9. Yehey! Mataas ang nakuha kong marka.

10. Maaari bang buhatin at ilipat mo ang aking


mga halaman doon.

Kung sino ang matatawag, inyong isusulat ang


sagot sa pisara.Nauunawaan naba ang panuto o
aktibidad na gagawin?

Tayo ay magsimula na!

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na


buhay

Bumuo ng pangungusap ayon sa gamit batay sa


ibinigay na sitwasyon.

1. Hindi ka natulog ng maaga. Hindi rin tumunog


ang alarm mo. Late ka na sa klase.

Padamdam:

Pasalaysay:

2. Dadalhin mo ang iyong nanay sa ospital.


Tumawag ka ng ambulansya. Sa daan may
isang drayber ng kotse ang ayaw tumabi.

Pautos: Opo

Padamdam:

3. Sinasagutan mo ang iyong modyul. Nahirapan


kang sagutin ang mga tanong dahil hindi mo ito
pinag-aralan.

Pasalaysay:

Patanong:
Tapos na ba ang lahat?

Opo

Ngayon ay atin na itong iwasto.

Bigyan niyo nga ang inyong mga sarili ng "Ang


Galing Clap".
"Ang galing Clap"

H. Paglalahat ng aralin
Mga bata, anu-ano na nga ulit ang mga
natutunan ninyo sa araw na ito base sa ating
aralin? Uri po ng pangungusap

Mahusay!
At anu-ano na nga ulit ang mga ito? Patanong po!
Pasalaysay po!
Pautos po!
Padamdam po!

Napakahusay!

Laging tatandaan mga bata na mahalaga ang


paggamit ng tamang pangungusap sa bawat
sitwasyon. Ilan sa mga ito ay kung kayo ay
magsasalay,mag-uutos, magtatanong, at
magugulat o mamamangha.

Magaling Grade 6 Saturn! Ako'y nakakagalak


dahil lubos niyong naunawaan ang ating aralin
sa araw na ito!

I. Pagtataya ng aralin

Para sa ating huling gawain ilabas ang inyong


kuwaderno at sagutan ang mga sumusunod.

Maari mo bang basahin ang Panuto?Jenerose?: Okay po titser.

Isulat sa patlang ang PS kung ang pangungusap


ay pasalaysay, PT kung patanong, PU kung
pautos at PD kung padamdam. Lagyan ito ng
tamang bantas.
Tamang sagot:
1. Wow _Ang ganda ng damit mo. 1.Wow! Ang ganda ng damit mo(PD)
2.Darating ba sa sa susunod na buwan ang
tatay mo?(PT)
2. Darating ba sa sa susunod na buwan ang
3.Malulusog ang mga tanim ni Liza.(PS)
tatay mo
4.Ariel,Dumalaw ka ba sa iyong lola?(PT)
3. Malulusog ang mga tanim ni Liza
5.Pakidala ng mga ito sa kapitbahay.(PU)
4. Ariel _Dumalaw ka ba sa iyong lola

5. Pakidala ng mga ito sa kapitbahay


Mayroon lamang kayong tatlong minuto para
sagutan ang gawain na ito.

Tapos naba ang lahat?

Sino ang nakakuha ng limang puntos?apat?tatlo


pababa?

Masaya akong malaman na lahat kayo ay


nakakuha ng perpektong puntos.Dahil diyan
bigyan niyo ang inyong mga sarili ng
Congrtulation clap!

J. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin


at remediation

Para sa inyong takdang aralin, Ilabas ang inyong


kuwaderno.

Panuto: Mula sa ating tinalakay na mga uri ng


pangungusap, gumawa ng pangungusap ayon
sa bawat uri ng pangugusap:

1. Pasalaysay-

2. Patanong-

3. Padamdam-

4. Pautos-

5. Pakiusap-
Maliwanag ba, mga anak? Opo

May katanungan paba tungkol sainyong


takdang aralin? Wala na po

Ngayon, ayusin na ninyo ang klasrum at


maghanda sa inyong susunod na klase.

Salamat sa inyong partisipasyon sa ating aralin


ngayon, Grade 6 saturn! Magkita-kita muli tayo
bukas.

Paalam! Paalam, titser raf!


V. Mga Tala

VI. Pagninilay

a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya.
b. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng
iba pang gawain para sa remediation

c. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng


mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

d. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation

e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

f. Anong suliranin ang aking naranasan na


nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?

g. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais


kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

INIHANDA NINA:

Gng. Virgie B. Villasin_


Cooperating Teacher

Rafael F. Tuazon

Student Teacher

er

You might also like