You are on page 1of 19

3

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 10
Magalang na Pananalita
Filipino – Baitang 3
Kuwarter 1 – Modyul 10: Magalang na Pananalita

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng karapatang-ari ng


anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula, larawan,
ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda at ng
tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang pahintulot
ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi kinakatawan maging
inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Evan Lee P. Leonem


Editor: Sonny A. Taugan
Tagasuri: Evan Lee P. Leonem
Adrian B. Bulalacao
Merly M. Endrano
Doraliza M. Pena
Tagaguhit: Evan Lee P. Leonem
Tagalapat: Evan Lee P. Leonem; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay


binuo ang serye ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga
lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most
Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan
ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at
kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na
pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa mga Magulang o Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng
oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o sino mang miyembro
ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang


papel ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga
gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos
nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad
itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa o may gabay ng magulang kung
kinakailangan sa mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang
mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan
at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang
papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Paggamit ng Magalang na Pananalita

Magandang araw!
Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong
kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?

Panimula Halika! umpisahan mo.

Sa gawaing ito, matututuhan mo ang wastong paggamit ng


magalang na pananalita na angkop sa sitwasyon.

O, ano kayang-kaya ba?

Layunin

Sa modyul na ito, inaasahan na nagagamit mo


ang magalang na pananalita na angkop sa
sitwasyon (pagbati, pakikipag-usap,
paghingi ng paumanhin, pakikipag-
usap sa matatanda, ,hindi
kakilala, at panghihiram
ng gamit)

1
Sa bahaging ito makikilala mo ang
mga salitang mababasa mo para
sa araling ito.
Talasalitaan
Basahin mo.

Magalang – ito ay isang pag-uugali na nagpapakita ng


respeto sa kapwa lalong-lalo na sa mas
nakatatanda.
- Ito rin ay kumikilala at tumatanggap sa
katuwiran ng iba.

Sitwasyon – tumutukoy sa iba’t ibang pangyayari


na maaaring nararanasan mo sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Payak - naglalarawan ng simpleng pamumuhay.

2
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok
Panuto: Pagmasdan ang larawang nasa ibaba. At sagutin ang
mga sumusunod na katanungan tungkol sa larawan.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

http://saksingayon.com/wp-content/uploads/2019/08/MAGALANG.jpg

1. Sino-sino ang nakikita mo sa larawan?


2. Ano ang ginagawa ng batang lalaki sa kamay ng
matanda?
3. Ano ang sinabi ng bata sa lolo at lola?
4. Anong katangian ng mga bata ang ipinakita sa larawan?
5. Katulad ka rin ba ng dalawang bata?

3
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa wastong sagot sa mga tanong gamit ang
susi sa pagwawasto sa pahina 13
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUTIHAN PA
Walang tamang sagot – KAYA MO YAN

O, diba kayang-kaya mong sagutan


ang bawat katanungan.

Halika, may inihanda pa akong


maikling dayalogo o usapan.

Mga Gawain sa Pagkatuto


Panuto: Basahin ang dayalogo o usapang nasa ibaba. Pagkatapos
ay sagutin ang mga katanungan tungkol sa iyong binasa.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Mahal kong Lolo at Lola


(Materyal mula sa Banghay-Aralin ng Filipino 3,
Kuwarter 1, LInggo 3, pahina 45-50)

Bakasyon nang dumalaw ang pamilya ni Benjie sa kaniyang


lolo Beny at lola Berna sa Catanduanes. Payak at masaya ang
buhay sa kaniyang lolo at lola sa probinsiya, kaya naman gustong-
gusto ni Benjie ang magbakasyon sa kanila.

Lolo Benny: Salamat at dinalaw ninyo kami.

Benjie: Pasensiya na po kayo at ngayon lang kami


nakadalaw.

4
Lola Berna: Ayos lang apo.
Ang mahalaga’y nandito ka ngayon.
Saan mo ba gustong mamasyal?

Benjie: Naku lola, gusto ko lang po kayong makasama.


Tutungan ko po kayo sa inyong mga gawaing-
bahay.

Lolo Benny: Ito talagang apo ko manang-mana sa akin!

Lola Berna: Mana sa iyo o sa akin?


(mapapaupo na parang nahihilo)

Benjie: O, lola ayos lang po ba kayo?

Lola Berna: Nahilo lang ako, dahil siguro sa panahon.

Lolo Benny: Dapat kasi ay hindi ka na masyadong magkikilos


dito sa bahay.

Benjie: Tama po si lolo Benny, Lola.


Maaari po bang ako na ang gumawa ng gawain
ninyo?
Ngayon na nandito po ako, ako muna ang mag-
aalaga sa inyo.

Lola Berna: Naku! Salamat apo, pero huwag mo akong


intindihin.
Kaya ko pa naman.

Lolo Benny: Hay ang apo ko talaga, mana sa akin. Napakabait


Benjie: Salamat po!
Nagkatinginan ang Nanay at Lola Berna at sila’y nagkatawanan.

5
Sagutin mo:

1. Sino ang dumalaw sa mga lolo at lola sa kuwento?


_________________________________________________
2. Saan nakatira ang lolo at lola ni Benjie?
_________________________________________________
3. Bakit gustong-gusto ni Benjie ang magbakasyon sa kanyang
lolo at lola?
_________________________________________________
4. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Benjie sa
kuwento?
_________________________________________________
5. Ano-anong magagalang na pananalita ang ginamit sa
kuwento?
_________________________________________________

Tandaan Mo!
Ang paggamit ng mga magagalang na pananalita ay
bahagi na ng kultura at ugali nating mga Pilipino. Ang pagiging
magalang ay nagpapakita rin ng respeto sa kapwa lalo na sa mga
nakatatanda sa iyo. Narito ang magagalang na pananalita na
maaari mong gamitin ayon sa sitwasyon:

Pagbati Magandang umaga po.


Magandang tanghali po.
Magandang hapon po.
Maligayang kaarawan.
Pakikipag-usap Paggamit ng po at opo sa
bawat dulo salita o
pangungusap.
Paghingi ng paumanhin Ikinalulungkot ko po.
Ipagpaumanhin po niyo.
Hindi ko po sinasadya.
Paghihiram ng gamit Maaari po ba?
Salamat po.

6
Yehey! Nagagamit mo na ang magagalang na pananalita na
angkop sa sitwasyon.

Anong mahahalagang karanasan o sitwasyon ang iyong


maiuugnay sa nabasang diyalogo o kwento?
Tingnan ang sagot sa Susi sa Pagwawasto pahina 13
Makatutulong kaya ito sa iyong pag-aaral?
Markahan sa ibaba gamit ang (✓ ), ang antas ng iyong
pagkaunawa:
___Lubos na naunawaan
___Naunawaan
___Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Pagsasanay 1

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat


sa patlang kung anong angkop na sitwasyon ang
ipinapahayag ng may salungguhit na pananalita. Pumili
kung ito ay para sa Pagbati, Pakikipag-usap, paghingi ng
paumanhin, paghihiram ng gamit. Kopyahin at sagutin ito
gamit ang inyong sagutang papel.
_______________1. Magandang umaga po Binibining Lopez.
_______________2. Nasa dulo po ng daan.
_______________3. Ikinalulungkot ko po, hindi ko po natapos.
_______________4. Maaari ko po bang mahiram ang iyong
lapis?
_______________5. Maligayang kaarawan sa iyo kaibigan.

7
Kumusta ang unang pagsasanay? ___ MADALI ba o ____ MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa Susi sa Pagwawasto pahina 13
Nakuha mo bang lahat ang wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo na LAHAT, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung MABABA sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at
pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang mga pangungusap sa inyong sagutang papel.


Salungguhitan ang magagalang na pananalita na
ginamit sa bawat pangungusap.
1. Magandang umaga po, natutuwa po akong makita kayo.
2. Pasensiya na po kayo at ngayon lang kami nakadalaw.
3. Maaari po bang ako na ang gumawa ng gawain ninyo?
4. Nahulog ko po ang plato, hindi ko po sinasadya.
5. Salamat po sa pag-unawa.

Ang galing-galing mo!


Natapos mo ang Pagsasanay 2.
Tingnan ang sagot sa Susi sa Pagwawasto pahina 13
Saang pagsasanay ka nahirapan? ___ Pagsasanay 1
___ Pagsasanay 2

Ganunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

8
Pagsasanay 3
Balikan ang mga natutuhan sa mga naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Gamitin ang magalang na salita na angkop sa sitwasyon.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. “Magandang umaga, mga bata,” bati ng guro sa klase.


a. Magandang umaga.
b. Magandang umaga naman.
c. Magandang umaga naman po.

2. Binigyan si Anita ng baon ng kanyang Tito. Ano ang dapat


sabihin ni Anita?
a. Salamat po.
b. Pakidagdagan po.
c. Pahingi pa.

3. Nabasag ang paboritong plorera ng ina ni Liza dahil natabig


niya ito habang naglilinis. Ano ang dapat sabihin ni Liza sa
ina?
a. Hindi ko po sinasadya.
b. Nabasag ko ang plorera.
c. Aksidente ang nangyari.

4. Isang umaga nakasalubong mo ang punongguro sa inyong


paaralan. Ano ang sasabihin mo?
a. Kumusta po kayo?

9
b. Magandang umaga po G. Cruz.
c. Bibili lang ako sa kantina.

5. Hindi ka nakagawa ng proyektong pinapagawa ng iyong


guro dahil inutusan ka ng nanay mo. Ano ang sasabihin mo
sa iyong guro?
a. Ikinalulungkot ko po na hindi ako nakagawa.
b. Inutusan kasi ako ni nanay.
c. Kasalanan po ni nanay.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto
sa pahina 13.
Anong nararamdaman mo matapos malaman ang resulta
ng iyong pagsisikap sa bawat pagsasanay?

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan


mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan
mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang gamit ng magalang na


pananalita ayon sa sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

10
10
magandang tanghali po
maaari po
tao po
makikiraan po
maupo po kayo

1. Isang Linggo, sa iyong pagsisimba may nakita kang ale na


walang maupuan sa simbahan. Ano ang sasabihin mo sa
kanya? __________________________.

2. Sa pag-uwi ni Ana galing sa paaralan, may nasalubong


siyang matanda. Binati niya ito ng
____________________________.

3. Ang mga magkaklase na sina Anne, Mariel at Amy ay


pumunta sa bahay ng kanilang kaklase. Pagdating nila roon
ay kumatok muna sila at nagsabi ng __________________.

4. Sa pagpasok ni Daniel sa kanilang silid-aralan ay nag-uusap


ang mga guro sa may pintuan. “_________________________”.

5. Pumunta sa silid-aklatan si Kathlyn para humiram ng aklat.


“_______________________ ba akong humiram ng aklat?” ang
sabi niya sa guro na nagbabantay sa silid-aklatan.

Yehey! Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong
mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto sa pahina 13/14
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.
Nagawa lahat
1 hindi nagawa
2 hindi nagawa
3 pataas hindi nagawa

11
Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang mga magagalang na pananalita, magsulat ng
sariling dayalogo o pag-uusap na angkop sa sitwasyong
ipinapakita ng larawan.

2.___________ 3.___________
1.___________

5.___________

4.___________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.

Tingnan ang sagot sa Susi sa Pagwawasto pahina 14

Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga


pagsasanay at gawain.

Ang husay mo Kid!

12
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok:
Mga posibleng sagot:
1. Lolo, lola, bata/apo
2. Hinahawakan at mag mamano
3. Opo
4. Magalang
5. Opo

Mga Gawain sa Pagkatuto

1. Benjie
2. Catanduanes
3. Payak at masaya ang buhay probinsiya
4. Magalang, matulungin, at maalalahanin
5. Salamat, pasensya na po, tulungan ko po kayo, ayos lang
po ba kayo?

Pagsasanay 1

1. Pagbati
2. Pakikipag-usap
3. Paghingi ng paumanhin
4. Paghihiram ng gamit
5. Pagbati

Pagsasanay 2

1. Magandang umaga po, natutuwa po akong makita kayo.


2. Pasensiya na po kayo at ngayon lang kami nakadalaw.
3. Maari po ba na ako na gumawa ng gawain ninyo?
4. Nahulog ko po ang plato, hindi ko po sinasadya.
5. Salamat po sa pag-unawa.
13
Pagsasanay 3

1. C
2. A
3. A
4. B
5. A
Panapos na Pagsubok:

1. Maupo po kayo
2. Magandang tanghali po
3. Tao po
4. Makikiraan po
5. Maari po

Karagdagang Gawain
Posibleng sagot:
1. Magandang umaga sa iyo Ben.
2. Maganadang umaga rin sa iyo Ana.
3. Mano po lola.
4. Maaari po ba ako diyan mamasyal?
5. Siyempre naman, ngunit ipagpaumanhin mo kung hindi ko
pa ito lubos na nalilinisan.

14
Sanggunian

(1) http://saksingayon.com/wp-content/uploads/2019/08/MAGALANG.jpg
(2) https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learners-
edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4
(3) https://image.slidesharecdn.com/edukasyonsapagpapakatao-
170425065443/95/k-to-12-grade-1-learners-material-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q1q4-59-638.jpg?cb=1493103898
(4) (Materyal mula sa Banghay-Aralin ng Filipino 3,Kuwarter 1, LInggo 3,
pahina 45-50)

15
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like