You are on page 1of 8

ISABELA STATE UNIVERSITY

Cabagan Campus
JUNIOR HIGH SCHOOL
Daily Lesson Plan
Ikaapat na Markahan
School year 2022-2023

PETSA: August 19,2023


BAITANG: 9
ASIGNATURA: Filipino 9
BILANG NG ORAS: 1HR
Pamantayang Nilalaman: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya

Pamantayang sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na kaisipanukol


sa pagdedesisyon sa kani-kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Mga Kasanayang Pampagkatuto: F9PB-la-39 Nabubuo ang isang paghatol o
pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nalalaman ang mensaheng nais iparating ng akdang “Ang Ama”; at
b. Napapahalagahan at naisasabuhay ang mga aral na natutunan sa maikling
kwentong “Ang Ama”; at
c. Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig o kataga na nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagbuo ng sariling bersyon ng wakas
ng kwento.

II. NILALAMAN:
Ang Ama: Maikling Kwentong Makabanghay (Singapore)
Isinalin sa Filipino ni M. R. Avena

III. MGA SANGGUNIAN:


Filipino Modyul para sa mag-aaral pp. 17-33

IV. KAGAMITANG PANTURO:


laptop, projector, biswal eyds
V. PAMAMARAAN:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Paghahanda
1. Pagbati
Magandang umaga! Magandang umaga guro!

2. Panalangin
Bago natin pormal na simulan
ang talakayan

3. Kaayusan ng Klasrum
Bago kayo maupo ay
siguraduhin munang malinis
ang inyong paligd at silong ng
inyong mga upuan

4. Pagtala ng Lumiban

A. Pagbabalik-aral sa nakaraang
aralin at/o pagsimula ng
bagong aralin:
Ano muli ang element ng
maikling kwento?

Sadyang di kayo nakakalimot,


ngayon at dadako tayo sa
panibagong talakayan bago
iyon may ipapakita ako.

Handa na baa ng lahat? Opo!

B. Mga Gawain na
Pagsisimula/Paghahanda ng
Bagong aralin
Sa ating panibagong aralin,
panibagong leksyon ang
matututuhan. Ang pahayag na”Ang
pagsisi sa huli ay isang pagtama sa Hindi po guro, dahil ang pagsisi ay
kasalanan ”, ay inyo bang pagtanggap sa kasalanan, kung talaga
pinaniniwalaan? Magbigay ng ilang nagsisi ka sa simula pa lamang inayos
patotoo. at gumawa ng paraan para magkaayos
o maayos muli ang bagay na nasira
na.

Tama! Habang nabubuhay tayo


at may pagkakataon pa dapat na
natin ayusin ang mga bagay na
ating pinagsisihan o nagawang
kasalanan, hindi kailangan ito
ay patagalin pa o may
mawala/malayo pa sayo. Hindi pa po

Matanong ko lang, kayo ba ay Opo, dahil sa sobrang takot at


nakaranas na ng pagsisi sa pagkawala sa sarili ay di kop o
buhay at di na ito naagapan pa? alanganin may mawawala sa buhay
ko dahil sa pagiging makasaril ko.

May mga bagay din kasi na di


natin akalain mangyare, at may
mga bagay naman na naagapan.
Kaya kayo hanggang bata pa at Opo guro!
may oras pa ay magpakatotoo
kayo sa inyong nararamdaman,
naiintindihan ba?

C. Pagtalakay sa
Konsepto/Kasanayan
1. Pagganyak
Klas! May ipapakita akong
larawan sa inyo at tukuyin kung
saang bansa ito at pagkatapos
ay ilahad ang mga dahilan kung
bakit mo gustong tumungo dito
at ano ang dahilan.

Meron akong naihanda ditto upang


mas maunawaan ang ating
tatalakayin sa araw na ito. Ang
ipapagawa ko ay tinatawag kong
“LaraHulugan”.

“LaraHulugan”
Panuto: Klas! May ipapakita akong
mga larawan sa inyo at tukuyin ninyo
ang nais iparating ng mga larawan.

Panuto: Magpapakita ng iba`t ibang


larawan ang
(MGA LARAWANG
NAIHANDA)
2. Paglalahad

Nakaranas na ba kayo pumunta


ng ibang bansa? Tulad ng
Singapore? Hindi pa po.

Handa na baa ng lahat makinig?


Opo guro!

Kung ganun ay ating tuklasin


ang Singapore.

Alam nyo ba na....

SINGAPORE- ay dating
tahmik at di-kilala. Taong 1819
nang sinakop ng mga British
ang Singapre.
-sinakop sila hanggang 1963
- 1965 nang maging sila ay
Malaya
...
Opo!
Naindinhan ba klas!?

Sa pagtuklas natin sa Singapore


ay para na din tayo nakapunta
doon.

“Paghawan ng Sagabal”

1. Kaluwagang-palad-
pagbibigay ng walang pag-
aalinlangan o hindi labag sa
kalooban.
2. Umakit sa malaking kamay-
Tumukso sa kamay na maging
malupit.
maging malupit
3. Nagpapangilo sa Nerbiyos-
Nagdudulot ng sobrang
nerbiyos.
nerbiyos
4. Matigas ang loob- Matapang o
matatag ang kalooban.
5. Alaala ng isang lasing na suntok sa
bibig- Hindi sinasadyang mga
masasakit na salita na namutawi sa
bibig.
sinasadyang mga masasakit na salita na
namutawi sa bibig

Ngayon naman ay ating kilalanin ang


may akda ng “Ang Ama” ng maikling
kwento.

3. Analaysis/Pagtalakay

pagtalakay kay Mauro R. Avena na


nagsalin sa Filipino ng “Ang Ama”

si Mauro R. Avena 1916-2002 ay


isang miyembro ng pamilya Avena. Si
Mauro ay ipinanganak noong
Agosto 1, 1916. Si Mauro ay namatay
noong Hunyo 3, 2002 sa 85 taong
gulang. Nagawa naming mahanap
ang isang talaan ng kamatayan
para kay Mauro R. Avena sa
Estados Unidos Social Security
Master Kamatayan Index (SSDI).

Maikling Kwento
“Ang Ama” sa Sinapore
Ngayon naman ay ating panoorin ang https://youtu.be/tvfymZ24RZ0
“Ang Ama” maikling kwento, at ating
sabay sabay tuklasin at unawain ang
kwento na ito.

4. Pagtatalakay Pangkaisipan

“Tanong ko, Sagutin Mo”


“Tanong ko, Sagutin Mo”
1. Ano-anong katangian ng ama sa
kwento?
2. Paano pinakita ng ama ang
kaniyang
pagmamahal sa kanyang anak?
3. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip
na inip na
mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira
ng ulan
ang malaking bahagi niyon, pero sa
natira sa
kanilang nailigtas ay nagsalo-salo sila
tulad sa
isang piging na alam nilang si
nila mararanasang muli.” Ano ang nais
ipahwatig ng panghuling pangungusap
na ito? Bakit ganito ang saloobin ng
mga bata?

5. Paglalapat
1. Kung is aka sa mga kapatid ni
mui-mui, ano ang iyong
gagawin sa ganoong sitwasyon?
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan
ng Ama ano ang iyong
mararamdaman?

6. Paglalahat
Bilang pagkabuuan, sa inyong palagay
tama b ang ginawa ng ama sa kanyang
anak?

Katulad ng napag-aaralan ninyo sa


inyong asignaturang ESP o Eduasyon
sa Pagpapakatao, napag-aralan ninyo
ang halaga ng buhay ng tao o mga
pagpapa-halagang moral na dapat
taglayin ng isang indibidwal.

VI. Ebalwasyon:

1. Isang uri ng maikling kwento na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.


Ano ito?
a. Katatakutan
b. Katutubong-kulay
c. Makabanghay
d. Tauhan
2. Anong katangian ang ipinakita ng ama sa akda?
a. Masayahin
b. Mapanakit
c. Matulungin
d. Mapagbigay

3. “Ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik


sa kabila ng kwarto.” Sa iyong palagay tama ba ang ginawa ng ama?
a. Opo, dahil natigas ang ulo ng bata
b. Opo, dahil hindi nakikinig ang bata sa sinasabi ng kanyang ama.
c. Hindi, sapagkat hindi naman lumalaban ang bata sa kanya
d. Hindi, sapagkat walang kalaban-laban ang bata upang saktan nya ito.

4. Bakit kailangan ilayo ng magkakapatid si Mui-mui kapag dumarating na ang


kanilang ama?
a. Dahil uutusan lamang ito ng ama
b. Dahil papalabasin siya ng kanilang bahay
c. Dahil sasaktan siya ng ama kung hindi ito susunod sa utos nito
d. Dahil kapag narinig ng ama ang hilinghing ng anak ay sasaktan niya ito.

5. Ano ang nangyari kay Mui-mui matapos dalhin sa hospital?


a. Nakalabas agad ng hospital si Mui-mui
b. Nanatili sila sa hospital dahil walang pambayad
c. Namatay si Mui-mui at lubusang nagsisi ang kanyang ama
d. Wala sa nabanggit

6. Sino ang nagsalin ng maikling kwento na may pamagat na “Ang Ama”?


a. Mauron R. Avera
b. Mauro R. Avena
c. Maro R. Avena
d. Muar R. Avena

7. Paano pinakita ng ama ang kanyang pagsisisi?


a. Humarap siya sa maraming tao at nagsisi
b. Humarap siya sa kanyang mga anak at nagsisi
c. Humarap siya sa puntod ni Mui-mui at sinabi sa kanyang mga anak na
nagsisisi na siya
d. Hindi siya nagsisi sa kanyang mga ginawa
8. Isang akdang pampanitikang na nag-iiwan ng isang kakintalan. Kadalasang
natatapos itong mabasa sa isang upuan lamang
a. Nobela
b. Maikling kwento
c. Sanaysay
d. Tula

9. Ilan sila magkakapatid sa napanood na maikling kwento na “Ang Ama”?


a. 3
b. 7
c. 6
d. 8

10. Sino ang bunso sa magkakapatid?


a. Mai-mai
b. Martin
c. Miguel
d. Mui-mui

e. mauTakdang-Aralin:
VII. Kasunduan
Gumawa ng isang poster na may kinalaman sa kahalagahan ng isang Ama sa loob ng
isang buong pamilya o kahalagaan ng isang ama na tumayo bilang ina sa iba.

Inihanda ni: Cervantes, Angelica S.

You might also like