You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino

Petsa: June 06, 2019

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang


pampanitikan ng Timog Silangang Asya.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa


isang book fair ng mga akdang pampanituikan ng Timog-Silangang Asya

I. LAYUNIN :

(F9PB-Ia-b-39) Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.

(F9PT-Ia-b-39) Nabibigyang-kahulugan ang mahirap na salitang ginamit sa denotatibo o konotatibong


kahulugan.

(F9PU-Ia-b-41) Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Ama


Anim na Sabado ng Beyblade
Wika : Mga pangatnig at transitional Devices
Kagamitan : Laptop, , makukulay na pantulong na Biswal, aklat
Sanggunian : Panitikang Asyano , Modyul ng mag aaral sa Filipino 9,

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Balik Aral
Tungkol saan ang tinalakay natin kahapo? Tungkol po sa Bansang Singapore, at ang kanilang
kultura , edukasyon . at mga batas.
Mahusay!

Bukod sa Bansang Singapore , ano pa? Tinalakay din po natin ang tungkol sa kwentong nang
Minsang maligaw si Adrian.
Tama! Alin sa mga pangyayari ng kwento ang
nagpapakita ng pagpapahalaga sa lipunang asyano? Nasasalamin po roon ang pagmamahal sa pamilya,
sapagkat kahit anong galit man ang iniinda ng anak ay
sa huli ay natanggap niya rin mahalin ang ama.
Gayundin sa ama, na sa halip na magalit hindi niya ito
pinairal bagkos inalala pa niya ito.

MAhusay na kasagutan.

B. Pagganyak
Ano ang inyong masasabi hinggil sa larawan?
Haligi ng tahanan
Larawan ng isang Tagapagtanggol
AMA Masipag
Mabait at iba pa
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

C. Paglalahad ng Aralin

Ngayong araw ay una nating alamin at pag-aralan ang panitikan ng Singapore na ang maikling
Kwento. Pinamagatang “Ang Ama” Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.

Si Mauro R Avena ay isinilang noong Agosto 1, 1916 at namatay noong Hunyo 3, 2002 sa 85
na taong gulang. Siya ay isang manunulat at naging pamoso dahil sa kanyang akdang "Ang
Ama"

D. Paglinang ng TAlasalitaan
Bigyang kahulugan ng sinalungguhitang mga pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.
1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang palad nito. Iba’t ibang kasagutan
3. Kung umuwi ito ng pasigaw-sigaw at padabog dabog , tiyak na walang pagkain, at ang
mga batay magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa na gawa nila ay makainis
sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha.
4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng
ama at ito’y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo
lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa
kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di’y nagdesisyong
kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak.
6. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na
bata.

E. Talakayan

ang “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong makabanghay na nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari? Mahalagang matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo
na ginamit ng mayakda.

Pagkakaiba ng kwentong Makabanghay sa iba pang uri ng Maikling kwento

Maraming uri ang Maikling Kwento. Isa na dito ang kwentong makabanghay, ngunit alam
nyo ba ang pagkakaiba nito sa iba pang uri ng maikling kwento?

Ang Kwentong Makabanghay ay naiiba sa iba pang uri ng maikling kwento dahil ito ay may
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari (Simula,Gitna,Wakas) at ang pagkakabuo ng
pangyayayri ang mahalaga. Hindi tulad ng ibang uri ng maikling kwento na nagsisimula sa huli
o gitna papunta sa mga pangyayayri sa simula.

F. Pagbasa ng Akda

Sino ang tauhan sa Kuwento?


Ibigay ang mga katangian ng bawat isa
Saan ang tagpuan ng binasang akda?
Ilahad ang pamumuhay ng pamilya.
Paano inilahad ang simula ng kuwento?
Kung ikaw ang nasa katayuan ng Ama gagawin mo din ba ang saktan ang iyong anak?
Makatarungan bang saktan ang anak sa kadahilanang naiirita ito sa halinghing ng bata?

G. Pangkatang Gawain

Pangkatang Gawain

Pangkat 1 PAKSA KO - SURIIN MO


Ipaliwanag ang paksa ng maikling kuwentong “Ang Ama”. Ilahad ang patunay batay sa
pagkasuri ng paksa ng akda.

Pangkat II

Ano anong katangian ng ama ang nangingibabaw sa Kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa
kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?

Katangian ng ama Bahagi / Pangyayari nagpapatunay

Rubriks
Nilalaman at Organisasyon ng mga Kaisipan o Mensahe 15
Kaisahan ng Pangkat o Kooperasyon 10
Kabuuan 25

H. Pagbabahaginan ng natapos na awtput


I. Pagbibigay pidbak ng mag-aaral
J. Pagbibigay input ng guro.

K. Paglalahat

Ano ang kwentong Makabanghay?

Paano ito nagkakaiba sa ibang kwento?

Sa paanong paraan mapatutunayan na ang maikling kuwentong “Ang Ama” ay


isang uri ng kuwentong makabanghay?

Ipaliwanag ang paksa ng maikling kuwentong “Ang Ama”.


Ilahad ang patunay batay sa pagkasuri ng paksa ng akda.

Paano nakatulong ang paggamit ng awtor ng mahirap na salita sa pag-unawa ng kabuuan ng


kuwento?

L. Paglalapat
PROTEKSYON - KARAPATAN MO…
Isa kang mambabatas, bumuo ka ng isang batas na mas higit na proteksyon ang ibibigay sa
mga batang inaabuso ng kanilang ama. Gamitin ang denotatibo at konotatibong kahulugan.

M. Pagtataya
Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at punan ng mga pangyayari mula
sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin ang tagpuan, tauhan, at
kahalagahang pangkatauhan.
3 4 5

2 6

1 7
Kahalagahang Pangkatauhan
Tagpuan at tauhan

IV. Takdang Aralin

1. Basahin at unawain ang kuwentong Anim na Sabado ng Beyblade.

Desisyon: Hindi natapos ang aralin sa bahaging Pangkatang Gawain

Ipinasa ni :
REYMOND B. LUNA

You might also like