You are on page 1of 6

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON
Unang Semestre TP 2019-2020

FIL 209: PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITANG PANTURO

Pangalan: Berongoy, Joyce L. Propesor: Joel Lim Zamora


Kurso/Seksyon: BSED 2 FILIPINO Araw/Oras: Sabado/ 5:00 – 8:00 n.g.

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. MGA LAYUNIN :
A. Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.
(F9PB-19-b-41)
B. Nasusuri ang sariling ideya ng iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan ng
nagsasalita. (F9PN-If-42)
II. PAKSANG ARALIN :

PAKSA : Mga pangatnig at Transitional Devices sa Pagsusunod-sunod ng mga


Pangyayari (subalit, samantala, sa wakas, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa
lahat ng ito)
“Ang Ama”
GENRE : Maikling Kwento
TEORYA : Eksistensiyalismo

III. PANIMULANG GAWAIN:


1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtala ng liban sa klase
5.Pagwawasto ng takdang-aralin

IV. PAMAMARAAN :

A. PANIMULANG GAWAIN:
1. PAGGANYAK :

Mayroong ibat-ibang klase ng larawan na nakadikit sa pisara. Magtatawag ang guro sa


kanyang mga mag-aaral upang alamin kung anong trabaho ng ama ang mayroon sila batay
sa mga larawang nakadikit sa pisara at ipapaliwanag ito kung bakit iyon ang kanilang napili.
B. PAGHAWAN NG SAGABAL: (PAGLINANG NG TALASALITAAN)
Panuto: Suriin ang pangungusap. Ilahad ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit.

1. Ang takot ay sa alaala ng 2. Mula sa kaniyang awa sa 3. Iniingatan nilang mabuti na


isang lasing na suntok sa sarili ay bumulwak ang hindi humalinghing si Mui-Mui.
bibig na nagpapatulo ng wagas na pagmamahal sa
dugo at nagpapamaga ng patay na bata.
ilang araw sa labi.

4. Dumating ang ama sa 5. Naiwan sa katawan niya


libingan sa tabing-gulod. ang basang kamisandentro.

C. PAGLALAHAD:

Pagsasalaysay sa tulong ng mga larawang angkop sa binasang akda.


D. PAGTATALAKAY SA ARALIN:

1. Paglalahad ng pamantayan sa pagmamarka

PINAKAMAHUSAY PINAGHANDAAN INAASAHAN ANG


PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA (5 PUNTOS) NAMAN PAG-UNLAD
(5 PUNTOS) (5 PUNTOS)

NILALAMAN NG PAG-UULAT
KUMPLETO ANG MGA IMPORMASYONG NAIULAT

PAGLALAHAD
MAAYOS NA NAILAHAD ANG MGA IMPORMASYONG NAIS
IPARATING SA MGA TAGAPAKINIG

PAGKAMALIKHAIN
KINAKITAAN NG MAKABAGONG PAMAMARAAN SA PAG-UULAT

KAAYUSAN AT KAHANDAAN
NAGPAKITA NG KAAYUSAN AT KAHANDAAN SA PAG-UULAT

Kabuuang Puntos: 15 PUNTOS

2. Pangkatang Gawain:
 Pangkat 1 : Ilarawan ang katangian o kaugalian ng mga tauhan sa maikling
kwento.
Pangkat 2 :.Magpakita ng limang aral na natutunan sa kwento.

Pangkat 3: Sa pamamagitan ng Dula bigyan ng pansariling wakas ang kwento

C. Pagbabahaginan ng napag-usapan ng bawat pangkat

D. Pagbibigay reaksyon sa napakinggan

E. Pagbibigay ng karagdagang tugon ng guro.


F. Pagbuo ng Sintesis

G. Pagtataya:

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Magkahalong takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang?


A. Kapatid
B. Tiyo
C. Ina
D. Ama

2. "Madalas Humalinghing at sakitin ito na parang kuting" Sino ang tauhan na tinutukoy?
A. Loh
B. Lau Soh
C. Kapatid
D. Mui-Mui

3. " Nagsalu-salo sila tulad ng isang piging ns alam nilang di nila mararanasang muli" Saan
Kumain ang mga bata?
A. Kusina
B. Parke
C. Labas ng bahay
D.Sementeryo

4-5 ibigay ang tamang titik na nagpapakita ng pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa
kwento

I.Natandaan ng Bata ang isa sa dakwang okasyon na sinorpresa sila ng ama.


II.ang takot ay alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo sa labi.
III.Pero hindi na ulit naulit ang masayang okasyong iyon.
IV. Uuwing lasing ang ama at itoy manggugulpi ng kanilang ina.
A. III,II,IV,I
B. II,I,III,IV
C.IV,II,I,III
D.I,II,III,IV

V. Takdang Aralin:
Sumulat ng isang tula na pumapatungkol sa katangian ng iyong ama.

You might also like