You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region IV-A CALABARZON

VICENTE MADRIGAL INTEGRATED SCHOOL


Quarry Road, Palangoy, Binangonan,Rizal
Taong Panuruan 2023-2024

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO SA FILIPINO BAITANG 8

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ang mag-aaral ng pag- unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Katutubo, Espanyol at Hapon.
B. Pamantayang Pagganap
Nabubo ang isang makatotohanang proyektong panturismo.
C. Mga kasanayan sa Pampagkatuto
1.Nabibigyang- kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa
alamat ayon sa: kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. ( MELCs 2)

II. NILALAMAN
Paksang Aralin : Pagbibigay- Kahulugan sa Talinghaga
Alamat “.Daragang Magayon”
Sanggunian : PVOT 4A Modyul para sa mag-aaral sa Filipino 8, Unang Markahan
Kagamitan : Powerpoint Presentation, mga larawan, bidyo

III. PAMAMARAAN
A. Panimula
1. Panalangin
2. Pagtala ng Liban sa Klase
B. Balik-aral
1. Ano ang talinghaga? Anong uri ng panitikan ang nagtataglay ng talinghaga
2. Tukuyin ang kahulugan ng matalinghagang pahayag.
a. Sana ay magdilang-anghel ka at matapos na sa lalong madaling panahon ang pandemya
na ito.”
b. Hinanap ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Pinang na naglahong parang bula.
c. Sa Darating na Abril ng susunod na taon ako at ang aking kasintahan ay lalagay na sa
tahimik
d. Butas na ang aking bulsa matapos ang ilang buwang kawalan ng trabaho buhat ng
pandemya
C. Paglalahad ng Aralin:
Pagganyak: # Larakwento
Alam nyo Ba…
Ang Bulkang Mayon ay isang aktibong bulkan na kilala dahil sa perpektong hugis apa nito.
Makikita rin sa larawan ang Cagsawa Ruins na isang 16th Century Francescan Church na itinayo noong
1587, sinira at sinunog ng mga dutch pirate noong 1636. Ang bulkang Mayon ay matatagpuan sa Albay.
May mga kwento tungkol sa pinagmulan nito.

Gawain 1. Ayusin ang mga ginulong letra at ibigay ang konsepto sa nabuong salita

Alamat- kwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.


Gawain 2. Panunuod ng video

D. PAGLINANG NG TALASALITAAN

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin kung ang magkapares na salita ay magkasalungat o magkasingkahulugan
1. Pinaulanan - Dinamihan
2. Nagtuos - Naglaban
3. Nag-agaw hininga - Lumakas
4. Lumutang - Bumaba
5. Mabihag - Mapalaya

GAWAIN 2: IPALIWANAG MO!


Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat pahayag.

1. Pinaulanan ng regalo ni Pagtuga ang ama ni Daragang Magayon.


2. Walang puknat ang pagtutuos ni Pagtuga at Ulap para sa pag-ibig ni Magayon.
3. Nag-aagaw hininga si Daragang Magayon nang tamaan ng palaso
4. Lumutang sa ulap ang mga palaso sa araw na iyon.
5. Walang isa man sa manliligaw ng dalaga ang bumihag sa kanyang puso.
E. PAGTALAKAY SA NILALAMAN
1. Sundan ang Tauhan
2. Malayang Talakayan
a. Batay sa kwento ano ang pinagmulan ng Bulkang Mayon?
b .Ilarawan ang pinaglibingan ni Ulap at Magayon paglipas ng araw.
c. Ano ang paniniwala ng mga tao kapag yumayanig at nagbubuga ng mga bato ang bulkan? Kapag
nasa ibabaw ng bulkan ang ulap at kapag umuulan?
d. Naniniwala ka ba sa pinagmulan nito ayon sa kwento?

Daggdag Kaalaman
Pagpapaliwanag sa Teorya ng Pinagmulan ng Lupa at pagpapanood ng
Impormasyon tungkol sa Pagsabog ng Bulkan mula sa UNTV.

D. PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain
PANGKAT 1 : ALAMAT

Basahin ang Alamat na “Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto” mula sa
Lungsod ng Baguio
Hanapin ang matatalinghagang pahayag/salita at ibigay ang kasingkahulugan
nito.

PANGKAT 2: TULA
Bigkasin ang Tulang “Sa Aking Mga Kababata” ni Dr. Jose Rizal

Pumili ng mga matalinghagang pahayag/salitang nakapaloob dito.

PANGKAT 3: AWIT
Awitin ang ilang bahagi ng awiting “Dapat Tama” ni Gloc-9 feat. Denise
Barbacena at Ibigay ang kasalungat matalinghagang pahayag/salitang
nakapaloob dito.

PANGKAT 4: EPIKO
Basahin at Ilahad ang buod ng epikong “Ibalon” ( Epiko ng Bikol) at Hanapin
ang matatalinghagang pahayag/salita at ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat nito.
Pamantayan sa Pagmamarka Puntos
Kooperasyon 5
Presentasyon 5
Mensahe/Kaisipan 10
Kabuuang Puntos 20

E. PAGLALAHAT

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang mga matatalinghagang pananalita sa bawat pangungusap. Piliin ang
tamang kahulugan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____1.Sapo-sapo ni Ulap ang nag-aagaw buhay niyang iniibig.
A. Patay na B. malapit nang mamatay C. buhay ma buhay
____2.Binuhat niya ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan.
A. Nanginginig B. nilalamig C. nanghihina
____3. Pinaulanan ni pagtuga ng perlas, ginto at iba ang ama ni magayon. A. binasa B.
hinagisan C. binigyan
____4.Umiiral na naman ang taingang kawali ni Anna nang tawagin siya ng kaniyang ina para
maghugas ng pinggan.
A. nagbibingi-bingihan B. malakas ang boses C. Nagdadabog
____5. Ilang buwan na ring nagbibilang ng poste si Rosa mula nang matapos ang kaniyang kontrata sa
bentahan ng sapatos.
A. Nagpapahinga B. naglalagay ng poste C. walang trabaho
____6.Dahil sa maraming bayarin, agad na butas ang bulsa ni Dan.
A. may pera B. wala ng pera C. maraming pera
____7.Si Beth ang aking kaibigan at sya ay lagi kong kautotang dila.
A. laging kasama B. Kakwentuhan C. kaaway
8. Di mahulugang karayom ang Quiapo Church sa tuwing darating ang Pista ng Nazareno.
A. kaunti ang tao B. walang tao C. maraming tao
9. Si Mang Ramon ay alog na ang baba.
A. bata pa B. matanda na C. malakas pa
10. Hindi niya mabiro ang kanyang nakatatandang kapatid dahil ito ay balat-sibuyas.
A. maramdamin B. malungkutin C. nagagalit

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: Pinagtibay ni :

TEJANIE E. MARZAN CECILIA F. TUAZON VIRGILIO P. RAMOS


Dalubguro I HT 1/Tagapangulo, Filipino Punong guro III

You might also like