You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Division of Cavite
MUNTING ILOG INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Munting Ilog, Silang, Cavite

SUMMATIVE NA PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


TP 2020-2021
Pangalan ng Mag-aaral: __________________________________________________________
Asignatura: FILIPINO 10 Guro: Haydee A. Narvaez
Baitang at Seksyon: Kwarter / Linggo: UNA / UNA-IKAAPAT NA LINGGO

Pangkalahatang Panuto:1. Basahin at unawain ang mga panuto sa bawat bilang.


2. Gumamit ng isang buong papel sa pagsasagot.
3. Sumulat nang malinaw, maayos, at nauunawaan.
LINGGO 1 –
MELCS

MELC 1:Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: sarili, pamilya, pamayanan, lipunan,
daigdig
MELC 2:Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.(pandiwa bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari)
MELC 3:Natutukoy ang mensahe at layunin ng binasang mitolohiya.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan. Isulat ang letra ng sagot sa isang papel.

1. Ito’y isang agham o pag-aaral ng mito at alamat.


A. maikling kuwento C. mitolohiya
B. dula D. parabula
2. Ito’y paglalahad ng kasaysayan ng mga diyus-diyosan noong unang panahon.
A. mitolohiya C. maikling kuwento
B. sanaysay D. kwentong bayan
3. Ang akdang Romulus at Remus ay nasa anong uri ng akdang pampanitikan?
A. nobela C. sanaysay
B. maikling kuwento D. mitolohiya
4. Sino ang kinikilalang Latinang prinsesa?
A. Rosa B. Rona C. Rhea D. Riza
5. Saan hinango ang pangalan ng Rome batay sa kasaysayan ng mitolohiyang tinalakay?
A. Roma B. Romulus C. Romulus at Remus

Para sa bilang 6 - 8: Sipiin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel. Isulat sa patlang kung ang pandiwang
may salungguhit ay ginamit bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari. Isulat ang letra A kung aksyon, K kung karanasan,
at P kung pangyayari.
_____ 6. Naglakbay si Bugan sa tahanan ng mga Diyos.
_____ 7. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyayari.
_____ 8. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

LINGGO 2 –

MELC : Nagagamit ng wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at kagamitan.)

Panuto : Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang kung anong Pokus ng
Pandiwa ang ginamit. (Aktor, Tagatanggap, Kagamitan at Layon).

_____ 9. Nagbihis si Pedro at kinuha ang kanyang baril.


_____ 10. Naglakbay sila buong araw.
_____ 11. Napagod ang ginoo at ito ay nakatulog agad.
_____ 12. Iniutos niya sa magsasaka na ihiwalay ang buto sa balat ng kambing.
_____ 13. Sinubok niyang ipang-areglo sa kaso ang sampung libong puso.
_____ 14. Ipinagluto ni Alikng Siony ng karekare ang kanyang anak.
_____ 15. Ipinantali niya ang lubid sa puno upang hindi matumba sa paparating na bagyong Rolly.

Page 1 of 3
LINGGO 3 –
MELC :
Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong.

Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa akda; ang bisa ng paggamit ng mga
salitang nagpapahayag ng matinding damdamin.

Panuto :Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala.
A. Lukas 16:1-15 C. Lukas 19:1-15
B. Lukas 18:1-15 D. Lukas 20 :1-15
2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
C. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
D. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya
B. mahirap D. matiwasay
4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa
malaking bagay”. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap?
A. Maging matapat ka sa lahat ng bagay
B. Ibigay ang hindi para sa iyo
C. Maging masunurin sa lahat ng oras
D. Huwag maging sakim sa kapwa
5. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugang ________.
A. amo C. bathala
B. Diyos D. siga
6. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?
A. Ang pagtitiwala
B. Gawin lahat para matuwa ang iba
C. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli
D. Wag maging sakim
7. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.
8. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti.”
A. buhay C. kayamanan
B. katawan D. utak

LINGGO 4 –
MELC :
Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay ( pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari,
pagwawakas

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra ng kasagutan sa isang papel.
9. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari
A. pandiwa C. pang-ugnay
B. pang-abay D. pangatnig
10. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _______,
karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. dahil sa C. tiyak
B. kung gayon D. tuloy
Para sa bilang 11-14

1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa


kanyang natuklasan!
2. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Pinakain niya nang pinakain ang manok
hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang
manok.
3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke
4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain
ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.
11. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.
Page 2 of 3
A. 3124 C. 4312
B. 1432 D. 2341
12. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-
sunod?
A. pangungusap 1 C. pangungusap 2
B. pangungusap 3 D. pangungusap 4
13. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang
kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay?
A. Ganoon din C. Nang dahil sa
B. Kung ganoon D. Sapagkat
14. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay C. mapagmahal
B. matapobre D. sakim
15. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino,
tinatawag na pang-ugnay
A. Adjective C. independent clause
B. Cohesive device D. preposition

Page 3 of 3

You might also like