You are on page 1of 8

BAITANG 10 Paaralan Munting Ilog Integrated National High School Antas 10

Daily Lesson Log (Pang- Gng. Haydee A. Narvaez Filipino


Guro Asignatura
araw-araw na Tala sa
Pagtuturo) Nobyembre 06, 2023 IKALAWA – Unang Linggo –
Araw ng Pagtuturo Markahan
Panitikang Kanluranin - Mitolohiya

APO 8:00 – 9:00 : Lunes- Biyernes


SEKSYON ARAYAT 1:20-2:20 : Lunes, Martes, Huwebes//9:20-10:20 : Miyerkules, Biyernes
HALCON 10:20-11:20 : Lunes – Biyernes
BATULAO 2:20 – 3:20 : Lunes-Biyernes

Unang Araw
I. Layunin

A. Pamantayang Nilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media)

C. Pamantayang Pagkatuto Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan

D. Mga Layuning 1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggan o binasnag usapan ng mga tauhan, Nasusuri ang nilalaman ng binasa.
Pampagkatuto 2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng mitolohiya bilang isang akdang pampanitikan.
II. Nilalaman Mitolohiya – Si Thor at Loki sa Lupain ng mga HIgante
III. Mga Kagamitang Pagkatuto
Filipino 10: Panitikang Pandaigdig – Panitikan ng Bansa sa Kanluran

IV. Dulog at Estratehiya Constructivism Approach


Direct Instruction
TGA( Tell, Guide, Act)
V. Pamamaraan INTRODUCTION (PANIMULA)

a. Pagbati
b. Pagkuha ng Liban sa Klase
c. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng klasrum
d. Pagpapaalala sa health and safety protocol sa loob ng klasrum

A. Pagganyak: Sino ang mga larawang nasa ibaba? Pamilyar mka ba sa kanila?
B. Talakayan: DEVELOPMENT (PAGPAPAUNLAD)

TELL

Ang mitolohiyang Nordiko, mitolohiyang Norsiko (o Norseko), o mitolohiyang Nors (kilala rin bilang mitolohiyang
Eskandinaba o Eskandinabyano) ay ang mitolohiyang nagmula sa mga Norsman (o Norsmen), literal na "mga tao ng hilaga" ng
Europa, na tila mandirigmang Alemanikong tribong namuhay bago dumating ang kapanahunan ni Hesus. Dating inaawit ang
mga ito ng mga skald, o mga manunulang Nors. Basahin ang mito ng Nortse sa ibaba:

https://youtu.be/_bk7OQXq6PY?si=k1ACgahj8qmXDXes

https://youtu.be/hHaw1nvNMes?si=2xQiSwjxU_6AWHa7

https://youtu.be/4ZWK8gVg-TA?si=EwZ1OYuDPDQJvI_w

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


Ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Mga Tauhan: Diyos:
Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki- kasama ni Thor sa paglalakbay at may kapiyuhan Higante:
Skrymir – naninirahan sa kakahuyan Utgaro-Loki – hari ng mga higante
Logi, Hugi, at Elli – kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki Mga Tao:
Thjalfi at Rosvka – anak na lalaki at babae ng magsasaka

Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante dahil ang mga higante ay kalaban ng mga diyos sa Norse. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay,
nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka na may dalawang anak isang lalaki at isang babae. Kinatay ni Thor ang dala nitong kambing para sa
kanilang hapunan. Nagalit si Thor sa magsasaka nang hindi sinunod nito ang kanyang iniutos na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito kaya
ginawa niyang alipin ang dalawang anak na sina Thjalfi at Roskva bilang kapalit. Naglakbay sila hanggang sa makita ang natutulog na si Skrymir, isang
uri ng higante. Umiinit ang ulo ni Thor pag natutulog si Skrymir at naghihilik nang malakas kaya pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo ni Skymir
upang ito ay magising, ngunit akala ni Skrymir ay may nalaglag lamang na dahon sa kanyang ulo.
Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Bago sila umalis ay binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na
huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.
Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor.Ginamit nina Thor at mga kasamahan ang kanilang galing at lakas. Si
Loki ay may kakayahang pinakamabilis sa pagkain. Naglaban sila ni Logi sa pabilisan ng pagkain ngunit siya ay natalo. Pabilisan sa pagtakbo naman
ang sinalihan ni Thjalfi laban sa batang si Hugi. Inulit ng tatlong beses ang labanan ngunit hindi talaga inabutan ni Thjalfi ang batang si Hugi. Sumabak
naman si Thor sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman ng mga panauhin.
Sa tatlong pagkakataon ay hindi naubos ni Thor ang laman ng tambuli. Nagalit si Thor nang matalo siya sa paligsahang ito. Isang laro pa ang sinubukan
ni Thor upang masubok ang kanyang lakas, ang buhatin sa lupa ang pusa ni Utgaro-Loki. Hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na
itaas gamit ang kanyang lakas ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. Lalong nagalit si Thor nang matalo sa labanang ito. Hinamon ulit niya
si Utgaro-Loki kaya itinapat ni Utgaro ang kanyang inang si Elli sa labanang wrestling.Tulad ng mga nagdaang laban, natalo pa rin si Thor.
Ipinagtapat ni Utgaro-Loki kay Thor na nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki, ginamitan sila nito ng mahika upang sila ay talunin dahil alam ng hari ng
higante na walang kapantay ang lakas ni Thor at ayaw nito na may makatalo sa kanyang lakas.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:.


Panuto: Upang lubusan mong maunawaan ang kuwento sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?


2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Pinarusahan ba sila ni Thor? Paano?
3. Bakit nagalit si Thor kay Skrymir? Ano ang nangyayari kapag sa galit niya ay hinahampas niya ng maso si Skrymir?
4. Ilahad ang naging resulta sa paligsahang nilahukan nina Thor at mga kasamahan nito.
5.. Ilahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan.
a. May ipinagtapat si Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na sa lupain ng mga higante.
b. Nagalit si Thor nang hindi sinunod ng anak ng magsasaka ang iniutos nito sa kanya.
c. Binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.

Ang mga salita kapag nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay makabubuo ng ibang kahulugan? Ito ay tinatawag na
kolokasyon. https://youtu.be/pc2bWTx5Z_U?si=T-8n56FCHo_ONUXE
Kolokasyon. Ang pag-iisip ng iba pang salita na puwedeng isama sa isang salita o talasalitaan upang makakabuo ng iba pang
kahulugan.Ito ay mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa
ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ring magkasalungat. Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita
kung ito’y kasama ng iba pang salita. May mga salitang nagsasama-samang palagi sa isang konstruksyon at mayroon namang
nagsasama-sama paminsan- minsan.

Halimbawa:
buwig ng saging kawan ng ibon
trono ng hari marangyang piging basag-ulo
Basag (pagkasira ng isang bagay ) + ulo (bahagi ng katawan ). Kapag pinagsama ay nagiging basag-ulo na
nangangahulugang gulo o away.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

C. Pagpapalalim: ENGAGEMENT (PAKIKIPAGPALIHAN)


GUIDE

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita sa una at ikalawang hanay. Pagkatapos bigyang kahulugan ang salitang mabubuo mula sa dalawang salitang pinagsama.
Maaaring gumamit ng mga pang-angkop sa pagbubuo. Sundin ang nasa halimbawa.
Unang Salita Ikalawang Salita Salitang Kahulugan
Mabuo

Hal. alsa Balutan alsa-balutan lumayas

1. asal Hudas
2. bago Tao
3. balat Kalabaw
4. nagsaulian Kandila
5. pabalat Bunga
6. mahina ang tuhod
7. makitid ang kumot
8. mahal na tao
9. mahina ang kapit
10. lingon Likod

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga pangungusap.


1.Ayaw ni Chuchay na saling-pusa lang siya sa laro. Paliwanag:
_
2. Laki sa layaw ang pinsan ko at ni hindi pa nakatapos sa pag-aaral. Paliwanag:
_
3. Kahit bagong tao pa lang ay hindi na nahiyang naniningalang-pugad sa kanilang dalagang kapitbahay.
Paliwanag:
_

D. Sintesis: ASSIMILATION (PAGLALAPAT)


ACT
PAGLALAPAT SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY
Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag sa ibaba upang lahatin ang natutuhan mo sa aralin.
 Natutuhan ko na .
 Napagtanto ko na .
 Kailangan ko pang malaman na .

E. Evaluation: Pagtataya
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pagtataya. Piliin ang titik lamang at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang ginawa ni Thor bilang kabayaran sa hindi pagsunod ng pamilya ng magsasaka sa kanya?
A. ginawang alipin at isinama sa paglalakbay
B. ginawang kambing sina Thjalfi at Rovska
C. pinakaladkad sila ng kanyang mga kambing
D. pinukpok ng maso ang dalawang anak ng magsasaka
2. Ano ang ginawang paraan ni Utgaro-Loki upang hindi sila matatalo nina Thor sa labanan?
A. ginalingan nila ang pakikipaglaban
B. gumamit si Utgaro-Loki ng mahika
A. humingi sila ng tulong sa mga higante
B. inalisan ni Utgao-Loki ng kapangyarihan si Thor
3. Ayaw ni Utgaro –Loki na may mahangin ang ulo sa kanyang kaharian. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang;
A. hindi mapakali B. kagalang-galang
C. malikot ang kamay D.mayabang
4. Nilinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi
A. manaig ang kapangyarihan nito
B. mapaglaruan ng taglay nitong lakas
C. na makabalik sa pinagmulan
D. sila masakop at magapi
5. Sila ang tauhan sa mitolohiya na naglakbay sa lupain ng mga higante.
A. Thjalfi at Rovska B.Thor at Loki C. Utgaro at Skrymir D. Vili at Ve
6. Ito ang proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng panibagong
kahulugan.

A. etimolohiya B. kolokasyon C. sanaysay D. tula

7. Ang basag-ulo ay dalawang salitang pinagsama na basag at ulo. Ito ay nangangahulugang _ _ .

a. away o gulo B. nababasag C. nabasag ang ulo D. Pagtatalo

8. Ito ay dalawang pinagsamang salita na ang kahulugan ay kasalan.


a. bahay-bahayan B. mahabang dulang C. pag-iibigan D.tagu-taguan

9. Binawian ng buhay ang aking kapitbahay. Ang ibig sabihin ng binawian ng buhay ay
a. inalisan ng kabuhayan B. naglakbay C.namatay D. walang karapatan

10. Ang tawag sa maso na sandata ni Thor ay _


a. Armor B. Lasso C. Mjolnir D. Shield
V. Remarks:

VI. Reflection:

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remidiation.

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan nasolusyunan sa
tulong ng aking punong guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

You might also like