You are on page 1of 3

Division of City Schools

ANTONINO G. BUSANO SR. HIGH SCHOOL


Conel, General Santos City
Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

Pangalan: Christelle Joy O. Cordero Petsa: Marso 2021


Paaralan: Antonino G. Busano Sr. High Oras ng pagtuturo: 1 oras
School
Kasanayang Pampagkatuto/ Most Essential Learning Competencies:
1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa
napakinggang usapan ng mga tauhan.
3. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Pilipino.
I.Layunin:
1. Nauunawaan nang mabuti ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng akda.
2. Nailalahad ang sariling pag-unawa ayon sa nilalaman, elemento at
kakanyahan ng binasang akda;
3. Naihalintulad ang mga pangyayari sa akda sa sariling karanasan at sa
pamayanan;
4. Nakatutukoy ang mga salitang may iba pang kahulugan kapag pinagsama
mula sa akdang binasa.
II.Paksang Aralin:
Panitikan: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ni Snorri Sturluson Isinalin sa
Filipino ni Sheila C. Molina Muling isinalaysay ni: Mricel O. Aperocho
Sanggunian: Self-Learning Module ng Filipino 10 sa panahon ng Covid-19
Kagamitan: modyul, learning activity sheet, laptop, internet/wifi, PPT (Powerpoint
Presenation), Aktibi Kard
III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagbati
3.Pagtatala
4.Paalala
5.Pagbabalik-aral:
Magpaunahan tayo!
1) Anong mga bansa ang makikita natin sa dagat Mediterranean?
2) Saan naman natin makikita ang hilagang Amerika?
3) Sa palagay mo, ano ang pagkakaiba ng kultura sa dagat Meditterranean
at Hilagang Amerika?
B. Pagganyak/ Paglalahad:
#1 Hulaan, Ano ang ating tatalakayin?
Panuto: Pahuhulaan ng guro ang pamagat ng tatalakayin sa pamamagitan ng
pagpapakita ng larawan nina Thor at Loki at mga letrang nasa loob ng iilang bilog
kung saan bubuohin nila ang pamagat na “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante”
Anotasyon: Ang unang makakakuha ng tamang sagot ay siyang magkakamit
ng gantimpala sa guro, maaaring bituin, mga larawan ng pagkain o puntos sa bawat
gawaing tumpak ang sagot.
#2 Pagkilala sa mga tauhan sa tulong ng puzzle
Pangalan ng Mga Tauhan:
Diyos: Thor: diyos ng kulog at kidlat; pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
Loki: kasama ni Thor sa paglalakbay, may kapilyuhan
Higante: Skymir: naninirahan sa kakahuyan
Utgaro-Loki: hari ng mga higante
Logi, Hugi at Elli: kabilang sa kuta ni Utgaro Loki
Mga tao: Thjalfti at Rosvka: anak na lalaki at babae ng magsasaka
C. Talakayan
1) Dugtungan/Pangkatang Pagbasa ng mga estudyante
2) Random o Impromptu na pagtatanong sa sino mang mapiling estudyante
hinggil sa pag-unawa nila sa tinlakay na mito
3) Pagtatalakay sa elemento ng mitolohiya
4) Pagsusuri sa elemento ng mitolohiya sa tulong ng pagtatanong o Inquiry
Approach o dulog
5) Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Pilipino sa tulong ng pagbabasa ng isang mitong mula sa
Pilipinas
Anotasyon: Pipili ang guro ng 2-3 estudyante upang basahin ang bawat
talata ng mito
6) Pagsusuri sa nilalaman ng mitong Rihawani: Think, Pair, Share
Tauhan, Tagpuan, Banghay, at Tema

D. Paglalahat
Ano ang iyong natutunan sa pagtatalakay natin sa mito ng mga taga-Iceland
at mito ng ating bansa?
E. Paglalapat
Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kutura ng mga taga-Iceland sa
ating bansa. Gamiting gabay sa pagsagot ang ven daygram. Isulat ang
sagot sa papel o notebook.

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

IV. Ebalwasyon
Basahin nang mabuti ang sumusunod na tanong at sagutin sa inyong
sagutang papel.
1. Elemento ng mitolohiya na may kaugnayan sa kulturang
kinabibilangan.
A. Tagpuan B. Banghay C. Tema D. Tauhan
2. Elemento ng mitolohiya na maaaring nakatuon sa pagpapaliwanag sa
natural na pangyayari.
A. Tagpuan B. Banghay C. Tema D. Tauhan
3. Siya ay may taglay na kapilyuhan na kasama ni Thor sa paglalakbay.
A. Skymir B. Loki C. Utgaro-Loki D. Thjafti
4. Kaninong diyos ng mga Asgard hinango ang araw ng huwebes?
A. Thor B. Loki C. Balder D. Skymir
5.Elemento ng mitolohiya na tumutukoy sa mga diyos o diyosa.
A. Tagpuan B. Tauhan C. Tema D. Banghay

V. Kasunduan/ Takdang Aralin


Mula sa binasang Mitolohiya, gumawa ng sariling paghahambing sa nilalaman ng
akda sa iyong sariling karanasan o pangyayari sa kasalukuyan. Gumamit ng tig-
lilimang pahayag/pangungusap ng bawat pokus sa loob ng iyong komposisyon.
Ihinanda ni: Iniwasto ni:

CHRISTELLE JOY O. CORDERO LUCIA G. GARVIDA


Ratee Rater

You might also like