You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
CONEL DISTRICT
ANTONINO G. BUSANO SR., HIGH SCHOOL

FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
20
Pangalan:__________________________________________________________

Baitang & Seksyon:_________________________ Petsa:__________________


Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
___1. Ang Soneto ay isang halimbawa ng tulang _____________?
A. Pandamdamin o liriko C. Padula
B. Pasalaysay D. Patnigan
___2. Isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at
damdamin?
A. Maikling kuwento C. Epiko
B. Tula D. Alamat
___3. Tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may
malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad,
at iba pa?
A. Kadakilaan C. Kabutihan
B. Kariktan D. Kasipagan
___4. Ang tulang liriko na “Ang Aking Pag-ibig” ay isinulat ni _____________ng Inglatera?
A. Elizabeth Barret Browning C. Jose Corazon de Jesus
B. Alfonso O. Santiago D. Olivia P. Dante
___5. Ito ay ang sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung
kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito?
A. Tugma C. Tayutay
B. Sukat D. Cesura
___6. Sumasayaw ang Araw at Buwan sa langit.
A. Pagtutulad C. Pagmamalabis
B. Pagwawangis D. Pagtatao
___7. Inanyayahan ako ng dagat na maligo.
A. Pagtutulad C. Pagmamalabis
B. Pagwawangis D. Pagtatao
___8. Ang bahay nina Dandy at Kirsha ay malaking kastilyo
A. Pagtutulad C. Pagmamalabis
B. Pagwawangis D. Pagtatao
___9. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa.
A. Pagtutulad C. Pagmamalabis
B. Pagwawangis D. Pagtatao
___10. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
A. Pagtutulad C. Pagmamalabis
B. Pagwawangis D. Pagtatao
11. Ang regalong pinag-ipunan ni Della para sa asawa.
A. relo C. suklay
B. pulseras D. kadena
12. Bakit itinuturing na marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Delia?
A. Isinakripisyo nila ang pinakamahalagang ari-ariang pinakaiingatan
nila.
B. Hindi nila ipinakita ang pagdaramda sa isa’t isa sa kabila ng kanilang
pagkakamali.
C. Pinatunayan nila na ang pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa
pasko.
D. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang
kahirapan.
13. Ang hagulgol niya ay dinig sa kabilang bahay. Ang kasingkahulugan ng
hagulgol ay ________.
A. ungol C. hinagpis
B. malakas na iyak D. hiyaw
14. Tawag sa pandiwa kung ang lunan, bagay o maging ng tao na ginaganapan
ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.
A. Pokus sa Sanhi C. Pokus sa Layon
B. Pokus sa Ganapan D. Pokus sa Tagaganap
15. Ano ang mahahalagang yaman ni Jim na nagawa niyang isakripisyo para
maibili ng aginaldo ang bawat isa?
A. diyamanteng Kuwintas C. gintong relos
B. buhok D. mamahaling suklay
II. Panuto: Tukuyin kung nasa Pokus sa Ganapan o Pokus sa Sanhi ang pandiwang
may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
16. Ang tindahan ni Mme. Sofronie ay pinagbilhan ni Della ng kadena ng relos na
ipanreregalo sa asawang si Jim.
17. Pinagsanlaan naman ni Jim ng kaniyang gintong relos ang bahay-sanlaan sa
bayan.
18. Ikinabahala ni Della ang bagong ayos ng buhok na nilikha ng
kagustuhang makabili ng regalo sa asawa.
19. Pihong ikinatuwa ni Jim kapag nakita niya ang magandang aginaldong
ibibigay sa kaniya ni Della.
20.Ikinalungkot ng mag-asawa ang pangyayaring iyon nang malaman na hindi
nila mapakikinabangan ang mga regalong kaloob para sa isa’t isa.

Ihinanda ni:

CHRISTELLE JOY O. CORDERO


Guro
Pinagtibay ni:

LUCIA G. GARVIDA
Master Teacher
Nabatid ni:

RENE ARIELLE V. PINOS


Master Teacher II/Academic Head

You might also like