You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu City
South District 7
INAYAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
F. Jaca St, Inayawan Cebu City

IKAAPAT NA AKTIBITI SA REMEDIAL CLASS


FILIPINO 7
S.Y. 2019-2020

Pangalan: ______________________ Seksyon:________________ Petsa:____________ Iskor:_______

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng pinakatamang
sagot sa patlang na nasa tapat ng bawat bilang. Gumamit ng malaking titik.

Si Pilemon, si Pilemon, namasol sa kadagatan


Nakakuha, nakakuha ug isdang tambasakan
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba
Ang halin puros kura (2x)
Igo rang gipanuba

_____ 1. Ano ang kaisipang nais iparating ng awit batay sa nilalaman nito?
A. Minsan ang pinaghirapang pera sa pangingisda ay mauuwi sa wala.
B. Ang lugar na pinagtitindahan ng isda ay kailangang malinis.
C. Ang pagbebenta ng isda ay masaganang negosyo.
D. Ito ay tungkol sa masaganang mangingisda.

_____ 2. Ang kaugalian o tradisyon na sumasalamin sa mga Kabisayaan batay sa awit ay _________.
A. Ang hilig sa pagpapautang.
B. Ang pagpanggap na may maraming pera kahit wala.
C. Ang pagiging matiyaga sa paghahanapbuhay para sa pamilya.
D. Ang kaugaliang kapag nakaswerte sa trabaho, ang kita ay ginagamit sa pagbibisyo.

Dandansoy, baya-an ta ikaw


Pauli ako sa payaw, ugaling kung ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon

Dandansoy, kon imo apason


Bisan tubig di magbalon, ugalin kun ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bobon

_____ 3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa mensaheng nais iparating ng awiting ito?
A. Ito ay pangungulila C. Mahirap magtrabaho
B. Ito ay tungkol sa panunuba D. Pagpili ng nais gawin sa buhay

_____ 4. “Nais ko’y piling mo, Inday siya kong ibig”. Anong antas ng wika ang salitang nakasalungguhit?
A. Kolokyal B. Balbal C. Pormal D. Lalawiganin

_____ 5. “Itong puno’y ating kaibigan tuwing mag-iinuman.” Anong antas ng wika ang sinalungguhitan?
A. Kolokyal B. Balbal C. Pormal D. Lalawiganin

_____ 6. Ang kabuuan ng araling pang-ikalawang kwarter at tungkol sa:


A. Salamin ng Mindanao C. Repleksyon ng Kabisayaan
B. Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan D. Kultura ng Pilipinas

_____ 7. Ito ay isang uri ng panitikan na nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
A. Alamat B. Bulong C. Dula D. Kuwentong-Bayan

_____ 8. Ang mga akdang tuluyan na nababasa natin ay parehong may:


A. Indayog B. Pantig C. Banghay D. Kuwentong-Bayan

_____ 9. Ito ay elemento ng alamat na nagbibigay ng interes sa kwento kung paano lulutasin.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Suliranin D. Tunggalian

_____ 10. Ang mga sumusunod ay tradisyong kinagisnan ng mga Taga-Visayas MALIBAN sa isa. Alin ang hindi
napapabilang?
A. Ang pagdiriwang ng Sinulog Festival
B. Ang pagkakaroon ng magarang Ati-Atihan Festival
C. Ang pagdalo ng prusisyon sa pista ni Señor Sto. Niño
D. Ang taimtim na pananampalataya kay Poong Nazareno
Para sa bilang 11-14.

May isang panahon na may kawal ng Kastila na pinamumunuan ni Alejandro dela Cuesta ang
lumunsad sa malaking pulo ng Panay. Sila ay naglakbay hanggang sa makarating sa isang pook na hindi
alam ang pangalan. Nakakita sila ng isang babaeng naglalaba at naisipang tanungin ito tungkol sa lugar
ngunit dahil sa takot ay dali-dali nitong tinungo ang kambal na anak at sinubukang tumakbo. “Como se
llama esta provincial?” tanong ni Dela Cuesta sa babae. Inakala ng babae na ang tanong na ito ay kung
bakit magkamukha ang kanyang anak kaya kaya takot siyang sumagot ng “Capid…Capid… Capid” na
nangangahulugang kambal. Yumukod ang pinuno at nagpasalamat. Dahil nga hindi angkop sa dila ng
Kastila ang titik d, pinalitan nila ito ng titik s. Buhat noon, ang lugar na dinako nila ay tinawag na Capis
bunga ng hindi pagkakaunawaan ng natatakot na ina at pinunong Kastila.

_____ 11. Ano ang nasyonalidad ng dayuhang napadpad sa isla ng Panay?


A. Hapones B. Kastila C. Tsino D. Amerikano

_____ 12. Ang pagkatakot ng babae (na may dalawang anak) kay Alejandro Dela Cruz ay maiuugnay sa aling
sitwasyon sa kasaysayan?
A. Ang pagkatakot ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
B. Ang pananampalataya ng mga Pilipino sa ibang bansa
C. Ang pagkakaroon ng interes ng mga Pilipino
D. Ang pag-alis ng mga Pilipino sa ibang bansa

_____ 13. “Capid…..Capid ang anak ko kaya magkamukha sila” paliwanag ng naglalabang babae sa dumayong
Kastila. Ano ang ibig sabihin ng salitang Capid batay sa pahayag?
A. Kambal B. Ampon C. Magkapatid D. Inosente

_____ 14. Ang mga sumusunod ay aral na makukuha mula sa Alamat ng Capiz MALIBAN sa isa: Alin ang hindi
napapabilang?
A. Lumaban kung kinakailangan.
B. Huwag husgahan ang tao batay sa ekspresyon ng mukha.
C. Huwag sumuko sa paglalakbay, mararating mo rin ang iyong paroroonan.
D. Ang pagkakaroon ng iba-ibang wika ay nakapagdudulot ng hindi pagkakaunawaan.

_____ 15. Ang Pilipinas ay _________ malaki kung ihahambing sa Espanya.


A. di-gaanong B. di-gasinong C. di-lubhang D pinaka

_____ 16. Si Anna ay ____________ na nakaiintindi sa sitwasyon kaysa kay Perla. Anong pahambing na palamang
ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. di-gaanong B. di-hamak C. higit D. lalo

______ 17. Ang pagpapatuloy ng henna tattoo sa mukha o sa katawan tuwing ipinagdiriwang ang Sinulog sa Cebu ay
sumisimbolo sa __________.
A. Paghihimagsik ng mga Pilipino C. Pakikiisa sa pagdiriwang o kasiyahan
B. Katapangan ng mga tao D. Pagiging marumi ng mga Cebuano

______ 18. Ang Sinulog Festival ng Kabisayaan ay sumisimbolo ng _________.


A. Paghahandog ng kakaibang ritwal
B. Katapangan at Kariktan ng Kabisayaan
C. Pagiging talentado at kahusayan ng tao
D.Taimtim na pananampalataya kay Señor Sto. Niño

______ 19. Dugtungan ang sumusunod na bulong “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at
pangit. Bigyan mo ako ng ____________.”
A. Bagong buhay B. Bagong damit C. Bagong kapalit D. Bagong sapatos

______ 20. Ang K to 12 ay ________ na nakaambag ng malaking pagbabago sa sistema ng edukasyon. Anong pang-
ugnay na panghihikayat ang angkop gamitin?
A. ngunit B. pero C. tunay D. subalit

______ 21. Ito’y salitang mula sa griyego na “epos” na tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing
tauhan na karaniwang may katangiang mala-Diyos.
A. Epiko B. Alamat C.Mito D. Dula

______ 22. Naglilinis ng bahay si Maricar ________ ang kanyang ina ay naglalaba. Ano ang angkop na pang-ugnay na
gagamitin sa pangungusap?
A. pero B. habang C. dahil D. kaya

______ 23. “Kapwa sila mapagmataas: araw-araw silang nagsisimba at lingo-linggong nangungumunyon at nag-
aayuno”. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. nagpupuasa B. lumuluhod sa mga santo C. nangungumpisal D. nagdadasal
______ 24. Abalang-abala sina Kapitan Anoy at Senyora Tonay sa pag-aasikaso ng mga pari. ____ si Maming naman
ay tuwang-tuwang nakipag-usap kay Padre Manuel. Anong angkop na pang-ugnay ang kukumpleto sa pangungusap?
A. dahil B. kaya C. pero D. samantala

______ 25. Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang may tamang pagkagamit ng pang-ugnay na
Paglalahad?
A. Siya ang unang dumating sa paaralan.
B. Unang sinakop ng mga Kastila ang ating bansa.
C. Una, puntahan mo si Maria sa bukid at humingi ng tulong.
D. Si Maricon ang una kong tatawagan kung magkakaroon ng problema.

______ 26.” Lubhang natawa si Kapitan Anoy at siya mismo ang nagdala ng mga baso ng serbesa upang
Ialok sa mga prayle. Ano ang ibig sabihin ng serbesa?
A. softdrink B. alak C. tubig D. palamig

AWITING-BAYAN

PANINIWALA TRADISYON KULTURA

______ 27. Anong konklusyon ang nais ipahiwatig ng dayagram na nasa itaas?
A. Ang sariling paniniwala, tradisyon, at kultura ay mahalagang sangkap sa pagbuo ng awiting-bayan.
B. Ang awiting-bayan ay tungkol lamang sa kultura
C. Ang tradisyon ay maiuugnay sa paniniwala at kultura.
D. Ang tradisyon at kultura ay magkaugnay at iba sa paniniwala.

_____ 28. Hindi na niya maintindihan ang desisyon ng hari nang siya’y gawing bagong prinsipe ng kaharian.
Anong salita sa pangungusap ang pang-ugnay?
A. Bagong B. desisyon C. hindi D. nang

_____ 29. “Kaya anak sa anak ang nagtagpo, kapwa sila matatapang, kapwa magagaling sa pakikipaglaban
lalo na sa paghawak ng sibat”. Ano ang mahalagang kaisipan na ipinahiwatig sa pahayag?
A. Dapat sundin ng anak ang magulang
B. Kung ano ang puno ay siya ring bunga
C. Ang anak ang siyang magpapatuloy sa away
D. Ang katapangan ng magulang ay namamana ng anak

_____ 30. Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at ibig
sabihin sa paglipas ng panahon.
A. Analohiya B. Antolohiya C. Etimolohiya D. Heograpiya

_____ 31. Mahinang dumiskarte ang manok ko, natotorpeng manligaw. Alin sa mga sumusunod ang
konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Inaanak B. Kapitbahay C. Kasintahan D. Pinanigang tao

_____ 32. Sabi ng mga militante, tuta ng Kano ang ating administrasyon. Alin sa mga sumusunod ang
denotasyong kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. sunud-sunuran B. maliit na aso C. alipin D. kakampi

_____ 33. Sa susunod na eleksyon sa barangay, tatakbo ako. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang
italisado?
A. Kakandidato B. tatakas C. paglalakad ng mabilis D. aalis sa pwesto

_____ 34. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsasagawa ng isang panayam o interbyu MALIBAN
sa isa. Alin ang hindi napapabilang?
A. Pagpili ng bagay na ibibigay sa kakausapin C. Pagpaplano sa paksang ipapanayamin
B. Pamimili ng lugar sa panayam D. Paghahanap ng taong kapapanayamin

_____ 35. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang BULONG?


A. Tabi tabi po B. Dadaan po kami. C. Teka lang po. D. Paumanhin po

Para sa bilang 36-45. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang kaantasan ng pang-uri.

A. Lantay B. Pahambing C. Pasukdol D. Pasahol

_____ 36. Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis.


_____ 37. Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita.
_____ 38. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres.
_____ 39. Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito.
_____ 40. Bagong-bago ang sapatos na suot ni Martin ngayon.
_____ 41. Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang lumakas pa ang iyong resistensiya.
_____ 42. Ang magpinsan na Sheila at Sarah ay magkamukha.
_____ 43. Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo!
_____ 44. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay makasaysayan.
_____ 45. Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina.

A. Palamang B. Pasahol C. Pasukdol D. Lantay

Para sa bilang 46-50. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang uri ng paghahambing.

_____ 46. Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa panahon sa Disyembre.
_____ 47. Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan.
_____ 48. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
_____ 49. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious.
_____ 50. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo ang
pamilya.

You might also like