You are on page 1of 1

Nasa 4:45 ng hapon nang papasok ako sa "silid-palikuran" na kung tawagin kung baga.

"Ang laki ng
paaralan ngunit wala namang maayos na C.R" isa lamang ito sa iilan kong naririnig na reklamo ng
mga mag-aaral sa Inayawan National High School. Kahit saang banda wala kang maririnig na
magandang komento sa mga mag-aaral. Ngunit bakit nga ba hindi pa nasosolusyunan ang isyung
ito? Ano nga ba ang mga dahilan sa likod ng napakamabahong silid? At ano ang mga posibleng
epekto nito?

Nakapanayam ko si Raquel Rio na siyang taga paglinis ng silid-palikuran ng Inayawan National High
School. At tinanong ko siya kung ano ang dahilan kung bakit mabaho ang silid-palikuran? Ayon kay
Raquel Rio “Hindi marunong mag flush ng kubeta ang mga studyante kahit na may tubig naman,
kaya napakabaho ng ating silid-palikuran”. At ayon rin kay RaqueI Rio “Nakakasakit ng ulo at naiirita
siya sa mga estudyanteng napaka-iresponsible kahit pag flush ng kubeta hindi pa magawa”.Umiinit
ang kanyang ulo epekto ng mabahong silid-palikuran, sapagkat hindi rin naman madali ang paglilinis
ng mabaho at maduming silid-palikuran ng Inayawan National High School.

Ang isyung ito ay hindi nangangahulugan na ang Inayawan National High School ay walang pag-
unlad na nangyayari. Ilan lamang ito sa isyu na dapat bigyang-pansin ng kinauukulan. At sana'y
mapakinggan ang hinaing ng kailan nga ba masosolusyunan ang miserableng sitwasyon ng
Inayawan National High School.

You might also like