You are on page 1of 1

Viron Gil A.

Estrada

01/26/16

2014-74766
2nd Reaction Paper
Naging masaya ang klase sapagkat simula na ng pagtalakay sa mga termino at konsepto na nakasulat sa
syllabus namin. Hindi man naging maganda ang simula ng Pan Pil 19 ko noong unang pagkikita, hindi ko
akalaing mag-iiba rin pala ang unang pagtingin ko sa klase na ito. Simula sa pagkukwento ng guro
patungkol sa mga karanasan niya sa buhay hanggang sa focused group discussions kung saan naaliw ako
sa pinagawa sa amin ng guro.
Sumigla ang pananaw ko nang sinabi ng aming guro na bukas naman pala siya sa ibat ibang pagtingin at
paniniwala ng kanyang mga estudyante. Mas nangibabaw pa yong sigasig ko nang nilahad ng guro
namin kung paano niya winawasto ang aming mga sinulat na reaction papers kada sesyon. Nabigyan din
ako ng malaking pag-asa sa klase na ito nang sinabi ng aming guro na madali siyang namamangha sa mga
sinusulat ng kanyang mga estudyante. Sabi pa nga niya eh madali siyang magbigay ng mataas na marka
sa mga estudyante niyang mahusay magsulat na sa murang edad pa lamang ay malalim na ang antas ng
kanyang pag-iisip.
Hindi ko rin maiiwasang magpakita ng pagkasigla sa naganap na focused group discussions. Pinagusapan ng bawat grupo sa klase ang mga reaction nila sa pinapagawang maikling activity. Sa gulat ng
lahat ay napatawa nalang ang buong klase at ni isa ay hindi ginawa ang ipinautos ng guro. Sino ba naman
kasing may lakas ng loob na hawakan ang kanyang ari at isigaw sa buong klase ang pangalan ng
hinahawakan niya? Hindi bat nakakahiya at nakakawalang respeto naman iyan sa sarili? Ngunit hindi
bat nakapagbubukas din ito sa ating mga isipan kung bakit nga ba nakakahiya itong gawin sa harap ng
maraming tao?
Kaya naman pagkatapos ng hindi magawa gawang activity ay naglahad ang bawat grupo ng kanilang mga
reaction tungkol sa avtivity. Nakakahiya raw yong gawin sapagkat konserbatibo tayong mga Pilipino at
iniiwasan natin ang mga di kanais nais o desenteng gawain. Hindi rin daw ito magandang gawain sa
paligid ng maraming tao sapagkat nagsusuot nga tayo ng damit panloob para takpan ang ating mga
pribadong parte ng katawan. Dagdag pa ng isang grupo na dikta iyon ng lipunan kung saan hindi
nararapat o hindi mabuting gawain ang paghawak ng ari at pagsasabi ng malalaswa o bulgar na mga salita
sa publiko. Kaya naman talagang hindi kanais nais ang pagtatalik sa mga pampublikong lugar.
Naging makabuluhan naman ang mga natutunan ko sa klase. Hindi pa kasali diyan ang buong sigla ko sa
pakikipagkwentuhan ko sa mga kagrupo ko tungkol sa mga reaction nila. Umaasa ako na sa mga susunod
pang mga araw ay mas magiging malalim ngunit nakaaaliw na mga discussions pa ang tatalakayin sa
klase. Pagkatapos ng focus group discussion ay binigyan kami ng aming guro ng isang takdang-aralin
kung saan mangongolekta ang bawat isa sa klase ng tiglilimang dirty jokes at ibabahagi ito sa buong klase
sa susunod na pagkikita. Aabangan ko ang magiging resulta nito sa klase. Sisiguraduhin kong
makakokolekta ako ng pinakamaruruming jokes na narinig ko sa mga kaklase at kaibigan ko.

You might also like