You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
District of Carrascal
Carrascal, Surigao del Sur
BANGHAY ARALIN

BAITANG: Ikalima DISIPLINA: Pakikipagkapuwa-tao


KWARTER: Ikalawa PAKSA: Mayamang Kultura Kabilang Ako
ASIGNATURA: EsP LINGGO: Ika-apat/Enero 25-29, 2021

I. MELC: Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang sa anumang


ideya/opinion. (EsP5P-IId-e-25)

II. Layunin:
o Nakagagawa ng pamaraan na nagpapakita ng paggalang sa anumang
ideya/ opinion ng ibang tao;
o Nakasusulat ng dayalogo na nagpapakita ng paggalang sa anumang ideya
/ opinion ng ibang tao;
o Napahahalagahan ang mga pamamaraan na pagpapakita ng paggalang sa
anumang ideya/ opinion ng ibang tao

III. Sanggunian:
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon pahina 68-73
Zenaida R. Ylarde Gloria A. Peralta, et.al
https://www.theteacherscraft.com/2020/12/adm-self-learning-modules-q2-grade-5.html?m=1

IV. Pamamaraan:
a. Input/Suriin Mo
Sumangguni sa pahina 1-2 ng LAS

b. Process/Gawin Mo
Sumangguni sa pahina 3 ng LAS

c. Output/Subukan Mo
Sumangguni sa pahina 4 ng LAS

Inihanda ni: Iniwasto ni:

RENELIE U. BULABOG NANCY G. URBIZTONDO


Guro Master Teacher I

Puna : Inaprubahan :

ROFIL T. ROZ RAMONITO D. CORTES


Team Manager/HT-I DIC/Principal II
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Schools Division of Surigao del Sur
CARRASCAL DISTRICT
Carrascal, Surigao del Sur
LEARNING ACTIVITY SHEET

BAITANG: Ikalima DISIPLINA: Pakikipagkapuwa-tao


KWARTER: Ikalawa PAKSA: Mayamang Kultura Kabilang Ako
ASIGNATURA: EsP LINGGO: Ika-apat/Enero 25-29, 2021

Sige nga, bigyan ng buhay


Suriin Mo
ang pagbasa mo ng tula.

Basahin at unawain nang mabuti ang tula


Ikaw at Ako: May Pagkakaiba Tayo
ni: Reicy L. Due

Tayo ay may hindi pagkakapare-pareho sa ibang aspeto


Maaaring ang isang bagay ay tama para sa iyo
Maaaring ito’y mali naman sa pananaw ko
Ipinapakita lamang nito na magkakaiba ang bawat tao.

Kapag may nagsasalita, dapat na aggin


Hangga’t maaari isara ang bibig
Sa opinyon at ideya ay magkakaiba man
Respeto at paggalang sa kapwa ay ilaan.

Maging bukas tayo sa opinyon ng iba


Ngunit kailangang suriin kung ito ay makabubuti o hindi ba
Kapag may hindi nagustuhan sa sinabi ng iba
Huwag na huwag magsasalita ng hindi maganda.

Walang bagay na hindi mapag-uusapan


Lalo na’t kung may pagkakaunawaan
Ang mahalaga, matutong rumespeto at gumalang
Kabutihan para sa lahat ang agging isaalang-alang.

Ikaw at ako, may pagkakaiba man tayo


Sa pananaw man, ideya o opinyon mo
Ang mahalaga ay matutong rumespeto
Tiyak mula sa iba tayo ay maaaring matuto.

Sagutin ang mga tanong tungkol sa tulang binasa.

1. Dapat bang irespeto ang opinyon ng iba? Bakit?


2. Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga opinyon at sinasabi ng iba?
1
Sa tulang napakinggan, naipakita kung ano ang mga pamamaraang maaring gawin upang
ipakita ang pagrespeto at paggalang sa opinyon ng ibang tao. Ipinakita lamang sa tula na ang
opinyon, pananaw at ideya ng ibang tao ay dapat pakinggan.
Ang paggalang sa isang tao ay isang mabuting ugali na karaniwang taglay nating mga
Pilipino.Kabilang na rito ang ating pagiging magalang na ipinakikita rin natin sa mga dayuhan sa ating
bansa.Itinuturing natin sila na kahalintulad din natin sa maraming bagay tulad ng kilos, gawi,
paniniwala, opinion, at iba pa.
May iba’t ibang paraan kung saan maipakikita natin ang ating paggalang sa mga dayuhan at
sa kanilang kultura.Kabilang na rito ang taos-pusong pakikinig sa kanilang mga sinasabi, paggalang
sa kanilang opinyon, at hindi panlilibak o pang-iinsulto sa kanila at sa kanilang paniniwala.
Ilan sa mga ito ay kaaya-ayang tinutukoy sa sumusunod na larawan:

1.
2.
.

Maging magalang sa pakikinig sa Igalang natin ang pagpapahayag nila ng


opinyon ng iba. salita ng Diyos

Tandaan:
Ang batang nagpapakita ng paggalang
sa opinyon ng iba kahit na ito ay labag sa
kanyang kalooban ay magkakaroon ng
maraming kaibigan.

Gawain mo 1

Panuto: Sa iyong sagutang papel,kopyahin at sagutan ang Gawain.Lagyan ng PO kung paggalang


sa opinion ang ipinapahayag ng parirala at DPO naman kung hindi.

1. Pakikinig sa sinasabi ng kapwa


2.Paninigaw
3.Pagiging mahinahon sa pagsasalita
4.Pagsasaalang-alang ng damdamin ng kapwa
5.Pagamit ng di nakakasakit na mga salita

Kayang-kaya!

Gawin Mo 2

Panuto:Gumawa ng dayalogo na nagpapakita ng paggalang sa anumang ideya/ opinyon ng bawat


isa.Isulat sa malinis na papel. 5 puntos

Hmm… Kaya ko ba?


Subukan Mo

Panuto: Gumupit/gumuhit ng larawan na nagpapakita ng paggalang sa opinyon o ideya ng ibang


tao.Idikit sa bondpaper at lagyan ng caption ang larawan.

Mga krayterya 3 4 5
Pagkamalikhain Hindi gaanong naging Naging malikhain sa Lubos na naipamalas
malikhain sa paghahanda paghahanda ang pagkamalikhain sa
paghahanda

Organisasyon Konsistent ,may kaisahan , May kaisahan at sapat Buo ang kaisipan ,
kulang sa detalye at hindi na detalye at malinaw konsistent, kumpleto
gaanong malinaw ang na intensyon ang detalye at malinaw
intensyon na intensyon

Kaangkupan sa Hindi gaanong angkop ang Angkop ang mga Angkop na angkop ang
paksa mga salita at larawan sa salita sa larawan ng mga salita at larawan
paksa paksa sa paksa

Inihanda ni:

Renelie U. Bulabog
Guro
Mahusay!

Mapanimdim na puna

Lagyan ng tsek ang item numbers na sasagot sa mga sumusunod na tanong sa


ibaba.Maaari mo ring isulat ang iyong mungkahi.

Formativ Mapanimdim na tanong Bilang Mga mungkahi


e
Activities 1 2 3 4 5
Ano ang madaling item para sayo?
Anong item ang iyong pinakahusay
na ginawa
Gawin
Ano ang mahirap na item para
mo 1 sayo?
Anong item ang nangangailangan
ng higit pang halimabawa o
paliwanag

Susi sa Pagwawasto

Gawin mo 1

1. PO ang tamang sagot dahil nararapat lamang na makinig sa sinasabi ng kapwa.


2. DPO ang tamang sagot sapagkat hindi dapat naninigaw sa paglalahad ng opinion.
3. PO ang tamang sagot sapagkat sa pagiging mahinahon sa pagsasalita makakamit ang
pagkakaintidan at pagalang sa opinion nito
4. PO ang tamang sagot dahil nararapat lamang na isaala-alang ang damdamin ng kapwa sa
paglalahad ng opinion.
5. PO ang tamang sagot dahil ang paggamit ng di masasakit na salita ay isang paraan sa pagalang
sa opinion ng iba.

You might also like