You are on page 1of 10

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 3 – Modyul 2:
Ating Pagkamalikhain, Iaalay sa
Kapwa Natin

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ating Pagkamalikhain, Iaalay sa Kapwa Natin

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mariewin B. Rebancos


Editor: Melinda P. Barrameda
Tagasuri: Jovito P. Oriola, EPS-EsP, Lungsod Ligao
Nestor B. Bobier, LRMDS Superbisor
Tita V. Agir, Punong Tagamasid Pang-Edukasyon ng CID
Tagalapat: Jovy S. Patactacan

2
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

GRADE 5 KWARTER 3

Ating Pagkamalikhain, Iaalay sa


Kapwa Natin

Panimula

May pagkakataon ba na naipakita mo ang pagkamalikhain


sa inyong tahanan o sa iyong paaralan? Ano ang naging reaksiyon
ng mga nakapaligid sa iyo? May pagkakataon ka ba na nakatulong
ka sa paglinang ng talento ng iba? Ang ating talino ay biyaya mula
sa Diyos na nagagamit natin sa mga kapaki-pakinabang na paraan.
Kaakibat sa gawaing ginagamitan ng talino ay ang pagiging
malikhain.

Sa pamamagitan ng angkop na paggamit ng talino,


makatutulong ang mga kabataang tulad ninyo, hindi lamang para
sa kaunlaran ng bayan, kundi pati na rin sa buong daigidig.

Tatlo sa walong multiple intelligence ni Dr. Howard Gardner


ay ang talino sa sining na nabibilang sa spatial-visual intelligence,
pag-awit na nabibilang sa musical intelligence, at pagsayaw na
nabibilang naman sa bodily kinesthetic.

Sa panahon ng inyong kabataan nasasalamin ang inyong


angking talino sa pag-awit, pagsayaw, at pagguhit.

Layunin

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapamalas ng


pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit at sining gamit ang
anumang multimedia o teknolohiya.

1
Paunang Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung ang tauhan sa bawat bilang ay


nagpapamalas ng pagkamalikhain. Isulat sa kuwaderno kung Oo
o Hindi.

1. Batang nagbabasa ng aklat sa liwanag ng ilaw ng isang


tindahan.

2. Dalawang batang lalaki na nag-aaway.

3. Guro na gumugupit ng mga larawan sa lumang magasin


para magamit sa klase.

4. Magsasaka na nagpapalit-palit ng tanim na halaman


depende sa panahon.

5. Pangkat ng kabataan na nagsasanay magsayaw at


umawit sa plasa tuwing Sabado.

Paglinang ng Kaalaman

A. Basahing mabuti at suriin ang mga titik ng awiting “Ang Pipit”.

Ang Pipit
Levi Celerio

May pumukol sa pipit ng sanga ng isang kahoy


At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigkas
Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak
May isang pipit na iiyak, may isang pipit na iiyak.

2
SAGUTIN:

1. Nagustuhan mo ba ang awiting “Ang Pipit”?

______________________________________________________
______________________________________________________

2. Ano ang mensaheng inihahatid sa atin ng awitin?

______________________________________________________
______________________________________________________

3. Sang-ayon ka ba na dapat nating pangalagaan ang bawat nilalang


kasama na ang ibong pipit ayon sa mensahe ng awit? Ipaliwanag.

______________________________________________________
______________________________________________________

B. Ayon sa iyong hilig o interes gaya ng pagsayaw at pag-awit, magpakitang gilas


ka base sa iyong sariling interpretasyon sa awitin. Maaari kang gumawa
alinman sa mga sumusunod na gawain. Pumili lamang ng isa.

I. Lumikha ng bagong titik (lyrics) ukol sa pagmamahal sa hayop gamit


ang tono ng “Ang Pipit”. Ipakita ito sa pamamagitan ng Powerpoint
Presentation.

II. Gumawa ng isang poster ukol sa nilalaman ng pinag-aralang awitin.


Maaaring gumamit ng alam na computer software.

III. Gumawa ng video presentation ng isang sayaw ukol sa pinag-aralang


awitin.

3
Pagpapalalim

Tandaan Natin
 Hindi dapat ikahiya o itago ang angking talento
 Ibahagi at gamitin sa tamang paraan
 Ugaliing lumahok sa mga gawaing makapaglilinang ng talento
 Pahalagahan ang anumang talento na ipinagkaloob ng Diyos
sa atin
 Ibahagi sa iba ang anumang galing o talino na taglay natin
 Alamin ang mga paligsahan o samahan na maaari mong
salihan kung saan maipakikita mo ang iyong angking galing
 Maging mapagpakumbaba sa pagtanggap ng mga karangalan
o mga papuri ng ibang tao o samahan

Pagsasapuso

Maraming paraan upang malinang o mapagyaman ang mga


talentong bigay sa atin ng Diyos.
1. Ipagpatuloy ang pag-alam ng iba mo pang mga talentong
namana mo sa iyong mga magulang at natutuhan mo sa iyong
mga guro at mga nakasalamuha mo sa tahanan, paaralan,
simbahan, at pamayanan. Sikaping gawin ang pagpapahayag
ng mga talento hindi lamang sa sariling kapakanan kundi para
sa kabutihan ng lahat.
2. Maging gawi ang pakikibahagi ng iyong mga talento sa mga
proyektong nakapagpapabuti sa kapwa.
3. Lumahok sa mga paligsahang makatutulong upang lalong
mahasa ang iyong mga talent. Samantalahin din ang iyong
pagsali sa mga paligsahan upang magkaroon ka ng mga
bagong kaibigan.
4. Maging mapagkumbaba sa pagtanggap ng mga karangalan o
mga papuri ng ibang tao o samahan.
5. Higit sa lahat, maging responsable sa paggamit o pagpapakita
ng iyong mga talento.

4
Pagsasabuhay

A. Gamit ang iba’t ibang uri ng hugis katulad ng BILOG,


TATSULOK, PARISUKAT, AT PARIHABA, bumuo ng likhang-
sining na magpapakita ng inyong pagiging malikhain.

B. Magbigay ng paraan kung paano mo maipakikita ang pagiging


malikhain sa mga sumusunod:

 sa batang kapatid mo na nag-aaral at naghahanda ng takdang-


aralin

 sa mga magulang mong nagpapahinga at natutulog

 sa iyong guro na nagtuturo at nagsasalita sa harap ng klase

 sa kaibigan mo na nagbibigay ng mungkahi para sa maayos


na samahan ng mga magkakaibigan

5
Pagtataya

Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang Tama kung


wasto ang pangungusap at Mali kung hindi wasto.

1. Gamitin para sa sarili lamang ang ating pagkamalikhain sa


sining.

2. Namamana natin ang angking galing sa pagsayaw at pag-


awit.

3. Maging mapanagutan o responsable. Dapat sa mabuti


lamang gamitin ang ating mga talento.

4. Mas ginagamit ang talento, mas lalong napapahusay ito.

5. May parangal man o wala, gamitin ang pagkamalikhain sa


pagguhit para sa kapwa.

6. Mas malilinang ang pagkamalikhain sa pagsayaw kung ikaw


ay mahiyain.

7. Ipagyabang sa kagalit ang isang video na nagpapakita ng


iyong angking galing sa pagsayaw.

8. Sumali sa paligsahan sa pagbigkas ng tula sa telebisyon


kung may angking talino ka.

9. Magpabayad sa pagtuturo ng basketbol sa mga kaklase.

10. Iwasan ang mga malalapit na kaibigan dahil sikat ka na sa


radyo at telebisyon dahil sa husay mo sa pagsasayaw at
pag-awit.

6
Kasunduan

PANUTO: Sa iyong kuwaderno, lumikha ng isang plano kung paano higit na


malilinang ang iyong mga talento hindi lamang para sa iyong sarili kundi
para sa kapwa. Ipahayag din kung paano mo maipakikita ang iyong
pagiging responsible sa paggamit o pagpapakita ng iyong talento.

Mga Talento Paraan ng Paglinang Pananagutan


Halimbawa: Madalas na pagsali sa mga Huwag kalimutang may iba
Pagsasayaw paligsahan o programa sa ka pang pananagutan bilang
paaralan na may bahagi ng pamilya,
pagsasayaw paaralan, at komunidad
1.

2.

3.

4.

5.

7
MGA SANGGUNIAN

Contextualized Daily Lesson Plans (EsP 5, Kwarter 3)

Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Kagamitan ng Mag-aaral

Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Patnubay ng Guro

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Batayang Aklat sa EsP


5, pp. 116-123

MELC 5

http://lrmds.deped.gov.ph/

You might also like