You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Pangalan: Petsa:
Baitang: Iskor:

Panimula
Magandang araw! Sa modyul na ito malalaman mo ang iba’t ibang kaugaliang Pilipino na dapat
mong taglayin, panatilihin at isabuhay bilang isang batang Pilipino. Matututunan mo rin dito kung paano
pumili ng tamang kaugalian at kung paano pahalagahan ang mga ito. Handa ka na ba?

Layunin
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino
tulad ng pakikisama sa kapwa Pilipino.

Paunang Pagtataya
Panuto:Guhitan ng bituin ( ) ang pangungusap na sa palagay mo ay mga kanais nais na kaugaliang
Pilipino at buwan ( ) naman kung hindi mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino.

_______1.Pagmamano sa lolo at lola.

_______2.Tinutulungang makatawid sa pedestrian lane ang matatanda.
_______3.Naiinis kapag may bisitang pumupunta.
_______4.Hindi nakikipagtulungan sa mga gawain sa barangay.
_______5.Pagsagot na may kasamang po at opo.

Paglinang ng Kaalaman
Panuto: Tingnan at pag-aralan ang mga larawan tungkol sa mga kanais-nais na ugaling Pilipino.

Batay sa mga ipinakitang larawan, alin sa mga ito ang masasabi mongnagpapakita ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino na may kinalaman sa pakikisama sa kapwa?
_____________________________________________________________________________________

Sa paanong paraan mo maipakikita ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pagsasanay 1
Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba.

Hapon na at uwian ninyo na sa eskuwelahan subalit niyayaya ka ng iyong mga kaklase na

tumulong sa ilang kabataang nadaanan ninyo na naglilinis ng kalye sa inyong pamayanan. Ang sabi ng
nanay mo umuwi agad ng bahay pagkatapos ng klase.

Ano ang gagawin mo? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pagsasanay 2
Ano ang positibo at negatibong naidudulot ng pakikisama?

Habang ikaw ay papasok sa inyong eskwelahan, nakita mong ikinakalat ng iyong mga kaklase ang
balat ng kendi sa kalsada na bagong walis lamang ng mga street sweepers. Para manatili kang kagrupo at
kaibigan nila, ipinapagawa din sayo ang pagtapon ng mga balat ng kendi.

Ano ang gagawin mo? Susundin mo ba sila? Ibigay ang iyong katwiran.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pagsasabuhay
Panuto:
Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba? Isulat ang iyong sagot kung Palagi,
Paminsan-minsan, o Hindi Kailanman.

_____________1. Ikinalulungkot kapag tumutulong lang ang mga tao sa kapitbahay kung binabayaran sila
o binibigyan ng pabuya.

_____________2. Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.

_____________3. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.

_____________4. Aktibong nakikibahagi sa mga pagdiriwang ng pamayanan.

_____________5. Ipinagdarasal ang sariling bayan, mga lider ng bansa, at mga kapwa Pilipino.

Pagtataya
Panuto: Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita ng pakikisama sa kapwa
Pilipino at Mali kung hindi.

_________1. Pag-aalaga sa nakababatang kapatid dahil abala ang mga magulang sa halip na manood ng
larong basketbol kasama ang barkada.
_________2. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala sa mga tao kapag may parating na bagyo.
_________3. Tinatangkilik ko ang mga imported na gamit ng aking mga kaibigan dahil gusto ko
mapabilang sa samahan nila.
_________4. Nagtatanim ako ng mga halaman sa aming bakuran dahil bahagi ito ng Clean and Green
Program ng aming pamayanan.
_________5. Hindi pag-uwi nang maaga dahil may lakad kasama ng barkada.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
LEARNING ACTIVITY SHEET
Pangalan: Petsa:___________
Baitang: Iskor:____________

“Ating Pagkamalikhain, Iaalay sa Kapwa Natin”

Panimula
Sa pamamagitan ng angkop na paggamit ng talino, makatutulong ang mga kabataang tulad ninyo,
hindi lamang para sa kaunlaran ng bayan, kundi pati na rin sa buong daigidig. Tatlo sa walong multiple
intelligence ni Dr. Howard Gardner ay ang talino sa sining na nabibilang sa spatial-visual intelligence, pag-
awit na nabibilang sa musical intelligence, at pagsayaw na nabibilang naman sa bodily kinesthetic.

Layunin
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw,
awit at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya.

Paglinang ng Kaalaman
Basahing mabuti at suriin ang mga titik ng awiting “Ang Pipit”.

Ang Pipit
Levi Celerio
May pumukol sa pipit ng sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog ngunit parang taong bumigkas
Mamang kay lupit, ang puso mo’y di na nahabag
Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak
May isang pipit na iiyak, may isang pipit na iiyak.
SAGUTIN:
1.Nagustuhan mo ba ang awiting “Ang Pipit”?

_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2.Ano ang mensaheng inihahatid sa atin ng awitin?
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3.Sang-ayon ka ba na dapat nating pangalagaan ang bawat nilalang kasama na ang ibong pipit ayon sa
mensahe ng awit? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________________________

Pagpapalalim
Tandaan Natin
 Hindi dapat ikahiya o itago ang angking talento
 Ibahagi at gamitin sa tamang paraan
 Ugaliing lumahok sa mga gawaing makapaglilinang ng talento
 Pahalagahan ang anumang talento na ipinagkaloob ng Diyos sa atin
 Ibahagi sa iba ang anumang galing o talino na taglay natin
 Alamin ang mga paligsahan o samahan na maaari mong salihan kung saan maipakikita mo ang iyong
angking galing
 Maging mapagpakumbaba sa pagtanggap ng mga karangalan o mga papuri ng ibang tao o samahan
Pagsasapuso
Maraming paraan upang malinang o mapagyaman ang mga talentong bigay sa atin ng Diyos.

1. Ipagpatuloy ang pag-alam ng iba mo pang mga talentong namana mo sa iyong mga magulang at
natutuhan mo sa iyong mga guro at mga nakasalamuha mo sa tahanan, paaralan, simbahan, at
pamayanan. Sikaping gawin ang pagpapahayag ng mga talento hindi lamang sa sariling kapakanan kundi
para sa kabutihan ng lahat.
2. Maging gawi ang pakikibahagi ng iyong mga talento sa mga proyektong nakapagpapabuti sa kapwa.
3. Lumahok sa mga paligsahang makatutulong upang lalong mahasa ang iyong mga talent. Samantalahin
din ang iyong pagsali sa mga paligsahan upang magkaroon ka ng mga bagong kaibigan.
4. Maging mapagkumbaba sa pagtanggap ng mga karangalan o mga papuri ng ibang tao o samahan.
5. Higit sa lahat, maging responsable sa paggamit o pagpapakita ng iyong mga talento.

Pagtataya
Panuto:
Isulat sa iyong kuwaderno ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali kung hindi wasto.

_________1.Gamitin para sa sarili lamang ang ating pagkamalikhain sa sining.

_________2.Namamana natin ang angking galing sa pagsayaw at pag-awit.
_________3.Maging mapanagutan o responsable. Dapat sa mabuti lamang gamitin ang ating mga talento.
_________4.Mas ginagamit ang talento, mas lalong napapahusay ito.
_________5.May parangal man o wala, gamitin ang pagkamalikhainsa pagguhit para sa kapwa.
_________6.Mas malilinang ang pagkamalikhain sa pagsayaw kung ikaw ay mahiyain.
_________7.Ipagyabang sa kagalit ang isang videona nagpapakita ng iyong angking galing sa pagsayaw.
_________8.Sumali sa paligsahan sa pagbigkas ng tula sa telebisyon kung may angking talino ka.
_________9.Magpabayad sa pagtuturo ng basketbol sa mga kaklase.
________10.Iwasan ang mga malalapit na kaibigan dahil sikat ka na sa radyo at telebisyon dahil sa husay
mo sa pagsasayaw at pag-awit.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
LEARNING ACTIVITY SHEET
Pangalan: Petsa:___________
Baitang: Iskor:____________

“Kaisa Ako Bilang Pilipino”

Panimula

Sa paggamit ng modyul, sana ay mapanatiling malinis at maayos ito para ang mga susunod na
gagamit ay ganoon din ang kanilang gagawin. Kinakailangan mong basahin nang maayos ang mga
sitwasyon at sagutan ng tama ang mga kasunod nitong mga katanungan mula sa iyong binasa.
Layunin
Sa modyul na ito, inaasahang mapananatili mo ang pagkamabuting mamamayan bilang isang Pilipino

Gawain A. Tingnan ang mga larawan

 Ano ang napansin mo sa larawan?

_______________________________________________________________________________
 Ano ang kahalagahan ng ganitong gawain sa isang lugar o pamayanan?

_______________________________________________________________________________

Ang mga ito ay halimbawa ng mga gawaing pansibiko na nagpapakilala ng isa sa mga kaugalian ng
isang Pilipino. Ang mga gawaing pampaaralan at pampamayanan ay pwedeng salihan ng isang bata. ng
mga taong nagtutulungan sa paglilinis.
PANUTO:
Ilista ang iyong mga gawain na naipakikita ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino

.
Gawaing Pampaaralan Gawaing Pampamayanan Gawaing Pansibiko
A. Basahin at gawin ang panuto. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang kung ito ba ay
gawaing pansibiko, pampaaralan o pampamayanan.

______________1. Nasunugan ang iyong kapitbahay, wala silang naisalbang gamit. Dinalhan mo sila ng
kaldero para may magamit sa pagluluto.
______________2. Tinulungan mo ang iyong kaklase na maglinis ng mga bintana ng inyong klasrum.
______________3. Sumabay ka sa mga kabataang nagpapaganda ng inyong barangay.
______________4. Iginagalang ang mga rebulto ng mga sinaunang tao ng kasaysayan.
______________5. Tumutulong sa pagsasabit ng banderitas kung may piyesta.

PANUTO:
Pag-aralan ang tsart. Tukuyin kung paano makikilahok ang kabataang tulad mo sa mga gawaing
pampamayanan o pansibiko. Isulat ang mga paraan sa iyong kuwaderno.

Gawaing Pampamayanan Paraan ng Pakikilahok

Paglilinis ng kanal o estero

Pagbabahagi ng relief goods

Pagdedekorasyon ng plasa

B. Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon upang maipakita ang iyong pakikilahok sa
gawaing pampamayan?

1. Katatapos lang ng bagyo at nabalitaan mong maraming bahay sa kabilang bayan ang nasiraan ng
bahay.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. Nakita mong nasasayang ang tubig sa inyong gripo, natatapon lang ito sa kalsada sa harapan ng inyong
bahay habang hindi pa dumarating ang mga tauhan na magkukumpuni nito.
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

You might also like