You are on page 1of 8

St.

Mary’s Educational Institute


Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MODYUL SA FILIPINO 6

Modyul Blg. 5 Petsa:

Paksa: Panghalip (Unang Bahagi)

Pangkalahatang – ideya
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa iba’t ibang sanggunian na maaaring gamitin
upang higit na malinang ang kaisipan at kaalaman ng bawat indibidwal. Dagdag pa
rito, tatalakayin rin ng modyul na ito ang “Alamat ng Kwago” na mapupulutan ng aral ng bawat
isa. ito rin ay nagpakikilala ng panghalip na panao at nagpapakita ng mga halimbawa nito.

Layunin
 Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik
 Napapahalagahan ang alamat sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong
 Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na panao, paari, pananong, pamatlig,
panaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
 Nakabubuo ng blog na tumatalakay sa kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan
Nilalaman

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin ng may pag-unawa ang lahat ng nakasulat sa


modyul.

HANDA KA NA BA?

Mula sa iyong sariling kaalaman, ano-ano ang mga katangian ng isang kwago?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

MAHUSAY!

Ngayong alam mo na ang mga katangian ng isang kwago, alamin naman natin ang
katangian ng kwagong nasa akda bilang isang pangunahing tauhan sa alamat. Ngunit bago
iyan, alamin muna natin ang Iba’t ibang sanggunian na maaari nating gamitin upang higit na
malinang ang ating kaalaman.

ALAM MO BA?

Maraming sanggunian ang maaaring magamit ng upang higit na mapalawak ang inyong
kaalaman tungkol sa mga paksang pinag-aaralan.
Narito ang iba’t ibang sangguniang maaaring pagkuhanan ng impormasyon o
kaalamanng makatutulong sa iyong pag-aaaral.

TALASALITAAN

Mula sa mga sanggunian nasa itaas hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na
salita.

1. karamutan -
2. wiling-wili -
3. binatikos -
4. pinangalandakan -
5. bumabagabag –

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

TUKLASIN NATIN!

Matapos nating malaman ang iba’t ibang sanggunian na maaaring magamit ng mga mag-
aaral, ngayon naman ay dadako tayo sa panibagong panitikan na ating tutuklasin. Basahin
ang akdang “Ang Alamat ng Kwago” na matatagpuan sa Yaman ng Diwa 6 Wika at Pagbasa,
KLEAFS Publishing, Arnold B. Gulinao, et al., pp. 36-37. Maaari rin itong basahin sa
pamamagitan ng link na ito https://showbiztchismis.blogspot.com/2018/05/ang-alamat-ng-
kwago.html

PAG-USAPAN NATIN

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ilarawan ang katangian ni tandang kadyo gamit ang dayagram.

2. Ano ang ginagawa ni Tandang Kadyo sa bunga ng kanyang mga puno?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bakit hindi binigyan ni Tandang Kadyo ng bunga ang matandang babae?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Kung ikaw ang tagapagtalaga ng mga bungang-kahoy, bibigyan mo ba ang matandang


babae? Bakit oo? Bakit hindi?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Anong aral ang iyong natutunan mula sa kwentong binasa?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

TUKLASIN NATIN!

KAILANAN NG PANGHALIP PANAO

Ang kailanan ng panghalip panao ay nagsasaad ng dami o bilang ng panghalip.

Isahan – Tumutukoy sa isahang dami o bilang ng panghalip. Kabilang rito ang mga
sumusunod na panghalip:

Ako ikaw, ko, siya, niya, ka, kanya, akin

Maramihan – Tumutukoy sa dalawa o higit pang bilang ng panghalip. Kabilang rito ang mga
sumusunod na panghalip:

Tayo, kayo, ninyo, kami, sila, natin, nila, naming, kanila

PANAUHAN NG PANGHALIP PANAO

Upang hindi na maulit ang pagkagamit ng pangngalan sa isang pangungusap o talata,


ginagamit natin ang panghalip panao.

Una Panauhan - Pinapalitan nito ang tao na nagsasalita.

Halimbawang Pangungusap:

Akin na lang itong mangga.


Ako ay bibili ng aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Hiniram ko ang walis-tingting

Ikalwang Panauhan - Pinapalitan nito ang taong kinakausap.

Halimbawa Pangungusap:

Ikaw ay maaaring pumunta sa health center upang magpabakuna.


Nasa inyo ho ba ang mga papeles na kailangan ni Gng. Baltazar?
Maghanda na kayo dahil darating na ang bisita.

Ikatlong Panauhan - Pinapalitan nito ang taong pinag-uusapan.

Halimbawa Pangungusap:

Sa kanya ibinigay ang mga biniling buko ni nanay.


Kumanta sila sa isang patimpalak,
Binenta niya ang mga puto na kanyang ginawa.

Upang iyong lubos na maunawaan, tignan at unawain ang talahanayan na nasa ibaba.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

SUBUKIN NATIN

Ibigay ang kailanan at panauhan ng mga panghalip na may salungguhit.

Kailanan Panauhan
________ ________1. Kami ay natuto ng kagandahang-asal mula sa aming pamilya.
________ ________2. Ikaw ba ay masipag at matiyaga?
________ ________3. Pumapasok sila sa opisina tuwing umaga.
________ ________4. Kinatutuwaan mo ang mga batang magagalang.
________ ________5. Sa kabila ng kahirapan, nagagawa pa rin nilang ngumiti.
________ ________6. Tayong mga Pilipino ay likas na matapat sa ating mga salita at kilos.
________ ________7. Kilala rin tayo sa pagkamasiyahin.
________ ________8. Tayo na at paunlarin ang turismo ng bansa.
________ ________9. Ikaw ba ay matapat na batang Pilipino?
________ ________10. Ang magandang ugali ay natutuhan sa ating mga magulang.
________ ________11. Napanood nila ang magandang palabas.
________ ________12. Sa kanila ko rin Nakita ang tunay na kagandahang loob.
________ ________13. Ipinagmamalaki ko ang ugaling ito.
________ ________14. Lagi niyang iginagalang ang kanyang kapwa sa lahat ng oras.
________ ________15. Mamamasyal kami sa Luneta.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

PANGHALIP PANANONG
Ang panghalip pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, hayop, pook,
pangyayari, bagay, at iba pa. Narito ang mga halimbawa nito at ang kani-kanilang mga gamit.

SUBUKIN NATIN
Gamitin sa pangungusap ang mga panghalip pananong sa bawat bilang.

1. Sino : ________________________________________________________

2. kanino : ________________________________________________________

3. Magkano : ________________________________________________________

4. Gaano : ________________________________________________________

5. Ano : ________________________________________________________

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

Pagtataya at Pagsusuri

GAWAIN BLG. 1
PANUTO: Magsaliksik tungkol sa mga paksang nasa ibaba, gamitin ang iba’t ibang uri ng
sanggunian sa pagsasaliksik.

1. Talakayin ang mga naganap noong Disyembre 30, 1896

2. Ibigay ang kahulugan ng mga bawat salita at gamitin ito sa pangungusap

SALITA KAHULUGAN GAMIT SA PANGUNGUSAP

binasâ

binasa

tasâ

tasa

gabí

gabi

3. Ibigay ang larawan ng kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo.

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited


St. Mary’s Educational Institute
Ilustre Avenue, Lemery, Batangas

GAWAIN BLG. 2
PANUTO: Punan ng wastong panghalip ang bawat patlang at tukuyin ang kailanan ng
panghalip na nasa patlang.

Nagtalaga 1.__________ ng record sa 200-meter backstroke sa SEA Games of people


with Disabilities, kung saan 2.__________nagkamit ng gintong medalya para sa 3.__________
bansa. Ang nasabing record ay hindi pa rin nahihigitan.
Kasama ang dalawa pang kapwa may kapansanang atleta, lumaban 4.__________ sa
iba pang magagaling na triathlete sa bansa.
“pakiramdam 5.__________ ay kumpleto ang katawan ko kapag nasa tubig
6.
__________. Hindi ko nararamdaman na kulang ang 7.__________ paa”, ang sabi niya sa
isang panayam.
Nawalan ng isang paa si Aba, nayon ay 26 taong gulang nan ang maaksidente ang
8.
__________ minamanehong pampasaherong dyip. Ngunit hindi 9.__________ nagsisisi.
Iniisip niyang isang pagpapala ang nangyari at hindi isang kamalasan. Maraming aral itong
idinulot sa 10.__________.

GAWAIN BLG. 2
Panuto: Bumuo ng isang Blog na tumatalakay sa kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan.
Bilugan ang mga panghalip na iyong ginamit sa blog. Gawin ito sa Genyo E-Learning sa my
share blog feature.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PUNTOS


Kalinawan ng mensahe 10
Panghalip panao na ginamit 10
Pagkamalikhain 10
KABUUAN 30 PUNTOS

Sanggunian

 Gulinao, A. B. (2019, September 14). Yaman ng Diwa 6 Wika at Pagbasa. Marilao,


Bulacan: KLEAFS Publishing
 Shine. (2018 May 22). Ang Alamat ng Kwago [Blog]. Retrieve from
https://showbiztchismis.blogspot.com/2018/05/ang-alamat-ng-kwago.html

Inihanda ni: Iniwasto ni:

GNG. MAAN R. GALLOS GNG. DAISY JANE M. BRIONES


Guro sa Filipino Koordineytor sa Filipino/English

Binigyang-puna ni: Sinang-ayunan ni:

GNG. DIVINA G. AGONCILLO DR. RANDY M. BAJA


Katulong na Punungguro Punungguro

PAASCU Accredited Bureau of Immigration Accredited

You might also like