You are on page 1of 29

FILIPINO 8

GAWAING PAGKATUTO 2
(LEARNING ACTIVITY SHEET 2)
Kwarter 4
Filipino – Baitang 8
Kwarter 4 – Gawaing Pagkatuto 2:

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo


Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes

Manunulat:

Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza

Gumuhit ng Larawan: Anele E. Abanto

Nagsaayos ng Pahina: Oliver D. Merciales at Ivy Jean A. Panotes

1
PANGALAN: _______________________________
ASIGNATURA: _____________ ANTAS: _______
PETSA: ____________________

Panimulang Konsepto

Maligayang bati sa’yo kaibigan!


Isang araw na hitik sa kariktan at aral ng buhay,
handog saatin ng Obra Maestrang Pampanitikan ng
Pilipinas daluyan ng pag-ibig at kaalaman.
Bilang kabataan, nais mo ba na malaman kung ano ang
ang katumbas na wika na ginamit ni Balagtas sa modernong
panahon?, Gamit ang wika ng kabataan?

Magsisilbi itong daan upang maiparating at mailahad ang


kanyang saloobin at damdamin na nakapaloob sa kanyang
akda , susi upang maihatid saiyo ang karunungang taglay ng
Florante at Laura.

Halina’t matuto!

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Sa gawaing ito, inaasahan na nailahad mo ang saloobin


o damdamin ng may-akda gamit ang wika ng kabataan.

2
Panimulang Gawain

Panuto: Piliin ang katumbas na kahulugan ng mga


halimbawang salita sa wika ng kabataan na nasa loob ng
kahon.
Ka-forever 50/50

Dedbol /todas keribels

Petmalo 48 years

1. kakayanin- ____________________________
2. patay - ____________________________
3. kasintahan-____________________________
4. napakahusay -_________________________
5. naghihingalo- __________________________
6. napakatagal -__________________________

Upang lubos ang maging pagkaunawa mo sa akda gamitin


natin ang wika ng kabataan.
Pagsasanay 1

3
Panuto: Piliin ang titik na ipinahihiwatig ng mga
sumusunod na taludtod gawing gabay ang
pagpapakahulugan gamit ang wika ng kabataan na nasa
kabilang kahon.
Sipi mula sa Florante at Laura Pagpapakahulugan (Wika
ng kabataan)

1. Ang ikinalubog niring It really hurts ang mabroken


kapalaran heart,
Sa lubhang malalim na Di mo halos makeri ang
karalitaan. lungkot at sakit.

a.Pagkalumbay
b.Pagkainis
c.Pagkagalit
2. Ang kaluluwa ko’y kusang Parati kitang naaalala.
dumadalaw
24/7 kitang nasa isip , di ka
Sa lansanga’t nayong iyong maalis-alis
niyapakan.

A. pag-alala
B. pagkawalang-bahala
C. pagkainis

3. Nasaan si Selyang ligaya ng Wer na u Selya? mahal khoee?


dibdib?
Di na na yata totoo ang forever.
ang suyuan nami’y bakit di Buong akala ko magtatagal tayo.
lumawig?

4
a. Pagkatakot
b. Pangagamba
c. Pagdaramdam
4. Bakit baga noong kami’y Sana nung nagbreak tayo, ay
maghiwalay natodas na rin ako.
Ay di pa nakitil yaring abang
buhay?

A. Pag-aalala
B. Pagkalungkot
C. Pagkagalit
5. Tanggapin mo nawa kahit Sana tanggapin mo ito.
walang lasap,
Simple man sayong paningin, ito
Nagbuhat sa puso ng lingkod ay legit nagmula sa puso ng loyal.
na tapat.

A. Pagsusumamo
B. Pagtatampo
C. Pag-aalay

Mahusay! Naisagawa mo nang maayos ang gawain.

Pagsusuri at Abstraksiyon
Panuto: Basahin at bigyang pansin ang mga halimbawa ng wika
/salita na kilala sa mga kabataan maging sa social media.

MEME
5
Pick up lines /Banat
Sopas ka ba? Kapag kausap kita my heart is beating SOPAS!

Gay Lingo
Trulalu!Nakakalurkey talaga ang pag-ibig ni Florante kay Laura.

Jejemon
Eowwwwxxxhhh! Xha poeeh
Kumuxta kha powhh?ang pagbabasa
Moeeh ng FLORANTE AT LAURA?
Maaaring sumangguni sa sumusunod na links para sa iba pang impormasyon tungkol sa Jejemon,Gay lingo,memes, balbal.
https://tl.wikipedia.org/wiki/jejemon
https://brainly.ph/questions/kahulugangaylingo,memes,balbal

May mga salita/wika na kilala at nauusong gamitin ng mga


kabataan sa kasalukuyan tulad ng mga halimbawa na nasa itaas ito
ay tinatawag na wika ng kabataan.
Sa kasalukuyan, maraming mga salita na ang umuusbong
batay sa mga pangangailangan ng mga tao lalo’t higit sa mga
kabataan , Idagdag pa rito ang paggamit ng teknolohiya maging sa
mundo ng social media. Ang social media ay isa rin sa mga dahilan
kung bakit maraming mga bagong balbal na salita o tinatawag na
salitang kanto o kalye ang nabubuo. Isang halimbawa ang jejemon,
gay lingo ,nauusong memes at iba pa.

6
Sa pag-unlad ng teknolohiya ,ekonomiya at aspeto ng buhay
kusang nagbabago ang wika maging wika ng kabataan ,dahil dito
naipapahayag ng mga kabataan ang kanilang saloobin na
nakatutulong sa pag-unawa sa mga akdang kanilang binabasa.
Patunay lamang na tuloy ang pagyabong ng wikang Filipino.

Mahusay! Naunawaan mo ang wika ng kabataan at at


kahalagahan nito sa pag-unawa sa mga akdang pampanitikan,
maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Paglalapat
Panuto: Isulat sa speech balloon ang damdamin o saloobin na ng
may-akda sa sumusunod na taludtod gamit ang wika ng kabataan.

“Ay mapagkandiling amang iniibig!


Bakit ang buhay mo’y naunang napatid,
Ako’y inulila sa gitna ng sakit.”

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

“Sa sintang inagaw ang itinatangis ,

7
Dahilan ng aking luhang nagbabatis,”

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________________________________________

“O pagsintang labis ng kapangyarihan


sampong mag-aamay iyong nasasaklaw!
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang.”

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________________________________________

Lumipas ang araw na lubhang matamis


at walang natira kundi ang pag-ibig,
Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________________________________________

MGA PAMANTAYAN Puntos


Gumamit ng mga salitang 5
simple at madaling maunawaan
ng kabataan

8
Nailahad ang saloobin 5
damdamin ng may-akda.
Kaugnayan ng sagot sa taludtod 5
kabuoan 15

Susi sa Pagwawasto

Panimulang
Paglalapat Pagsasanay 1 gawain
Maaaring 1. a 1. keribels
magkaroon ng iba- 2. a 2. dedbol/todas
ibang kasagutan ang 3. c 3. ka-forever
mag-aaral 4. b 4. petmalo
5. c 5. 50/50
6. 48 years

9
PANGALAN: _______________________________
ASIGNATURA: _____________ ANTAS: _______
PETSA: ____________________

Panimulang Konsepto

Kumusta?

Naisip mo na ba ang totoong kalagayan ng Pilipinas


sa kasalukuyan? Mayroon ka bang magagawa o maitutulong
upang maganda ang bayan?

Malaking hamon saatin ito bilang mga Pilipino , bawat


isa saatin ay kasangkot sa usaping ito. Sa aralin na ito saglit
nating sulyapan ang kalagayang ng Pilipinas noong panahon
isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura,

May pagbabago ba? Sa kalagayan ng ating bansa?

Alamin natin sa tulong ng araling ito.

Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

10
Sa gawaing ito, inaasahan na nailahad mo ang
mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.

Panimulang Gawain

Panuto:
Pakinggan at panoorin ang Florante at Laura sa
https://youtube.com/watch?v=dCIAnUBBXxg&feature=share.

Para sa walang internet basahin ang sipi ng aralin 5 saknong


1-10.
Puno ng Salita

Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,


dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

2
Malalaking kahoy — ang inihahandog,
pawang dalamhati, kahapisa't lungkot;
huni pa ng ibon ay nakakalunos
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.

3
Tanang mga baging na namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi't malapit.

4
Ang mga bulaklak ng natayong kahoy,
pinakapamuting nag-ungos sa dahon;
pawang kulay luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

11
5
Karamiha'y Sipres at Higerang kutad
na ang lihim niyon ay nakakasindak;
ito'y walang bunga't daho'y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

6
Ang mga hayop pang dito'y gumagala,
karamiha'y S'yerpe't Basilisko'y madla
Hayena't Tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao't daiging kapuwa.

7
Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng Ilog Kositong kamandag ang tubig.

8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho'y kulay-pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.

9
Baguntaong basal na ang anyo'y tindig,
kahit natatali — kamay, paa't liig,
kundi si Narsiso'y tunay na Adonis,
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit.

10
Makinis ang balat at anaki burok,
pilikmata't kilay — mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.

Pagsusuri at Abstraksiyon

Alamin ang ilang salita na ginamit sa aralin


higera- isang punong kahoy na malalapad ang mga dahon
na hindi namumunga.

12
sipres-isang uri ng punong-kahoy sa bundok, tuwid malaki
at malalim ang tubo,ang mga sanga ay paitaas lahat at hugis
puso ang buong anyo.
basilisko- isang halimaw na ayon sa alamat ang mukha ay
may pagkakahawig sa butiki , ang hininga nito at kislap ng
mga mata ay nakamamatay.
Kosito-Isang ilog sa Epiro, purok sa albanya na ang tubig
ay nakalalason.
Narciso- isang binatang sakdal ganda at kisig
burok- pulang itlog ng manok
nimpas- uri ng diwata
Aberno-sa alamat ng mga Romano tinatawag itong
impiyerno

Pagsasanay 1
Panuto : Mula sa napakinggan aralin ilarawan ang pook na kinaroroonan ni
Florante, Isulat ang sagot sa palibot ng grapikong pantulong.

13
Gubat

Panuto: Ilarawan si Florante at ang kanyang kalagayan sa gubat. Isulat sa


loob ng kahon ang sagot

Florante

14
Magaling!
Nakita mo ang mahahalagang pangyayari kay Florante sa gubat na
mapanglaw.

Sa simula ng awit , ang madilim at mapanglaw na gubat ay


ihinahalintulad sa bansang Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng
Kastila. Inilarawan dito ang pagkasira at nanganganib na bayan sa
kamay ng mga sakim at ganid sa kapangyarihan na inihalintulad
naman sa mga hayop sa gubat.
Sa kasalukuyan laganap pa rin ang kaguluhan sa ating bayan,
bilang kabataan na pag-asa ng bayan hinihikayat tayo na tumulong
at makiisa upang maligtas at mapaunlad ang ating bansa sa kamay
ng mga mapagsamantala at mga mapang-abuso.
Malaki magagawa mo!
Buksan lamang ang iyong puso at isipan sa itinuturo ng
akdang ito.

Narito pa ang ilang gawain na magdaragdag ng pagkaunawa mo sa


aralin.

Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Kung ito ay hango sa
katatapos na aralin ,iguhit ang , at
naman kung hindi hango sa aralin. Ilagay ang sagot sa kahon.

15
1.Lubhang masukal ang gubat na kinaroroonan ni
Florante.

2.Nakagapos si Florante sa puno ng Higera

3.Naglaban sina Florante at Adolfo.

4. Sinapit ni Duke Briseo ang malagim na


kamatayan sa gubat.

5.Mayroong mababangis na hayop sa gubat na


handang silain si Florante.

Paglalapat
Pagsunod-sunurin ang mga pangayayari sa katatapos na
aralin.

4 Sa gitna ng mapanglaw na gubat ay nakagapos si


Florante sa puno ng Higera.

1 Inilarawan ang gubat na, mapanglaw at


madawag ,marumi at maraming basura

2 Ang mga kahoy ay namimilipit ang mga sanga na


nababalot ng mga tinik.

3 May mga nakaambang mababangis na hayop handang

16
sumila kay Florante.

5 Inilarawan si Florante na isang magandang lalaki,


makinis ang balat kulay ginto ang buhok ,at balantok
ang pilikmata.

Binabati kita!
Naisagawa mo nang mahusay ang mga itinakdang gawain.
Tiyak na masaya si Balagtas saiyong mga kaalamang
nakamit.

Panapos na pagsubok
Panuto: Bumuo ng talata tungkol sa pangarap mong
Pilipinas gawing gabay ang halagang pangkatauhan na nasa
ibaba.
Ang bawat mamamayan ay may tungkuling tumulong
tungo sa ikagaganda at ikabubuti ng bansa.

Ang pangarap kong Pilipinas


________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

17
________________________________________________
________________________________________________

MGA PAMANTAYAN Puntos

Nilalaman 10

Kaugnayan sa paksa 10

May 5-10 pangungusap 10

kabuoan 30

Susi sa Pagwawasto

Paglalapat
Panapos na pagsubok 4
Maaring magkaroon ng 1
iba-ibang kasagutan ang 2
mag-aaral. 3
5

Panimulang Panimulang
Pagsasanay 1
Gawain B. Gawain A
1.
Maaring magkaroon 1. mapanglaw
2.
ng iba-ibang 2. masukal
3.
kasagutan ang mag- 3. madilim
4.
aaral 4. mapanganib
5.
5. madawag
18
PANGALAN: _______________________________
ASIGNATURA: _____________ ANTAS: _______
PETSA: ____________________

Panimulang Konsepto

Masayang araw ng pagkatuto kaibigan!


Ang Florante at Laura ay lubhang napakahusay na
Obra, maraming nakatagong aral sa bawat linya, taludtod at
saknong.
Nais mo bang malaman kung ano ang mga kaisipan na
nakapaloob sa bawat kabanata? at mabunyag ang mga
gintong aral na nakapaloob dito
Nasasabik ka na ba na magamit ito sa iyong araw -araw na
pamumuhay?
Alam kong OO ang sagot mo!

19
Halika! samahan mo ako sa paglalakbay-aral.

Panimulang Gawain

A. Panuto: Basahin at unawain ang kabanata Paalam,Bayan ng


Albanya, saknong (114-117 )
Ang kaligtasan ni Florante,saknong (140-142)
Ang Kristiyano at ang Muslim saknong (147-150)

Maaring gawing sanggunian ang sumusunod.


http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Paalam,%20Bayan%20Albanya.html
http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Kaligtasan%20ni%20Florante.html
http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Ang Kristiyano%20at%20ang20%Muslim.html

B.Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig na


kaisipan ng larawan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga
salita na may kaugnayan dito, Isulat ang sagot sa nakalaang
patlang.

20
1.____________________________________________
2.____________________________________________
C.Panuto: Gamit ang mga salita na ibinigay, Bumuo ng
pangungusap na may kaugnayan sa Larawan.
1.______________________________________________
2.______________________________________________
3.______________________________________________

Mahusay! Naisakatuparan mo ang gawain.

Alam mo ba na ang mga manunulat ay nagsusulat dahil


may nais silang iparating na mensahe o kaisipan sa kanilang
mambabasa.
Hindi lubos ang kanilang kasiyahan kung hindi natin ito
makukuha o malalaman.
Upang makuha ang mensahe na nais iparating ng may-
akda kailangan mong malaman ang pangunahing kaisipan
na tumutukoy kung ano ang nais ipaunawa ng may akda
tungkol sa paksa na babasahin ng kanyang mga mambabasa,
malaki ang maitutulong nito upang makuha natin ang nais
ipabatid ng mga manunulat sa kanyang akdang isinulat.
Matapos nating malaman kung ano ang kahulugan ng
pangunahing kaisipan

21
Narito ang mga gawain na susubok sa ating
pagkaunawa sa aralin.
Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin sa Hanay A, kung ano ang kaisipang
inilalahad ng Halagang Pangkatauhan sa kabanata ng
Florante at Laura sa Hanay B. Isulat ang titik ng wastong
sagot.
Hanay A Hanay B

___1.Kumuha ng munting baong A. Ang anak na


makakain ang daralita’y inamong nagmamahal sa magulang
tumikim. ay pagpapalain habang
buhay

___2.Yaring katauha’y utang kong B. Ang tumulong sa


tinanggap sa Duke Briseo…(Ay, ama kapwa ,sa Diyos ay may
kong liyag!) pagpapala

___3. Halina, Laura ko’t aking C. Pag-ibig ang gabay


kailangan ngayon, sa buhay sa kaligayahan
man o sa kalungkutan.
Ang lingap mo nang naunang
araw,ngayong hinihingi ang iyong
pagdamay

Binabati kita! Nakapagsuri ka na ng pangunahing kaisipan


na nakalahad sa aralin.

22
Paglalapat
Panuto: Pumili ng saknong sa kabanata at alamin ang
pangunahing kaisipan nakapaloob dito.
Ang Kaligtasan ni Florante
Napiling Saknong:
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_________________________
Pangunahing Kaisipan :
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

MGA PAMANTAYAN Puntos

Nilalaman 5

Kaayusan ng ideya 5

Kalinawan ng Kaisipan 5

kabuoan 15

23
Panapos na pagsubok
Panuto: Ilahad ang kaisipan na iyong natutuhan sa
katatapos na aralin sa pamamagitan ng pagguhit.
MGA PAMANTAYAN Puntos

Kagandahan 30

Orihinalidad 10

Pagkamalikhain 10

kabuoan 50

Mahusay! Naunawaan mo na ang pagsuri at pagtukoy sa


kaisipang nakalahad sa mga akda, maaari mo itong magamit sa mga
susunod na aralin.

Susi sa Pagwawasto

24
Panapos na pagsubok
Maaaring magkaroon ng iba-
ibang kasagutan ang mag-
aaral

Panimulang
Paglalapat Pagsasanay 1 gawain
Maaaring 1. b Maaaring
magkaroon ng iba- 2. a magkaroon ng
ibang kasagutan ang 3. c iba-ibang
mag-aaral kasagutan ang
mag-aaral

Sanggunian:

Aralin 1.

25
Larawan Source : FLORANTE AT LAURA MEME,-Admin (Mr.
Stark)LPSci Memes for Humble-Hearted Teens www.facebook.comlinks
https://brainly.ph/question/2094891
https://philnews.ph/2021/02/17
https://youtube.com/watch?v=dCIAnUBBXxg&feature=share.

https://tl.wikipedia.org/wiki/jejemon
https://brainly.ph/questions/kahulugan.gaylingo
https://brainly.ph/questions/kahulugan.meme
https://brainly.ph/questions/kahulugan.balbal

Guimarie, Aida M., Kalinangan 8, Workteks sa Filipino (Wika at


,

Panitikan)para sa Hayskul, 2015

Aralin 2
https://all-about-filipino.blogspot.com/2015/02/f.html?m=1

https://www.scrbd.com

https://images.app.goo.gl/teRPtoNihvnHRYcV9

https://www.google.com/amp/s/filipinograde8blog.wordpress.com/2

Guimarie, Aida M., Kalinangan 8, Workteks sa Filipino (Wika at


Panitikan)para sa Hayskul, 2015

Aralin 3

https://brainly.ph/question/2532657
http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Paalam,%20Bayan
%20Albanya.html
http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Kaligtasan%20ni%20Florante.html
http://www.geocities.ws/vingalliahpalao/Ang Kristiyano%20at
%20ang20%Muslim.html

Guimarie, Aida M., Kalinangan 8, Workteks sa Filipino (Wika at


Panitikan)para sa Hayskul, 2015

26
27
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600

Landline: (054)440-1772, (054)440-4464

Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p

You might also like