You are on page 1of 16

10

FILIPINO
Kwarter 1 – Modyul 2
Gunitain Mo

1
Filipino – Baitang 10
Kawarter 1 – Modyul 2: Gunitain Mo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Adrian B. Bulalacao, Doraliza M. Peña


Editor: Felicidad P. Bisenio
Tagasuri: Nora J. Laguda
Tagaguhit: Evan Lee P. Leonem
Tagalapt: Evan Lee P. Leonem; Brian Navarro

2
Paunang Salita

Sa pamamagitan ng mga natukoy na lubhang


mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies
(MELC) bilang tugon sa mapanghamong pagsubok na kinakaharap sa kasalukuyan
ay maisasakatuparan pa ang bisa ng layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na patuloy
na malinang at mapaunlad ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa kahit
paanong paraan, hakbang at pamamaraan o modalities, saan mang sulok ng daigdig.

Nilikha ang kagamitang ito upang matugunan at maging kaagapay sa patuloy


na pagpapayaman ng kaisipan, kakayahan at kasanayan ng bawat mag-aaral na
Pilipino. Sagangang ito rin ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng tulong ng mga
paaralan, guro at mga magulang na gagabay sa kanilang mga anak.

Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makakatulong sa lahat ng mga


kabataan para matuto sa gitna ng mundong umiiral sa kasalukuyan.

Para sa mga Magulang o Tagagabay:

Upang maging kapaki-pakinabang ang modyul na ito, mahalaga ang


gampanin ng mga tagagabay.
1. Mahalagang ipaalam sa mga magulang ang kanilang mga
gampanin upang mapagtagumpayan ng mga mag-aral ang modyul na ito.
2. Kailangang maipabatid sa mga mag-aaral na kailangan nila
ng sagutang kuwaderno o papel para maisulat ang sagot
sa bawat gawain.
3. Ipaalala rin sa mga mag-aaral na malaya silang
4. makakpagsangguni sa guro kung may mga paglilinaw
sa modyul na ito.

Para sa mga Mag-aaral:


Upang maging kapaki-pakinabang ang modyul na ito para sa iyo bilang mag-
aaral:
1. Basahin mong mabuti at unawain ang mga panuto para sa modyul na ito.
2. Mahalaga na kapag natapos mo na ang modyul at kapag may mga
katanungan ka ay sikapin mong ipaalam o sumangguni ka sa iyong guro.
3. Wag ka ring mag-atubili sa paghingi ng tulong at suporta
sa iyong mga kapatid at mga magulang.
4. Pakaingatan mo ang modyul na ito, iwasang mapunit o
masira.
5. Para sa iyong mga kasagutan, gumamit ka ng kuwaderno
o sagutang papael para sa iyong mga kasagutan.

ii
Gunitain Mo

Panimula

Masayang araw! Kumusta ka? Masaya ako na nasa mabuti kang kalagayan.
Sabik ka na ba sa iyong bagong aralin? Halika, ito ay sisimulan na natin. Nasa mundo
ka ng gunita!

Simulan na natin ang paglalakbay mo sa mundo ng gunita!

Layunin:
Sa modyul na ito, inaasahan na naiuugnay mo ang mga kaisipang nakapaloob
sa akda sa nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig.

Talasalitaan

Ito ang mahahalagang susing salita na dapat alamin sa araling ito. Ibigay ang
kahulugan ng mga sumusunod at gamitin sa pangungusap.

ipinagkaloob nag-alinlangan waldasin kalupi

pagatol-gatol pangamba siglo kumaluskos

1
Panimulang Pagsubok

Subukin Natin?
Basahin ang akda sa ibaba at sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat sa
papel ang sagot.

ANG ALIBUGHANG ANAK


(Lucas 15:11-32)

Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Maykaya sa buhay ang


matanda kaya naman naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang
anak.

Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang


kaniyang mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang
bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari-arian ay umalis ito sa puder ng
ama.

Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay.
Ginastos nito ang perang ipinama sa paraang nais niya. Madalas siyang pumunta
sa mga kasiyahan. Sinubukan din nitong magsugal.

Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa
utang at hindi na nakabangon pa.

Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na


siyang ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman
tinanggap niya nang buong puso ang bunso. Pinakain at binihisang muli.

Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at


waldasin ang pera ay nagawa pa rin itonanggapin ng ama. Kinausap niya ang
ama dahil dito.

Sinabi naman ng ama na ang kaniyang pagtanggap sa anak ay ang tunay na


diwa ng pamilya. Lahat naman daw tayo ay nagkakamali at nangangailangan ng
pagpapatawad. Ang mahalaga raw ay natututuhan natin ang ating leksiyon.

2
Tungkol saan ang _____________________
binasang mong teksto? _____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
Mula sa iyong binasang ___________________________
akda, anong katangian ng ___________________________
bunsong anak na maaari
___________________________
mong iugnay sayong sarili
___________________________
at sa iyong pamilya?
___________________________
___________________________
______

Binabati kita sa iyong mga sagot! Maraming salamat sa iyong pagbabahagi!


Naiugnay mo nga ito sa iyong sarili!

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Ang iyong ginawa ay pag-uugnay ng kaisipan ng isang akda sa nangyayari sa


iyong sarili. Ang pag-uugnay ng kaisipan mula sa isang akda at sa iba pang kaisipan
ay mahalaga upang lubos na maunawaan ang nais ipahiwatig ng isang akda.

Ito ang mga hakbang sa pag-uugnay ng iyong kaisipan:


1. Tukuyin ang mahalagang kaisipan ng akda.
2. Iugnay mo ang mga kaisipang ito sa nangyayari sa iyong sarili.
3. Maaaring iugnay ang kaisipan ng akdang binasa sa pamamagitan ng pag-
uugnay nito sa nangyayari sa iyong sarili, sa pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig,

3
Pagsasanay 1: Lakbay-Basa!

Simulan mo na ang iba`t ibang gawain!

Basahin mo!
“Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual
Isang araw, lumabas si Aling Marta at tumungo sa pamilihan upang bumili ng garbansos
dahil paborito ito ng kanyang anak na magtatapos ng highschool sa araw na iyon.
Pagkapasok niya sa pamilihan, siya ay nabangga ng isang batang lalaki na nakasuot ng
maruming maong at punit na kamiseta.

Pinagalitan ni Aling Marta ang bata at tumungo kay Aling Godyang upang mamili.
Dumukot sa bulsa si Aling Marta ngunit wala ang kanyang kalupi.

Naalala niya ang batang bumangga sa kanya at agad na hinabol ito sapagkat ito ay hindi
pa nakakalayo. Inakusahan niya ang bata at tumawag pa ng pulis ngunit wala sa bata
ang nawawalang kalupi. Ipinilit ni Aling Marta na ang bata talaga ang siyang nagnakaw
kaya pumunta sila sa outpost. Pilit na gustong paaminin ni Aling Marta ang bata kaya’t
sinaktan niya ito. Nagpumiglas ang bata at nakawala. Tumakbo siya patungo sa
maluwang na daan ngunit siya ay nabangga ng isang humahagibis na sasakayan.

Mga ilang sandali bago siya namatay, pagatol-gatol niyang sinabi na wala silang
makukuha sa kanya. Pagkatapos nito, tuluyang pumanaw ang bata.

Umalis sa outpost si Aling Marta at nangutang upang makabili ng ulam para sa hapunan.
Noong siya ay pauwi, natatanaw na niya ang kanyang mag-ama. Nagtatakang nagtanong
ang kanyang anak kung saan niya nabili ang ulam.

Nagsinungaling si Aling Marta at sinabi na ginamit niya ang pera mula sa kanyang pitaka.
Sinabi ng kanyang asawa na naiwan niya ang kanyang pitaka at nawalan siya ng malay
habang paakyat ng hagdanan.

4
Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

1. Isa-isahin ang mga tauhan at ang mga katangian nito.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Tama ba ang inasal ni aling Marta sa batang pulubi? Patunayan.

3. Anong bahagi ng teksto ang maaaring ihalintulad ninyo sa nangyayari sa inyong


pamilya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Iugnay mo ang mga pangyayari kwento sa mga nagaganap sa ating lipunan.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Binabati kita sapagkat napagtagumpayan mong iugnay ang kaisipan ng


akda batay sa iyong sarili at pamilya! Mahusay ka!

5
Pagsasanay 2: Aral-Linang

“Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon”


Magtatapos na ng elementarya si Inday, at sa kabutihang palad, siya ay isang honor
student. Sabik na sabik at tuwang-tuwa ang kanyang Ina na si Aling Peling.

Bilang gantimpala kay Inday sa pagtatapos ng elementarya at pagiging honor student,


nag-ipon ng pera ang kaniyang Ina para makabili ng regalo na ibiibgay niya sa araw ng
araw ng pagtatapos. Dahil sa tingin ni Aling Peling ay kakailanganin ni Inday sa
kanyang pagpasok sa high school, napagdesisyunan niyang cellphone na lang ang
bilhin.

Laking tuwa ni Inday nang matanggap ang kaniyang bagong selpon. Pero parang
naging tali siya buong panahon ng bakasyon sa kanyang selpon. Palagi niyang kausap
ang kaniyang matalik na kaibigang si Bessy o kaya naman ay magkatext sila. Narinig rin
ni Aling Peling na may kikitaing lalaki si Inday na may pangalang "Rico" sa unang
pagkakataon. Sinubukang tanungin ni Aling Peling si Inday tungkol sa lalaking ito, pero
hindi naging magalang ang kaniyang pagsagot--isang bagay na ikinagulat ng Ina.

Kinabukasan, umalis na lang nang walang paalam si Inday, at nadatnan na lang ni Aling
Peling sa kalye na umiiyak dahil kinuha umano ni Rico ang kanyang bag na naglalaman
ng kaniyang selpon, nagpaalam lamang na magpupunta sa banyo, ngunit hindi na ito
bumalik. Ang laking panghihinayang ni Inday sa nangyari.

Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

1.Maari mo ba ihambing ang nangyari sa kwento sayong sariling karanasan?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2.Maiuugnay mo ba ito sa nangyayari sa Lipunan?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mahusay! Maraming salamat sa iyong mga kasagutan! Nakita ko ang iyong pagpupursige
na gunitain ang lahat ng kaisipan sa akda na iyong binasa. Magpatuloy ka lamang sa
paglalakbay mo! Yaman mo ang iyong kaisipan.

6
Pagsasanay 3: Lapat-Diwa

Basahin mo ang akda at gunitain mong muli ang iyong mga kaisipan.

Ang Sirena at si Santiago


Mitolohiya mula sa Pagadian, Pilipinas

Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga sirena,
mga mahiwagang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Patok rin noon ang
pinag-uusapang gantimpala sa sinumang makakahuli ng sirena, patay man o
buhay. Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong namuhay na isang makisig na
mangingisdang nagngangalang Santiago. Sa mga dagat ng Pagadian, siya ay
nakikipagsapalaran kasama ang iba pa upang makarami ng huli kada araw.
Isang hapon, habang siya’y nag-iisang nangingisda, mayroon siyang narining
na napakagandang tinig. Sinundan niya ang boses hanggang natagpuan niya ang
isang babaeng mahiwaga ang ganda sa likod ng mga malalaking bato. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang natanaw, mala-diyosang tinig at ganda ang angking
galing ng babaeng ito. Ngunit mayroong napansin ang binata, mayroong buntot na
parang isda ang dalagang nasa harap niya.
Nang napansin ng dalaga na may taong nakakita sa kanya, kinabahan ito at
dali-daling lumangoy, ngunit nabihag niya ang puso ng lalaki na agad-agad
din namang sumagwan para mahabol niya ito.
Nakumbinsi ni Santiagong mag-usap silang dalawa at dahil dito ay naging
malapit sila sa isa’t-isa. Nagpakilala naman ang sirenang si Clara sa binata.
Pagkatapos nang nangyari, araw-araw na silang nagkikita at nag-uusap sa lugar na
iyon hanggang sa nahulog sila sa isa’t-isa.

Nag-aminan ang dalawa sa kanilang dinaramdam at kalaunan ay naging


magkasintahan na sila. Sa sobrang pagmamahal ni Santiago kay Clara ay naisipan niyang
sumama sa kaharian ng kanyang mahal upang doon na manirahan. Noong una, hindi
sumang-ayon si Clara sa gusto ng binata ngunit nagpumilit ito kaya’t pumayag na lang siya.

Pagkalipas ng tatlong araw ng hindi pag-uwi ni Santiago, nagtaka na ang kanyang


pamilya at nagsimulang mangamba. Sa pag-aalala ay pinatawag ng kanyang mga
magulang ang ibang mga mangigisda para hanapin ang kanilang anak.

Sa kabilang dako ay naroon sina Santiago at Clara sa lugar na nakasanayan nilang


puntahan, sa likod ng malaking bato kung saan silang unang nagkita. Nakikipaglaro ang
magkasintahan sa mga isda nang biglang dumating ang grupo ng mga mangingisda na
nagulat sa kanilang nakita. Sinulong nila ito dahil akala nila’y ginayuma niya si Santiago
upang maging isa sa mga sinasabing bihag ng mga sirena. Agad namang prinotektahan ng
lalaki ang kanyang minamahal at sa kasamaang palad ay natamaan ito ng balsa at namatay.
Sinikap ng sirenang makaalis ngunit naabutan din siya at sunod na pinatay.

7
Sinabi ng mga isda ang kanilang nakitang marahas na pagpatay sa dalawa sa
puno ng kaharian ng mga sirena na napuno ng galit kaya’t gustong bigyan ng parusa
ang mga tao upang matuto ang mga ito. Nagpakawala sila ng napakalakas na alon, o
tinatawag na “tsunami” sa kasalukuyan, na naglunod at pumatay sa mga mangingisda
at nagdulot ng malaking pagkakasira sa buong lungsod ng Pagadian.

Nag-iwan ang tsunaming ito ng isang bangin na nagsisilbing palatandaan sa


kasakiman ng mga tao noon na nagdulot sa nangyari sa magkasintahan. Ngayon,
naging napakabait na ng mga tao sa dagat, mga isda, sa kapwa nila, at hindi na mang-
aapi ng sirena sakaling makakita sila nito

Mula sa akdang “Ang sirena at si Santiago”, ano ang kaisipang namayani


sa akda at iugnay mo ito sa realidad ng iyong Daigdig?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsubok

Basahin natin!

Si Gualyi at Churalyi
– Mitolohiya ng Kalsangi (Isinalin Mula sa Espanyol)
Noong unang panahon sa mahiwagang lupain ng Kalsangi, may naninirahang mag-
asawa na nagngangalang Churalyi at Gualyi. Sila ay nagmamahalan, nagutom, umiyak at
hinarap ang hirap ng buhay. Sa kasamaang palad, hindi sila nagkaroon ng anak dahil baka
mapahamak ang bata sa mga masamang nilalang ng Kalsangui. Kaya naman, nagsikap
ang mag-asawa para puksain ang mga nilalang sa Kalsangui para sa kanilang kaligtasan.
Akala nila na sila na lang dalawa ang naninirahan sa lugar na iyon. Pero, hindi nila
napansin sa mga taong nakalipas na merong misteryosong nilalang na naninirahan din
doon.

8
Isang gabi habang mahimbing na natutulog ang mag-asawa, bumangon si Gualyi dahil
sa narinig na kumakaluskos sa labas. Agad namang ginising ni Gualyi si Churalyi, ang
bana. “Ano ba iyon? May narinig ka ba?,” tanong ni Gualyi. “Oo, may narinig ako. Wala
iyon. Nahuhulog lang na mga dahon iyon. Sige, matulog ka na.,” sagot ni Churalyi.
Pabalik na sana sa pagtulog ang mag-asawa, nang may narinig ulit si Gualyi. Dahil
dito, lumabas si Churalyi sa kanilang bahay dala-dala ang palakol para tingnan kung ano
ang nangyayari. Sa isang madilim na sulok, napansin niya ang isang hayop na mas malaki
sa kanyang bahay na tumitingin sa kanya. Sa isang saglit, inihagis niya ang kanyang
palakol diretso sa dibdib ng hayop, ngunit maliit lang na sugat ang kanyang nagawa.
Pero di kalaunan, nagpakilala ang hayop na hindi siya masama. Ipinaliwanag niya na
dumating siya para tulungan si Churalyi na puksain ang mga masasamang nilalang sa
Underworld o sa mundo ng mga patay.
Matapos ang mahabang pakikipagsapalaran sa mundo ng mga patay, nagpasalamat si
Churalyi sa misteryosong nilalang at agad na itong nawala at hindi na bumalik.
Pagdating ni Churalyi sa kanyang bahay, agad siyang kinamusta ni Gualyi at hinatid
ang balita na siya ay buntis. Ilang buwan ang nakalipas, nanganak si Gualyi ng isang
malusog na lalaki at pinangalanan itong Coco.
Ilang taon ang nagdaan, si Coco na ang namuno ng malawak na lupain ng Kalsangi
matapos siyang iniwan ng kanyang mga magulang. Siya ay namuhay ng masagana at
nagkaroon na ng sariling pamilya.

Mula sa iyong akdang binasa na “Si Gualyi at Churalyi”, ano ang kaisipang
namayani sa akda na nagsilbing aral para sa iyo at iugnay mo nga ito sa mga
sumusunod:

Sa iyong sarili
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sa iyong pamilya
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sa iyong lipunan
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

9
Karagdagang Gawain

Sa iyong palagay, bakit mahalagang iugnay sa nangyayari sa iyong sarili,


pamilya, lipunan, pamayanan at daigdig ang kaisipan ng mga akdang binabasa mo?
Ilahad mo nga ito sa paraang akrostik sa ibaba!

G - _______________________________________________
U - _______________________________________________
N - _______________________________________________
I - ________________________________________________
T - _______________________________________________
A - _______________________________________________

Binabati kita sa puntong ito sapagkat napagtagumpayan mong ginunita at nilakbay ang mundo
ng mitolohiya sa panitikan mediterranean at naiugnay mo ang iyong sariling kaisipan mula sa
mga akdang iyong binasa sa iyong sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. Dahil diyan, isa
ka ring diyos o diyosa ng iyong sariling buhay!

Mahusay ka, Kabataan!


Ihanda mo na ang iyong sarili sa panibagong aralin na iyong matututuhan!

10
Mga Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok :
Subukin Natin
Ang sagot ay babasahin at iwawasto ng guro sa pamamagitan ng pamantayan
Kaisipang inilahad – 50 %
Paliwanag – 50%
Kabuoan – 100%

Para sa lahat ng pagsasanay 1, 2, 3,


Pangwakas na gawain at Karagdagang gawain
Ay pare-parehong gagamitin ang mgga sumusunod na Pamantayan:

Iniugnay na Kaisipan – 40%


Organisasyon ng ideya – 30%
Kabisaan sa wika – 20%
Kaisahan – 10%
Kabuoan – 100%

11
Mga sanggunian:
Alibughang Anak (Buod). (n.d.). Retrieved June 01, 2020, from
https://www.panitikan.com.ph/alibughang-anak-buod/

Blogadag. (2015, July 21). Si Gualyi at Churalyi – Mitolohiya ng Kalsangi (Isinalin Mula
sa Espanyol). Retrieved May 27, 2020, from
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/07/12/si-gualyi-at-churalyi-
mitolohiya-ng-kalsangi-isinalin-mula-sa-espanyol/

Blogadag. (2015, July 21). Ang Sirena at si Santiago – Mitolohiya mula sa Pagadian.
Retrieved May 27, 2020, from
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/07/08/mitolohiya-ng-
pagadian-city/

Filipino – Ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral,Unang Edisyon 2015, Vibal


Group Inc. Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 5th Floor Mabini Bldg.,
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City , Philippines 1600 Telefax:
(02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

Ghaz, S. (2018, November 27). Maikling Kwento: Si Inday At Ang Bago Niyang
Selpon. Retrieved June 01, 2020, from
https://philnews.ph/2018/11/27/maikling-kwento-inday-bago-selpon/

Kontekstuwalisadong Banghay –Aralin Sa Filipino, Baitang – 10 (Kwarter 1) Taong


2019, Department of Education Region V, Curriculum and Learning
Management Division, Learning Resources Management and
Development System (CLMD-LRMDS), Regional Center Site, Rawis,
Legaspi City, 4500

Pascual, B. (2018, November 21). Buod ng “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual –


Desolate Heart. Retrieved June 1, 2020, from
https://thedesolateheart.wordpress.com/2018/11/21/buod-ng-ang-
kalupi-ni-benjamin-pascual/

12
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

13

You might also like