You are on page 1of 16

10

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 4:
Manood at Magsuri
Filipino – Baitang 10
Kwarter 1 – Modyul 4: Manood at Magsuri

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Josefina DLC. Solis


Editor: Anna Liza F. Abuloc
Tagasuri: Nora J. Laguda
Anna Liza F. Abuloc
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo ; Jayvee C. Bojocan (Arachne)
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi
at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito,
ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang
tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

1
Manood at Magsuri

Panimula:

Kumusta Generation Z?
Panay naman ang internet mo ano? Ano ba hilig mo
facebook, Instagram tweeter o youtube?
Alam mo bang magagamit mo ang hilig mong iyan sa paksa ng modyul sa araw
na ito?
Paano?
Manonood tayo ng isang mitolohiyang cartoon gamit ang youtube.
Handa ka na ba ?
Sige simulan na natin ang gawain.

Sa modyul na ito, inaasahan na natutukoy mo


ang mensahe at layunin ng napanood na
cartoon ng isang mitolohiya.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na dapat
mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin

Talasalitaan

MORTAL

Tumutukoy sa
nilalang na may
kamatayan o
namamatay
PAGHAHABI
(weaving)- isang
TANYAG
proseso kung saan
pinagsasala ang mga Kilala, sikat
sinulid upang
makagawa ng tela

ASAL NAGBALATKAYO

Ugali o Nagpanggap

Pag-uugali nagkunwari

2
Subukin nga natin ang iyong kaalaman sa
pagsusuri ng mito na pamilyar sainyo.
Panoorin natin ito.

Panimulang Pagsubok
PANUTO : Buksan ang link sa ibaba. Panoorin ang isang mito mula sa Gresya.

https://you.be/FLbrY-u2rRs
The Story of Medusa and Athena
(Ang Kuwento nina Medusa at Athena)

Basahin ang nasa loob ng dialogue box . Isulat ang FACT kung sa

palagay mo ay tama at BLUFF kung mali.

Itinuturing ni
Si Athena ay kilala
Medusa na regalo Hinangaan ni Medusa
bilang diyos ng
ni Athena ang ang iskultura ni
karunungan
kaniyang ganda Athena sa templo

1.Sagot: _________ 2.Sagot________ 3. Sagot: __________

Isinumpa ni Athena si Ang mensahe ng akda


Medusa na maging ay tungkol sa pagiging
isang ahas mapagkumbaba

4. Sagot__________ 5.Sagot :__________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahin 12 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
Nagustuhan mo ang unang mito na iyong napanood
ano?
Tiyak ko na magugustuhan mo rin ang susunod nating
panonoorin.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Alam kong pamilyar ka sa salitang arachnid , kagaya


ng alam mo , pamilya ito ng mga hayop na may
maraming paa katulad ng gagamba.

Sa video iyong mapapanood ay malalaman mo ang


pinagmulan nito ayon sa mitolohiya ng Gresya.

Pakinggang mabuti ang kanilang diyalogo.

https://youtu.be/PD8qWgjpH3A
Arachne the Weaver ( Si Arachne ang Manghahahabi)
Subukin nga natin ang talas ng iyong pag-unawa:

4
Dahil po sa husay niya sa paghahabi
Paano naging kilala si
Arachne sa kanilang lugar? ng tela at pagbuburda.

Bakit nagalit si Athena kay


Arachne?

Dahil sa sinabi nito na walang makahihigit


sa kaniyang husay sa paghahabi maging ang diyosa
na si Athena
Bakit pinarusahan ni Athena si
Arachne?

Upang matuto ito ng magandang pag-uugali

Sa pangkalahatan, ano ang mensahe


at layunin ng mito ni Arachne ang
Manghahabi?

Magaling!
Ang mensahe ng akda ay tumutukoy sa mahalagang natutuhan
mula sa binasa o pinanood na akda. Dito napupulot ng mambabasa
o manonood ang aral na nais nitong ipahiwatig . Ang layunin ay ang
intensyon, motibo o dahilan ng may akda na nais iparating sa
mambabasa o manonood. Ito ay maaaring , mang-aliw, manghikayat,
mangaral, magturo,magpaalala o manlibang.
Kuha mo?, O di ba , nalibang ka na sa panonood ay natuto ka pa.

Maaari mo nang gawin ang sumusunod na pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:


Simulan mo na ang iba’t
Lubos ibang gawain.
na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

5
Pagsasanay 1
PANUTO: Ayusin ang story board upang mabuo ang kuwento
sa iyong napanood na mito. Isulat ang bilang 1 hanggang 5
sa iyong sagutang papel.

A B

D E

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 12.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli
at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

6
Dahil madali mo lang nasagutan
ang unang pagsasanay, heto pa ang isa

Pagsasanay
22

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Bakit naging tanyag si Arachne sa kanilang lugar?
A. Siya ang pinakamaganda sa lahat ng dalaga
B. Mahusay siyang sumayaw at kumanta.
C. May taglay siyang kapangyarihan tulad ng isang diyosa
D. Mahusay siyang maghabi at magburda ng tela.
2. Ano ang masamang idinulot kay Arachne ng kaniyang katanyagan?
A. Naging magulo ang buhay niya.
B. Nawalan na ng oras sa sarili dahil sa dami ng nagpapahabi
C. Siya ay naging mayabang at mapagmalaki.
D. Nagkasakit siya dahil sa sobrang pagod
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ni Arachne ang labis na ikinagalit ng
diyosang si Athena?
A. “Walang nagturo sa akin ng paghahabi”
B. “Natutuhan ko sa sariling paraan ang paghahabi”
C. “ Mas magaling ako kay Athena kahit siya ang nakatuklas nito”
D. “Ako na ngayon ang kikilalaning diyosa ng paghahabi”
4. Si Athena ay bumaba sa lupa na nagbalatkayong isang ___ at pinuntahan si
Arachne.
A. Agila B. Paniki C. Matandang babae D. Marikit na dalaga
5. Ano ang naging reaksyon ni Arachne sa matandang nang sabihin nitong
napakasuwerte niya sa natanggap na regalo kay Athena, ang pagiging
mahusay na manghahabi?
A. Nagpasalamat siya sa sinabi ng matanda.
B. Mas mahusay umano siyang maghabi kaysa kay Athena
C. Natuwa siya sa sinabi ng matanda
D. Nagalit siya sa matanda at itinaboy ito paalis

7
6. Nainsulto nang labis si Athena nang sabihin ni Arachne na __
A. Tuturuan siya ni Arachne ng tamang paghahabi ng tela.
B. Mas higit ang kaniyang ganda kasya sa diyosa
C. Siya ang nagturo ng paghahabi sa diyosa
D. Higit na maraming naniniwala sa kaniya kaysa sa diyosa
7. Dahil sa matinding galit, hinamon ni Athena si Arachne sa isang kompetisyon
sa paghahabi. Ang sinumang matalo ay ___
A. Ipatatapon sa ilalim ng lupa.
B. Titigil sa paghahabi
C. Ikukulong sa pusod ng dagat
D. Aalisan ng karapatang mabuhay
8. Ano ang napatunayan ni Arachne sa kompetisyon?
A. Mas mahusay siya kaysa kay Athena
B. Walang katumbas ang husay ni Athena
C. Hindi patas ang mga hurado
D. Pagkakakitaan niya ang paghahabi
9. Sa kaniyang pagkatalo kay Athena, ano ang pinangangambahan ni Arachne ?
A. Ang maipatapon sa ilalim ng lup
B. Ang makulong sa pusod ng karagatan
C. Ang matigil sa kaniyang paghahabi
D. Ang talikuran ng taong humahanga sa kaniyang galling
10. Sa kabila ng awa ni Athena kay Arachne, bakit ginawa niya itong ginawang
gagamba?
A. Nakita niyang kasingsipag ng gagamba sa paghahabi si Arachne.
B. Alam ni Athena na malulungkot ito kung titigil sa paghabi.
C. Mas magiging masaya ang dalaga na maging isang gagamba
D. Dahil ito ang pinakamagaang parusa sa masamang asal ng dalaga.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

8
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan

ang sumusunod na pagsasanay.

PANUTO: Ano ang layunin ng may -akda sa


manonood? Ano ang mensaheng nais iparating
ng mito?Kopyahin ang pormat sa ibaba sa iyong
sagutang papel upang maisulat ang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
Pagsasanay 3
anyong pangungusap.

ARACHNE

LAYUNIN
MENSAHE SA
MANONOOD NG MAY-
AKDA

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 12.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

9
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil
alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang
ito na kailangan mong sagutin

Panapos na Pagsubok

Panuto: #POST KO ‘TO . Magpo-post ka sa Instagram ng iyong reyalisasyon tungkol

sa natukoy na mensahe ng napanood na mito. Maari mong gayahin ang pormat sa


ibaba. Bibigyan ng iskor ang iyong sinulat batay sa pamantayan :
Nilalaman -5; Kasiningan sa pagpapahayag -3; Kabuuan -2; KABUUAN- 10

Yehey! Bilib natalaga ako sainyo Gen Z


Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahin 12.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

10
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay kung saang ikaw ay

nakagawa ng pagkakamali at kung paano mo inayos pagkakamaling ito. Isulat ito ng


patalata upang makabuo ka ng isang replektibong sanaysay.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo !

11
12
Pagsasanay 3
Mensahe:
Pagsasanay 2
Manatiling mapagkumbaba
anoman ang naabot mong 1. D
katanyagan at huwag isipin na 2. C
mas magaling ka sa iba. 3. C
4. C
Layunin : 5. B
6. A
Magbigay aral tungkol sa
7. B
kahalagahan ng pagiging 8. B
mapagkumbaba. 9. C
10. B
Pagsasanay 1 Panimulang Pagsubok
A. 4 1. Fact
B. 3 2. Bluff
C. 2 3. Bluff
D. 5 4. Fact
E. 1 5. Fact
Susi sa Pagwawasto
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like