You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

FILIPINO 10

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 F10EP-IIIa-b-27 Nabibigyang kahulugan ang mitolohiya.


 Napahahalagahan ang mensaheng nakapaloob sa mitolohiya.
 Nakapupulot ng aral na magagamit sa pang araw araw na buhay.

II. PAKSANG ARALIN:


Mitolohiya : “Liongo” mula sa Kenya
Sanggunian: Modyul ng mag-aaral 10

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid
 Pagtala ng Lumiban

B. Pagganyak:
 Paglalaro ng “jumbled words” na may kinalaman sa tatalakaying paksa.

C. Paglalahad:
 Ang ating tatalakayin ay isang mitolohiya mula sa Kenya na pinamagatang
“Liongo”.

D. Pagtatalakay:
 Pagpapanood ng isang video tungkol sa mitolohiyang “Liongo” mula sa
Kenya.

GABAY NA MGA TANONG:


1. Ano ang mitolohiya?
2. Anong kultura ang sumasalamin sa bansang Kenya na naipakita sa
binasang mitolohiya?
3. Ibigay ang mga aral na napulot na pwede natin isabuhay.
4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?
5. Makatwiran ba ang kanyang naging desisyon?

E. Paglalahat: Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo?? Ipaliwanag.

F. Pagpapahalaga: Ano ang aral na napulot mo sa mitolohiyang


napanood/nabasa?
G. Paglalapat: Pagguhit ng isang pangyayari na gusto niyong maging wakas ng
mitolohiyang nabasa/napanood.

PAMANTAYAN:
Kaangkupan- 40%
Kalinawan- 30%
Kaisahan- 20%
Kagandahan- _10%
Kabuuan 100%

IV. PAGTATAYA: 10 PUNTOS bawat tanong

 Magbigay ng sariling pagpapakahulugan sa mitolohiya.


 Sa palagay mo anong mga katangian ang taglay ng isang mitolohiya?
 Anong mga aral ang pwede ninyong makuha sa isang mitolohiya?
 Mahalaga ba sa atin ang pag-aaral ng mitolohiya ng ibang bansa? Bakit?

PAMANTAYAN:
Nilalaman 5
Ideya at Kaisahan _5_
Kabuuan 10

V. KASUNDUAN:

Magsaliksik at basahin ang Mitolohiya ng Nigeria na “Maaaring Lumipad ang Tao”


at magsulat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa binasa.

Inihanda ni:

MA. ROSULA M. DOROTAN


GURO SA FILIPINO

You might also like