You are on page 1of 5

Schools Division Office

City of Mandaluyong
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10
I. TUNGUHIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
PANGNILALAMAN pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isang
obra maestrang pampanitikan.

B. PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng isang


PAGGANAP makabuluhang photo/video documentary na nagmumungkahi
ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

C. KASANAYANG Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan


PAMPAGKATUTO ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan - F10PB-
Ivh-i-92
D. DETALYADONG Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-
KASANAYANG aaral ang sumusunod:
PAMPAGKATUTO A. Naisa-isa ang katangian ng pangunahing tauhan sa
pamamagitan ng human graphic organizer
B. Nailalarawan ang mabuting katangian ng isang pinuno
sa tulong ng pagsasadula
C. Nakapagtatanghal ng isang debate patungkol sa tamang
pagpili ng karapat-dapat iboto

II. NILALAMAN
Paksa:
Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
KAGAMITANG laptop, projector, manila paper
PANTURO
SANGGUNIAN El Filibusterismo sa bagong pananaw, pahina 215-219
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Pagsagot sa mga tanong:
nakaraang
aralin at/o 1. Tama o Mali. Itinuturing ni Hermana Penchang na parusa
pagsisimula ng ang nangyari kay Basilio.
bagong aralin
2. Siya ang nagpayo kay Huli na humingi ng tulong sa isang
pari.
A. Hermana Penchang C. Kapitan Heneral
B. Hermana Bali D. Basilio
3. Siya ang paring hiningian ng tulong ni Huli.
4. Ang sinapit ni Huli sa paghingi niya ng tulong kay Pari
Camorra.
5. Ito ang nangyari kay Tandang Selo matapos malaman ang
nangyari sa apo.
A. Namatay C. Umanib sa
tulisan
B. Nawala na parang bula D. Nagkasakit

C. Paghahabi ng “Bumuo Tayo!”


Layunin
Panuto: Sa loob ng 3 minuto, ang bawat pangkat ay
bubuo ng isang matibay at mataas na tore gamit ang mga
papel. Ang may pinakamataas na tore ang mananalo at
makatatanggap ng 10 puntos.
Gabay na tanong:
 Mula sa nanalong pangkat, ano ang susi ng inyong
pagkapanalo?
 Mula sa natalong pangkat, ano sa palagay ninyo ang
dahilan ng inyong pagkatalo?
 Ipagpalagay natin na ang toreng iyan ay ating bansa,
sino ang ilalagay ninyo sa tuktok, gitna at ibaba?
 Ano ang layunin ng ating gawain?

D. Pag-uugnay ng Pagpapanood at pagsusuri ng isang lyric video


mga halimbawa https://www.youtube.com/watch?v=W6_VcN-ITtc
sa bagong
aralin Gabay na tanong:
1. Ano ang tema ng napakinggan?
2. Sino ang tinutukoy sa awiting ito?
3. Isa-isahin ang suliraning panlipunan na lumitaw sa
awitin?
4. Bakit mahalagang malaman ng isang pinuno ang
kalagayan ng kaniyang nasasakupan? Ipaliwanag.

E. Pagtalakay sa Pagsusuri sa kabanata:


bagong Kabanata 31: Ang
konsepto at Mataas na Kawani
paglalahad ng
bagong Talasalitaan
kasanayan Panuto: Sagutin ang kasingkahulugan ng mga salita sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga halo-halong letra.

Katampalasan Koreo
Lakayo Umalingawngaw
Padrino
K L P K E R
S L A
A N U M O O
U T
I A T I K

N O N K L T
G N I A M U
A

 Pagsusuri sa kabanata sa tulong ng El Filibusterismo


Comics Application

 Gabay na tanong:
1. Bakit hindi pinalaya ni Kapitan Heneral si Basilio?
2. Ano ang nais iparating ni Kapitan Heneral sa
pagtatanong ng "anong oras ang alis ng barko"?
3. Naging mabuting pinuno ba ang Mataas na
Kawani? Patunayan
4. Ano ang nais ipakahulugan ni Rizal sa paggamit
niya sa katauhan ng mataas na kawani?
5. Sa kasalukuyang panahon, sino ang
maihahalintulad mo sa dalawang pinunong
nabanggit?

F. Paglinang sa 1. Pangkatang Gawain


kabisaan
Pangkat 1: Ipakilala mo!
Sa tulong ng Human Graphic Organizer ilahad ang mga
katangian ng Mataas na Kawani na nakita mong kailangan ng
bayan.
Pangkat 2: Isadula ninyo!
Ilarawan sa pamamagitan ng dula ang mga mabuting
katangiang dapat taglayin isang pinuno

Pangkat 3: Ipakita mo!


Ipagpalagay na kayo ay kandidato bilang pangulo ng
Sanggunian Kabataan, ilahad ang inyong saloobin at
plataporma kung bakit kayo ang karapat-dapat ihalal.

Pangkat 4: Itanghal mo!


Magtanghal ng isang debate tungkol sa usapin na : Ang
karapat-dapat ihalal na senador sa darating na eleksyon.
Pagtibayin ang inyong paniniwala/ posisyon

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 30%
Kalinawan ng Mensahe 25%
Pagkamalikhain 20%
Gamit ng Wika 20%
Kooperasyon ng Pangkat 15%
KABUUAN 100%

2. Pagbabahaginan ng mga napag-usapan


3. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral

G. Paglalapat ng Ipaliwanag ang kaisipan:


aralin sa pang-
araw-araw na “ Sa pamamahala, kailangang pasakitan ang isa sa
buhay ikagagaling ng nakararami…”

H. Paglalahat ng Dugtungan ang pahayag:


aralin
Mula sa pangyayaring naganap sa kabanata, natutuhan ko na
___________________.
Tumatak naman sa aking isipan_________.
Pahahalagahan ko ang__________________.

I. Pagtataya ng Panuto: Isulat ang tamang sagot.


aralin
1. Sino ang tanging nanatili sa loob ng kulungan?
A. Makaraig C. Basilio
B. Isagani D. Sandoval
2. Sino ang nagtanggol sa binate sa harap ng Kapitan
Heneral?
A. Mataas na Kawani C. Ginoong Pasta
B. Simoun D. Don Costudio

3. Tama o Mali. Pinagbintangan ng Kapitan Heneral na


gumagamit na bawal na aklat si Basilio.

4. Sino ang naglagay sa katungkulan kay Kapitan Heneral


ayon sa kanyang paniniwala?

5. Tama o Mali. Sa araw ding iyon ay nagbitiw sa katungkulan


ang Mataas na Kawani.

J. Karagdagang 1. Basahin: Kabanata 32. Ang Ibinunga ng mga Paskin


gawain para sa 2. Isa-isahin ang mga pangyayaring ibinunga ng mga paskin
takdang aralin sa sumusunod na tauhan:
at remediation A. Tadeo
B. Makaraig
C. Pecson
D. Juanito Pelaez
E. Isagani
F. Sandoval
G. Paulita

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

1. Lubos na naintindihan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay.


2. Labis silang natuwa sa pangkatang-gawain at masayang nakipagpalitan ng kuro-
kuro sa ibang pangkat.
3. Mga nakuhang iskor sa pagsusulit:
5= 47
4= 3
3= 1

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

Ignacio L. Salvador Jr. Bb. Clarissa P. Tibar


LRMDS-Koordineytor
Iniwasto ni:
Pinagtibay ni:
G.Marvin A. Valiente
Dalubguro sa Filipino G.Henry A. Sabidong
Punungguro

You might also like