You are on page 1of 2

Holy Trinity School Foundation, INC

Upper Mansasa District, Tagbilaran City, Bohol


Tel. No.: (038) 427-1015
S.Y. 2020-2021

LEARNING PLAN

BAITANG: 10 ASIGNATURA: FILIPINO

PAKSA/TEMA: Epiko
Ikatlong Markahan

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
batay sa binasang akdang pampanitikan

KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN :

Ang mag-aaral ay:


Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan. (F10PN-IIId-e-79)
Naiuugnay ang mga pahayag sa lugar, kondisyon ng panahon at kasaysayan ng akda.
(F10PB-IIId-e-83)
Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagbibigay- kahulugan sa damdaming. ( F10WG-
IIId-e- 74)
Nabibigyang-puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang katulad ng
binasang akda. (F10PD-IIId-e-77)
Naipapahayag nang mapanuri ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan
ng akda sa sarili, lipunan at daigdig. (F10PS-IIId-e-17)

21ST CENTURY SKILLS:

Critical-thinking, Creativity, Collaboration

CORE VALUES:

LOVE

LAYUNIN:

Ang mga mag-aaral ay . . .


1. Nakapagtutukoy sa mga pangyayari sa akda;
2. Nakapag-uugnay sa suliraning nangingibabaw sa napakinngang akda;
3. Nakapag-uugnay ng mga pahayag sa kasaysayan ng akda;
4. Nakapaggamit ng wastong pahayag;
5. Nakapagbibigay ng puna sa napanod na teaser ng pelikula; at
6. Nakapagpapahayag sa sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng akda
EXPLORE
 Pagpapakita ng mga larawan ng sikat na mag-ama. Itanong sa mga mag-aaral, ano
ang unang salitang pumapasok sa inyong isipan kapag nakita ang kanilang
larawan?
 Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng mga impormasyonn tungkol sa bawat
mag-ama
 Gamit nag kanilang show-me-board, magpsulat pa ng ilang kilalang ama hindi
lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
 Nagkakaroon ba ng malaking impluwensiya ang magulang sa larang na tatahakin
ng anak?
FIRM-UP
 Ipabigay ang kahulugan ng mga bagong salita gamit ang diksyonaryo at ipagamit
ang mga ito sa makabuluhang pangungusap.
 Pasagutan ang mga pagsasanay sa wika
 Pagpapasagot ng mga katanungan batay sa pinakinggang pagbasa ng panitkan.

DEEPEN
 Mapagsama-sama sa magkakaibang mga katunggali at makakuha ng mas malawak
na impormasyon .
 Bakit nararapat na kilalaning mabuti ang isang katunggali?
 Bakit kailangang maging responsible sa pag post ng social media?
 Bakit mahalagnag malaman ang iba’t ibang paraa ng pagpapahalaga ng emosyon o
damdamin?

TRANSFER
Visual o auditory art
 Pagpili ng gawain upang makapapahayag ng saloobin tungkol sa kahalagahan ng
pagiging responsableng magulang sa sarili, lipunan at daigdig.

Visual Gumawa ng isang poster na magpapakita ng kahalagahan ng pagiging


responsableng magulang sa sarili, lipunana ta daigdig
Verbal/kinesthetic Maghanda ng isang informational na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagiging responsableng magulang sa sarili, lipunan at daigdig.
Musical Bumuo ng isang awiting magpapalutang sa kahalagahan ng pagiging
responsableng magulang sa sarili, lipunan at daigdig
Gabay sa bubuoing pamantayan:

4 Mababakas sa piniling gawain na mapanuri at maliwanag na naihayag ang


damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili, lipunana
at daigidg. Mabisa at medaling makahikayat ang ginawa.
3 Mababakas sa piniling gawain na mapanuri at maliwanag na naihayag ang
damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili, lipunan at
daigdig.
2 Bahagyang naihayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa sarili, lipunan at daigdig
1 Hindi naihayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda
sa sarili,lipunan at daigdig.

Inihanda ni:

GERMAINE G. MIGUELES
Guro sa Filipino

You might also like