You are on page 1of 3

Holy Trinity School Foundation, INC

Upper Mansasa District, Tagbilaran City, Bohol


Tel. No.: (038) 427-1015
S.Y. 2020-2021

LEARNING PLAN

BAITANG: 10 ASIGNATURA: FILIPINO

PAKSA/TEMA: Ang Puppet Show Bilang Isang Sining


Ikatlong Markahan

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
batay sa binasang akdang pampanitikan

KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN :

Ang mag-aaral ay:

Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang


diyalogo. (F10PN-IIIh-i-81)
Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang
pampanitikan na angkop ditto. (F10PB-IIIh-i-85)
Nagagamit ang angkop na mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa panunuring
pampelikula nang may kaisahan at pagkakaugnay. (F10WG-IIIh-i-76)
Naisusulat ang iskrip ng isang puppet show na naglalarawan sa tradisyong
kinamulatan sa Africa at/o Persia. (F10PU-IIIh-i-83)
Naitatanghal ang iskrip ng nabuong puppet show. (F10PS-IIIh-i-83)

21ST CENTURY SKILLS:

Critical-thinking, Creativity, Collaboration

CORE VALUES:

LOVE

LAYUNIN:

Ang mga mag-aaral ay . . .


1. Nakapagtutukoy sasa mga tradisyon sa Africa at Persia
2. Nakapagsusuri sa binasang kabanata ;
3. Nakapaggamit ng angkop na mga pang-ugnay;
4. Nakapagsusulat ng iskrip sa puppet show; at
5. Nakapagtatanghal ng isang puppet show
EXPLORE
 Magpakit ng mga larawan ng mga sikat na ama at haying magbahagi ang mga mag-
aaral ng mga impormasyon tungkol sa bawat ama at pangyayari o kontrobersiya na
nagbunsod upang makilala sila sa iba’t ibang larang at bilang isang ama
 Ipasagot ang Simulan Natin kung saan iisa-isahin nila ang mga katangian ng
kanilang sariling ama bilang ama a t bilang asawa at sasagutin din nila ang mga
tanong.
 Ipagbigay ng kahukugan ng mga bagong salits gamit ang diksyonaryo at ipagamit
ang mga ito sa makabuluhang pangungusap.
 Anong kultura o katangian ng mga African ang masasalamin sa akda?

FIRM-UP
 Ipapanood ang excerpt ng pelikulang Faith like potatoes at pagkatapos ay tukuyin
ang mga tradisyong kinamulatan ng mga katutubo ng Africa batay sa sinabi,
ikinilos inisip o naramdaman ng mga tauhan sa nobela.
 Baon ang mga kaalamang natutuhan ng iba’t ibang pananaw o teoryang
pampanitikan, magsagawa ka ng isang pagsusuri sa binasang kabanata ng
nobelang Pagguho ukol sa katangiang pampanitikan taglay nito. Gawin ito gamit
ang sumusunod na T-chart Organizer.
 Pumili ng isinapelikulang nobelang African mula sa listahang ibibigay ng guro sa
klase. Gamit ang angkop na mga pang-ugnay na iyong natutunan ay sumulat ka ng
isnag suring-pelikula. Bukod sa wastong gamit ng pang-ugnay, bigyang pansin sa
bubuoin ang kaisahan ng iyong mga talatang hindi kkukulangin sa labingwalong
pangungusap at di naman lalampas sa dalawampung pangungusap tungkol sa
napapanood.
DEEPEN

 Gamit ang iyong natutunan sa Alamin Natin ay bumuo ng isang sikrip para sa
isang uri ng puppet show n aiyong napiling maglalarawan sa isang kultura o
tradisyong kinamulatan sa Africa batay sa binasang buod. Gawin ito kasama ang
iyong mga kapangkat bilang paghahanda sa pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap.
 Bakit kailangang unawain at pahalagahan ang mga akdang pampanitikkan ng
Africa at Persiya?
 Bakit nararapat igalang at pahalagahan ang kultura ng iba’t ibang lahi?

TRANSFER
PUPPET SHOW
 Maaaring magpalabunutan para sa pagkakasunod-sunod ng pangkat na
magpapalabas.
 Isaayos ang pangkat ayon sa bilang o ayon sa pagkakasunod-sunod ng magtanghal
 Ipahanda ang papel na susulatan para sa pagmamarka at pagbibigay-puna sa mga
magtatanghal
 Magtanghal nang mahusay, maayos at handa.

Ang nasa ibaba ang gabay sa gagamitin sa pagmamarka ng puppet show.


Pamantayan Puntos
Nabigyan nang higit pa sa inaasahang puna angnapanood at napakinggang pagtatanghal gamit 5
ang angkop at halos lahat ng mga ekspresyong nagpapahayag sa sarling pananaw
Kompletong natay ang napanood na pagtatanghal batay sa napagkaisahang pamantayan sa 5
klase
Tunay na namalas sa kilos o galaw at pagsasalita ng mga puppet ang damdamin at mensahe 5
ng pagtatanghal kaugnay sa mga tradisyong African na nakahaplos maging sa isip at puso ng
mga manonood.
Tunay na pinaghandaan ang pagtatanghal dahil nakapakaayos at disiplinado ang lahat sa 5
pangkat.
Inihanda ni:
GERMAINE G. MIGUELES
Guro sa Filipino

You might also like