You are on page 1of 7

SANAYSAY

Isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan


Makikita sa salitang “sanaysay” ang mga
salitang “sanay” at “salaysay” o masasabi
ng isang ‘sanay” o eksperto sa isang
paksa.
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na
kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay
maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna,
opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro,
pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng
nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
BAHAGI O BALANGKAS NG SANAYSAY
PANIMULA- Sa bahaging ito madalas inilalahad ang
pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung
bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
GITNA O KATAWAN- Inilalahad sa bahaging ito ang iba
pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng
tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang
inilahad na pangunahing kaisipan
WAKAS- Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng
sanaysay.
Mga Elemento ng Sanaysay
TEMA- Tumutukoy sa isang paksa
ANYO AT ESTRUKTURA- Ang anyo at estruktura ng
sanaysay ay isang mahalagang sankap sapagkat
nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
KAISIPAN- Mga ideyang nabanggit na kaugnay o
nagpapalinaw sa tema
WIKA AT ESTILO- Ang uri at antas ng wika at estilo ng
pagkakagamit nito ay nakakaapekto rin sa pag unawa ng
mambabasa.
URI NG SANAYSAY
Pormal
Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa
at nangangailangan ng masusing pag-aaral at
malalim na pagkaunawa sa paksa.
Di-Pormal
Sanaysay na tumatalakay sa magaan na paksang
magaan, karaniwan, pang- araw-araw at
pampersonal. Layunin nitong magbigay ng aliw sa
mambabasa

You might also like