You are on page 1of 15

ADVANCED RETORIKA

MAED FILIPINO
Bb. GINALYN S. PERTUDO
MGA GABAY NA
DAPAT TANDAAN
SA PAGTUTURO NG
RETORIKA
I. INTRODUKSYON
• Ang pag-aaral ng retorika ay
nakakatulong sa isang indibidwal sa
pamamagitan ng komunikasyon.
Nagkakaroon ng oportunidad ang
isang indibidwal upang maipahayag
ang kanyang saloobin kaugnay sa iba’t
ibang bagay. Isa rin ito sa paraan
upang maehersiyo ang kalayaan nila
sa pagpapahayag.
II. LAYUNIN
 Maiisa-isa ang mga gabay sa
pagtuturo ng mga guro tungkol sa
retorika.
 Mabibigyang halaga ang pagtuturo
at pag-aaral ng retorika
 Maipapahayag ang sariling
damdamin sa isang masining na
paraan
III. NILALAMAN
1. Sapat na kaalaman sa Makrong
kasanayan
 Mahalaga na ang isang Guro na
nagtuturo ng Retorika ay may sapat
na kaalaman sa mga makrong
kasanayan katulad ng Pagsulat,
Pagbasa, Pakikinig at Pagsasalita. Ang
mga kasanayang pangwikang ito ang
magiging tuntungan sa kaalaman ng
isang tao upang maipahayag niya ang
nais niyang ipaabot
2. Sapat na kaalaman sa
pagpapayaman ng bokabularyo
 Sa pagtuturo ng retorika ay kailangang
mayroong sapat na kaalaman sa
bokabularyo na makakatulong upang
maintindihan ang isang salita.
 Kailangan may sapat ka ring kaalaman
kung paano ito mapapaunlad o
mapapayaman para sa mas mabisang
pakikipag-ugnayan.
3. Iba’t ibang pamamaraan o
pagdulog
 Nakakabagot para sa mga mag-aaral
ang makinig o mag-aral ng retorika,
kaya tayong mga guro ay dapat na
umisip ng mga pamamaraan kung
paano natin ito ituturo na naayon sa
kanilang interes.
4. Sapat na kagamitang
pampagtuturo
 Ang atensyon ngayon ng mga
kabataan ay nakaukol sa social media,
kaya napakaikli na lamang ng kanilang
pasensya pagdating sa pakikinig. Pero
kung gagamit tayo ng mga kagamitan
na naayon sa kanilang interes at
atensyon ay tiyak na sila ay
mawiwiling matuto at makinig.
5. Kahandaan ng mag-aaral
 Mahalaga na maihanda natin ang mga
mag-aaral sa pag-aaral nila ng retorika
dahil dito malilinang nila ang kanilang
kasiningan sa pagpapahayag at
pagbuo ng makabuluhang ideya
6. Kasanayan sa
pakikipagtalastasan
 Base sa iyong pagtuturo dapat ay
maging modelo tayo sa mahusay na
pakikipagtalastasan o pakikipagpalitan
ng argumento. Sa pamamagitan nito
ay mahihiyakat natin ang mga mag-
aaral na pag-aralan kung paano
lumikha ng isang masining at
mahusay na pagpapahayag.
IV. IMPLIKASYON SA EDUKASYON
 Sa pamamagitan ng retorika, ang isang
tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na
magbigay ng panuto at paglalapat nito sa
anumang bagay kung saan nananalamin
ang mga natatagong kaalaman nito sa
isang paksa. Ang retorika ay nagbibigay
ng daan upang maayos at mabisang
malaman ang mga bagay na dapat
matutunan ng isang mag-aaral at
magamit ito sa pang-araw-araw na
pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral.
V. Sanggunian
 Batayan at Sanayang aklat sa
Filipino. (ni Rolando Bernales)
 Komunikasyon sa Akademikong
Filipino ni: Lakandupil Garcia
 Wikipedia.com
Pagbubuod sa aking paksa:
 Mahalaga ang retorika sa pang-
araw-araw na buhay ng tao dahil
dito ay nagbibigay daan sa mga
aktibidades na ginagawa ng tao
tulad ng pakikipag-usap,
pakikipag-argumento.
 Mahalaga rin ito upang
magkaroon ng maayos na
pagkakaintindihan.
 Ang mga guro ay may malaking
gampanin sa pagkatuto ng mag-
aaral sa pag-aaral nila ng retorika.
Nakasalalay sa guro kung paano
niya ito matutulungang mapaunlad
at mapapayaman ang simpleng
pahayag ng mag-aaral. Sa kanya rin
nakasalalay ang pagtulong sa mga
mag-aaral na bumuo o mag-
organisa ng ideya na kanilang
maipapahayag sa ibang tao.

You might also like