You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City

TAÑONG NATIONAL HIGH SCHOOL

“PareSalita” Bilang Kagamitang Pampagkatuto sa Paglinang ng


Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto
sa mga Piling Mag-aaral ng Baitang 8

Aubrey M. Arebuabo

Rhea S. Bolatin

Arline C. Gumogda

Evelyn T. Paglinawan

Gloria M. Samaniego

Juliet A. Santos

Mga Mananaliksik

Gng. Marites B. Jarina


Tagapayo

Gng. Ofelia F. Cruz


Kasangguni
TALAAN NG MGA NILALAMAN

I. Abstrak 1
II. Panimula 2
Sanligan ng Pag-aaral 2
Paglalahad ng Suliranin at Layuniin 2
Saklaw at Limitasyon 5
Kaugnay na Literatura 5
Pangkayariang Konseptual/Theoritikal 8
III. Metodo 12
Pamamaraan at Pinagmulan ng mga Datos 12
Disenyo ng Pananaliksik 12
Pinagmulan ng Datos 12
Instrumento sa Pananaliksik 13
Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos 13
Istatistikal at Paglalahad ng Datos 14
IV. Resulta at Paglalahad ng Datos 16
V. Konklusyon 22
VI. Rekomendasyon 23
Sanggunian 25
Appendices
Action Research Outline 26
Paunang Pagtataya 28
Panapos na Pagtataya 31
I. ABSTRACT:

Ang pag-aaral na ito ay isang pananaliksik na gumamit ng


disenyong pretest-posttest. Layunin nitong tiyakin ang bisa ng
PareSalita sa paglinang ng kasanayan sa talasalitaan ng mga mag-
aaral ng Baitang 8 ng Tañong National High. Ang pag-aaral na ito
ay isinakatuparan upang lubos na payabungin at pataasin ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng talasalitaan. Ang
pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay may malaking maidudulot sa
mga mag-aaral na nangangailangan nang gabay ng guro upang
maisakatuparan ang layuning ito. Ang pagkakaroon ng malawak
na talasalitaan ay makatutulong sa pakikipag-ugnayan sa ibang
tao, sa pagtamo ng malawak na kaalaman, madaling pag-unawa
sa lahat ng uri ng mga babasahin o teksto na kakaharapin ng isang
mag-aaral sa pang-araw-araw na buhay.

Batay sa resulta ng katampatang tuos ipinakikita na hindi


gaanong mataas ang antas ng kasanayan sa talasalitaan ng mga
mag-aaral bago gamitin ang PareSalita; tumaas ang antas ng
kasanayan sa talasalitaan ng mga mag-aaral pagkatapos gamitin
ang PareSalita bilang kagamitang pampagkatuto. Kaya sadyang
ang pagpapalawak ng talasalitaan sa pamamagitan ng PareSalita
ay nakatulong nang malaki upang maiangat at mapaunlad pa ang
lebel o antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa “napakataas” na
antas. Ibig ipakahulugan na may pag-unlad sa kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagpapalawak ng talasalitaan at tunay na mabisa
ang ginamit na paraang PareSalita sa pagpapaunlad sa kakayahan
ng mga piling mag-aaral ng Baitang 8.

1
II. PANIMULA

SANLIGAN NG PAG-AARAL:

Sa mundong ating kinabibilangan, hindi mawawala ang

wika sa pakikipag-ugnayan. Ginagamit ito sa ating pang-araw araw

na gawain halimbawa na lamang sa pagpasok at paglabas sa

paaralan. Ang Paaralan ang nasisilbing pangalawang tahanan at

halos dito umiikot ang buhay tungo sa pangangalap ng mga

karunungan at sa pagpapadala sa agos ng panahong makabago o

nakikipagsabayan sa mundo. Ngunit paano magkakaroon ng

karunungan kung ang mismong wikang ginagamit ay hindi lubusang

maintindihan. At nakasalalay ang kalidad ng edukasyon sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

“Dekalidad na Edukasyon”. Ito ang sigaw ng bawat isa sa

atin. Ang dekalidad na edukasyon ay makakamtan lamang kung

lubusang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga teksto na kanilang

binabasa. Ang gawain na ito ay ang responsibilad ng guro, ang

pagpapaintindi sa mga mag-aaral ng mga salitang hindi maunawaan.

Dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay

2
makapagplano siya ng mga estratihiya na makapagbibigay daan

tungo sa mas maunlad at produktibong resulta sa kakayahan ng mga

mag-aaral.

Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang wika

ay ang kabuuang talasalitaan ng wikang ito. Ayon sa mga Anglo-

Saxon ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na

dapat angkinin at pahalagahan. Sa mga Instsik naman, ito’y isang

malawak na dagat ng mga salita na dapat hulihin. Ang kakayahang

bumasa at umunawa ng mga parirala, pangungusap o teksto ay

mahalaga sa pagbasa. Higit pa rito, ang pag-unawa at angkop na

paggamit ng mga salita ay mahalagang kasangkapan tungo sa

mabisang pakikipagtalastasan. Ang pagkakaroon ng malawak na

talasalitaan ay makatutulong sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao, sa

pagtamo ng malawak na kaalaman, madaling pag-unawa sa lahat ng

uri ng mga babasahin o teksto na kakaharapin ng isang mag-aaral sa

pang-araw-araw na buhay.

3
PAGLALAHAD NG SULIRANIN AT LAYUNIN:

Ang mga katanungan ay bibigyang kasagutan ng

isinagawang pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Gaano karami ang mga mag-aaral na mababa ang antas sa

talasalitaan bago isagawa ang PareSalita?

2. Gaano karami ang mga mag-aaral na mababa ang antas sa

talasalitaan pagkatapos isagawa ang PareSalita?

3. Ano ang epekto ng isinagawang kagamitang pampagkatuto

na PareSalita sa paglinang ng talasalitaan?

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong:

1. Mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral at magamit

ang mga bagong talasalitaan sa makabuluhang pakikipagtalastasan.

2. Malinang ang iba't ibang kasanayan sa Pagbasa at

kakayahan sa mapanuring pag-iisip.

3. Upang lalong mapataas ang antas ng pagkatuto sa

asignaturang Filipino.

4
SAKLAW AT LIMITASYON:

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “PareSalita”

Bilang Kagamitang Pampagkatuto sa Paglinang ng Talasalitaan

Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto sa mga Piling Mag-aaral ng

Baitang 8.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga piling mag-aaral na

kabilang sa Baitang 8 ng Ta‫؜‬ñong National High School..

Ang pananaliksik ay nakatuon sa isinagawang kagamitang

pampagkatuto ng PareSalita sa paglinang ng talasalitaan upang

makita ang kabuuang epekto nito.

KAUGNAY NA LITERATURA:

Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na

Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o posisyon sa

pag-uugnayan ng kaalamang pantalasalitaan sa pag-unawa ng

teksto. Una ang Pangkagamitang posisyon (Instrumentalist

Position) na dapat pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng


5
mga mag-aaral sa halip na hayaan na lamang silang matutunan ito

sa pagbabasa. Ikalawa ang Pangkakayahang posisyon, (Aptitiude

Position) na dapat ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng malawak

na kaalamang pantalasalitaan sa pamamagitan ng malawakang

pagbasa. Nararapat na magkaroon ang mga mag-aaral ng maraming

pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita.

At ikatlo ang Pangkaalamang posisyon, (Knowledge Position) na

sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pag-

unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling

kapaligiran at kultura. Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at

konsepto na ginagamit ng isang mag-aaral sa pag-unawa ng mga

salita at kabuuan ng teksto. Kaya upang mapalawak ang talasalitaan

ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na

mga karanasan napag-uusapan at maisusulat nang sa gayon ay

mapaunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit sa pag-

unawa ng mga nilalaman ng teksto. May idinagdag pa si Frank May

(1986) na pang-apat na posisyon, ang Interaktiv (Interactive

Position). Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o

hudyat (cueing systems) sa teksto na tumutulong sa mabisang pag-

unawa. Ang mga palatandaang ito ay:


6
1. Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa tunog na bumubuo

sa mga salita

2. Palatandaang Sintaktiko – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng

mga salita

3. Palatandaang Semantiko – nauukol sa kahulugan ng salita

ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba pang salita

4. Palatandaang Iskematik – pag-uugnayan ng sariling karanasan

sa binabasa

Ginawa at inilaan ang pagpapaunlad ng kasanayan sa

paglinang ng talasalitaan upang higit pang linangin at paunlarin

ang kakayahan at kasanayan sa pag-unawa ng talasalitaan ng mga

mag-aaral sa ikawalong baitang.

Sa aklat ni Dr. Lizette F. Knight (2009) na Maximum

Learning and Teaching, isinaad niya na isang salik na mahalaga sa

proseso ng pagkatuto ay ang kapaligiran. Ang paghahanda ng isang

kaaya-ayang kapaligiran ay lubos na nakakaapekto sa motibasyon

ng pagkatuto.

7
Ayon sa lathala ni Maria Merlisa V. Manuel (2012) na

pinamagatang Guro: Tagahubog ng Kinabukasan ng Sambayanan,

malaki ang impluwensya ng mga guro sa kanyang mga estudyante

maging sa personal na buhay man ito o kinabukasan. Kaya naman,

nararapat na pahalagahan ng isang guro ang kanyang propesyon

hindi lamang bilang isang trabaho kundi isa ring misyon na may

kaugnayan sa kinabukasan.

Tinalakay din dito ang iba’t-ibang gampanin ng isang guro

gaya ng pagbabahagi ng kaalaman. Ayon dito, hindi maibabahagi

ng isang guro ang isang kaalaman kung wala itong lubusang

kaalaman. Kaya naman, pangunahing Gawain nito ang patuloy a

pangangalap ng mga bagong impormasyon na makakatulong sa

kanyang propesyon.

PANGKAYARIANG KONSEPTUAL/THEORITIKAL:

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa mga teorya patungkol

sa mga salik sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa mga mag-aaral.

8
Ayon sa librong “Facilitating Learning: A Metacognitive

Process” nina Maria Rita D. Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may

iba’t-ibang teorya tungkol sa proseso ng pagkatuto at mga salik na

nakakaapekto dito pati na rin sa mga pamamaraan sa pagtuturo. Una

na rito ay ang likas na proseso ng pagkatuto, dito mas epektibo ang

pagkatuto kung ito ay intensyunal na proseso sa pagbuo ng

kahulugan galing sa impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay

hangad sa proseso ng pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto ay

nakasalalay sa maayos na representasyon ng kaalaman. Pangatlo,

pagbuo ng kaalaman, ang matagumpay na mag-aaral ay naiuugnay

ang bagong impormasyon sa dating alam na sa mas makabuluhang

paraan. Pang-apat, pag-iisip na may estratehiya, ang matagumpay

na mag-aaral ay nakakabuo at gumagamit ng makatwirang paraan

ng pag-iisip upang makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-

iisip kung ano ang iniisip, mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili

at pagmomonitor ng mental na operasyon sa malikhaing pag-iisip at

kritikal na operasyon. Pang-anim, pagkatuto mula sa mga konteksto,

sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay

naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na ang kultura,

teknolohiya at mga paniniwalang instruksyonal. Sumunod dito ay


9
ang motibasyon at ang emosyonal na impluwensya sa pagkatuto, ito

ay kung paano natututo ang isang mag-aaral sa pamamagitan ng

motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay

naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala, interes

at kaugalian sa pag-iisip. Hindi lamang ang emosyon ang

naiimpluwensyahan ng motibasyon pati na rin ang sarili. Ang

pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng

mga gawain na bagaman mahirap ay nagagawa dahil sa personal na

interes ng mag-aaral at bukal sa kanyang kalooban na gawin ito.

Isa pang teorya na ayon sa sikolohistang si David P. Ausubel

na tinuran ni Aquino (1998), natututo ang mag-aaral mula sa berbal

na material─ sinasalita at sinusulat. Kaugnay naman nito ang apat

na bagay na pagtuunan ng pansin at mabigyan ng estratehiya, ang

pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat na ang mga estratehiyang

gamit sa pagtuturo ay nakabase sa pisiolohikal, sikolohikal,

linguistic at sosyolohikal na estruktura.

Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang

tradisyunal na pamamaraan ayon kay Acero at Javier (2000), ang

karaniwang gawain ng mag-aaral ay ang pagbibigay ng kahulugan,

10
katuturan, pagsasaulo ng alituntunin, pagbuo ng mga pangungusap

at iba pa. Ang lahat ng paksa sa aralin ay nakatuon sa mga nakasulat

sa aklat.

Ayon naman kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni

Laurente, nakakaimpluwensya sa pag-unawa ng mag-aaral ang

paraang gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Sa makatuwid,

nakasalalay sa asal at estratehiyang gagamitin ng guro kung

makakamtan ang nais niyang maunawaan ng estudyante.

11
III. METODO

PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga disenyo ng pananaliksik,

lokal ng pagaaral, pinagmulan ng datos, instrumentong ginamit sa

pag-aaral, pinagmulan ng datos, instrumentong ginamit sa

pananaliksik, pamamaraan ng pagbibigay ng iskor at grado,

pamamaraan ng pagkalap ng mga datos at estatistikang ginamit sa

pagsusuri ng mga datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Sa pag-aaral na isinagawa, ginamit ang disenyong

quantitiative na kung saan kumuha ang napiling mag-aaral sa

Ikawalong Baitang ng Pre-Test sa Talasalitaan na may

pinakamaraming maling sagot. Ang mga nasabing mag-aaral ay

sasailalim sa interbensyong PareSalita.

PINAGMULAN NG MGA DATOS

Ang mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Tañong National High

School, taong panuruan 2018-2019 ang ginamit na kalahok sa

12
pananaliksik. Ang mga kalahok ay binubuo ng 40 na mag-aaral mula

sa iba-ibang pangkat ng Baitang 8.

INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit

sa pag-aaral. Ang talatanungan ay may dalawang bahagi, ang

Paunang pagtataya at Panapos na Pagtataya.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan sa

pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik

maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng

maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging

kompidensyal ng mga nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng

talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga sasagot ng

tanong.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Hunyo hanggang sa

Hulyo ng taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay sinagawa

ng isang araw kung saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral.


13
Ang mga napiling mag-aaral ang gagamit ng PareSalita sa

paglinang ng talasalitaan. Dalawa o higit pang mga mag-aaral ang

maaaring maglaro na may isang hanay ng mga PareSalita o maaari

ding pangkatan. Ang unang manlalaro ay kukuha ng dalawang

kard. Kinakailangang makuha ang isang pares ng talasalitaan (

talasalitaan at ang kahulugan). Kung hindi makuha ang isang pares

ng talasalitaan ibabalik ang mga kard sa parehong lugar. At

maglalaro ang kasunod na manlalaro. Sikapin ng mga manlalaro na

tandaan ang lahat ng kard na ibinalik. Kinakailangang gamitin sa

sariling pangungusap ang makukuhang paresalita upang

madagdagan ng dalawang puntos ang manlalaro. Kapag natagpuan

ang lahat ng mga pares, ang manlalaro na may pinakamaraming

talasalitaan at kahulugan ang panalo. Pagkatapos, sila ay kukuhang

muli ng Post-Test upang mataya ang bisa ng nasabing programa.

ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang

pagtataya rito. Inilalahad sa bahaging ito ang ginamit na pormula sa

pagkompyut ng mga nakalap na datos. At kinakailangang maging

malinaw kung ano ang layunin sa paggamit ng bawat pormula at


14
kung ano ang tutuguning suliranin ng mga ito lalo na kung

mayroong haypotesis na nakatalaga sa pag-aaral. Sinusukat kung

ilang bahagdan sa kabuuang populasyon ang sumagot ng tamang

sagot sa talatanungan o mas kilala sa tawag na Percentage.

BAHAGDAN (%) = F/ N * 100

Kung saan;

f = bilang ng sumagot

n = kabuuang bilang ng kalahok

15
IV. RESULTA AT PAGLALAHAD NG DATOS

Nakatala ang mga resulta ng paunang pagtataya (pre-test) at

pangwakas na pagtataya (post-test) ng mga mag-aaral sa paglinang

ng talasalitaan.

Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang resulta ng paunang

pagtataya (pre-test) at pangwakas na pagtataya (post-test) ng mga

mag-aaral sa paglinang ng talasalitaan.

Talahanayan 1

Resulta ng Paunang pagtataya(pre-test)


at Pangwakas na pagtataya (post-test) sa Paglinang
ng Talasalitaan sa Pamamagitan ng PareSalita

Baryabol Paunang Pangwakas na


Pagtataya Pagtataya
(Pre-test) (Post-test)
Bilang ng 40 40
Respondent
Bilang ng Aytem 20 20

Pinakamababang 2 10
Iskor
Pinakamataas na 15 20
Iskor

16
Inilahad sa Talahanayan 1 na mayroong 40 na respondents

at may 20 na aytem sa pagsusulit na ibinigay. Sa paunang pagtataya

(pre-test), ang pinakamataas na iskor ay 15 samantalang sa

pangwakas na pagtataya(post-test) ay 20. Ang pinamababang iskor

sa paunang pagtataya ay 2 samantalang sa pangwakas na pagtataya

ay 10. Ipinapakita na tumaas ang bilang ng tamang tugon o sagot ng

mga mag-aaral sa pangwakas na pagtataya kung ihahambing sa

paunang pagtataya.

Ipinakita sa Talahanayan 2 ang Mean, Standard Deviation at

Lebel/Antas ng Kakayahan (Level Of Performance) sa pagitan ng

Paunang Pagtataya at Pangwakas na pagtataya sa pagpapalawak ng

talasalitaan sa pamamagitan ng PareSalita ng mga mag-aaral.

17
Talahanayan 2

Mean, Standard Deviation at Antas ng Kakayahan


ng Baitang 9-Sampaguita sa Paunang Pagtataya

Respondents Mean Standard Antas ng

Deviation Kakayahan

Piling Mag- 8.28 2.59 Mataas

aaral sa Baitang

Mean, Standard Deviation at Antas ng Kakayahan


ng Baitang 9-Sampaguita sa Pangwakas na Pagtataya

Respondents Mean Standard Antas ng

Deviation Kakayahan

Piling Mag- 14.25 2.45 Napakataas

aaral sa Baitang

Inilahad sa Talahanayan 2 na sa paunang pagtataya, may

mean na 8.28 na nangangahulugan na “Mataas” samantalang 14.25

na nagpapahiwatig ng “Napakataas” sa pangwakas na pagtataya.


18
Ito’y nagpapakita na ang antas ng kakayahan sa paglinang ng

talasalitaan ay higit pang lumawak at umunlad.

Sa Standard Deviation, sa paunang pagtataya ay may 2.59

na lihis sa mean score na 8.28 samantalang sa pangwakas na

pagtataya ay may 2.45 na lihis sa mean score na 14.25.

Nangangahulugan ito na lubhang magkakalayo ang iskor ng mga

mag-aaral sa pre-test at post-test.

Ipinapakita na ang resultang nakuha ng mga respondents sa

pangwakas na pagtataya ay umangat kumpara sa paunang pagtataya

kaya nakatulong at naging epektibo ang teknik o paraan na ginamit.

Kaya sadyang ang pagpapalawak ng talasalitaan sa

pamamagitan ng PareSalita ay nakatulong nang malaki upang

maiangat at mapaunlad pa ang lebel o antas ng kakayahan ng mga

mag-aaral sa “napakataas” na antas.

19
Inilahad sa Talahanayan 3 ang pagkakaiba ng paunang

pagtataya(pre-test) at pangwakas na pagtataya(post-test) ng mga

mag-aaral sa pagpapalawak ng talasalitaan.

TALAHANAYAN 3

Makabuluhang Pagkakaiba sa Pagitan ng Paunang pagtataya


(Pre-test) at Pangwakas na pagtataya(Post-test) sa Paglinang
ng Talasalitaan sa Pamamagitan ng PareSalita

Mean Mean Difference

Paunang Pagtataya
=8.28
Pangwakas na Pagtataya
= 14.25 5.98

Ang mean difference sa pagitan ng mga iskor na nakuha ng

mga mag-aaral sa paunang pagtataya at pangwakas na pagtataya ay

5.98, may makabuluhang pagkakaiba ang paunang pagtataya at

pangwakas na pagtataya. Ipinapahiwatig na may makabuluhang

pagkakaiba sa kakayahan ng mga mag-aaral sa paunang pagtataya

at pangwakas na pagtataya sa mga Piling mag-aaral ng Baitang 8,

20
ang paggamit ng PareSalita sa paglinang ng talasalitaan ay mabisang

paraan sa pagpapalawak ng talasalitaan ng mga mag-aaral.

Ibig ipakahulugan na may pag-unlad sa kakayahan ng mga

mag-aaral sa pagpapalawak ng talasalitaan at tunay na mabisa ang

ginamit na paraang PareSalita sa pagpapaunlad sa kakayahan ng

mga piling mag-aaral ng Baitang 8.

21
V. KONKLUSYON

Ang layunin ng PareSalita ay mapataas ang antas ng

paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral. At, base sa

pagsasagawa nang lahat ng mga hakbang sa pag-aaral ng PareSalita

bilang kagamitan sa pagkatutong luminang sa Talasalitaan sa

Filipino 8 ng mga piling mag-aaral sa Ikawalong Baitang, ay naging

matagumpay ang isinagawang pananaliksik.

Upang makasabay sa makabagong pag-aaral ng panitikang

Filipino ay huwag isa walang bahala ang mga ganitong sitwasyon.

Bagkus ay bigyang pansin ang mga mag-aaral na may kahirapan sa

paglinang sa talasalitaan. Nang sang-gayon ay walang mag-aaral

ang mapag-iiwanan.

22
VI. REKOMENDASYON

Batay sa pagsusuri ng resulta at kongklusyon, ang mga

sumusunod ang rekomendasyon ng pag-aaral.

Para sa mga Guro

1. Ang pagtuturo at paglinang ng kasanayan sa pag-unawa ay

nakasalalay sa estratehiya ng guro, mga angkop at sapat na materyal

na gagamitin, ang mga panimulang gawain sa pagbasa ay mahalaga

upang mahawan ang mga balakid at maunawaan ng lubusan ng mga

mag-aaral ang tekstong binabasa.

2. Ang guro ay nagsisilbing daloy ng kaalaman sa loob ng silid-

aralan kaya’t kailangan niya ang malawak na talasalitaan upang

maituro nang mabuti ang mga tamang kahulugan ng mga salita.

3. Ang pagbabasa ay isang proseso na dumadaan sa bawat yugto ng

pag-aaral ng bawat mag-aaral nararapat na makalikha ang guro ng

isang kalagayan sa silid-aralan na makahikayat sa bawat mag-aaral

na magbasa.

23
Para sa mga Mag-aaral

1. Ang paglinang ng kasanayan sa pag-unawa sa talasalitaan ay

hindi lamang nakadepende sa guro nararapat na tulungan ng bawat

mag-aaral ang kanilang sarili sa pamamgitan ng pagbabasa upang

lalong lumawak ang talasalitaan at magkaroon ng ideya kung ano

ang mga kahulugan ng mga malalim na salita.

2. Maging aktibo sa pakikibahagi sa mga gawaing lilinang sa

kasanayan sa pag-unawa sa talasalitaan upang marating ang yugto

ng kamalayan sa pag-unawa sa talasalitaan.

24
SANGGUNIAN

 Abad, Marieta at Priscilla C. Ruedas. (1995) Filipino

Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo. Quezon City: National Book

Store

 Bagon-Faeldan April M., Ang Pagtuturo at Paglinang ng

Talasalitaan

 Constantino, Pamela C. (2005) Filipino at Pagpaplanong

Pangwika. Quezon City: Tomas Pinpin Hall, 1MC Compound.

 Liwanag, Lydia B., Ang Talasalitaan Kaugnay sa Pag-

unawa ng Teksto. Pamantasang Normal ng Pilipinas

 Lucas, Maria Rita D., Corpuz, Brenda B (2014).

Facilitating Learning: A Metacognitive Process. Quezon City

Lorimar Pub.,Inc. 2013

 fil.wikipilipinas.org/index.php/Talasalitaan

 https://tl.wikipedia.org/wiki/Talasalitaan

25
ACTION RESEARCH OUTLINE

TITLE “PareSalita” Bilang Kagamitang Pampagkatuto sa


Paglinang ng Talasalitaan Kaugnay sa
Pag-unawa ng Teksto sa mga
Piling Mag-aaral
ng Baitang 8

PROBLEM Ang kahinaan ng mga mag-aaral sa talasalitaan ay


SITUATION nakakaapekto sa kanilang pag-unawa sa binasa, na
mas makakaapekto sa kanilang ganap na
pagkatuto.
RESEARCH 1. Gaano karami ang mga mag-aaral na
QUESTIONS mababa ang antas sa talasalitaan bago
isagawa ang PareSalita?

2. Gaano karami ang mga mag-aaral na


mababa ang antas sa talasalitaan pagkatapos
isagawa ang PareSalita?

3. Ano ang epekto ng isinagawang kagamitang


pampagkatuto na PareSalita sa paglinang ng
talasalitaan?

METHOD Quantitative
RESEARCH DESIGN Pre-Test at Post Test
MEASUREMENT Pre-Assessment Checklist
TOOL Post Assessment Checklist
Questionnaire
PARTICIPANTS Piling Mag-aaral sa Ikawalong Baitang
PLAN OF ACTION 1. Nakikilala ang mga mag-aaral na mahina
sa talasalitaan sa pamamagitan ng survey.
2. Pagsasagawa ng pre-test ang guro sa piling
mag-aaral.
26
3. Paggamit ng PareSalita bilang kagamitang
pampagkatuto sa paglinang ng talasalitaan
kaugnay sa pag-unawa ng teksto.
4. Post-test
5. Konklusyon at Rekomendasyon

27
“PareSalita” Bilang Kagamitang Pampagkatuto sa Paglinang ng
Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto
sa mga Piling Mag-aaral ng Baitang 8

PAUNANG PAGTATAYA

Pangalan: _____________________________________
Baitang 8 – Pangkat ____________

Lagyan ng tsek ( / ) ang tamang kahulugan ng mga talasalitaan.

1. namangha
( ) nagulat ( ) napahiga
( ) nagalit ( ) nadismaya

2. nananaghoy
( ) nangangahoy ( ) umiiyak
( ) nangangaso ( ) nalilito

3. hikbi
( ) tawa ( ) ngiti
( ) iyak ( ) hagulgol

4. namamalas
( ) nakikita ( ) nadudulas
( ) nagkikita ( ) nalilito

5. tumagistis
( ) maglaho ( ) tamalilis
( ) naghintay ( ) mabilis

28
6. pagak
( ) paos ( ) galak
( ) pagod ( ) wasak

7. alumpihit
( ) tahimik ( ) di mapakali
( ) magaso ( ) matalino

8. pusikit
( ) marikit ( ) maliwanag
( ) napakadilim ( ) maliit

9. magaso
( ) magaslaw ( ) maaso
( ) marumi ( ) madami

10. batikan
( ) matalino ( ) masipag
( ) maputi ( ) mahusay

11. kandili
( ) kasama ( ) aruga
( ) kapatid ( ) maliit

12. kaakibat
( ) kampihan ( ) kapanalig
( ) kasama ( ) kaibigan

13. nasansala
( ) nasalanta ( ) napigil
( ) nadismaya ( ) nagkasala

14. gumigiyagis
( ) gumising ( ) gumagambala
( ) guniguni ( ) gumagalaw

29
15. karilagan
( ) kaginhawaan ( ) kasaganahan
( ) kawilihan ( ) kagandahan

16. patugpa
( ) patugma ( ) patungo
( ) papunta ( ) papasok

17. namimighati
( ) maghahati ( ) namimili
( ) nagdurusa ( ) nagdadamdam

18. sambitin
( ) isabit ( ) ibitin
( ) sabihin ( ) sampayan

19. pahimakas
( ) pamamaalam ( ) panghimagas
( ) pamamaalam ( ) pahinga

20. naparawal
( ) napakalawak ( ) nabigo
( ) Nawala ( ) napabayaan

30
“PareSalita” Bilang Kagamitang Pampagkatuto sa Paglinang ng
Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto
sa mga Piling Mag-aaral ng Baitang 8
PANAPOS NA PAGTATAYA

Pangalan: _____________________________________
Baitang 8 – Pangkat ____________

Lagyan ng tsek ( / ) ang tamang kahulugan ng mga talasalitaan.

1. magaso
( ) magaslaw ( ) maaso
( ) marumi ( ) madami

2. batikan
( ) matalino ( ) masipag
( ) maputi ( ) mahusay

3. sambitin
( ) isabit ( ) ibitin
( ) sabihin ( ) sampayan

4. pahimakas
( ) pamamaalam ( ) panghimagas
( ) pamamaalam ( ) pahinga

5. naparawal
( ) napakalawak ( ) nabigo
( ) nawala ( ) napabayaan

31
6. kandili
( ) kasama ( ) aruga
( ) kapatid ( ) maliit

7. kaakibat
( ) kampihan ( ) kapanalig
( ) kasama ( ) kaibigan

8. nasansala
( ) nasalanta ( ) napigil
( ) nadismaya ( ) nagkasala

9. gumigiyagis
( ) gumising ( ) gumagambala
( ) guniguni ( ) gumagalaw

10. hikbi
( ) tawa ( ) ngiti
( ) iyak ( ) hagulgol

11. namamalas
( ) nakikita ( ) nadudulas
( ) nagkikita ( ) nalilito

12. tumagistis
( ) maglaho ( ) tamalilis
( ) naghintay ( ) mabilis

13. pagak
( ) paos ( ) galak
( ) pagod ( ) wasak

14. alumpihit
( ) tahimik ( ) di mapakali
( ) magaso ( ) matalino

32
15. karilagan
( ) kaginhawaan ( ) kasaganahan
( ) kawilihan ( ) kagandahan

16. patugpa
( ) patugma ( ) patungo
( ) papunta ( ) papasok

17. namangha
( ) nagulat ( ) napahiga
( ) nagalit ( ) nadismaya

18. nananaghoy
( ) nangangahoy ( ) umiiyak
( ) nangangaso ( ) nalilito

19. pusikit
( ) marikit ( ) maliwanag
( ) napakadilim ( ) maliit

20. namimighati
( ) maghahati ( ) namimili
( ) nagdurusa ( ) nagdadamdam

33

You might also like