You are on page 1of 32

Antas ng mga Salik Na Nakakaapekto sa Interes Ng Pagkatuto Sa Asignaturang

Filipino ng mga mag-aaral ng General Academic Strand Baitang-12 sa

Asian Development Foundation College Taong Panluran 2017-2018

Isang Tesis na ihaharap sa kaguruan ng kolehiyo ng Edukasyon Asian Development

Foundation College

P.Burgos St.Tacloban City

Isang Bahagi ng Katuparan sa Pagtamo ng Titulong

Bachelor of Secondary Education

Nina:

Wincess Anne P.Tanghiyan

Lenny Joy Apable

Delilah M.Magdua

Aira Shayne Padoc

DE
Kabanata I

INTRODUKSYON

Sanligan ng Pag-aaral

Bilang isang mag-aaral ay dapat mayroong interes kong paano matuto sa

mga mahahalagang impormasyon na makakatulong upang madagdagan ng kaalaman

at mapalawak ang kaisipan para maabot ang mga bagay na gustong makamtan. Isa sa

mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang pagtuturo ng guro.

Ayon kay Belvez (2002), ang mga mag-aaral ay nababagot sa pag-aaral kung

ang guro ay hindi malikhain sa kanyang pagtuturo. Kung saan kinakailangan na sa

bawat pagtalakay ng paksa ang guro ay dapat may iba’t ibang estratehiya na maaring

maging pundasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dagdag pa niya, ang guro ang

nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral kung saan ang guro ay

dapat maging epektibo sa pagtuturo upang ang mga mag-aaral ay lubos na maging

masipag at epektibo sa talakayan.

Sinabi ni Badayos (2003), na ang dapat ituro ng mga guro sa mga mag-aaral

kung ano ang tamang paraan para sa pag-aaral nang mga leksyon nila. Dahil maraming

mga mag-aaral ang walang pakialam sa klase dahil sa makalumang pamamaraan ng

pagtuturo ng mga guro na nakakaapekto sa pag-aaral.

DE
Para naman kay Villamin (2004), nagkakaroon lamang ng mataas na antas ng

performans ang mga mag-aaral ay maging malikhain sa kanyang pag-aaral, maging

isang aktibong mag-aaral at maging aktibo rin sa talakayan ng guro.

Ayon naman kay Badayos (2002), isa ang guro na dapat maging sensitibo at

dapat isinaalang-alang ang pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral na makakatulong

upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto.

Para naman kay Zulueta (2006), napag-alamang ang mga kalahok sa kooperatib

na pagkatuto ay naaaliw sa mga gawaing nagpapakita ng higit na pagganyak. Natapos

ang mga gawain ng mas mahusay kaysa indibidwal ng ginaganitan ng kompetisyon.

Lumikha rin ito sa mga estudyante ng positibong epekto ng self-esteem sa bawat

indibidwal, ugali sa pagtulong, interes, personal na kagustuhan, pagmamalasakit sa iba,

pakikipagtulungan at saloobin ng guro.

Dagdag pa ni Ariaso (2010), na hindi makakamtan ang kanyang kawilihan at

pagkatuto kung kulang ang pagganyak ng guro. Madaling matuto at mawili ang mga

mag-aaral sa kanilang pag-aaral kung ang guro ay may angking talino.

Sabi rin ni Bevert (2000), sa kanyang aklat na ang guro at sining ng pagtuturo na

maselan ang tungkuling ginagampanan ng guro sa paghubog hindi lamang sa kaisipan

at mga katangiang pisikal ng mag-aaral kung ang buo niyang katauhan.

Ayon kay Belvez (2000), ang propesyong pagtuturo ay lagging sinasabing isa sa

mga dakilang propesyon. At hindi lamang propisyon kundi isang misyon.

DE
Ang pagiging epektibo ng pagtuturo ay nakasalalay sa wikang ginagamit. Ang mga

mag-aaral ay madaling matuto kung ang wika at pamamaraang kanilang ginagamit ay

malapit sa kanilang mga puso at damdamin ( Ariaso, 2010).

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Anu-ano ang mga demograpikong detalye ng mga respondente sa mga

sumusunod?

a. Seksyon

b. Kasarian

2. Anu-ano nga ba ang Mga Salik na Nakaaapekto sa Interes ng Pagkatuto sa

Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng General Academic Strand baitang-12

sa ADFC?

a. Ugali sa Pagkatuto

b. Guro

c. Pasilidades sa Silid-Aralan

d. Kagamitang Pampagtuturo

e. Talakayan

DE
Balangkas Teyoretikal

Sa bahaging ito inuugnay ang mga teorya na may kaugnayan sa mga salik na

nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa asignaturang Filipino

Sa teorya ni Politzer na higit na kawili-wili at epektibo ang pagtuturo at pagkatuto na

may interes kung may baryedad na gawain.

Sa teorya naman ni Pavlov na ang mabisang pagkatuto ay sanhi ng kaaya-ayang

kalagayan o kondisyon

Ipinaliwanang sa mga teorya na ito na malaki ang gampanin ng guro upang makuha

ang interes ng mga mag-aaral at kinakailangan na palaging maghanda ng pagganyak

ng sa gayon ay handa silang making at gumamit ng iba’t ibang estratehiya at teknik na

mas kakaiba at patok sa mga kabataan para hindi mabagot sa halip na matuto.

Balangkas Konseptwal

Sa bahaging ito, inilahad ng mga mananaliksik ang mga nakalap na ideya hinggil

sa kanilang pag-aaral tungkol sa salik na nakakaapekto sa pagkatuto sa Asignaturang

Filipino ng mga mag-aaral ng General Academic Strand baitang-12 sa ADFC.

Ayon kay Mc Combs (2000), may mga bagay-bagay na nakakaapekto sa

pagkatuto ng mga mag-aaral tulad ng kapaligiran, kultura, teknolohiya, at mga

kagamitan sa pagtuturo. Ang mabuting pag-uugali ng mga guro ay makakatulong para

DE
masubaybayan ang mga mag-aaral tungo sa tamang direksyon ng kanilang buhay at sa

pagpapaunlad ng pagkatuto sa kanilang hinaharap.

Nangangahulugan lamang na marami ang mga salik na nakakaapekto sa proseso

ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ngunit bilang isang guro ay hindi niya dapat indahin

ang suliraning ito dahil siya ay may malaking gampanin o responsiblidad upang

masolusyunan ang mga bagay na ito. Kung kaya bilang guro ay dapat niyang pag-

isipan ang mga paksa o aralin na ituturo sa kanyang mag-aaral, nang sag anon ay

akma ang mga araling ito sa abilidad ng mga mag-aaral upang malinang ang kanilang

kakayahan at maging ang kanilang pandamdaming domeyn na isa rin sa pundasyon ng

pagkatuto.

DE
Balangkas ng Pag-aaral

Mga Salik na Nakakapekto sa Interes ng Pagkatuto

ng mga mag-aaral ng General Academic Strand baitang 12

sa Asian Development Foundation College

Anu-ano ang mga Salik na Nakakaapekto sa Interes ng Pagkatuto

ng mga mag-aaral ng General Academic Strand baitang 12 sa Asian Development

Foundation College?

A. Ugali sa Pagkatuto

B. Guro

C. Pasilidades

D. Kagamitang Pampagtuturo

E. Talakayan

Pigyur 1 Framework ng Pag-aaral

DE
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahan ng pag-aaral ng mga

mananaliksik:

Sa mga Mag-aaral.Nakakatulong na mapaunlad ang kanilang kaalaman ukol sa

mga salik na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.Kinakailangan lang nila na magpokus

upang higit nilang maintindihan ang mga paksa na kanilang tinalakay.

Sa mga Guro.Mababatid nila ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng

kanilang mga estudyante at magabayan ang kanilang mga mag-aaral para higit na

matuto.Kinakailangan na maging epektibo siya na guro ng sa gayon ay makuha nila

ang interes ng mga mag-aaral.Ang pagganyak ay higit na epektibo upang makuha ang

interes ng mga mag-aaral para ipakilala ang bagong paksa na tatalakyin at paggamit ng

iba’t-ibang estrahiya at tekniks para mas interaktibo ang talakayan.

Administrador.Mapagtuunang-pansin ang antas ng mga salik na nakakapekto

sa interes ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino at punan ito para

mas maging interesado ang mga mag-aaral sa talakayanan.

Sa mga Mananaliksik. Mahalaga rin ang pag-aaral na ito, sapagkat ang mga

datos ay maaring gamitin sa iba pang gagawin na pag-aaral. Ang magiging resulta nito

ay makakatulong sa ibang mananaliksik upang sila ay makatuklas ng iba pang salik ng

pagkatuto.

DE
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral sa mga salik na nakakaapekto sa

interes ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng General Academic

Strang Baitang-12 sa Asean Development Foundation College sa ikalawang semester

sa taong panuruan 2015-2016. Sila ang napili bilang respondent dahil sa napansin o

naobserbahan namin sa kanila ang walang interes sa Asignaturang Filipino.

Depenisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga mahahalagang termino o salitang

ginagamit ng mga mananaliksik sa ginagawang pag-aaral:

Kagamitang Pampagtuturo. Ang kagamitang pamgpagtuturo ay tulad ng

midyang instruksyunal na nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto. Abad at

Ruedas (2001), ito ay ang mga kagamitan sa pagtuturo na ginagamit ng guro sa

pagtatalakay ng kanyang mga aralin sa mga mag-aaral.

Pasilidades ng silid-aralan. Ito ay tumutukoy sa silid-aralan na nag-uudyok sa

mga mag-aaral na maging aktibo sa gawaing pampagkatuto, tumutulong sa pagtatatag

ng mga positibong pagpapahalaga kung saan ito ay magbubunga ng tagumpay at

epektibong pagtuturo-pagkatuto (Ruel et al., 2005). Ito ay ang mga kagamitan na

ginagamit sa loob ng paaralan upang mapagtagumpayan ng guro at ng mag-aaral ang

mga layuniin na nais nilang makamtan.

DE
Interes ng mga Mag-aaral. Ito ay tumungkol sa hilig o pagkagusto ng mga mag-aaral

sa isang particular na bagay o Gawain

Ugali sa Pagkatuto. Ito’y tumutukoy sa bawat isa na mag-aaral na natuto ng

magkaibang paraan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kapwa.Kaya tungkulin ng

guro ang pagiging pangalawang maguluang sa loob ng silid-aralan.

Guro. Ang guro ang nagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral.Samakatuwid, isang

prinsipyo ang nanatili pa ring may matatag na pananaw ukol sa tungkulin ng mga mag-

aaral at guro sa ganitong proseso at ito ay ayon kay Ariaso (2010), na nagsasabing;

“Ang hamon ay hindi lang nasa guro maging sa mag-aaral din kung ang mag-aaral ay

sentro ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto, ang guro nama’y lider, tagapamahala,

ama’t ina kaibigan at higit sa lahat, magulang ng bawat mag-aaral.

Seksyon.Tumutukoy sa paghahati ng mga mag-aaral.Maaring sa lebel ng

kaalaman,bilang o kasarian.

Kasarian. Ito’y tumutukoy sa pagkakaiba ng lalaki sa babaw.Ang interes ng lalaking

mag-aaral ay iba sa sa interes ng mga babaeng mag-aaral.Marapat lamang na

malaman ng guro ang kaibahang ito lalong na sa pagbibigay halimbawa sa pagtalakay

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

DE
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na kung

saan malalaman dito o maipaliwanag ng mabuti kung ano ang ibig ipakahulugan ng

paksa.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Abad at Ruedas 2001), ang mga kagamitang pampagtuturo tulad ng

midyang instruksyunal ay nagbibigay ng konkretong pundasyon ng pagkatuto.

Binanggit naman nina Villafuerte at Bernales (2008), na ang saloobin ng pag-

aaral sa Filipino ng mga mag-aaral ay nakakaapekto sa performans ng kanilang

pagkatuto. May mga mag-aaral na para sa kanila ay mahirap pag-aralan ang

asignaturang Filipino kahit na ang guro ay walang kagalingan sa pagtuturo.

Ayon naman kay Autor (2001), ang pagkatuto na may pag-unawa ay higit na

mahalaga sa pagsasaulo ng impormasyon sapagkat ito ay nangangailangan nga pag-

unawa ng mahahalagang diwan a nakapaloob sa bawat impormasyon upang ito ay

magamit sa paglutas ng problema sa hinaharap. Kapag ang mag-aaral ay natuto na

may pag-unawa, napauunlad nila ang kakayahang mag-isip, lumutas ng mga problema

at maging ang mga mag-aaral ay kayang matuto at umunawang nag-iisa kung kaya

napapalaki ang ginagampanan ng mga guro sa mga araling isinasagawa.

Ang mga impormasyon na nakalap ng mga mananaliksik ay tumutungkol sa

kagamitang pampagtuturo na nagbibigay ng konkretong pundasyon sa mga mag-aaral,

na ang saloobin ng pag-aaral sa Filipino ng mga mag-aaral ay nakakaapekto sa

performans ng kanilang pagkatuto at pagkatuto na may pag-unawa ay higit na

mahalaga kaysa pagsasaulo sapagkat ito ay nangangailangan ng pag-unawa sa

DE
mahahalagang diwa na napapaloob sa bawat impormasyon upang ito ay magamit sa

paglutas ng problema sa hinaharap. Nangangahulugan lamang na may iba’t ibang salik

na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral na kailangang bigyan pansin upang

hindi maapektuhan ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga Kaugnay ng Pag-aaral

Naniniwala si Prensky (2005), na ang pinakamahusay na paraan para matuto ang

mga mag-aaral ay ang pakikisalamuha sa mundo at hindi lamang sa pamamagitan ng

pagbasa ng mga aklat. Dahil sa pamamagitan nito ay may mga impormasyong

natutunan at gayun din sa nagpapaangat sa mentalidad ng isang tao.

Samakatuwid, isang prinsipyo ang nanatili pa ring may matatag na pananaw ukol

sa tungkulin ng mga mag-aaral at guro sa ganitong proseso at ito ay ayon kay Ariaso

(2010), na nagsasabing;

“Ang hamon ay hindi lang nasa guro maging sa mag-aaral din kung ang mag-aaral ay

sentro ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto, ang guro nama’y lider, tagapamahala,

ama’t ina kaibigan at higit sa lahat, magulang ng bawat mag-aaral”

Dagdag pa ni (Ariaso (2010), na hindi makakamtan ang kanyang kawilihan at

pagkatuto kung kulang ang pagganyak ng guro. Madaling matuto at mawili ang mga

mag-aaral sa kanilang pag-aaral kung ang guro ay may angking talino.

DE
Sinabi pa niya, na ang kalidad ng pagtuturo ay mas mapapagaan kung may

magandang pasilidad sa klasrum kung saan kinakailangan ng mga kagamitang

instrumental upang maging handa sa mga guro at mga mag-aaral sa presentasyon sa

aralin. Ang pagiging epektibo ng pagtuturo ay nakasalalay sa wikang ginagamit. Ang

mga mag-aaral ay madaling matuto akung ang wika at pamamaraang kanilang

ginagamit ay malapit sa kanilang puso at damdamin (Ariaso, 2010).

Ayon kay Abarquez (2001), na ang guro ay kailangang pumili at isaayos ang mga

kagamitan na may tiyak na layunin na naayos sa gabay ng kurikulum at akma sa

pangangailangan, interes at kapasidad ng mga mag-aaral at maghanda ng banghay-

aralin batay sa tiyak na layunin.

Sinabi naman ni Mendiola (2011), ang guro ay isang mahalagang element sa

probisyon ng nakaprogramang karanasan sa pagkatuto ng paaralan ay komposisyon sa

iba’t ibang salik na siyang bumubuo sa kanyang pakikipagsalamuha sa mga mag-aaral

at kung paano niya ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Dagdag pa niya, magiging kapaki-pakinabang lamang ang pagpasok ng mga mag-

aaral sa paaralan kung lahat ng mga kakayahan ay kanilang matutunan.

Ayon naman kay (Belieg (2004), ang kaligirang sosyal ay isa rin sa mga salik na

nakakaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral, isang salik sa pagkatuto

batay sa isang kaligirang natural, kaayusang pisikal, sitwasyon at instruksyunal at

kaayon-ayon ng relasyon ng guro at mag-aaral. Ang lahat ng ito ay mabibigyang

kalutasan kung ang guro ay malikhain at may pagkukusa na gumawa ng hakbang para

sa ikatatagumpay ng kanyang pagtuturo.

DE
Dugtong pa ni (Robin (2002), ang paggamit din ng mga makabagong teknolohiya gaya

ng kompyuter ay isang epektibong paraan para mas mapadali ang paggawa ng Gawain

sa eskwela ngunit kalaunan, hindi na pang edukasyonal na layon ang sadya ng mga

estudyante sa kompyuter sa halip na “computer games” at hindi alintana ang

paghahasa sa akademikong performans. Ang paggamit ng mga makabagong gadgets

ay isa rin sa nakakaapekto sa pang akademikong performans ng mga mag-aaral na isa

na dito ang patok na gamit pangteknolohiya ang ‘cellphone” ang dekalidad ng

edukasyon ay makakamtan lamang kung malalaman ang salik na siyang makakatulong

upang paunlarin ang performans ng mga mag-aaral.

Ang mga impormasyon na nakalap ng mga mananaliksik ay tumutungkol sa

pinakamahusay na paraan para matuto ang mga mag-aaral ay ang pakikipagsalamuha

sa mundo at hindi lamang sa pamamagitan ng pagbasa ng mga aklat, na may prinsipyo

pa rin ang nanatiling may matatag na pananaw ukol sa tungkulin ng mga mag-aaral at

guro, na hindi makakamtan ng mga mag-aaral ang kawilihan at pagkatuto kung kulang

ang pagganyak ng isang guro, na ang guro ay kailangang pumili at isaayos ang mga

kagamitan na may tiyak na layunin na naayon sa gabay ng kurikulum at akma sa

pangangailanagn, interes at kapasidad ng mga mag-aaral at maghanda ng banghay-

aralin batay sa tiyak na layunin, ang guro ay isang mahalagang element sa probisyon

ng nakaprogramang karanasan sa pagkatuto sa paaralan, ang kaligirang sosyal ay isa

rin sa salik na nakakaapekto sa pagkatuto batay sa kaligirang natural, kaayusang

pisikal, sitwasyon at instruksyunal at kaayon-ayon ng relasyon ng guro at mag-aaral,

ang paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter ay isang epektibong

paraan para mas mapadali ang ang paggawa ng gawain sa eskwela ngunit kalaunan,

DE
hindi na pang edukasyonal ang layon ang sadya ng mga estudyante sa kompyuter sa

“computer games” at hindi alintana ng paghahasa ng akademikong performans.

Nangangahulugan lamang na ang mga datos o impormasyon na nakalap ng mga

mananaliksik ay tumutungkol sa mga salik na nakakaapekto sa proseso ng pagkatuto

ng mga mag-aaral na ito ay dapat na masolusyunan upang ang mga mag-aaral sy

magkaroon ng matatag na pundasyon ng karunungan.

Kabanata III

METODOLOHIYA

Nakatala sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, mga respondent ng

pananaliksik at ang tritment ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng Descriptive Quantative o

paglalarawan panunuri dahil inilalarawan rito ang kinalabasan ng pag-aaral sa

pamamagitan ng talatanungan.Upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito ang mga

mananaliksik ay gumawa muna ng talatanungan o questionnaire na siyang ipinasasagot

sa mga mag-aaral ng Gas-12 sa ADFC.na nagiging saklaw ng pag-aaral

nito.Pagkatapos malikom ang mga talatanungan,ito ay iniwasto at matiyagang sinuri ng

mananaliksik sa pamamagitan ng talahanayan.Upang lalong maging malinaw ang

kinalabasan ng pag-aaral ay gumagamit ang mga mananaliksik ng pormulang

makakatulong sa lubos na ikauunawa ng bawat talahanayan.Percentage technique ang

ginamit ng mga mananaliksik na pormula.

DE
Lokal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa Asian Foundation College.Napili ng mga

mananaliksik na dito magsagawa ng pag-aaral at mangalap ng impormasyon sa

kadahilanang malaking tulong ang maaaring matamo sa kalalabasan ng pananaliksik

sa susunod pang mag-aaral lalo pa at ang mga napiling respondente ay kabilang sa

paaralang ito na kasalukuyang matatagpuan sa P.Burgos St.Tacloban City.

Mga Kalahok ng Pag-aaral

Sa pangangalap ng impormasyon ng mga mananaliksik nalaman ang kabuuang

bilang ng mag-aaral na kasalukuyan nasa baitang 12.Ang tinutukoy na bilang ay (84) ng

Asian Development Foundation College.Kasali ang lahat ng mag-aaral sa baitang 12

DE
upang magsilbing respondent sa pagbuo ng pananaliksik na ito.Binibigyang-linaw ng

mga respondente ng sumagot sa katanungang gumugulo sa isipan ng nakararami mga

salik na nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa asignaturang Filipino. Napili ng mga

mananaliksik ang GAS baitang 12 ng Asian Development Foundation College bilang

respondent.

Mga Instrumentong Ginagamit sa Pananaliksik

Ang sarbey-kwestyuner na checklist 5:likers skills ay naging batayan sa pag-

alam sa Antas ng mga Salik na Nakakaapekto sa Interes ng Pagkatuto sa Asignaturang

Filipino ng mga mag-aaral ng GAS-12 sa ADFC.

Sa talahanayan ito makikita ang kahulugan ng Mga Salik na Nakakaapekto sa

Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa Gas-12..Dito tahasang malalaman ng guro

ang kaukulang aksyong gagawin sa pagganyak ng mga mag-aaral upang mapabuti ang

pagtuturo na naaayon sa pamamaraan o teknik.

KAHULUGAN SA ANTAS NG PAGTANGGAP

Mean Ranges Quantative Description


5 Lubos na Sumasang-ayon
4 Sumasang-ayon
3 Hindi Tiyak
2 Hindi Sumasang-ayon
1 Lubos na Di-Sumasang-ayon

Sa talahanayan na ito ang nagsilbing gabay ng mga mananaliksik sa

pagpapakahulugan sa resulta ng marka ng mga mag-aaral sa mga Salik na

Nakakaapekto sa Interes ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino.

DE
Prosidyur sa Pangangalap ng mga Datos

Ang pangangalap ng datos o impormasyon ay binigyang-halaga ng mga

mananaliksik kung saan sila nakahanap ng mga talasanggunian.Unang hakbang

ay ang pagbabasa ng mga tesis,aklat,magazines,pahayagan at marami pang

iba.Ano mang impormasyon ang mabasa na may kaugnayan sa kanilang paksa

ay isinulat ayon sa pagkaunawa ng mga mananaliksik.

Pangalawang hakbang na gagawin ay ang pagpapasagot ng sarbey-

kwestyuner sa mga respondent.Ito ang bumuo sa pananaliksik ng mga

mananaliksik sapagkat sila ang pokus o sentro sa pag-aaral na ito.Sa

pamamagitan nito nasukat ang mga Salik na Nakakaapekto sa Interes ng

Pagkatuto sa Asignaturang Filipino.

Bawat hakbang na gagawin ng mananaliksik ay mahalaga upang

maisakatuparan ang lahat.At ang huling hakbang ay ang pag-organisa sa mga

nakalap na mga impormasyon kasama na dito ang pagtala ng lebel sa

pagtanggap ng mga mag-aaral ayon sa kinaaangkupan nito.Paggamit ng

istatistikal na paraan upang ilarawan ng maayos ang bawat bahagdan nito.

Istadistikal Tritment Na Gagamitin sa mga Datos

DE
Lahat ng impormasyon o datos ay sinuri at ang ginamit sa pagsusuring

Istadistikal Tritment ay ang percentage at mean,kung saan gagamitin ito upang

malaman kung may mataas na Mga Salik na Nakakaapekto sa Interes ng Pagkatuto sa

Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng GAS-12.

Sa pag-aaral na ito ang siyang magiging gabay sa pagsusuri sa mga

nakalap na datos.

P=B x 100

Kung saan:

P=Porsyento

B=Bilang ng sumagot

K=(Kabuuang Porsyento)

DE
Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Talahanayan 1

MGA RESPONDENTENG KALAHOK SA PAG-AARAL

Talahanayan 1.A

Seksyon

Seksyon Bilang ng inaasahang Bilang ng Bahagdan (%)

Respondente Respondent
Block 1 42 42 50%
Block 2 42 42 50%
Kabuuan 84 84 100%

Ipinapakita sa talahanayan sa ibabaw ang demograpikomg detalye ng seksyon ng mga

mag-aaral ng General Academic Strand baitang 12 na napili bilang mga respondente sa

pag-aaral na ito.Kung saan may bilang na 42 ang mga GAS-12 Block 1 at 42 rin ang

bilang ng mga mag-aaral ng GAS-12 Block 2 na may kabuuang bilang na

84.Napakaimportante ang malaman ng kabuuan ng seksyon na respondente upang

mas maging matagumpay ang pag-aaral na ito dahil sila ay nagging parte dito.

Talahanayan 1.B

DE
Kasarian

Bilang ng Respondente Baghagdan (%)


Babae 54 64%
Lalaki 30 36%
Kabuuan 84 100%

Ipinapakita sa talahanayan sa ibabaw ang demograpikong detalye ng kasarian ng mga

mga mag-aaral ng General Academic Strand baitang-12 na napili bilang mga

respondente sa pag-aaral na ito.Kung saan may 54 na bilang ang babae at 30 na bilang

naman ang mga lalaki na may kabuuang 84. Napakaimportante ang malaman ang mga

kasarian ng bawat mag-aaral ng GAS-12 upang matukoy naming ang kanilang interes

sa pagkatuto.Dahil sa bawat kasarian ay may iba’t ibang paninindigan at prinsipyo sa

buhay o maaring interesado sila o hindi na matuto sa Asignaturang Filipino.

Sa bahaging ito nakalahad ang kinalabasan ng isinagawang pananaliksik at pag-

aanalisa sa mga datos na nakalap.

DE
Talahanayan 2

Mean Rating ng mga Salik na Nakakaapekto sa Interes ng Pagkatuto sa

Asignaturang Filipino

Talahanayan 2. A

Ugali sa pagkatuto

Mean
Wala akong paki sa Asignaturang Filipino. 2
Hindi interaktibo ang mga aktibidades sa Asignaturang 2

Filipno.
Nakakaantok ang Asignaturang Filipino. 2
Nakakatamad pumasok kapag oras na ng Asignaturang 2

Filipino.
Hindi ako nakikinig kapag Asignaturang Filipino na ang 2

DE
pinag-uusapan.
Hindi ako nakikipagtulungan kapag oras na ng 2

Asignaturang Filipino.
KABUUAN:

Hindi Sumasang-ayon
Ipinapakita sa talahanayan sa ibabaw ang bilang ng respondente na sumagot sa isa sa

mga salik na nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino at ito ay ang

“Ugali sa Pagkatuto” kung saan nakakuha ng mean score na 2 na ibig sabihin ay hindi

sumasang-ayon. Ipinapahiwatig lamang ng mga respondente na interesado sila sa

Asignaturang Filipino at interaktibo ang mga aktibidades dito.Kinakailangan lamang ng

kanilang atensyon at karagdagang kooperasyon para mas maging mahalin nila ang

Asignaturang ito na ayon nga kay Villamin (2004), nagkakaroon lamang na mataas na

antas ng performans ang mga mag-aaral ay maging malikhain sa kanyang pag-

aaral,maging isang aktibo rin sa talakayan ng guro

DE
.

Talahanayan 2.B

Guro

Mean
Hindi maayos na tindig ng guro. 2
Kahinaan ng boses ng guro. 3
Kakulangan ng kaalaman sa paksa. 2
Hindi angkop na pananamit ng guro. 2
Hindi wastong pagkakabigkas ng mga salita ng guro. 3
Hindi pantay na pakikitungo ng guro sa mga mag-

aaral. 3
Hindi maayos na pagdidisiplina ng guro sa kanyang

mga mag-aaral. 3
KABUUAN: Hindi Tiyak

Ipinapakita sa talahanayan sa ibabaw ang bilang ng respondente na sumagot sa isa sa

mga salik na nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino at ito ay ang

“Guro” kung saan nakakuha ng mean score na 3 na ibig sabihin ay hindi tiyak o ibig

sabihin ay maaring ito ay salik na nakakaapekto sa interes ng pagkatuto.Ipinapahiwatig

lamang ng mga respondente na kailangan gampanan ng guro ang kanyang pagiging guro

sa loob ng klasrum upang higit na magka interes ang mga mag-aaral sa Asignaturang

Filipino.Sabi nga ni Mendiola (2011), ang guro ay isang mahalagang element sa

probisyon na nakaprogramang karanasan sa pagkatuto ng paaralan ay komposisyon sa

iba’t ibang salik na siyang bumubuo sa kanyang pakikipagsalamuha sa mga mag-aaral at

kung paano niya ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Talahanayan 2.C

Pasilidades

Mean

DE
Kakulangan ng electricfan o ceiling fan sa loob ng silid-

aralan. 4
Kakulangan ng aklat sa silid-aralan. 4
Kakulangan ng silid-aralan. 3
Kakulangan ng mga guro. 3
Kakulangan ng ilaw. 3
Kakulangan ng upuan. 3
Maduming silid-aralan. 3
Magulong silid-aralan. 4
KABUUAN: Hindi Tiyak

Ipinapakita sa talahanayan sa ibabaw ang bilang ng respondente na sumagot sa isa sa

mga salik na nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino at ito ay ang

“Pasilidades” kung saan nakakuha ng mean score na 3 na ibig sabihin ay hindi tiyak o

wala silang kasiguraduhan na ito ba ay nakakaapekto sa interes ng kanilang

pagkatuto.Ipinapahiwatig lamang ng mga respondente na kinakailangan ng mga mag-

aaral ng isang komportableng klasrum nang sa gayon ay hindi mabaling ang kanilang

atensyon sa paligid kundi sa kanilang pag-aaral lamang at tungkulin ito ng guro bago

simulan ang talakayan ay pansinin kung handa na ba ang mga mag-aaral na makinig at

matuto at walang nagiging sagabal para sila ay maging interesado sa paksang tatalakayin

sa Asignaturang Filipino.Sabi pa nga ni (Ruel et al., 2005), ito ay isang kagamitan na

ginagamit sa loob ng paaralan upang matagumpayan ng guro at ng mga mag-aaral ang

mga layunin na nais nilang makamtan.Dagdag pa ni (Ariaso, 2010) na ang kalidad ng

pagtuturo ay mas mapapagaan kung may magandang pasilidad sa klasrum kung saan

kinakailangan ng mga kagamitang instrumental upang maging handa sa mga guro at mga

mag-aaral sa presentasyon sa aralin. Ang pagiging epektibo ng ng pagtuturo ay

naksalalay sa wikang ginagamit. Ang mga mag-aaral ay madalin g matuto kung ang wika

DE
at pamamaraang kanilang ginagamit ay malapit sa kanilang puso at damdamin.

Talahanayan 2.D

Kagamitang Pampagtuturo

Mean
Kakulangan ng projector. 4
Kakulangan personal na laptop ng mga guro. 3
Hindi organisado ang kanyang mga kagamitang

pampagtuturong biswal. 3
Tradisyonal na kagamitang pampagtuturo. 3
Kakulangan ng mga telebisyon. 3
Hindi malinaw ang pagsusulat sa pisara o kagamitang

biswal. 3
KABUUAN: Hindi Tiyak

Ipinapakita sa talahanayan sa ibabaw ang bilang ng respondente na sumagot sa isa sa

mga salik na nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino at ito ay

ang “Kagamitang Pampagtuturo” kung saan nakakuha ng mean score na 3 na ibig

sabihin ay hindi tiyak o maaring sang-ayon sila na ito ay isa mga salik na

nakakaapekto sa interes ng kanilang pagkatuto. Ayon nga kina Abad at Ruedas

(2001), ito ay ang mga kagamitan sa pagtuturo na ginagamit ng guro sa pagtalakay.

Ang midyang instruksyunal ay ang nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa

pagkatuto. Ayon naman kay Abarquez (2001) na ang guro ay kailangang pumili at

DE
isaayos ang mga kamitan na may tiyak na layunin na naayos sa gabay ng kurikulum at

akma sa pangangailangan,interes at kapasidad ng mga mag-aaral at maghanda ng ng

banghay-aralin batay sa tiyak na layunin. Dugtong pa ni Robin (2002), anng paggamit

din ng mga makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter ay isang epektibong paraan

para mas mapadali ang paggawa ng gawain sa skwela.Ipinapahiwatig lamang ng mga

respondente na kailangan ang guro ay laging handa at gagamit ng mga kagamitang

pampagtuturo na mas kinakailangan ng mga mag-aaral ngayon.Halimbawa na lamang

ang makabagong teknolohiya para mas higit na maging interesado ang mga mag-aaral

sa Asignaturang Filipino

Talahanayan 2.E

Talakayan

DE
Mean
Walang sapat na oras sa pagtatalakay. 3
Hindi nakapaghanda. 3
Kakulangan ng aktibidades. 3
Limitado lang ang mga halimbawa. 3
Hindi masyado naipaliwanag ang paksa.
3
Walang motibasyon bago magtalakay. 3
Hindi epektibo ang ginamit na pamamaraan sa

pagtuturo ng guro. 3
Hindi nagbigay ng ebalwasyon ang guro. 3
Masyadong madali ang paksa. 3
Mabilisan ang pagtalakay sa paksa. 3
Walang sapat na oras para talakayin ang paksa. 3
Masyadong malawak ang paksang tinalakay. 3
Hindi maayos ang daloy ng talakayan. 3
KABUUAN: Hindi Tiyak

Ipinapakita sa talahanayan sa ibabaw ang bilang ng respondente na sumagot sa isa sa

mga salik na nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino at ito ay

ang “Talakayan” kung saan nakakuha ng mean score na 3 na ibig sabihin ay hindi

tiyak. Ipinapahiwatig lamang ng mga respondente na kailangan na ang talakayan sa

Asignaturang Filipino ay interaktibo dahil dito malalaman kung nagtagumpay ba ang

guro na makuha ang atensyon at interes ng kanyang mga mag-aaral. Ito ang sentro ng

ng kaalaman ng mga mag-aaral. Dagdag pa ni Ariaso (2010), na hindi makakamtan

ang kanyang kawilihan at pagkatuto kung kulang ang pagganyak ng guro. Madaling

matuto at mawili ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral kung ang guro ay may

angking talino.Ayon naman kay Belvez (2002), ang mga mag-aaral ay nababagot sa

pag-aaral kung ang guro ay hindi malikhain sa kanyang pagtuturo.Kung saan

kinakailangan na sa bawat pagtalakay ng paksa ang guro ay dapat may iba’t ibang

estratehiya na maaring maging pundasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dagdag

DE
pa niya, ang guro ang dapat maging epektibo sa pagtuturo upang ang mag-aaral ay

lubos na maging masipag at epektibo sa talakayan at sabi ni Badayos (2003), na ang

dapat ituro ng mga guro sa mga mag-aaral kung ano ang tamang paraan para sa pag-

aaral ng mga leksyon nila. Dahil maraming mga mag-aaral ang walang pakialam sa

klase dahil sa makalumang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro na nakakaapekto

sa pag-aara

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito makikita ang buod ng isinagawang pag-aaral ng mga

mananaliksik at batay sa mga naging sagot ng mga respondent, ang mga

mag-aaral ng General Academic Strand baitang-12 ay ginawang lagom,

konklusyon at rekomendasyon.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga salikna

nakakaapekto sa interes ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga mag-

aaral ng General Academic Strand baitang 12 sa Asian Development

Foundation College sa ikalawang semester taong panuruang 2017-2018.

Sa pananaliksik na ito gumamit ng sarbey-kwestyuner upang makakalap

ng mga impormasyon o datos ukol sa mga salik na nakakaapekto sa interes

ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral ng General

Academic Strand baitang-12 na napili nila bilang mga respondent ng

pananaliksik na binubuo ng block-1 at block-2 na may bilang na 54 na babae

DE
at 30 na lalaki at may kabuuan na 84. Ginamit din ng mga mananaliksik ang

destriptive-quantative research dahil inilalarawan rito ang kinalabasan ng

pag-aaral sa pamamagitan ng talatanungan.Ito ang mga sumusunod na

naging resulta ng pananaliksik ang kabuuang sumagot sa checklist ay may

100%.

Konklusyon

Ang mga sumusunod na konklusyon ay batay sa resulta ng pag-aaral:

1. Ayon sa lumabas na resulta sa isa sa mga salik na nakakaapekto interes

ng pagkatuto sa Asignaturang Filipino na “Ugali sa Pagkatuto” ay

nakakuha ng (2) kabuuang porsyento na ibig sabihin ay hindi sang-ayon.

2. Sa “Guro” ay nakakuha ng (3) kabuuang porsyento, “Pasilidades” ay

nakakuha ng (3) kabuuang porsyento, “Kagamitang Pampagtuturo” na

nakakuha ng (3) kabuuang porsyento at ”Talakayan”ay nakuha ng (3)

kabuuang porsyento.na mga salik rin nakakaapekto sa interes ng

pagkatuto sa Asignaturang Filipino ay napapabilang sa hindi tiyak.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito iminumunkahi ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral iminumungkahi ng mga mananaliksik na

pagsikapan nilang mabuti ang kanilang pag-aaral kahit na maraming

nakakahadlang sa kanilang pagkatuto.

2. Sa mga guro iminumungkahi ng mga mananaliksik na pagbutihan pa

ang kanilang pagtuturo.Kaya naman dapat lamang na pagbutihin ng

DE
guro ang kanyang pagtuturo, kagamitang pampagtuturo upang

magkaroon ng interes ang mga mag-aaral upang malinang ang

kanilang kakayahan sa kognitibo, pandamdamin at psykomotor.

3. Sa Administrador Iminumongkahi na dapat mapagtuunang-pansin ang

antas ng mga salik na nakakapekto sa interes ng pagkatuto ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino at bigyang halaga ito para mas

maging interesado at kawilihan ito ng mga mag-aaral.

4. Sa mga iminumungkahi ng mga mananaliksik na ipagpatuloy ang pag-

aaral na ito, sapagkat ang mga datos ay maaring gamitin sa iba pang

gagawin na pag-aaral. Ang magiging resulta nito ay makakatulong sa

ibang mananaliksik upang sila ay makatuklas ng iba pang salik ng

pagkatuto.

DE
DE

You might also like