You are on page 1of 11

1

“MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO AT ANG AKTIBONG PARTISIPASYON


NG MGA MAG-AARAL NG AGHAM PAMPULITIKA SA

MINSCAT BONGABONG CAMPUS”

Pananaliksik

na Iniharap bilang isang bahagi ng gawaing ito sa


pangangailangan para sa Asignaturang Filipino sa Iba’t-
Ibang Disiplina sa MINSCAT Bongabong Campus.

Labasan, Bongabong, Oriental Mindoro

na inihanda at iniharap nina:

Jaziel M. Fabro

Agnes M. Gadon

Jay Anne Migallen

Laarni Reano

Jayson Mortel
2

KABANATA I

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa araw-araw nating pagpasok sa paaralan marami tayong

maoobserbahan, nariyan ang iba’t ibang ugali ng ating mga

kamag-aral, kung paano sila nagiging aktibo sa klase ,ang

estilo ng mga guro sa pagtuturo at higit sa lahat ang mga

kagamitan na kanilang ginagamit upang maipasa sa atin ang

kaalaman.

Bilang isang guro mahalaga na may estilo pagdating sa

pagtuturo upang mas mahikayat ang mga estudyante na makinig

at makiisa sa klase. Kabilang sa estilo ng pagtuturo ay ang

paggamit ng mga kagamitan bilang panturo. Ang mga guro ay

may mahalagang papel sa pagtuturo at pag-aaral dahil sila ang

magiging dahilan sa paghubog ng pagkatao at pag-uugali ng mga

mag-aaral. Nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ang

matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-

aaral.Ang bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang teknik ng

pagkatuto ito ang magiging daan nila upang mas higit na

maunawaan ang leksyon.


3

Sa panahon natin ngayon maraming pagbabagong nagaganap

dahil sa pag usbong ng teknolohiya. Ang mga pagbabagong ito

ay masasabi nating positibo pagdating sa edukasyon dahil kung

dati rati’y sa libro lang tayo kumukuha ng impormasyon ngayon

meron na tayong internet. Noon ang tisa at pisara ay sapat

nang sulatan ngayon nauuso na ang white board na kung saan

ginagamitan ng marker. Ang pinaka presentasyon ng mga guro

noon ay ang mga makukulay na visual aids para mahikayat ang

mga mag-aaral na makinig at magpokus sa klase. Sa kasalukuyan

meron na tayong PowerPoint presentation na isa sa mga

pangunahing ginagamit ng mga guro. Ang iba rin ay nagbibigay

ng video presentation na may kinalaman sa kanilang paksa.

Ayon kay Pamaran (2013), sa paglipas ng panahon atin na

sigurong naoobserbahan ang ibang makabagong paraan pagdating

sa estilo ng pagtuturo ng mga guro. Ang mga guro ay

nangangailangan ng mga makabagong paraan sa pagtuturo upang

maging mas malinaw ang mga aralin, mapanatili ang atensyon at

memorya sa mg mag-aaral(Pamaran,2013). Ang makabagong paraan

ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang ginagamit

ng karamihan sa mga propesyunal ngayon upang mas maayos nilang

maipresenta sa mga nakikinig ang kaniyang magiging diskusyon.

Ating masasabi na lipas na ang panahon ng pagtuturo na

nakabase sa libro na lamang tayo ay nasa modernong panahon na


4

at mayroon na ring mga modernong kagamitan ang nadagdag sa

ating pang araw-araw na gawain.Mayroon na tayong mga personal

computers, laptop, tablet iba’t ibang klase ng mga cellular

phones, projector, at madami pang iba na tunay na nakakatulong

sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ayon nga sa isang blogger na hindi nagpakilala,hindi na

uso ang pagsusulat sa pisara o paggamit ng makukulay at may

samu’t saring pakulo sa mga visual aids, dahil nandyan na ang

projector at ang laptop na maaring gamitin upang magpakita ng

PowerPoint presentation o mga video para mas maunawaan at

maintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon nila. Mula sa

“Cone of Experience” ni Edgar Dale, mas malaki ang porsyento

ng pagkatuto sa mga bagay na nakikita o napapanood kaysa sa

mga bagay na naririnig. Sinusuportahan ng pag-aaral na ito na

mas malaki ang porsyento ng matututo at matatandaan ng mga

mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan kung may mga bagay

silang nakikita o napapanood.

Sa panahon natin ngayon mahalagang isaalang-alang ang

ganitong usapin lalo’t higit na sa pag-aaral nakasalalay ang

pag-unlad ng isang indibidwal.Ang estilo ng pagtuturo sa

pamamagitan ng mga kagamitan ay isang paraan kung paano mas

higit na makuha ang atensyon ng mga estudyante. Ito ay isa sa

magiging instrumento ng bawat tagapagturo upang mas


5

mapalinang ang kakayahan ng mga mag-aaral. Mapa guro man o

mag-aaral pareho silang may koneksyon sa isa’t isa. Sa guro

nakasalalay ang karagdagang impormasyon na magagamit ng bawat

mag-aaral sa bawat agos ng kanilang buhay sa paaralan. Ang

mag aaral din ay may responsibilidad na pahalagahan ito at

pagyabungin para sa minimithing tagumpay.

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay aalamin kung

ano nga ba ang mabisang kagamitan sa pagtuturo sa mga mag-

aaral ng Batsilyer ng Sining sa Aghmam Pampulitika. Nais rin

nilang matukoy kung ano nga ba ang magiging instrumento upang

ang mga mag-aaral ay maging aktibo sa iba’t-ibang aktibidades

na magpapaunlad sa kanilang kaalaman.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na alamin ang iba’t

ibang kagamitan sa pagtuturo ng mga guro.

1. Ano ang mas mabisang gamitin na instrumento sa pagtuturo?

1.1 Tradisyunal na Kagamitan

1.2 Modernong Kagamitan

2. Ano ang positibong epekto ng modernong kagamitan sa mga

mag-aaral?
6

3. Paano nakakatulong ang mga kagamitan sa pagtuturo sa mga

guro?

4. Ano ang kahalagahan ng kagamitan sa pagtuturo sa mga mag-

aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay magbigay ng mga

impormasyon tungkol sa estilo ng pagtuturo ng mga guro,

malaman ang mga kahalagahan nito at masagot ang kanilang mga

tanong tungkol sa bagay na ito. Mahalagang mapag-aralan ito

upang mapukaw ang atensyon ng bawat isa sa kani-kanilang

paraan sa antas ng pagkatuto.

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa

mga sumusunod: mag-aaral, guro, magulang,administrador at

susunod na mananaliksik.

Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-

pakinabang sa mga mag-aaral dahil dito nila malalaman ang

iba’t ibang kagamitan sa pagtuturo na maaaring maghubog sa

kanilang kaalaman.

Guro. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga guro

upang magkaroon sila ng pagninilay sa mga kagamitan na maaari


7

nilang gamitin sa kanilang pagtuturo. Maari ring maging

instrumento ang pag-aaral na ito upang mabigyan sila ng ideya

kung paano makukuha ang aktibong pakikiisa ng mga mag-aaral

sa klase.

Magulang. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito sa mga

magulang ay mabibigyan sila ng ideya kung ano na nga ba ang

imga kagamitan na ginagamit ng mga guro ngayon upang

madagdagan ang kaalaman ng kanilang anak. Makakatulong din

ito upang mahikayat nila ang kanilang mga anak na mas

magpursige sa pag-aaral dahil moderno na ang kalimitang

ginagamit na instrumento upang madagdagan ang kanilang

kaalaman.

Administrador.Makakatulong ang pananaliksik na ito sa

administrador upang malaman nila kung ano nga ba ang mga

kagamitan na mas mabisa para makuha ang atensyon ng mga mag-

aaral.Magiging daan din ito upang mas pagbutihin ng

administrasyon ang kanilang gawi upang mas mahubog ang

kaalaman ng mga mag-aaral.

Sa mga susunod na mananaliksik.Ang pananaliksik na ito

ay magagamit ng mga susunod na mananaliksik upang maging

batayan at gabay sa kanilang pag-aaral. Sa pananaliksik na

ito magkakaroon sila ng paunang impormasyon tungkol sa mga

kagamitan na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo at ang


8

kahalagahan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga guro at mag-aaral

sa pagpapalawig ng kaalaman at kursong napili. Sa pag-aaral

na ito mabibigyan din ang mga susunod na mananaliksik ng

estratihiya pagdating sa anta ng pagkatuto.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang iba’t

ibang kagamitan ng mga guro na ginagamit sa kanilang pagtuturo

at kung ano ang mas epektibong gamitin upang makuha ang

aktibong partisipasyon ng mag-aaral ng Batsilyer ng Sining

sa Agham Pampulitika ng MinSCAT Bongabong Campus taong

panuruan 2019-2020. Matutukoy sa pananaliksik na ito ang

kahalagahan ng mga kagamitan at kung paano ito nakakatulong

sa antas ng pagkatuto ng mga estudyante.

Ang pag-aaral na ito ay magpopokus lamang sa

dalawampung(20) mag aaral na mapipili sa Agham Pampulitika.

Magbibigay ng gawain ang mga mananaliksik sa mga respondente

na kung saan may video presentation at hand outs tungkol sa

isang paksa. Sa aktibidad na ito malalaman kung ano nga ba

ang mas epektibong gamitin na kagamitan sa pagtuturo upang

makamit ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral. Ang mga

mananaliksik ay maghahanda ng mga katanungan na may kinalaman


9

sa gagawing gawain upang matukoy ang epektibong instrumento

sa mga respondente.

Kahulugan ng mga Talakay

Ang mga sumusunod na terminolohiya at mga salita ay

binigyan ng malawak na pagpapakahulugan upang mas higit na

maunawaan ng mga mambabasa. Ang mga salitang tatalakayin ay

ang: laptop, PowerPoint Presentation, projector ar visual

aids.

Laptop. Ang laptop ay isang makabagong teknolohiya na kung

saan ginagamit natin sa maraming bagay upang mas mapadali ang

transakyon. Malaki ang naitutulong nito sa mga mag-aaral

dahil ito ang nagiging instrumento nila upang mas mapalawak

ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng research. Ito ay

maari ring gamitin ng mga guro para gumawa ng presentasyon sa

kanilang pagtuturo.

PowerPoint Presentation. Ito ay isang software application

na ginagamit para makabuo ng isang presentation na maaaring

maglaman ng iba’t ibang uri ng media at links sa iba pang

application. Ito ay dinisenyo para makapagbigay ng

presentation na gumagamit ng computer o laptop.


10

Projector. Ito ay isang elektronikong kagamitan na ginagamit

ng mga guro upang mas mapadali ang kanilang presentasyon sa

klase.

Visual Aids. Ito ay isang paraan ng pagtuturo na kung saan

gumagamit ng mga makukulay na presentasyon na idinidikit sa

pisara.

Sanligang Teyoretikal

Ang mga teorya na may kaugnayan sa aming pananaliksik ay

ang Teoryang Contructivism at Teoryang Progressivism.

Ang unang teorya ay ang Teoryang Contructivism . Ayon sa

teoryang ito nagkakaroon ng pagkatuto ang tao at gumagawa ng

kabuluhan batay sa kaniyang mga karanasan. Naipapamalas ito

sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay tuon sa mag-aaral.

Nagkakaroon sya ng mga makabagong pagkatuto gamit ang mga

tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan. Sa pananaw na

ito, pinaniniwalaan na aktibong lumilikha ng bagong kaalaman

ang mga tao habang nakikipag-ugnayan sila sa kapaligiran.

Ang pangalawang teorya ay ang Teoryang Progressivism.

Ito ay ang paniniwala na ang bawat mag-aaral, ang mga

pagbabago at pag-unlad ay mahalaga sa pag-aaral. Dito, ang

bawat aralin ay dapat angkop sa mga estudyante kung saan


11

magagamit nila ito sa pang araw-araw nilang buhay. Ito ay

dapat naaayon sa pangangailangan, interes, karanasan at

kakayahan ng mga bata. Ang mga guro sa pilosopiyang ito ay

gumawa ng mga aralin kung saan ang mga bata ay magiging

interesado at magagamit nila ito sa kanilang mga buhay. Ang

mga gawain sa klase ay maaring maging pang grupong gawain

dito ang mga bata ay maaaring matuto sa pamamagitan ng

pakikisalamuha nila sa ibang kaklase. Ang mga estudyante ay

uunlad sa bawat aspeto ng kanilang buhay hindi lamang sa

akademiks.

You might also like