You are on page 1of 17

KAKAYAHAN SA ARALING PANGWIKA NG MGA MAG-AARAL SA

KOLEHIYO NG EDUKASYON
ANDREA P. ADIGUE
COED, FACULTY
Nueva Ecija University of Science and Technology
Cabanatuan City, Nueva Ecija
I.

PANIMULA

Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan, kaya nararapat


lamang na itoy pag-aralan at pagyamanin. Higit sa kasangkapang mekanikal
ang kalikasan at kagamitan ng isang wika. Mabilis ang pagbabagong dala ng
Teknolohiya, kaalinsabay ang pagbabago sa akademya at paglitaw ng
kurikulum na K-12 na may layuning makalinang ng isang buo at ganap na
Filipinong may kapaki - pakinabang na literasi.
Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang
komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip, (3) pagpapahalagang
pampanitikan ng mga mag-aaral.
Anumang pamamaraan hinggil sa pagtuturo at pagkatuto ng wika ay
kailangang matibay na nakaangkla sa mga datos na imperikal. Ang mga
kagamitang panturo, gawain sa pagkatuto at mga paniniwalang pedagohikal
ay hindi dapat nakabatay lamang sa mga ideolohiya o simulain, kundi sa
mga ebidensya at mga kaalamang bunga ng sariling pag-aaral o pananaliksik
hinggil sa mga proseso sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Sa larangan ng
pagtuturo ng wika, kailangang mahalagang isipin ng guro ang tungkol sa
mga mag-aaral na tinuturuan: Sino sila? Saan sila galing? Ano ang alam nila?
Ano ang motibasyon nila sa pag-aaral ng wika? Ano ang palagay nila sa
wikang Filipino? Paano sila natuto ng wika? Samakatuwid ang simula ng lahat
ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino ay ang pag-unawa sa kapaligiran at
pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral, pati na ang pagkakaroon ng kaalaman at
lubusang pag-unawa kung paano natutuhan ang wika, at ang mga proseso sa
pagkatutuo nito.
Likas sa mga kabataan ang kahirapan sa wastong gamit ng wika.
Mababakas sa mga pang-araw-araw na pamumuhay, sa pakikipagtalastasan
at pagsangguni sa kapwa, ang mga suliranin ng maling gamit ng mga salita.
Ang pagkatuto sa wika ay isang likas na kakanyahan. Ang proseso ng
interaksyon sa kapwa at ang aktibong tungkulin ng bawat isa upang
maranasan at matamo ang kahusayan sa wika ay dapat bigyan ng pansin
(Badayos, 1999). Lubhang kakaiba at masalimuot ang mga isyung
metodolohikal sa kasalukuyan. Bukod sa mga isyung gramatikal at
pandiskurso, patuloy na tinutuklas at inaalam ang mga aspetong sosyal,
kultura at pragmatik sa kalikasan ng wika. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang
1

layuning malinang ang katatasan sa pagsasalita ng mga mag-aaral. Tinitiyak


din na dapat mag-angkin ang ating mga mag-aaral ng mga kasanayang
tahasan nilang nagagamit sa pakikipagtalastasan sa labas kapag silay
lumabas na sa sinapupunan ng ating mga silid-aralan (Badayos, 1999).
Ang mga guro sa hinaharap ay dapat na mag-angkin ng kahusayan at
sapat na kakayahan sa wika, sapagkat ang layunin ng programang K-12 ay
maihanda ang mga mag-aaral sa hinaharap na may mataas na antas ng
bokabularyo para maunawaan ang diskurso, maipamalas ng mag-aaral ang
kakayahang
komunikatibo,
replektibo/
mapanuring
pag-iisip
at
pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng ibat ibang disiplina at
teknolohiya upang magkaroon ng akademikong pag-unawa.
Ayon kay Despuig( 2003), ang wika ay isa sa bahaging pinagtutuunan
ng pansin sa larangan ng pagtuturo, lalo pat komunikasyon o
pakikipagtalastasan ang binibigyang tugon. Aniya, ang wika ay ang paggamit
ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap papuntang talata.
Niliwanag ni Chomsky ang pagkakaiba ng tinatawag na competence
at performance aniyay ang competence ay nauukol sa kaalaman sa wika ng
isang tao, samantalang ang performance ay ang kakayahang gamitin ang
wika sa angkop na paggamitan. Si Higgs at Clifford ay nagsabi naman ng
dalawang bagay na tumutukoy sa katuturan ng kahusayan sa wika: (1) kung
ano ang ipinahahayag niya at (2) kung paano niya ito ipinahahayag. Ang una
ay ang paksa lamang ng kaisipan at ang tungkuling pangkomunikasyon sa
kahusayan at katumpakan ng pagpapahayag nito (Belvez, 2000).
Ito ang nagbunsod sa mananaliksik upang pag-aralan at tuklasin ang
kasalukuyang kaalaman sa araling pangwika ng mga mag-aaral na
kumukuha ng kursong pagtuturo.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pamaraang pagsusuring-wika o
pamamaraang komunikatibo, upang mailahad ng palarawan ang
kasalukuyang kakayahan ng mga mag-aaral.
Sa Komisyon sa Wikang
Filipino, may apat na kaantasan ang wika. May kaantasang balbal, kolokyal o
lalawiganin, karaniwan o iyong tinatawag na linguwa franca at ang
pinakamataas na antas ay tinatawag na pampanitikan at pang-edukado.
Mahalaga ang pagtuturo na kayariang panggramatika upang maihanda ang
mga mag-aaral sa mga gawaing pakikipagtalastasan na kanyang haharapin
sa loob at labas ng silid-aralan. Ang matimbang na pagbibigay-diin sa
kayarian ng wika at sa gamit nito ay isa sa natatanging kakayahan ng
pamaraang komunikatibo. Samakatwid ang isang silid-aralan na
nakapagpapayaman sa pag-unlad na araling pangwika ay iyong kung saan
ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi ng kanilang mga personal na ideya,
karanasan at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang kamag-aral at mga
guro.
2

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagtataya sa


araling pangwika ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa
Pamantasan ng Agham at Teknolohiya sa Nuweba Esiha, Pangunahing
Kampus, Lungsod ng Cabanatuan.
Paglalahad ng Suliranin
Pinagsikapang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang mga katangian ng mga;
1.1 mag-aaral ayon sa:
1.1.1 kasarian;
1.1.2 edad;
1.1.3 marka sa asignaturang Filipino IV ; at ;
1.1.4 wikang kinagisnan o madalas na ginagamit sa tahanan;
1.2 guro ayon sa:
I.1.1 edad;
I.1.2 antas ng edukasyon
I.1.3 haba ng karanasan sa pagtuturo ng Filipino
2. Ano ang kakayahan ng mga mag-aaral sa araling pangwika ayon sa;
2.1 pagbibigay-kahulugan;
2.2 wastong gamit; at
2.3 analohiya?
3. Mayroon bang sapat na kaugnayan ang marka ng mga mag-aaral sa
Filipino IV sa mga sumusunod;
3.1 wikang kinagisnan o madalas na ginagamit ng mga mag-aaral sa
tahanan;
3.2 kasarian ng mga mag-aaral;
3.3 edad ng mga mag-aaral;
3.4 antas ng edukasyon ng guro; at
3.5 haba ng karanasan ng guro sa pagtuturo ng Filipino?
4. Ano ang implikasyon ng pag-aaral na ito sa pagtuturo ng araling
pangwika?
II.
METODOLOHIYA
Ang pamamaraang ginamit sa pagtataya sa araling pangwika ng mga
mag-aaral na nasa unang antas ng kolehiyo ng Edukasyon sa Pamantasan ng
Agham at Teknolohiya sa Nuweba Esiha, Pangunahing Kampus, Lungsod ng
Cabanatuan, taong panuruan 2012-2013.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang deskriptib na uri ng pananaliksik upang
matugunan ang hinihinging pag-aaral. Ang mga datos sa pag-aaral na ito ay
nilikum sa pamamagitan ng talatanungan, pakikipanayam, pag-aanalisa at
pagpapaliwanag sa anumang bagay o pangyayari.
Ang tagasagot ay binuo ng 348 na mga mag-aaral na nasa unang
semestre ng kanilang unang taon sa kolehiyo taong 2012-2013.
3

Para naman sa mga guro na tagatugon, silay may bilang na 8, kinuha


ang kanilang mga pangalan at binigyan isa-isa ng talatanungan.
Ginamit ang talatanungan bilang pangunahing instrumento sa
paglikom ng mga datos at impormasyon para sa mga guro at mag-aaral. Ang
mga katangian ng mga mag-aaral at guro, gayundin ang mga kasanayang
nilinang sa araling pangwika ay sinagot sa pamamagitan ng tsek. Bukod sa
talatanungan, ginamit din ang iba pang paraan ng paglikom sa mga datos
katulad ng panayam. Ang tagasuri ay kumuha ng impormasyon sa mga guro
upang malaman ang kalagayan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino,
kinapanayam ang mga gurong tagatugon at ilan sa mag mag-aaral na
tumugon kung kayat nakuha ang mga kinailangang impormasyon na hindi
nakuha sa talatanungan. Ginamit din ito upang liwanagin o siguraduhin ang
mga kasagutan sa ilang tanong sa talatanungan.
Upang makabuo ng wastong talatanungan, nagbasa ang mananaliksik
ng mga aklat patnubay, journal of education, tesis at iba pang babasahin
na may kaugnayan sa paggawa ng talatanungan.
Binigyan ng kahulugan ang mga nakakalap na talatanungan at
panayam sa pamamagitan ng mga sumusunod;
1. Sa suliranin bilang 1, katangian ng mag-aaral at guro, paraang
pabilang( frequency count) ang ginamit. Kinuha ang bilang ng mga
kasagutan sa bawat aytem, itinala sa laguman ng sagot at kinuha
ang porsyento( percent). Ang pormulang ito ang ginamit:
p = f x 100%
n
kung saan ang;
f- bilang ng sagot
p- porsyento
n- kabuuang bilang ng sumagot
2. Sa suliranin bilang 2, pagtataya sa araling pangwika, kinuha ang
porsyento sa ibinigay na pagsusulit at binigyan ito ng mga
kahulugan gaya ng mga sumusunod:
Ebalwasyon ng score sa ibinigay na pagsusulit sa aytem A& B.
13-15
Mataas na kakayahan-MK
10-12
9-7
Katamtamang Kakayahan- KK
4-6
1-3
- Mababang kakayahan
Ebalwasyon ng score sa pagsusulit C
9-10
Mataas na kakayahan
4

7-8
5-6
3-4
1.2

Kakatamtamang kakayahan
- Mababang kakayahan

3. Sa Suliranin bilang tatlo, kaugnayan ng marka ng mga mag-aaral at


guro, ang ginamit na pormula ay nakapaloob sa Microstatistics- ito
ang paraang ginamit sa pagkompyut ng mga datos sa pamamagitan
ng paggamit ng kompyuter para sa madaling pag-aanalisa ng mga
nakalap na datos. Correlation Matrix ang paraang ginamit sa pagaanalisa ng mga datos tungkol sa kaugnayan ng marka ng mga
mag-aaral sa pangalawang pagsusulit sa asignaturang Filipino at
ang mga sumusunod:
3.1 wikang kinagisnan ng mga mag-aaral;
3.2 kasarian ng mag-aaral;
3.3 edad ng mag-aaral;
3.4 antas ng edukasyon ng guro, at
3.5 haba ng karanasan ng guro sa pagutututo ng Filipino.
III. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN
A. Katangian ng mga mag-aaral
Sa Talahanayan 1, may kabuuang 57 na porsyento ang mga
babae at 42.528 porsyento lamang ang mga lalaki. Higit na marami
ang bilang ng mga mag-aaral na babae. Ito ay nagbadya na higit na
marami ang babaeng nahihilig sa pag-aaral kaysa sa mga lalaki o kaya
ay higit na mas marami ang populasyon ng mga babae kaysa sa lalaki.

Talahanayan 1
Kasarian ng Respondente (Mag-aaral)
Respondente
( Mag-aaral)
Lalaki
Babae
Kabuuan

Bilang

Bahagdan

148
200
348

42.528
57.471
99.999

Talahanayan 2
Edad ng Respondente (Mag-aaral)
5

Sa Talahanayan 2, pinakamarami ang bilang ng mga mag-aaral


na nasa angkop na edad sa unang semestre ng unang taon sa
kolehiyo, 16-17 na taong gulang o 62.0689 na porsyento.
Respondente
( Mag-aaral)
20-21
18-19
16-17
14-15
Kabuuan

Bilang

Bahagdan

2
6
216
124
348

0.5747
1.7241
62.0689
35.6321
99.998

Talahanayan 3
Marka sa Asignaturang Filipino
Makikita sa Talahanayan 3, labing isang porsyento ang nakakuha
ng markang 75-77 na porsyento; halos 26 na porsyento ang nasa 8183; 22 porsyento ang nasa 84-86; at maliit na porsyento ang nakakuha
ng 93 na porsyento pataas. Sa natuklasang pagsusuri, higit na mas
marami; 58 na porsyento, ang may katamtamang kakayahan sa
araling Filipino IV ayon sa nakuhang marka na 81-89.

Marka sa
Asignaturang
Filipino
( Mag-aaral)
96-99 Mataas na
kakayahan
93-95
90-92

Bahagdan
Bilang
0.5747
2
8

Katamtamang
Kakayahan

87-89
84-86
81-83
78-80 Mababang
kakayahan

26
36
78
90
68

2.2988
7.4712
10.3448
22.4137
25.8620
19.5402
6

75-77
Kabuuan

40
348

11.4942
99.9996

Talahanayan 4
Wikang Kinagisnan o ginagamit sa tahanan
Makikita sa Talahanayan 4, halos lahat o 92 na porsyento ng
mag-aaral ang gumagamit ng Tagalog o ng wikang kinagisnan sa
paaralan at sa tahanan dahil nasa katagalugan ang mga mag-aaral.
Subalit hindi lahat ng mga mag-aaral na tagatugon ay napabilang sa
may mataas na kakayahan. Marahil ang ibang mag-aaral ay may
kahinaan pa sa pag-unawa sa mga aralin sa Filipino; kaya kailangan
ang pagbibigay ng madalas na pasanayan o aktibidad upang mahimok
na pukawin ang kanilang kaisipan.
Wikang Kinagisnan
o ginagamit sa
Bahagdan
tahanan
Bilang
Bikolano
Cebuano
Kapampangan
Ilokano
Pangasinense
Tagalog
Kabuuan

4
4
4
12
4
320
348

1.149
1.149
1.149
3.448
1.149
91.954
99.998

Talahanayan 5
Katangian ng Guro
ayon sa Edad
Sa Talahanayan 5, ang mga guro na may kabuuang 60 na
porsyento ang nasa edad 26- 43 at; 40 na porsyento naman ang
gurong nasa 44-49 na taong gulang. Ang karamihan sa kanila ay nasa
batang edad pa.
Katangian ng Guro
ayon sa Edad
50 na taon pataas
55-58
49-53
44-48

Bilang
0
0
1
1

Bahagdan
0
0
12.5
12.5
7

39-43
34-38
29-33
24-28
20-23

0
1
1
4
0
8

Kabuuan

0
12.5
12.5
12.5
0
100.00

Talahanayan 6
Katangian ng Guro
sa Antas ng Edukasyon
May kabuuang 50 na porsyento ng mga gurong nagtuturo sa
wikang Filipino ang nagtapos ng batsilyer sa Edukasyon na may
medyor sa Filipino. Ang natitirang maliit na porsyento ay nahahati sa
may kaukulang Masterado sa Filipino, Masterado sa ibang Medyor at
Masterado na may yunit sa ibang medyor. Sa natuklasang pagsusuri,
halos lahat ng mga gurong kasama sa pag-aaral ay kwalipikadong
magturo ng araling Filipino ngunit may ilan na hindi medyor o maynor
sa Filipino. Ang maliit na suliraning ito ay dapat na pagtuuan ng pansin
ng mga kinauukulan para sa higit na ikabubuti ng pagtuturo.

Katangian ng Guro ayon sa


Antas ng Edukasyon
Masterado sa Filipino
Masterado sa ibang medyor
Masterado na yunit sa Filipino
Masterado na yunit sa ibang
medyor
Batsilyer sa Edukasyon na
medyor sa Filipino
Batsilyer sa Edukasyon na
minor sa Filipino
Kabuuan

Bilang

Bahagdan

1
1
1
1
4
0
8

12.5
12.5
12.5
12.5
50.00
0
100

Talahanayan 7
Katangian ng Guro
sa Haba ng Karanasan sa Pagtuturo ng Filipino
8

Sa Talahanayan 7, may kabuuang 50 na porsyento ang mga


gurong may 1-4 na taon ang karanasan sa pagtuturo; ang iba ay may
lima o higit sa limang taon na sa pagtuturo.
Katangian ng Guro ayon sa
Haba ng Karanasan sa
Pagtuturo ng Filipino
25 na taon pataas
20-24
15-19
10-14
5-9
1-4
Kabuuan

Bahagdan
Bilang
1
0
1
0
2
4
8

12.5
0
12.5
0
25.0
50.0
100.00

Talahanayan 8
Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Araling Pangwika
Ayon sa Pagbibigay kahulugan
Sa ibingay na aytem na sakop ang tayutay at idyoma, 38 na
porsyento ng mga mag-aaral ay nakakuha ng markang 10-15 at silay
napabilang sa may mataas na kakayahan; 62 na porsyento naman ang
nasa lebel ng katamtamang kakayahan na may markang 4-9 at walang
nakakuha at napabilang sa mababang kakayahan.
Sa ilalim naman ng talasalitaan, 83 na porsyento ang napabilang
sa may mataas na kakayahan na may markang 10-15 at 17 na
porsyento para sa may katamtamang kakayahan na may markang 4-9.
Nakatala sa Talahanayan 8, sa ilalim ng pagbibigay kahulugan na
mataas ang kakayahan ng karamihan sa mga mag-aaral sa
talasalitaan, ngunit ang karamihan sa kanila ay mayroon lamang
katamtaman na kakayahan sa tayutay.
Ayon sa Wastong Gamit
Sa ibinigay na aytem sa wastong gamit, nakakuha ng 56.88 na
porsyento ang mga mag-aaral at napabilang sa may mataas na
kakayahan; 41.94 na porsyento naman ang napabilang sa may
katamtamang kakayahan, at 1.149 porsyento para sa may mababang
kakayahan. Sa pagkilala sa mali, 45 na porsyento ang napabilang sa
may mataas na kakayahan; 49 porsyento ang nasa may katamtamang
9

kakayahan; at 4.5 na porsyento ang nasa mababang kakayahan.


Nakatala sa Talahanayan 8 sa ilalim ng wastong gamit na karamihan sa
mga mag-aaral ay may mataas na kakayahan, at sa pagkilala sa mali
naman ang karamihang mga mag-aaral ay napabilang sa may mababa
hanggang sa may katamtamang kakayahan.
Ayon sa Analohiya
Sa ibinigay na aytem sa analohiya, ang 47 na porsyento ng mga
mag-aaral ay napabilang sa may mataas na kakayahan; 49 porsyento
naman ang may katamtamang kakayahan; at 4 na porsyento naman
ang nasa may mababang kakayahan. Nakatala sa Talahanayan 8 na
ang karamihang bilang ng mga mag-aaral ay napabilang sa
katamtamang kakayahan sa analohiya.
Sa mga natuklasan, marami pa rin ang mag-aaral na mababa
hanggang katamtaman lamang ang kakayahan sa pagkatutong
kognitibo sa araling pangwika. Maaaring hindi alam ng mga mag-aaral
kung ano ang mahalaga at marami sa kanila ang nangangailangan ng
panlabas at panloob na pagganyak upang maunawaan ang mga
kognitibong gawain upang matuto ng mga itinuturo sa paaralan. Ang
natuklasang ito ay nagbibigay payo sa mga guro na bigyan ang mga
mag-aaral ng impormasyong organisado at maayos. Nararapat din na
ang mga guro ay namimili ng mga materyales at ipirisinta sa
pangkalahatang araling nagsisimula sa pangkalahatang ideya tungo sa
mas detalyado at mas ispesipikong ideya. Kinakatigan ng lapit na ito
ng pagtuturong paglalahad o ang paggamit ng mga pamamaraan sa
pagtuturo na kung saan ang mga impormasyon ay inilalahad o
ipiniprisinta sa organisadong kaparaanan.
Talahanayan 8
Mga Kasanayang Nilinang sa Aytem A, B at C batay sa
Ibinigay na Talatanungan sa mga Mag-aaral
Bilang ng
tamang sagot
at kahulugan

2.1.1
Tayutay
13-15 Mataas
na
kakayahan
10-12

2.2 Wastong gamit

2.1 Pagbibigay
kahulugan

F
6

%
1.72
4

12
6

36.2
0

2.1.2
Talasalita
an
F
%
102 29.3
1

2.2.2
Wastong
Gamit
f
%
16 4.597

2.2.2
Pagkilala sa
Mali
F
%
14
4.022

188

18
2

14
6

54.0
2

52.29

41.95
10

7-9
Katamtamang
kakayahan
4-6

16
0

45.9
7

50

14.3
6

96

27.85

12
6

36.20

56

14.36

46

13.21

2.29
8
0

50

1-3 Mababang
kakayahan
Kabuuan

16.0
9
0

1.149

16

4.597

34
8

99.9
8

348

99.9
8

34
8

99.98

34
8

99.98

Bilang ng tamang sagot


at kahulugan nito
9-10 Mataas na kakayahan
7-8
5-6 Katamtamang
Kakayahan
3-4
1-2 Mababang kakayahan
Kabuuan

2.3 Analohiya
F
%
18
5.172
146
41.95
98
28.16
72
14
348

20.68
4.022
99.98

Talahanayan 9
Kaugnayan ng marka sa Filipino at ang mga piling katangian ng mga
mag-aaral at guro
Sa Talahanayan 9, ang kinalabasan ng mga pagpapakaugnayan ay ang
mga sumusunod:
Wikang kinagisnan o madalas na ginagamit sa tahanan ng mga magaaral.
Ang wikang kinagisnan o madalas na ginagamit sa tahanan ng mga
mag-aaral ay tagalog. Walang anumang mahalagang ugnayan ang marka sa
Filipino IV at wikang kinagisnan. Ang na kompyut na correlation ay -.092 na
mababa at negatibong ugnayan. Ang ibig sabihin nito, walang kinalaman ang
wikang ginagamit sa tahanan sa kakayahan sa suhetong Filipino. Maging
Ilokano man o Tagalog ang mag-aaral.
Kasarian ng mga mag-aaral.
Ang kasarian ng mga mag-aaral ay walang anumang ugnayan sa
marka sa Filipino. Ang na kompyut na correlation ay -0.01 na mababa at
negatibong ugnayan. Ang ibig sabihin nito na walang kinalaman ang kasarian
sa pagkamit ng marka sa Filipino.
11

Edad ng mga mag-aaral


Ang edad ng mga mag-aaral ay walang anumang ugnayan sa marka sa
Filipino. Ang na kompyut na correlation ay .03 na mababa at negatibong
ugnayan. Ang ibig sabihin nito, hindi rin nakakaepekto sa marka ng mga
mag-aaral ang bahagyang pagkakaiba ng kanilang mga edad sapagkat ang
lebel ng edad ng higit na nakararami ay angkop para sa pag-unawa sa
araling Filipino.
Antas ng edukasyon ng guro
Ang antas ng edukasyon ng guro ay may mahalagang ugnayan sa
marka sa Filipino. Ang na kompyut na correlation ay 0.77 na mataas at
positobong ugnayan. Ibig sabihin nito na may kaugnayan ang mataas na
edukasyon ng guro sa pagtuturo ng Filipino kung kayat nakakaapekto ito sa
marka ng mag-aaral. Ang mataas na antas ng edukasyon ng guro ay
nakakabuti upang maraming kaalamang makabago, estratehiya o dulog na
magiging higit na kapaki-pakinabang at kapana-panabik sa mga mag-aaral
upang mapag-ibayo ang kakayahan sa araling pangwika. Ang malawak na
kaalaman ng guro ay malaking kapakinabangan para sa mga mag-aaral,
hindi lang sa pagtuturo pati na rin sa paghawak ng klase at mga bagay na
nakatutulong sa pag-angat ng marka ng mag-aaral.
Haba ng karanasan ng guro
Ang haba ng karanasan ng guro sa pagtuturo ay walang anumang
ugnayan sa marka sa Filipino. Ang na kompyut na correlation ay 0.07 na
mababa at negatibong ugnayan. Ang ibig sabihin nito ay walang kinalaman
ang haba ng karanasan ng guro sa pagtuturo sa pagkamit ng marka sa
Filipino ng mga mag-aaral.
Talahanayan 9
Ugnayang (Correlation Matrix sa Pagitan ng Marka at
Katangian ng Guro at Mag-aaral
Batayang
(Dependent
Baryabol)
Marka
Filipino
Pasiya

3.1 Wikang
kinagisnan
o madalas
gamitin
sa -.09258
Tanggap

3.2
Kasarian
ng magaaral
-0.01074

3.3 Edad
ng magaaral

Antas ng
edukasyon
ng guro

0.03073

0.77589

3.5 Haba ng
karanasan
ng guro sa
pagtuturo
0.07751

Tanggap

Tanggap

di-Tanggap

Tanggap

Panunuring Kabuluhan ( Critical Value) (2-tail .05) = +/- .14880


Implikasyon ng Pag-aaral sa Pagtuturo ng wika
12

Higit na mabilis ang pag-unlad sa pagkatuto ng mag-aaral sa anumang


aralin kung ang pagtuturoy sisimulan sa tiyak na kinaroroonan niya. Anupat
kung ang pag-aaral na ito ay iuugnay sa pagtuturo ng araling pangwika, ang
mga guroy tinatanong ang kanilang sarili ng ganito: Ano kaya ang
kalalabasan o magiging bunga ng aking pagod? Ano ang dapat kong asahan?
Sila ba ay may natutuhan? Sila ba ay nagbago ng ugali? Ano ba ang iba pang
mga kakayahang kanilang natamo?
Sa natuklasan sa pag-aaral na ito, karamihan sa mag-aaral ay nasa
lebel na may mababa hanggang katamtamang kakayahan kayat
kinakailangan pa ng ibayong pag-aaral at pagpapabuti ng pagtuturo.
Hindi lamang sa panibagong kaalaman ang malilinang sa mga magaaral, pati pagbabagong ugali, reaksyong pangkatawan o pisikal kundi
pangkaisipan at emosyunal din. Ang mga pagbabagong ito ay makakamtan
ng mga mag-aaral kung ang kanilang guro ay may layunin at tuntuning
sinusunod. Kung may tuntunin, itoy bunga ng pagtitiyaga sa pagtuturo at
patuloy na pagtuklas ng mga kaalaman.
Ang magiging bunga o dulot nito sa mga mag-aaral ay nahahati sa
tatlong uri:
1. Ang larangang pangkatalinuhan (cognitive domain) ito ang
tinatawag na mga kakayahang intelektwal o pang-utak, kabilang
dito ang mga sumusunod: a) karunungan, b) pang-unawa,
pagsusuri, pagsasama-sama at pagpapahalaga.
2. Larangan pandamdamin (affective domain) kabilang dito ang mga
saloobin, kawilihan, pagpapahalaga, atbp.
3. Larangang pangsaykomotor (psychomotor domain), iniisip na
paggalaw na pangkatawan kabilang dito ang kakayahang maskular
o motor, paghawak sa mga kagamitan at mga bagay. Kaugnay din
nito ang pagsulat, mga kursong panghanap-buhay at teknikal.
Kapag ang guro ay may layuning ganito, susulong o kayay may
proseso ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng wika. Bunga nito, ang mga
mag-aaral ay magtatamo o magkakamit ng karunungan at pag-unawa,
paglinang ng magandang saloobin, kawilihan at pagpapahalaga at higit
sa lahat pagbubutihin pa nila ang kanilang kasanayan.
IV.

PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


Lagom ng mga Tuklas

Batay sa isinagawang pagsusuri, ang mga sumusuond ang siyang


kinalabasan ng pag-aaral:
1. Mga katangian ng mga tagasagot
1.1 Katangian ng mga mag-aaral:
1.1.1 Higit na marami ang bilang ng mga mag-aarl na babae
kaysa sa lalaki.
13

1.1.2 Ang karamihan sa mga mag-aaral ay nasa angkop na edad


para sa antas kolehiyo ng kanilang pag-aaral.
1.1.3 Ang mga mag-aaral na kasama sa pag-aaral ay halos
napabilang
sa
may
katamtamang
kakayahan
sa
asignaturang Filipino.
1.1.4 Karamihan sa mga mag-aaral na kasama sa pag-aaral ay
wikang Tagalog ang kinagisnan at madalas gamitin sa loon
ng tahanan. Subalit may mangilan-ngilan pag mag-aaral na
may kaninaan sa pag-unawa sa mga araling pangwika.
1.2
Katangian ng mga guro
1.2.1 Ang karamihan sa mga gurong kasama sa pag-aaral ay
nasa batang edad pa.
1.2.2 Ang mga gurong kasama sa isinagawang pag-aaral ay
kwalipikadong lahat na magturo ng Filipino ayon sa
isinasaad ng kanilang edukasyong natapos, ngunit may
ilan na hindi medyor o maynor sa Filipino.
1.2.3 Ang karanasan sa pagtuturo ng mga guro ay sumasakop sa
1-4 na taon lamang at ang iba ay may lima o higit n
alimang taon na sa pagtuturo.
2. Kakayahan sa araling pangwika sa Filipino
2.1 Ayon sa Pagbibigay Kahulugan. May 38 na porsyento ng mga
mag-aaral na napabilang sa mataas na kakayahan at 62 na
porsyento ang nasa may katamtamang kakayahan. Sa
talasalitaan, karamihan ay nasa mataas na kakayahan at ang
iba ay nasa katamtamang kakayahan at ang iba ay nasa
katamtamang kakayahan.
Sa pagbibigay kahulugan, mataas ang kakayahan ng
karamihan sa mga mag-aaral sa talasalitaan ngunit ang
karamihan sa kanila ay mayroon lamang katamtamang
kakayahan sa tayutay.
2.2
Ayon sa Wastong Gamit. Karamihan sa mga mag-aaral ay
napabilang sa mataas na kakayahan at ang ilan naman ay
napabilang sa may katamtamang at mababang kakayahan.
Sa pagkilala sa mali, karamihan sa mga mag-aaral ay
napabilang sa may mababa hanggang katamtamang
kakayahan.
2.3
Ayonsa Analohiya. May 47 na porsyento ang napabilang sa
mataas na kakayahan at 49 na porsyento naman ang nasa
katamtamang kakayahan. Ang karamihang bilang ng mga
mag-aaral ay sa mababa hanggang katamtamang kakayahan
sa analohiya.
Sa natuklasan, marami pa rin ang mag-aaral na may mababa
hanggang katamtaman ang kakayahan sa pagkatutong
kognitib sa araling pangwika.
3. Ang kaugnayan ng marka sa Filipino IV at mga piling katangian ng
mga mag-aaral at guro
14

3.1

Ang wikang kinagisnan o madalas na ginagamit sa tahanan ng


mga mag-aaral ay Tagalog. Walang anumang mahalagang
kaugnayan ang marka sa Filipino IV at wikang kinagisnan.
3.2
Ang kasarian ng mga mag-aaral ay walang anumang
kaugnayan sa marka sa Filipino.
3.3 Ang edad ng mga mag-aaral ay walang anumang kaugnayan
sa marka sa Filipino.
3.4 Ang antas ng edukasyon ng guro ay may mahalagang
kaugnayan sa marka sa Filipino. Ibig sabihin nito na may
kaugnayan ang mataas na edukasyon ng guro sa pagtuturo
ng Filipino kung kayat nakakaepekto ito sa pagkamit ng
marka ng mga mag-aaral.
Konklusyon
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang
siyang naging konklusyon ng pag-aaral:
1. Karamihan sa mag-aaral ay mga babae, nasa lebel ng edad na
kung saan angkop sa kanilang antas na pag-aaral. Ang
kasalukuyang marka ng mga mag-aaral ay napabilang sa
katamtamang kakayahan, at Tagalog ang kanilang wikang
kinagisnan at madalas gamitin sa loob ng tahanan.
Ang mga guro naman ay nasa edad ng kasiglahan sa
pagtuturo, ang kanilang antas ng edukasyon o kwalipikasyon
ay may kakayahan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at
ang
haba ng karanasan sa kaangkupan ng kanilang potensyal o
kakayahan.
2. Sa ibinigay na pagsusulit sa kabuuan, ang mga mag-aaral ay
napabilang sa mataas na kakayahan, at tanging sa tayutay,
analohiya at pagkilala sa mali silay napabilang sa
katamtamang kakayahan. Masasabing ang mga mag-aaral ay
medyo may kahinaan sa pag-aanalisa.
3. Ang antas ng edukasyon ng guro lamang ang nakaepekto sa
pagkamit ng marka sa asignaturang Filipino ng mga magaaral. Kung kayat ang mataas na antas ng edukasyon ng guro
ay nangangahulugan na mas marami ang kaalaman na
matutuhun ang mga mag-aaral.
Rekomendasyon
Batay sa konklusyon ng
rekomendasyon iminumungkahi:

pag-aaral,

naririto

ang

mga
15

1. Higit na paghusayin at paunlarin ang kaalaman ng mga magaaral sa araling pangwika at ibayong pagtuon ng pansin sa
pag-unawa sa tayutay at analohiya at pagkilala sa mali,
sapagkat itoy bahagi ng wika at itoy ginagamit sa pangaraw-araw na pagpapahayag.
2. Nararapat na ang pagiging dalubguro ay maging pundasyon
ng mga guro sa pagtuturo, sapagkat itoy nagdudulot ng
karagdagang kaalaman na makatutulong sa pagtuturo at
paghimok sa mga mag-aaral. Sa pagtuturo ng wika, nararapat
lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa ibat ibang
makatotohanang Gawain upang iparanas sa kanila ang tunay
na gamit ng wika.
3. Magkaroon pa ng pag-aaral na tulad nito upang maikumpara
ang resulta ng pag-aaral na ito.

16

MGA SANGGUNIAN
Academic Language Proficiency, nasa Philippine Journal for Language
Teaching vol. XXXIX, Mayo, 2000 pp. 32-39.)
Badayos, Paquito B., Phd. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo
Bernales et. Al., Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasaan),Mega-Jesta
Print INC. Mutya Printing House, 2000.
Evelyn Author et.al, Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong
Filipino,University Research Council, Unlad Publishing House, 2006
Felisa D. Marbella, Lebel ng Komprehensyon sa Pagbasa ng mga Mag-aaral
sa Ikaapat na Taon sa Lungsod at Probinsya ng Sorsogon, Di-limbag na
Disertasyon, Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng Legazpi, 2009.
Magdalena O. Jocson, Interaktibong Pagtuturo na Gagamitin ang Teknik na
ADIDS, Panayam sa PNU In-Service Training sa Filipino, Pamantasan
ng Pilipinas, 2007.

17

You might also like