You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education

Region I

DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

DEPARTMENT OF EDUCATION CITY OF DAGUPAN

SENIOR HIGH SCHOOL

PAGPAPAUNLAD NG IDYOLEK NG MGA MAG AARAL NG GRADE 11

GAMIT ANG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

IPINASA NILA:

LANDRE B. NOVELAS

MARK GIL LANGI

GLEN S. MISLANG

RICARDO M. DELA CRUZ

IPINASA KAY:

DR.ARNULFO M. TIRAO
TALAAN NG MGA NILALAMAN

KABANATA I

Panimula…………………………………………………………………………………………………….

Background ng Pag aaral………………………………………………………………………………….

Theoritical Flamework…………………………………………………………………………………….

Conceptual Framework……………………………………………………………………………………

Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………………………..

Scoop at Delimitawsyon ng Pag-aaral…………………………………………………………………..

Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………………………………………………….

Dipinisyon ng mga Salitang Ginamit.……………………………………………………………………

KABANATA ll

Review ng mga Kaugnay ng Literatura at Pag-aaral

Mga Literature at Pag-aaral sa Labas ng Bansa………………………………………………………..

Mga Literature at Pag-aaral sa Lokal…………………………………………………………………….

KABANATA lll

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Disenyo ng Paglalahad…………………………………………………………………………………….

Populasyon………………………………………………………………………………………………….

Respondente………………………………………………………………………………………………..

Instrumento at Pananaliksik……………………………………………………………………………….

Procedure sa Pangangalap ng Datos…………………………………………………………………….

Statistikal Treatment ng Datos.........................................................................................................


KABANATA lV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos…………………………………………………………

KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekonmendasyon

Lagom……………………………………………………………………………………………………….

Konklusyon………………………………………………………………………………………………….

Rekomendayon………………………………………………………………………………………….....
KABANATA I

Panimula

IDYOLEK

Ang wikang Filipino ay nauuri sa napakaraming barayti dahil sa pagkakaroon ng

pagkakapangkat-pangkat ng bawat indibidwal ayon sa antas ng edukasyon na natapos, lugar

kung saan nakatira, okupasyon, uri ng lipunan na ginagalawan, kasarian, edad at kapaligirang

etniko. Dahil dito ay nagkaroon pa ng iba’t-ibang barayti ang wika. May homogeneous at

heterogeneous na uri ng wika. Isa sa mga uri ng barayti ng wika ay ang Idyolek. Ito ay isang uri

ng pormal na salita na karaniwang ginagamit ng isang indibidwal sa isang natatangi o yunik na

pamamaraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang istilo ng pananalita. Maaring ang

pagkakaiba ay dulot ng pagbigkas o di kaya naman ng naiibang pagbigay diin sa mga salita o

mga parirala. Ang iba naman ay gumagamit ng yunik na tono o ritmo sa pagbigkas o

pamamahayag ng mga partikular na linya ng pangungusap. Dahil dito ang bawat indibidwal ay

nagkakaroon ng sariling tatak o namumukod-tanging pamamahayag ng saloobin.

Ang ay ang pansariling istilo o paraan sa pagsasalita ng isang tao ng pangkat ng mga tao. Sa

pamamagitan nito ay makikita ang katangian atkakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.

Maaaring nangyayari angpagkakaiba idyolek sa istilo dahil sa paraan ng pagbigkas o di kaya

naman ay dahil sanaiibang pagbigay diin sa mga salita o parirala. Ito din ay maaring dulot

ngpaggamit ng yunik na tono o ritmo sa pagbigkas ng mga salita. Sa pamamagitannito ay

nagkakaroon ng sariling tatak ang isang indibidwal. Halimbawa na rito ay ang idyolek ni Marc

Logan sa pagbibigay ng balitakung saan ay gumagamit siya ng mga salitang magkakatugma.

Ang iba panghalimbawa ay ang idyolek ni Kris Aquino na makikita sa kanyang paghahalo

ngmga wikang Ingles at Filipino sa iisang pahayag, ang naiibang tono sa pagbigkasni Noli de

Castro sa kanyang pinakilalang katagang, “Magandang Gabi Bayan!”,at isa pang halimbawa ay

ang malumanay na pamamaraan ng pagsasalita niCharo Santos-Concio sa kanyang palabas

na Maalaala Mo Kaya.

Ang mga Filipino na nag-uusap ay lubos na nauunawaan ang isa't isa. Ngunit wala sa kanila

ang nagsasalita nang magkatulad. Maaaring ang dahilan sa pagkakaiba ay edad, seks,

kalagayang pangkalusugan, laki, personalidad, kakayahang emosyunal, at tanging ugali.


Ang bukod-tanging wika ng indibidwal ay tinatawag na idyolek. Malikhain at natatangi ang

idyolek. Iba pang kahulugan ng Idyolek May pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal.

Ang varayti ng wika sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita, ang varayting ginagamit ng

indibidwal. Idyosintrikong katangian na istatistikal tulad ng tendesyang gumagamit ng partikular

na bokabularyo nang napakadalas. Madaling magbago depende sa lenggwahe na ginagamit

sa bahay. Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang varayti ng wikang ginagamit

batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa

madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangin

ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang

indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan sa paggamit ng

wika.

Halimbawa nito ay ang mga susunod:

1. Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang, “Magandang Gabi Bayan!”

2. Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang Maalala Mo

Kaya.

3. Ang paos na boses ni Inday Badiday sa pagsasabi ng katagang “Promise!”

4. Ang maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo brothers iba't ibang halimbawa ng

idyolek

5. Ang maharot na istilo ng pag-iinterbyu ni Arnold Clavio.

Sila ay mga halimbawa lamang ng mga prominenteng tao sa ating lipunan na may sariling tatak

na susimbolo sa kanilang pagkatao. Nakabibilib kung tutuosin na walang dalawang indibidwal

ang magpareho sa aspetong pananalita.


Background ng Pag-aaral

Idyolek ay isang indibidwal na paraan/istilo ng paggamit ng wika. Mahalaga ito upang mas

maintindihan ang mensahe ng kapwa lalo na kung galing sa magkaibang kultura o kinalakihang

lipunan. Isang halimbawa ay ang pakikipag usap natin sa taong mas mataas sa atin o may

katungkulan , katulad ng mga guro. Makikipag usap tayo sa kanila sa pinakaangkop at wastong

paraan upang maipakita natin sa kanila ang pag galang.

Ang bukod-tanging wika ng indibidwal ay tinatawag na idyolek. Ang kabuuan ng mga katangian

ng pagsalita ng isang tao’y tinatawag na kanyang idyolek. May indibidwal na idyolek ang bawat

tao. Ganunpaman, nagkakaintindihan pa rin ang mga nagsasalita ng mga idyolek ng isang wika

kahit magkaiba ang bawat idyolek ng mga ito.

Ang idyolek ay isang varayti ng wika na ginagamit ng indibidwal sa personal na kakayahan ng

pagsasalita. Ito ay ang paraan sa pagsasalita ng isang indibidwal o isang pangkat ng tao at ito

rin ang indibidwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang salita. Sa madaling sabi, ito

ay ang wikang unique sa bawat tao. Unique at kakaiba ang paggamit ni Heneral Luna ng wika

sapagkat ito ay pabalbal na Tagalog, may halong Espanyol at hindi masyadong pormal ang

ginagamit niyang mga pahayag. Mayroong malalalim na kahulugan ang mga salita niya ngunit

maiintindihan pa rin ang mga ito, ang pagbabato niya ng salita ay diretso sa punto, malawak at

makapangyarihan ang mga salitang kanyang maingat na pinili. Ilang halimbawa nito ay ang

sinabi niyang, "Hindi ko asawa ang gera, crush ko siya." at "Mas madaling pagkasunduin ang

langit at lupa kaysa sa dalawang Pilipino sa alinmang bagay." Pinagsama-sama ni Heneral

Luna ang mga wikang nalalaman niya sa isang pangungusap na sakto at tumpak para sa ilang

tiyak na sandali, kagaya ng kanyang nakagawian at nakasanayan na. Ang mga ganitong

kasanayan ay hindi basta-basta lang niyang nakuha sapagkat ito'y dumaan sa pagsisikap at

pag-aaral noong maliit pa lamang siya. Ito'y nakuha rinn niya sa lahat ng napag-aralan niya sa

buhay, eskuwela, sa Europa, at lalong-lalo na, sa kanyang pagmamasid sa kapwa niya, sundalo

man o bahagi ng gabinete.


Theoritical Framework

Ayon kay Constantino (2002) mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang dimensyon ang

varyabilidad o pagkakaiba-iba ng wika: ang heograpiko (diyalekto) at sosyo-ekonomiko

(sosyolek). Ang una ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba o kalat-

kalat na lokasyon ng mga tagapagsalita ng isang wika. Mula rito ay nadedevelop ang

varayating pangwika. Samantala, sa ikalawa, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil

sa iba-ibang estado ng tao sa lipunan. Kung kaya, mayroong tinatawag na mga wika ng bakla,

horse language, elit, masa at iba pa.

Sa artikulo naman ni Alonzo batay kay Catford, ang varayti ng wika ay may dalawang malaking

uri: permanenteng varayti at pansamantalang varayti. Ang permanenteng varayti ay binubuo ng

idyolek at dayalek. Ang idyolek ay ang katangian o gamit ng wika na kaiba o pekulyar sa isang

individwal. Ang dayalek naman ay nangangahulugang paggamit ng wika batay sa lugar,

panahon at katayuan sa buhay. Ang paraan ng pagsasalita rito ay bumabatay sa kanyang

estado o grupong kinabibilangan. Sa kabilang banda, ang pansamantalang varayti ay

tumutukoy sa kagyat na sitwasyon ng pahayag. Bahagi nito ang mga sumusunod: rejister,

moda at estilo. Sa paglaon ng talakay sa papel na ito, ipakikita ang mga paliwanag sa bawat

varayti at kung paano ito nakatutulong sa development ng isang wika.

Conceptual Framework

Ang varayti ng wika ay maaaring sanhi ng heograpiya, edukasyon, okupasyon, uring

panlipunan, edad, kasarian, o kaligirang etniko. IDYOLEK pansariling wika ng isang tao Ang

bawat tao ay may kanyang.

Input Proseso
Paglalahad ng Suliranin

May indibidwal na idyolek ang bawat tao. Ganunpaman, nagkakaintindihan pa rin ang mga

nagsasalita ng mga idyolek ng isang wika kahit magkaiba ang bawat idyolek ng mga ito.

1. Gaano ka importante ang salitang idyolek sa atin?

2. Sa papaanong paraan natin mapapaunlad ang salitang idyolek?

Kahit na mayroong itinatakdang pamantayan ang pagbigkas ng mga salita, nagkakaroon pa rin

iba’t ibang paraan ang mga indibidwal sa pagsasalita. Dito pumapasok ang barayiting idyolek.

Nagkakaiba-iba sa pagdiin sa mga salita, sa punto, at maging sa paraan ng paggamit ng tono o

ritmo sa pagbibigkas ng mga salita. Tumatatak ang kakaibang paraan ng pagsasalita, higit kung

mga sikat na personalidad ang nagbibigkas ng mga ito. Kahit hindi nila orihinal na likha ang

mga salita, parirala, pangungusap, o mga kasabihan, basta’t nabanggit nila ito sa isang

kakaibang paraan ay tiyak na tatatak ito. Nagmula ang salitang idyolek sa mga salitang Greek

na ‘idio’ na ang ibig sabihin ay “pansarili o kakaiba,” at ‘lect’ ang ibig sabihin ay “pagkakaiba ng

wika.” Ayon sa mga linggiwistiko, wala raw kasing dalawang tao ang may eksaktong paraan ng

pananalita, maging sa mga pangkat ng salitang ginagmit nito.

Scoop at Delimitawsyon ng Pag-aaral

Ang kabutihang maidudulot at maitutulong nito sa lipunan at mag-aaral na kasangkot, sa

pangkalahatang o sakatauhan.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo atnegatibong epekto ng

social media sa mga estudyante ng ESEP sa Mataas naPaaralang Pambansa ng Sto. Domingo

mula ikapitong baitang hanggang sa ikaapat nataon sa akademikong taon 2014-

2015.Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng ESEP ng Mataas naPaaralang

Pambansa ng Sto. Domingo. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriinang mga pananaw

at persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng social media samga estudyante. Sa huli,

bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyonupang maiwasan ang sobrang

pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.


Kahalagahan ng pag-aaral

Mga mag-aaral sa gradwado/mananaliksik sa hinaharap- magsisilbi itong sanggunian sakaling

magbalak din silang makabuo ng kagamitan pampagtuturo.

Una, ang kahalagahan ng mga inaasahang mapapatunayan sa pag-aaral para sa isang tiyak na

disiplina kung saan nararapat ang pag-aaral na ginaganap.

Mapapalawak din ang kanilang kaalaman sa paglinang ng bokabularyo at sa malayang

pagsasagawa ng mga gawain sa kanilang pag-aaral.

Tinutukoy nito ang mga kahinaan o mga bagay na hindi na sinasaklawan ng pag-aaral

Mga propesor- sila ang nagsisilbing instrumento tungo sa pagpapaunlad ng pagtuturo sa

pamamagitang ng paghahanda ng kagamitan,

Mag-aaral- nag sisilbing instrumento ang modyul na ito upang malinang ang kanilang mapanuri

at malikhaing pag-iisip.

Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Narito ang mga ibang salitang nagamit sa pag-aaral na binigyan ng kahulugan.

Wika- Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang

partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo,

tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang

sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at

pagsusulat.

Filipino- Ang Filipino, ayon sa umiiral na Saliga'ng Batas, ay ang Pambansa'ng

Wika ng Republika ng Pilipinas. Ito ay hango sa wika'ng Tagalog na siya'ng pangunahing wika

ng Kalakha'ng Maynila at mga kalapit nito'ng lalawigan tulad ng Laguna at Bulacan. Isa ito sa

dalawa'ng opisyal na wika ng bansa kung saan Ingles ang isa pa.
KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Papaano mapapaunlad ang mga salitang Idyolek LS S DS TOTAL

gamit ang makabagong teknolohiya?

-Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa wikang 100%

idyolek.

-Gagawa ng isang organization para sa wikang 100%

Idyolek.

-Mag research patungkol sa Idyolek. 100%

-Hikayatin ang mga kabataan na pahalagahan ang 100%

wikang atin.

-Gagawa ng paraan upang maikalat ang wikang atin 100%

na nakasaad doon ang salitang Idyolek.

-Gagawa ng apps sa phone na kung saan nandoon 100%

ang salitang Idyolek.

-Turuan ang mga kabataan na pangalagahan ang 100%

Idyolek.

-Bumuo ng program na kung saan ay ang pinag- 100%

uusapan ay patungkol sa Idyolek.

-Hindi pagsasawalang bahala ang salitang Idyolek. 100%

-Minamahal ang sarili nating wika at hindi natin dapat 100%

nilalaro.
Papaano natin nagagamit ng tama ang mga salitang LS S DS TOTAL

Idyolek gamit ang makabagong teknolohiya?

-Hindi pambabastos sa social media. 100%

-Pakikipag usap ng tama gamit ang telepono. 100%

-Pagtulong sa mga kabataan sa tamang pagamit ng 100%

salitang Idyolek.

-Huwag nilalaro ang salitang Idyolek lalo na sa social 100%

media.

-Huwag natin binabaliwala ang salitang Idyolek 100%

-Magkalat ng tamang ibig sabihin ng Idyolek. 100%

-Hindi padalos-dalos sa pagamit ng social media. 100%

-Mag research patungkol sa Idyolek 100%

-Mag isip muna bago gamitin ang salitang Idyolek 100%

-Huwag ng makipag away sa social media. 100%


KABANATA II

Mga Literature at Pag-aaral sa Labas ng Bansa

Ayon kay J. K Chambers (2008). Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa

dimensyong sosyal o panlipunan nababatay ito sa mga panlipunan. Halimbawa nito ang

Wikang ginagamit ng mga estudyante, matatanda, kababaihan, bakla, at wika ng mga

kabataan. Ayus kay Kazuhiro et, AI (2009) Ang balbal na salita ay ang di pamatayang paggamit

ng mga salita sa isang wika ng isang particular ng groupo ng lupunan. Ang antas ng lipunan na

lalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang

ito.

Ayon kay basil Bernstein, ang wika ay bilang sistema ng mga tuntunin, ay nagrerepresenta ng

mga code. Ang mga code na ginagamit ay naayon sa kinabibilangan sa lipunan. Naniniwala

siyang na nagkakaiba ang ginagamit na wika dahil sa mga hadlang sa pagkakaiba sa antas ng

mga taong nabibilang sa isang lipunan. Ang pangpublikong wika o wikang pang masa ay

tinawag niyang “retricted code” dahil limitado lamang ito sa mga ekspreyong panglinggwistika.

Tinawag niyang “elaborated code” ang pormal na wika o wikang ginagamit sa mga komplikado

at ekspresyon ng organisasyong panglinggwistika. Dahil dito, ang iba’t ibang istilo sa

pagsasalita at paggamit ng mga tao ng wika ay nagmula sa pangkaugalian at panlipunang

karanasan. Ayon kay Whitehead, isang educator at pilosopong English: ang wika ay kabuuan

ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman na kinaugaliang palagay ng

lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katuhan.

Mga Literature at Pag-aaral sa Lokal

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”,

kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan,

saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang

ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.


Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo

ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng

katotohanan.

Ang wika ay kasangkapang ating pulitika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang

nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating

kinabibilangan.

Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay

sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na

ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng

salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na

mga pangungusap. Diskors, kapag nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit

pang tao.

Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat.

Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-

yaman ng mga tradisyong nakalagak dito, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang

bansa kaya’t kailanman ito ay tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito

ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.


KABANATA III

Disenyo ng Paglalahad

Populasyon

Respondente

Instrumento at Pananaliksik

Procedure sa Pangangalap ng Datos

Statistikal Treatment ng Datos


KABANATA V

Lagom

Konklusyon

Rekomendasyon
Dahon ng Pasasalamat

Kami po ay lubusang nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng aming pag-aaral na ito.

Nang dahil sa kanila ay mas napalawak ang aming kaalaman at naging posible na magkaroon

ng magandang resulta ang aming pag-aaral.

Kay Dr. Arnulfo M. Tirao, ang aming guro sa Pagbasa at Pagsuri, kami po ay lubusang

nagpapasalamat dahil sa kanyang walang sawang pag suporta at pag unawa sa amin sa

pagawa ng aming pananaliksik.

Sa mga estudyateng naging parte ng aming pananaliksik ay lubusan din kaming

nagpapasalamat dahil sa kanila ay nagawa namin ang aming survey na patungkol sa aming

pamagat.

You might also like