You are on page 1of 4

INTRO SA

PAMAMAHAYAG
FILSPEC

Ipinasa ni:
Rosalie T. Orito
Ipinasa kay:
Gng. Catherine T. Eliaga
KODIGO NG ETIKA NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS

1. Itaguyod ang kalayaan at iba pang mga saligang karapatan ng pamahayagan ng


bakahin ang lahat ng impluhong maaaring mapag rupok sa mga ito.
2. Iwasan ang mga pagpapangkat-pangkat at iharap ang dalawang panig ng bawat
pinatatalunang paksa nang buong katarungan at katapatan sa mga pangayayri, nang
mabigyan ang matalinong pamamatayan ng kanyang karapatan sa malayang
pamamahayag.
3. Huwag magpalimbag ng mga bagay na maaaring di-makatarungng tumuligsa o
nagpapahina sa karangalan ng isang tahanan, o sa pananampalataya ng isang tao, o
magsilbing panghamon nang walang katarungan sa damdamin ng bayan o kaya'y sa
katahimikan ng bayan.
4. Bakahin ang lahat ng kapangyarihang maaaring magtangkang isa kalakal ang layunin
na maging sunud-sunuran dahil sa pakinabang o pabor.
5. Lakipan ng katarungan at kawanggawa ang kapangyarihan ng pamahayagan na
umiiwas sa paghantong nito sa kalupitan; upang igalang ang hinirang sa may
kapangyarihan at upang mabatid at sumunod sa batas.
6. Isagawa ang kagandahang-loob mabuting panlasa, kayumian, at makatuwirang
pakikitungo sa bayan, gayon din sa kapuwang nasa propesyon, na malayang tinanggap at
sapat na iniwasto ang lisyang hatol o kamalian.
7. Iulat at iwasto nang walang pagkiling ang mga balita at kilalanin nang tiyakan na ang
Katotohanan ay siyang totoo at ang kurukuro ay kurukuro, at iniiwasan ang
pagmamalabis o pagkakaltas ng mga pangyayaring nagpapatunay o mahalagang
kahulugang nagpapaliwanag.
8. Iwasan na maging kusang patakaran ang labis na pagkasensasyunal matamo lamang
ang pagsang-ayon ng karamihan o naglalayon ng tanging pag-aakit sa tanungin at
maipagbili ang pahayagan; at higit na mabawasan ang mga balita sa krimen na walang
layunin kundi magpasigla sa kriminidad.
9. Laging sikapin na mapaunlad ang kakayahang propesyunal at pagkamabisa nito, sa
diwa ng magiliw na pakikipagkompetensiya at tumanggap ng punang mapagbuo sa
kapakanan ng maunlad na pamamahayag.
10. Tumulong sa isa't isa sa panahon ng kasawian at buong pagkakaisang humarap sa
mga suliraning propesyunal.

KODOGO NG ETIKANG PAMPAHAYAGAN


Mga pangkalahatang alituntunin na dapat sundin para sa pamahayagan.

I. Ang kahalayan ay Laban sa Batas.


II. Kalayaan sa Pamamahayag ay naksalalay sa Pangunahing Karapatan ng
Sangkatauhan.
Kalayaan mula sa lahat ng obligasyon malibana lamang sa fidelity, ang interes ng publiko
ay mahalaga.
1. Promosyon a anumang pribadong interes na taliwas sa pangkalahatang kapakanan, o
saanumang dahilan ay hindi naaayon sa matapat na pamamahyag.
2. Ang pagkiling sa komentaryo ng editoryal ay nababatid ng departmento ang
katotohanan.
III. Karapatan, Katotohan at Kawastuhan
Ang kapakanan ng mga mambabasa ay ang pinakamahalagang pundasyon sa lahat ng
mamamahayag upang maging mahalaga ang kanilang tungkulin.
1. Ang pagsaalang-alang sa mabuitng pananalig sa pamahayagan ay nagiging sandigan ng
katotohanan.
2. Ang pangunahing balita ay kinakailangang buo ang nilalaman at angkop.
IV. Walang Pagkiling
Ang kasanayan sa pamamahayag ay mahalaga upang magkaroon ng kalinawan ang
pag-uulat ng balita at pagpapahayag ng mga opinyon. Ang pag-uulat ng balita ay
kinakailangang maging malaya mula sa opinyon o batayan ng anumang uri.
V. Patas na Laban.
Ang pahayagan ay dapat na maglathala ng mga opisyal na kaso sapagkat kung hindi ito
ay maaaring makaapekto sa reputasyon o karakter na pangmoral at mawawala ang
oportunidad na madinig ang panig ng akusado. Ang tamang kasanayan ay kinakailangan
sa pagkakaloob ng gayong oportunidad sa lahat ng kaso na seryoso ang akusasyon sa
lahat ng kaso na seryoso ang akusasyon sa labas ng hukuman.

VI. Kadisentehan
Ang pahayagan ay pinaniniwalaan sa katapatan nito, sapakat ipinahahayag ang
kadahilanan ng mataas na moralidad at pinalalakas ang mabuting pag-uugali. Maaring
matagpuan ditto ang mga detalye ng krimen at bisyo, sa publikasyon isinasaalang-alang
ang kabutihan para sa lahat.
Sa pagwawakas, ang mabuting pamamahayag ay ginagabayan ang lahat ng
materyales na kinalaman sa katotohanan. Ang kalayaan ay may kinalaman para sa
pantaong kabutihan at respeto para sa pagtanggap ng mga pamantayan ng sariling
komunidad. Ang mabuting pahayagan ay maaaaring husgahan sa kanilang pagganap sa
pamamagitan ng pamantayan.

Pamantayan tungo sa Mabuting Pahayaga


Integridad
Ang pahayagan ay dapat:
1. Manatili ang lakas ng pamantayan sa katapatan ng patas na pagpili sa nilalaman at
sa lahat na may kaugnay sa pinagmulan ng balita.
2. Kaugnay sa mga paksang kontrobersyal, dapat na lutasinang mga isyu at ang di-
pagkakaunawaan.
3. Pagsasakatuparan na may kababang-loob at pag-unawa sa pagharap sa
pagtutunggalian ng mga opinyon at maging ang hindi pagkakasundo.
4. Paglaan ng panahon para sa pag-uusap hinggil sa problema na batay sa pananaw
ng editoryal ng pahayagan.
5. Pantay na pananaw na pang-editoyal sa pagpapahayag ng mga opinyon.

Katumpakan
Ang pahayagan ay dapat:
1. Maglalaan ng pagpupunyagi na mailimbag ang katotohanan sa lahat ng sitwasyon
sa balita.
2. Pagpupunyagi para sa kaganapan ng layunin.
3. Pagbabantay laban sa kapabayaan, pagkiling, paninira na magbibigay pansin sa
pagkukulang.
4. Pagtitiyak at pagtutumpak sa pagkakamali ng mga pangyayar I sapagkat ang
pahayagan ay siyang may pananagutan.

KODIGO NG ETIKA NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS


Ayon ka Matienzo, ito ay ang mga sumusunod :
1. Itaguyod ang kalayaan at iba pang mga karapatan sa pamahayagan at bakahin ang
lahat na maaaring magparupok sa mga ito.
2. Iwasan ang mga pagkakapangkat at iharap ang dalawang panig sa pinagtatalunang
paksa na may buong katarungan at katapatan.
3. Huwag magpalimbag ng mga bagay na maaaring di-makatarungan at tumutuligsa
o nagpapahina sa karangalan ng buhay ng pribado, o sa kabanalan ng isang
tahanan, o sa pananampalataya ng isang tao, o nagsisilbing paghamon sa walang
katarungan sa damdamin ng bayan o kaya’y gumulo sa katahimikan ng bayan.
4. Bakahin ang lahat ng kapangyarihan na maaaring magtangkang isakalakal ang
layunin ng pamamahayagan, at tutulan na maging sunud-sunuran dahil sa
pakinabang o pabor.
5. Lakipan ng katarungan at kawanggawa ang kapangyarihan ng pamahayagn, at
umiwas tungo sa kalupitan. Ang hinirang na makapangyarihan ay dapat igalang at
sumusunod sa batas.
6. Isagawa ang kagandahang-loob, mabuting panlasa, kayumian at makatwirang
pakikitungo sa bayan, gayon din sa kapwa na nasa propesyon, na maylayang
tinanggap at iniwasto nng walang pagkiling ang mga balita.
7. Iulat at iwasto nang walang pagkiling ang mga balita. Tiyakin na ang balita ay
totoo at ang kuru-kuro ay kuru-kuro, at iwasan ang pagmamalabis o pagkakaltas
ng mga pangyayaring nagpapatunay o nagpapaliwanag.
8. Iwasan na maging kusa ang patakaran at ang labis na pagkasensesyunal na natamo
lamang sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng karamihan o naglalayon ng pag-
akitb sa paningin upang mabili ang pahayagan.
9. Sikapin na mapaunlad ang kakayahang propesyonal at pagkamabisa nito, sa diwa
ng magiliw na pakikipagkompetensiya at tumanggap ng punang magbubuo sa
kapakanan ng maunlad na pamamahayag.
10. Tumulong sa isat’t isa sa panahon ng kaguluhan at buong pagkakaisang humarap
sa mga suliraning pampropesyonal.

KODIGONG MORAL SA PILIPINONG MAMAMAHAYAG


I. Ako ay tapat na mag-uulat at bibigyang kahulugan ang balita, pangangalagaan
at hindi hahayaang pigilin ang mahalagang mga kaganapan o ibaluktot ang
katotohanan sa pamamagitan ng hindipagsasama o hindi pagbibigay-diin.
II. Hindi ko sisirain ang mahalagang material ng impormasyon na ipinagkaloob
sa akin batay sa tawag ng tungkulin.
III. Ako ay dulugan, hindi lamang ng patas at tapat na pamamaraaan sa abot ng
aking kakayahan upang makuha nag balita, mga larawan, at mga dokumento,
at maayos akong magpapakilala bilang kinatawan ng medya kapag
nagsasakatuparan ng personal na interbyu para sa publikasyon.
IV. Ako ay iiwas sa pagsulat ng mga balita na maka-aapekto sa pribadong buahy
maliban na lamang sa kapakanang pampublikong pakikipag-ugnayan na
itinatakda ng saligang-batas.
V. Hindi ko hahayaan ang personal na motibo o kapakanan na
makaimpluwensya sa aking ginagampanang tungkulin; o hindi ako tatanggap
ng anumang regalo o suhol o bigyan ng konsiderasyon ang iba na
makakaapekto o magiging sanhi ng pag-aalinlangan sa aking personal na
intergridad.
VI. Hindi ko gagawa ng anumang aksyon ng panggagaya.
VII. Hindi ako mangungutya, o pupuna ng sinuman sa pamamagitan ng sex,
paniniwala sa relihiyon, paninindiagang pampulitikal, cultural at etnikong
pinagmulan.
VIII. Aking ipalalahgay na ang sinumang akusado sa krimen ay inosente hangga’t
hindi napapatunayan. Ako’y magssakatuparan ng pag-iingat sa paglalathala ng
mga pangalan ng mga menor de edad at mga babae na ksangkot sa kasong
kriminal upang hindi mawala ang kanilang karangalan sa lipunang
kinabibilangan.
IX. Aayusin ko ang aking sarili sa publiko habang ginagampan ang akng
tungkulin bilang mamahayag nang sa gayong paraan ay aking mapapanatili
ang dignidad ng aking propesyon.

You might also like