You are on page 1of 1

Tatlong Uri ng Sining

1. Sining – craft
Sa gawaing pagdidibuho ang mga gawaing inuulit-ulit ng gumawaga dahil sa
kagustuhan
ng iba at nagiging palamuti lamang sa bahay ay masasabing Sining. Dahil ang mga ito
ay kulang
sa damdamin ng gumawa at ang maaring hangarin ay kumita ng pera.
2. Parang sining – abstract
Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na tulad ng abstrak ay binubuo lamang ng
linya,
hugis o di maunawaang bagay. Ito ay ang malalalim na istilo ng pagguhit na ang
tanging
makakaunawa ay mga kapwa makasining na nakapag aral tungkol sa sining. Subalit
karamihan sa
gumagawa nito ay hindi isinasaloob ang kahulugan at kulang sa imosyon at para
lamang masabing
siya ay malalim. Magiging tunay na sining ito kung buong-buo ang isipan at
damadamin habang
siya ay gumagawa at madarama ng titingin ang ibig niyang ipahiwatig.
3. Tunay na sining – damdamin
Ang gawa ng isang batang kahahawak pa lamang ng lapis ay tunay na sining sa
dahilang
buong-buo ang isip at damdamin nito habang nagdibuho. Tulad din ng isang taong
naglalakbay na
nanlulumong minamasdan ang kalbo at walang kapunopunong kabundukan, nasa
pamamagitan man lamang ng isang sangang tuyo na napulot ay ibinuhos ang kanyang
husay sa pagdedesinyo
nito upang sa pamamagintan ito ay buhayin sa isipan ang kagubatan.
Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi sapat ang
maunawaan lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan ang pangunahing
layunin ng
komunikasyon. Maintindihan ang pangunahing inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng
komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o requirement na higit sa
basta maunawaan
lamang. Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan, ang pinakapayak
na
requirement ng pagsusulat upang maituring na malikhain: Kailangan nitong maging
mapagparanas
at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng mapagparanas at makintal ay evocative and
impressive.

You might also like