You are on page 1of 60

Pagtataya ng

Natutuhan

Sangguniana: Lydia B. Liwanag, Ph.D.


Pamantasang Normal ng Pilipinas
Sa K -12 Kurikulum ng Edukasyon,
inaasahan na mababago ang pananaw
sa larangan ng Pagtataya. Binibigyang
diin sa K-12 na ang pagtataya ay
ginagamit bilang kagamitang panturo
tungo sa pagkatuto sa halip na isang
paraan para sa layunin ng
pagmamarka.
ANO ANG PAGTATAYANG PANGKLASRUM?

Ito ay ang pangangalap, interpretasyon


at paggamit ng mga impormasyon upang
matulungan ang mga guro na makagawa
ng mabuting desisyon para sa mga
kaukulang interbensyon upang mapabuti
ang pagtuturo at pagkatuto.
Ang mga mag-aaral ay aktibong
kalahok sa pagtataya at magagamit
nila ang resulta ng pagtataya para sa
sariling pag-unlad. Kaya dapat na ang
mga pagtataya ay tumutulong sa mga
mag-aaral na magtagumpay bilang
malikhaing tagaganap na may
kaalaman sa halip na taga-ulit at
taga-memorya ng ideya ng ibang tao.
Tatlong Uri ng Isang Balanseng
Gawain sa Pagtataya

Pagtatayang Tradisyunal Pagtatayang Pagsasagawa


(Pencil & Paper Tests) (Performance Based Assessment)

Paggawa/Pagpapakita Produkto/Ginawa
(Performance) (Product)

Portpolyo
Pagtatayang Tradisyunal
(Traditional Assessment)
1. Ito ay isang uri ng pagtataya na kilala sa
tawag na lapis at papel na pagtataya o
pagsusulit.

2. Dito binibigyan ng pagsusulit ang mga mag-


aaral na pare-pareho ang tanong, oras,
panuntunan at ang inaasahang sagot.

3.Madalas na sinusuri nito ang mga mababang


antas ng kognitibong kasanayan.
4. Ang mga aytem sa pagsusulit ay maaaring
ginagamitan ng mga salita, numero, simbolo o
larawan kaya’t ang mga madalas na
nakakapasa ay ang mga taong may talino sa
linggwistika, lohika/matematika o viswal.
5. Ginagawa ito lalo na kung ang nais ay
obhektibong pamamaraan na pagmamarka at
pagpili ng mga dapat parangalang pang-
akademiko sa klase.
PAGHAHANDA PARA SA PAGTATAYA
A. Anu-ano ang mga uri ng pagtataya?
1. Pagtatayang Pormal(Tanong:Ano na ang alam
mo?)
1.1 Mga Pormat
a. Tama-mali
b. MCQ(maraming pagpipiliang tanong)
c. Pagtatapat-tapat
d. Paglalahad(sanaysay)
e. Standardized
f. Norm-referenced
d. Criterion-referenced
Pagtatayang Pagsasagawa
(Performance Assessment)
1. Ito ay isang uri ng pagtataya na kinakailangang
aktwal na ipakita ng mga mag-aaral ang
kasanayan na nais husgahan.

2. Tinataya nito ang mga matataas na antas ng


kognitibong kasanayan at mga kasanayang
pangsaykomotor.

3. Binibigyang-diin ang mga kasanayang maaaring


isagawa sa totoong buhay.
Mga Prinsipyo ng Pagtataya
 Pagbibigay-diin sa Pagtataya para sa Pagkatuto
sa Halip na Pagtataya sa Natutunan

1. Ginagamit ang pagtataya bilang


kagamitang panturo na naglalayon sa
pagkatuto sa halip na pagbibigay
lamang ng grado at ebalwasyon.
2. Ang mga mag-aaral ay aktibong
partisipant sa pagtataya at nagagamit
ang nilalaman ng pagtataya sa
pagkatuto.

3. Parehong ginagamit ng guro at mag-


aaral ang pagtataya upang mabago o
mapabuti ang mga gawain sa pagkatuto
at pagtuturo
4. Pagsasagawa ng mga peer tutoring
o pagtatambal ng mga mag-aaral na
mas mabilis matuto sa mga mag-
aaral na may kabagalan
PAGSASANGKOT SA MGA
MAG-AARAL SA
PAGTATAYA
1. Pinoproseso ng mga mag-aaral ang
mga impormasyong nasa pagtataya
upang makagawa ng mga desisyon
para sa kanilang pag-unlad, makilala
kung ano ang may kalidad na gawain,
mataya ang sarili at maipaalam ang
kanilang kalagayan at progreso upang
marating ang hinahangad na
pagkatuto.
PAGSASANGKOT SA MGA
MAG-AARAL SA
PAGTATAYA
2. Dinidirekta ng mga mag-aaral ang
sariling pagkatuto: ano ang dapat
nilang matamo, nasaan na sila
ngayon at paano matatakpan ang
puwang sa pagkatuto.
GAMIT NG MGA DI-
TRADISYUNAL NA
PAGTATAYA
1. Sa pamamagitan ng mga di-tradisyunal na
pagtataya, nakukuha ng mga guro ang
mabisang impormasyon tungkol sa kanilang
mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang paraan.
2. Nakapagbibigay ang mga pagtatayang ito ng
mga ebidensya ng pagsasagwa na higit pa sa
kaalamang natutuhan at nagbibigay ng
malinaw na larawan sa kabuuang natutunan
ng mag-aaral sa klase.
PAG-UUGNAYAN NG PAGTATAYA AT
ISTANDARD O PAMANTAYAN

1. Ang mahalagang pagtataya ay malinaw na


nakikita kung ano ang tinataya at sinusukat ang
higit na dapat pahalagahan.
2. Bilang isang patakaran sa ating pagtuturo
ngayon, hinihikayat na gamitin ang
pagtatayang pagsasagawa (Performance-based)
sa pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral.
MGA URI NG PAGTATAYA NG
NATUTUNAN

TRADISYUNAL DI-TRADISYUNAL
 Pagsusulit Alternatibong Pagtataya
Gamit ng Lapis at Papel Pagsasagawa (Performance
Type)
Maramihang Pamimili Pagpupuno o sariling
(Multiple Choice Test) pagbibigay ng sagot (Supply
Type)
Isang Tamang Sagot (Single Maramihang tamang sagot
Correct Answer) (Many correct answer)
Kabuuang Pagsusulit Pagsusulit habang natututo
(Summative) (Formative)
MGA URI NG PAGTATAYA NG
NATUTUNAN
TRADISYUNAL DI-TRADISYUNAL
Produkto o Kinalabasan  Proseso at Produkto (Process and
(Outcomes only) Product)
Fokus sa Kasanayan (Skill-  Batay sa gawain o task (Task-
Focused) based)
 Hindi magkakaugnay ang  Aplikasyon ng Kaalaman
kaalaman (Isolated Facts) (Application of Knowledge)
 Walang kontekstong gawain  May kontekstong mga gawain
(Discontextualized Task) (Contextualized Task)
 Pagtatayang Panlabas (External  Sariling Pagtataya ng mga mag-
Evaluation) aaral (Student-Self Evaluation)
MGA PAMATNUBAY NA
SIMULAIN SA PAGTATAYA

Si Stiggins (1997) ay nagbigay


ng mga sumusunod na
pangunahing simulain na
magbibigay patnubay ng pokus
tungo sa isang komprehensibong
pananaw ng pagtataya:
MGA PAMATNUBAY NA
SIMULAIN SA PAGTATAYA

1. Pagkakaroon ng malinaw
na Pag-iisip at Epektibong
Komunikasyon
2. Mahalaga ang Papel ng
Guro sa Pagtataya
MGA PAMATNUBAY NA
SIMULAIN SA PAGTATAYA

3. Mga Mag-aaral ang


Pangunahing Tagagamit ng
Resulta ng Pagtataya

4. Pagkakatoon ng Mataas na
Uri ng Pagtataya
MGA PAMATNUBAY NA
SIMULAIN SA PAGTATAYA

5. Pagbibigay ng Tuon sa Intra


at Interpersonal na Epekto

6. Pinapatnubayan ng
Pagtataya ang Pagtuturo
MGA PARAAN NG PAGTATAYA

Uri ng Pagkatuto na Tinataya


1. Konseptwal na kaalaman 2. Prosedyural na kaalaman

3. Proseso ng Pagkatuto 4. Atityud at Gawi

5. Produkto ng Pagkatuto
MGA PARAAN NG PAGTATAYA

Sa aklat na Learner-Centered
Assessment – inaangkupan ng
mga paraan ng pagtataya ang
bawat uri ng pagkatuto
MGA PARAAN NG PAGTATAYA

1. Konseptwal/Deklarativ na kaalaman –
Pagsasagawa, Panayam, Pagsagot sa
Pagsusulit na Pasulat

2. Prosedyural na kaalaman –
Obserbasyon, Panayam, Interbyu,
Portfolyo
MGA PARAAN NG PAGTATAYA

3. Proseso/Produkto ng Pagkatuto –
Pagsasagawa, Portfolyo

4. Atityud at Gawi – Interbyu,


Obserbasyon, sample ng mga Gawa
MGA PARAAN NG PAGTATAYA

Narito ang ilang tiyak na paraan


ng pagtataya sa proseso at
produkto ng pagkatuto.
MGA PARAAN NG
PAGTATAYA
PROSESO PRODUKTO
Panayam/Interbyu Pagsulat ng sanaysay
Obserbasyon, pasulat Paggawa ng proyekto
na datos
Mga ginawang logo o Portfolyo
jornal
Pasalita/Pasulat na Pagsasagawa o
sariling ebalwasyon demonstrasyon,
eksibit
MGA PARAAN NG PAGTATAYA

PROSESO PRODUKTO
Pag-uusap sa ginawang Imbestigasyon,
proyekto o produkto Pagsasagawa, Pagguhit,
Dula, Kuwento
Tseklist, rating scale, Imbentaryo ng Atityud
feedback forms
Sariling Pagsasalita ng Sarbey
mga mag-aaral (Self-talk)
Mga pagsusulit, Report Pasulat na Pagsusulit
ng Progreso
Iba’t ibang Paraan / Metodo ng Pagtatayang
Pangsilid-aralan

May Sariling Pagsagot Obserbasyon Sariling


Pinipiling (Constructed Response) ng Guro Pagtataya
Sagot
(Selected
Response)

•Maramihang Maikling Pagsasagawa ng mga Gawain Pagsulat o Oral na •Formal •Sarbey ng


Pamimili Sariling Sagot (Performance-Based Tasks) Essay Pagtatanong •Di-formal Atityud
na Aytem •Talatanungan
•Dalawahang
•Imbentaryo
Pamimili •Sosyometrik
•Pagtatapat- na mga
tapat kagamitan
•Interaktiv

•Maikling Produkto Kasanayan •Kontroladong •Impormal na


sagot •Proyekto •Madulang Pagsulat pagtatanong
•Pagpupuno •Drowing / Pagbasa •Malayang •Interbyu
(Completion) Illustrasyon •Debate Pagsulat •Pagsusulit
•Paglalabel ng •Sariling tula o •Pagsasalita •kumperensya
dayagram kuwento •Pagsasakilos
•Pagpapakita •Refleksyon •Demostrasyon
ng ginawa •Jornal ng Gawain
•Grap o Table
•Portfolio
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya)
WORKSHEET 3

Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa


Mga Kompetensi Mga Produkto /
Tradisyunal na Pagsasagawa
Pagsusulit
1. Nabibigyang reaksyon Sariling •Pagsasakilos
ang pananaw, tono, Pagsagot •Madulang
layunin at saloobin ng (Constructed pagbasa
akda. Response Test) •Sabayang
pagbigkas
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya)
WORKSHEET 3

Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa


Mga Kompetensi Mga Tradisyunal Produkto /
na Pagsusulit Pagsasagawa
2. Nabibigyang Maramihang •Debate hinggil sa
kahulugan ang pagpipiliang isang balita/
magkakaugnay na pagsusulit talumpati News
pahayag upang (Multiple Choice Story
maibigay ang sanhi at Test) •Talumpati tungkol
bunga ng mga sa isang tampok na
pangyayari isyu mula sa akda
Napipili ang mga
salitang magagamit
para sa tiyak na
sitwasyon
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya)
WORKSHEET 3

Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa


Mga Kompetensi Mga Produkto /
Tradissyunal Pagsasagawa
na Pagsusulit
3. Naiuugnay ang mga Sariling •Pagkukwento
kaisipan sa tekstong Pagsagot •Pagsasakilos
binasa sa mga •Pagguhit
pansariling karanasan
-aktwal
-naranasan
-nasaksihan
-narinig/nabasa
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)
WORKSHEET 4

Mga Kompetensi Mga Produkto /


Tradisyunal na Pagsasagawa
Pagsusulit

1. Naisusulat nang Pagsulat ng Pagsulat ng


wasto ang mga babala, patalastas, Poster o
patalastas o direksyon babala, paggawa ng
tuntunin na bulletin board
gamit ang
malaking titik
at bantas
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)
WORKSHEET 4

Mga Kompetensi Mga Produkto /


Tradisyunal Pagsasagawa
na Pagsusulit
2. Naisusulat ang mga Pagsulat ng Pagsulat ng
tuntunin sa paaralan sa patalastas, Handbook hinggil
anyong payak na babala, sa mga tuntunin
pangungusap tuntunin na ng paaralan
gamit ang
malaking titik
at bantas
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)
WORKSHEET 4

Mga Kompetensi Mga Produkto /


Tradisyunal Pagsasagawa
na Pagsusulit
3. Nakasusulat ng Pagsulat ng Pagsulat ng liham
liham pangangalakal mga bahagi ng tungkol sa binibiling
liham produkto sa kompanya
4. Nakasusulat ng Pagsulat ng Malayang pagsulat ng
talatang naglalahad talata ayon sa komposisyon ayon sa
ng tao, lugar o modelo mga paksa o isyu sa
pangyayari paligid
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya)
WORKSHEET 4

Mga Kompetensi Mga Produkto /


Tradisyunal na Pagsasagawa
Pagsusulit
5. Nakasusulat ng Pagsulat ng Pagsulat ng
talatang naglalarawan ng talata ayon paglalarawan ng
ng tao, lugar o sa modelo mga gawi,
pangyayari, kultura tradisyon o kultura
ng lugar
6. Nakasusulat ng Pagsulat ng Pagsulat ng sariling
talatang nangangatwiran talata ayon panig sa isang isyu
tungkol sa isang isyu sa modelo na ipadadala sa
editor
Pag-unawa sa Binasa

Pag-unawa sa Tradisyunal na Perpormans /


Binasa Pagtataya Pagtatayang
Nakabatay sa
Produkto
1. Magagamit ang Completion Type Test •Isadula ang maaring
impormasyon nabasa sa mangyari sa seleksyon.
pagbibiigay prediksyon
at ebalwasyon.

2. Mababatid ang Constructed Response •Graphic Organizer


pangunahing layunin ng Test •KWL
impormatib na teksto.
Pagsulat at Komposisyon

Pagsulat at Tradisyunal na Perpormans /


Komposisyon Pagtataya Pagtatayang
Nakabatay sa
Produkto
1. Nakikilala ang bahagi Pagmomodelo •Pagsulat ng talata sa
ng payak na layuning:
pangungusap ayon sa - mailarawan ang
tungkulin sa pagsulata. lugar
- Makapagsalaysay
ng mga karanasan
2. Naikukwentong muli Pagsasaayos ng mga •Sumulat ng pasalaysay
ang epiko sa loob ng 5-7 ssalita upang makabuo na naratibo sa layuning
pangungusap na ng talata maikwetong muli ang
patalata. isang epiko.
Rubric sa Pagtataya
ng Talata / Sulatin

Level Ng Pagsasagawa (Performance)


Mga 1 2 3 4
Krayterya
Organisasyon Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang
ang organisasyon organisasyon pagkakasunod-
organisasyon ngunit hindi pagkakabuo sunod ng mga
ng mga ideya at masyadong ng talata na ideya sa
walang mabisa ang may angkop na kabuuan ng
panimula at panimula at simula at talata, mabisa
kongklusyon kongklusyon kongklusyon ang panimula
at malakas ang
kongklusyon
batay sa
ebidensya
Rubric sa Pagtataya
ng Talata / Sulatin

Mga 1 2 3 4
Krayterya
Lalim ng Napakababa Mababaw at Malalim na Napakalalim
Refleksyon w na walang hindi nakikita ang na nakikita
paguugnay gaanong pag- ang pag-
ang dati at nakikita ang uugnayan uugnayan
bagong pag- ng dati sa ng dating
kaalaman at uugnayan bagong kaalaman at
makikita ng dati sa kaalaman karanasan
lamang kung bagong sa bagong
ano ang kaalaman kaalaman
tinalakay sa
klase
Rubric sa Pagtataya
ng Talata / Sulatin

Mga 1 2 3 4
Krayterya
Paggamit Kailangang Mga Mahusay Napakahusa
ng Wika at baguhin kaihnaan dahil y dahil
Mekaniks dahil halos dahil kakaunti walang mali
lahat ng maraming lamang ang sa gramar,
pangungusa mali sa mali sa baybay at
p ay may gramar, gramar, gamit ng
mali sa baybay at baybay at bantas, may
gramar, gamit ng gamit ng mayamang
baybay at bantas bantas vocabularyo
gamit ng
bantas.
Rubric sa Pagtataya
ng Talata / Sulatin

Mga 1 2 3 4
Krayterya
Presentasyon Mahirap May Malinis Malinis at
basahin dahil kahirapang ngunit hindi maayos ang
sa hindi unawain ang lahat ay pagkakasulat
maayos at pagkakasulat maayos ang ng talata
malinis na ng pagkakasulat
pagkakasulat pangungusap ng mga
pangungusap
Rubric sa Pagtataya
ng Talata / Sulatin

Mga 1 2 3 4
Krayterya
Pamamahala Hindi handa Naisumite Ginamit ang Ginamit ang
ng Oras at hindi tapos dahil oras na sapat na oras
binantayan itinakda sa at may
ng guro paggawa at ebidensya na
naibigay sa ginagawa ito
tamang oras sa labas ng
kalse at
sariling
disenyo ang
plano sa
pagsulat
RUBRIC SA DULA-DULAAN/ISKIT

Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman)


2 (Di-gaanong mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay)
PAMANTAYAN POKUS PAGMAMARKA
PANGKAT GURO

1. Pagbibigay ng •Tama at angkop sa diwa ng


interpretasyon nilalaman ang
pagpapakahulugan/
interpretasyon ng piyesa.
Nagpakita ng reyalistikong
tagpo ng maigting na
tunggalian ng mga tauhan.

2. Pagkakaganap ng •Maayos, makatotohanan, at


mga tauhan makatarungang pagbibigay
buhay sa uri ng personalidad
na taglay ng tauhan sa piyesa
mula sa pagsasalita, pagkilos at
ekspresyon ng mukha.
PAMANTAYAN POKUS PAGMAMARKA
PANGKAT GURO
3. Mga kasuotan, •Umaangkop sa papel na
bagay/props na tauhan ang kasuotang ginamit.
gamit sa tagpuan Naaayon ang mga props at
kagamitan sa panahon at
kalagayan ng sitwasyon sa
dula.
4. Kaangkupan ng •Isinasaad ng mga musika at
tunog/ musika tunog na inilapat ang himig,
tema at damdamin ng dula na
nakatulong upang higit na
mabigyang buhay ito.
KABUUAN:

Interpretasyon: 17-20 (Napakahusay) 13-16 (Mahusay) 9-12 (Katamtaman)


5-8 (Di-gaanong mahusay) 1-4 (Di-lubhang mahusay)
RUBRIC SA PAGSASATAO

Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Natatangi) 4 (Napakahusay) 3 (Mahusay)


2 (Kasiya-siya) 1 (Hindi kasiya-siya)

PAMANTAYAN PAGTATAYA

1. Reyalistiko at natural ang pagganap sa


katauhang binibigyang buhay.

2. Angkop ang ekspresyon ng mukha sa


ipinakikitang emosyon o sa damdaming
pinalilitaw.
3. Umaakma ang gmait ng tinig sa edad, saloobin
at kaisipan ng tauhang ginagampanan.
RUBRIC SA PAGSASATAO

PAMANTAYAN PAGTATAYA

4. Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng mga


pahayag kaya’t nauunawaan.

5. Maayos ang blocking sa paggalaw ng tauhan.

6. May angkop ng kasuotan at pangkalahatang


anyo ng tauhan sa kanyang papel na
ginagampanan.
7. Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga
manonood ang pagsasatao.

Interpretasyon: 17 – 20 ( Natatangi) 13 – 16 (Napakahusay) 9 – 12 (Mahusay)


5 – 8 (Kasiya-siya) 1 – 4 (Hindi kasiya-siya)
Mga Kalakaran sa
Pagtatayang Pangsilid-Aralan

Noon Ngayon
Pagbibigay diin sa Pagtatataya sa proseso kung
kalalabasan o resulta paano natuto
Hiwa-hiwalay ang Integratibo o magkakaugnay
pagtuturo ng mga ang pagtuturo ng mga
kasanayan kasanayan
Pagsasaulo ng mga Aplikasyon ng kaalaman
impormasyon
Gamit ng lapis at papel Mga awtentikong gawain
na pagsusulit
Mga gawaing walang Mga gawaing may konteksto o
konteksto sitwasyon
Mga Kalakaran sa
Pagtatayang Pangsilid-Aralan

Noon Ngayon
Isa lang ang tamang sagot na Maraming maaaring tamang
mga pagsusulit sagot
Itinatago ang resulta ng Ang mag-aaral at maging
pagsusulit, guro lang ang ang magulang ang
nakakaalam nakakaalam ng resulta
Isahan ang pagkuha ng Pangkatan ang pagtataya
pagsusulit
Ginagawa ang pagsusulit Ginagawa habang nagtuturo
pagkatapos magturo
Mga Kalakaran sa
Pagtatayang Pangsilid-Aralan

Noon Ngayon
Hindi gaanong malinaw sa Malinaw at nauunawaan ng mga mag-
mag-aaral ang resulta ng aaral ang tunay na nangyayari sa
pagsusulit pagsusulit
Obhektibong Pagsusulit Mga pagsusulit na malaya sa pagsagot
ang mga bata (constructed response
tests)
Guro lang ang nagtataya May sariling pagtataya
Isang paraan lang ng Maraming paraan ang ginagawa
pagtataya ang ginagawa ng
guro
Hindi regular ang pagtataya Patuloy ang pagtataya
ng guro
Pagtataya Batay sa Pagsasagawa
( Performance Based Assessment )

 Ito ay paraan ng pagtataya kung saan ang


guro ay nagmamasid at naghuhusga sa
ginagawang pagpapakita ng mga mag-aaral ng
kanilang mga kasanayan o kagalingan sa
pagbuo ng produkto, paglikha ng sagot, at
pagpapakita o presentasyon

 Ito ay magkasamang paggawa at produkto


(performance and product).
Pagtataya Batay sa Pagsasagawa
( Performance Based Assessment )

 Ang binibigyang diin ay ang kakayahan


ng mga mag-aaral na maisagawa ang
mga gawain at makalikha ng kanilang
sariling produkto o gawa gamit ang
sariling kaalaman at kasanayan. Ang
terminong performance based
assessment ay kapareho rin ng
performance assessment.
Mga Katangian ng Performance
Based Assessment o Pagtatayang
Batay sa Pagsasagawa
 Ang mga mag-aaral ay nagsasagawa, lumilikha, bumubuo o
may ginagawang isang bagay.

 Malalim na pag-iisip at pangangatwiran ang tinataya.

 Patuloy ang pagsasagawa na maaaring abutin ng ilang araw o


linggo.

 Hinahayaang magpaliwanag, magdepensa ang mga mag-aaral.


Mga Katangian ng Performance
Based Assessment o Pagtatayang
Batay sa Pagsasagawa
 Nakikita nang direkta ang pagsasagawa.

 Malaman ang mga ideya na ipinahahayag .

 Walang isang tamang sagot.

 Ang mga gawain ay kaugnay ng tunay na


nangyayari sa paligid.
Mga Gawain o Task sa Pagtatayang
Batay sa Pagsasagawa

Restricted Type Tasks – isang tiyak na


kasanayan ang sinusubok at nangangailangan ng
maikling sagot. Maaaring maitulad ang mga
gawaing ito sa mga tanong na kailangang
sagutin sa pagsulat ng maikling talata o mga
pagsasanay na nangangailangan ng
interpretasyon na tulad sa mga aytem na may
nawawalang bahagi na dapat punan ng mga
mag-aaral (open-ended items).
Mga Halimbawa nito:
 Bumuo ng bar grap mula sa mga datos na ibinigay.
 Basahin ang artikulo sa pahayagan at sagutin ang
mga tanong.
 Makinig sa isyu na pinag-uusapan sa TV at
ipaliwanag ang iyong panig.
 Umawit o awitin mo ang awit.
 Bigkasin mo ang tula.
 Isulat sa isang talata ang kahalagahan ng
pangangalaga sa mga kagubatan.
Mga Gawain o Task sa Pagtatayang
Batay sa Pagsasagawa

Extended type Tasks – mas kumplikado,


malawak at kailangan ang mahabang
panahon o oras sa pagsasagawa.
Nangangailangan ito ng kolaboratibong
gawain ng mga mag-aaral at ng maraming
sanggunian o pagkukunan ng
impormasyon.
Mga Halimbawa nito:
 Sumulat ng isang awit o tula at iparinig ito sa klase.
 Maghanda ng plano o mga hakbang sa paggamit ng
mga basura.
 Magsagawa ng pananaliksik sa mga uri ng pagkain
na binibili ng mga mag-aaral sa kantina at gumawa
ng report tungkol dito.
 Magdesenyo ng isang patalastas para sa isang
produkto.
 Maglathala ng isang newsletter ng inyong klase.
Pagtatayang Portfolyo
(Portfolio Assessment)

Ito ay isang uri ng pagtataya na


nangangailangan ng pangongolekta ng
isang mag-aaral ng iba’t ibang bagay na
makapagpapatunay ng kanyang natutuhan
sa klase. Ito ay ginagawa nang may
layunin at matagalan. Nagbabago ang
porma at laman nito ayon sa kagustuhan
ng may-ari nito.

You might also like