You are on page 1of 160

College of Education- Graduate Studies

PAGSUSURING PORMALISTIKO NG AKDANG NOLI ME TANGERE

NA NASA ANYONG KOMIKS

Isang Tesis na iniharap sa mga

Kaguruan ng Paaralang Gradwado ng Kolehiyo ng Edukasyon ng

Wesleyan University-Philippines

Lungsod ng Cabanatuan

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa

Pangangailangan ng

Master ng Sining sa Edukasyon

Medyor sa Filipino

BANJO T. JAVIER

2022
College of Education- Graduate Studies

Ito ay bilang pagpapatunay na ang masteral tesis na ito na pinamagatang


“PAGSUSURING PORMALISTIKO NG AKDANG NOLI ME TANGERE NA
NASA ANYONG KOMIKS” ay inihanda at isinumite ni BANJO T. JAVIER bilang
bahagi sa mga pangangailangan para sa pagtamo ng kursong Master ng Sining sa
Edukasyon (MAEd), Medyor sa Filipino ay nasiyasat at ngayon ay tinanggap at
pinagtibay.

ANGELICA C. BAUTISTA Ph.D.


Tagapayo

Tinanggap at pinagtibay ng lupon ng ebalwasyon ngayong ika-________ ng


___________ 2022, na may markang ______ bilang bahagi ng mga pangangailangan
para sa pagtamo ng kursong Master ng Sining sa Edukasyon (MAEd), Medyor sa
Filipino.

JOHN MARK F. BONDOC, Ph.D.


Tagapangulo

JONNIE A. PAYOYO, Ph.D. _______________________


miyembro miyembro

Ang masteral tesis na ito ay opisyal na tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng mga
pangangailangan para sa pagtamo ng kursong Master ng Sining sa Edukasyon (MAEd),
Medyor sa Filipino.

Prof. RODOLFO G. CRUZ


Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon

i
College of Education- Graduate Studies

ii
SERTIPIKO NG PAGWAWASTO

Ito ang pagpapatibay na ang Masteral na pananaliksik ni Banjo T. Javier na may


pamagat na “PAGSUSURING PORMALISTIKO NG AKDANG NOLI ME
TANGERE NA NASA ANYONG KOMIKS” ay dumaan sa pagsusuri at pagwawasto
ng mga gramatikal na aspekto at mayroong 5.9% na pumasa sa kinakailangang
Similarity Matrices Index (SMI) kung saan ito ay isa sa mga kahingian ng College of
Education Graduate Studies.
Ito ay ibinigay kay G. Banjo T. Javier bilang kahingin at pagtugon sa mga
pangangailangan para sa pagtamo ng kursong Master ng Sining sa Edukasyon
(MAEd), Medyor sa Filipino.

PROF. CRYSTALYN A. GALINDO


Tagasuri

ii
PAHAYAG NG COPYRIGHT

(1) ang anumang copyright sa thesis na ito (kabilang ang anumang mga apendise) ay
pagmamay-ari ng may akda (ang “Copyright”) at binigyan niya ang Wesleyan University
– Philippines ng karapatan na gamitin ang naturang Copyright para sa anumang layuning
pang-administratibo, pang-promosyon, pang-edukasyon, at/o pagtuturo.

(2) Tanging ang abstrak na pahina ng thesis na ito ang maaaring pisikal na kopyahin nang
walang paunang pahintulot. Habang ang isang buong digital na kopya ng thesis ay
maaaring ma-access at ma-download sa pamamagitan ng WU-P Institutional Repository,
ang paglilimbag ng PDF nang buo o sa mga extract ay nasa nakasulat na pag-apruba ng
Manunulat o ng Dekano ng Kolehiyo o ng Degree Program ng thesis.

(3) Ang pagmamay-ari ng anumang mga patente, disenyo, tatak ng pagkakakilanlan at


anumang iba pang karapatan sa intelektwal na pagmamay-ari maliban sa Copyright
(“Mga Karapatan sa Intelektwal na Ari-arian”), na maaaring inilarawan sa thesis na ito,
ay maaaring hindi pagmamay-ari ng may-akda at maaaring pag-aari ng ikatlong mga
partido. Ang nasabing mga karapatan sa Intelektwal na ari-arian at mga reproduksyon ay
hindi maaarin at hindi dapat gawing maaaring maggamit nang walang paunang pahintulot
ng (mga) may-ari ng naaangkop na Mga karapatan sa Intelektwal na Ari-arian at/o Mga
Reproduksyon.

PAHAYAG
Walang bahagi ng gawa ng Ithesis Iang naisumite bling suporta sa isang aplikasyon para
sa isa pang Degree o kwalipikasyon nito o anumang iba pang Unibersidad o institusyon
ng pag-aaral.

G. BANJO T. JAVIER _____________________


Pangalan Petsa

iii
PASASALAMAT

“Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at

siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.”

Santiago 1:5 RTPV05

Sa puntong ito nais ipahatid ng mananaliksik sa mga sumusunod ang pasasalamat sa

pagiging susi ng mahalagang mga indibiduwal na nagbunsod upang maisakatuparan ang

tagumpay ng tesis na ito.

Kay Dr. Angelica C. Bautista, tagapayo sa pananaliksik, sa kaniyang walang sawang

paggabay at paglalaan ng oras at katalinuhan upang mas mapabuti at matagumpay na

maisakatuparan ang tesis na ito.

Kay Dr. Jonnie A. Payoyo, isa sa mga komite sa pagsusuri ng tesis na ito, sa pagbibigay

ng mga ideya at matatalinong payo tungo sa ikauunlad ng pag-aaral na ito.

Kay Propesora Cristalyn A. Galindo, ang Course Facilitator at Kritiko sa Lengwahe ng

mananaliksik, sa kaniyang paggabay sa mananaliksik at naging isa sa mga dahlia ng

pagkakabuo ng thesis na ito.

Kay maam Laurna G. Manuel, isa sa mga staff ng silid aklatan sa sa Wesleyan, sa

kaniyan tulong sa pangangalap ng mga reperensyang kinakailangan sa katagumpayan ng

thesis na ito.

Sa mga kaibigan, kasamahan at mga katrabaho ng mananaliksik, na nagbigay ng

suporta, kaalaman at lakas ng loob upang ipagpatuloy at tapusin ang pananaliksik na ito.

Kay G. John Mark Bondoc, Gng. Maureen Bondoc, Hazel Abellano, Allysa Gale

Eugenio, Dhana Marie Alvarez at Vincent Dominggo, ang itinuturing na ikalawang

iv
pamilya ng mananaliksik, sa pagbibigay ng suporta upang maisakatuparan ang

pananaliksik na ito.

Kay Celina Ann T. Franco, ang kasintahan ng mananaliksik, sa pagbibigay ng walang

sawang suportang mental at emosyunal at tulong sa lahat ng aspekto upang matapos ang

pananaliksik na ito.

Sa ina, ama at kapatid ng mananaliksik, sa pagmamahal, paggabay at sa walang

sawang pagsuporta sa lahat ng aspekto ng buhay ng mananaliksik.

Higit sa lahat sa Panginoong Jesus, sapagpapala, pagbibigay kaalaman paggabay at sa

pagmamahal sa mananaliksik.

v
PAGHAHANDOG

Ang katagumpayan ng pananaliksik na ito ay ihinihahandog sa mga taong walang sawang

sumuporta at gumabay sa mananaliksik sa pagtahak ng pag-aaral mula sa simula

magpahanggang sa kasalukuyan.

Sa mga Magulang ng mananaliksik ng sina ROLANDO at CECILLE JAVIER

Sa mg kapatid at pamangkin na sing JAMES JOHN, ROCELLE, KHENJIE at

LANCE

Sa kaniyang kasintahan ng si CELINA ANN FRANCO

Sa mga kaibigan KAIBIGAN ng mananaliksik

At higit sa lahat ang PANGINOONG MAY KAPAL na gumabay at nagbigay ng

katalinuhan sa mananaliksik

Upang ito ay maisakatuparan.

-Bvier-

vi
ABSTRAK

PAMAGAT: Pagsusuring Pormalistiko ng Akdang Noli Me Tangere

na nasa Anyong Komiks

MANANALIKSIK Banjo T. Javier

KURSO: Master ng Sining sa Edukasyon

MEYDYOR: Filipino

TAGAPAYO: Angelica C. Bautista Ph.D.

Ang pag-aaral na ito ay naglayong masuri ang akdang Noli Me Tangere na nasa

anyo ng komiks at ang kabisaan nito bilang panghalili sa klasikong bersyon nito.

Isinagawa ang pagsusuri upang matugunan ang mga layunin na sagutin at tukuyin ang

kabisaan ng bersyong komiks. Naging tuon ng pagsusuri ang pagtukoy sa kaisahan ng

mga elemento tulad ng tauhan, tagpuan, pananaw, at mga simbolismo at mensahe na

mababaks sa akda. Sunuri rin ang pinakaporma at pangkalahatang paglalahad ng kwento

sa komiks. Ang Teoryang Pormalistiko ang naging sandigan ng pagsusuri kung saan

ginamit ang Pagsusuring modelo na hango sa aklat na “Theory Into Practice, An

Introduction to Literary Criticism” ni Ann B. Dobie (2011) ang ginamit ng mananaliksik

upang pakatugaygayin ang bisa ng akda. Ang paraan ng pagsusuring pormalistiko ay

nakatuon sa pinaka porma ng isang akda at hindi sa mga aspektong panlabas na maaaring

makaaapekto sa kakanyahan ng nito. Ito ang dahalian kung bakit mainan na ito ang

ginamit na dulog sa pagsusuri sa bersyon komiks ng Noli Me Tangere. Matapos ang

isinagawang pagsusuri, nakita ang kainaman ng bersyong komiks upang gamitin itong

panghalili sa klasikong bersyon. Sa kabila ng pagiging buod nito mula sa orihinan na

vii
Nobela ay kababakasan pa rin ito ng natatanging mga katangian ng inang obra. Lumabas

sa pasusuri ang kaisahan ng mga elemento nito. Matagumpay na naipakilala ang mga

tauhan at ang kanikanilang katangian sa komiks, ang mga tagpuan at tagpo naman ay

mayos na nailatag na siyang nagbunsod ng maayos at klarong takbo ng kabuuan ng

kwento. sa kabila ng pagiging buod ng bersyong komiks nabigyan pa rin nito ng

katarungan ang klasikong bersyon, mababakas pa rin sa akda ang mga aral at mga

simbolismo na taglay ng orihinal na nobela.

Mga Susing Salita: Teoarya at dulog Pormalismo, Nobela, Komiks, Lengwahe at

Pagsusuri.

viii
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat na Pahina

Pagpapatibay . . . . . . . . . i

Certification of Proof Reading . . . . . . ii

Copyright Statement . . . . . . . . iii

Pasasalamat. . . . . . . . . . iv

Paghahandog . . . . . . . . . vi

Abstrak . . . . . . . . . vii

Susing pananalita . . . . . . . . viii

Talaan ng Nilalaman. . . . . . . . . ix

Kabanata 1. ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula. . . . . . . . . 1

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura . . . . . 3

Lokal na Literatura . . . . . . . 4

Si Rizal. . . . . . . . 4

Ang Noli Me Tangere . . . . . . 8

Ang bisa ng Akda . . . . . . 10

Panitikan . . . . . . . 11

Ang komiks . . . . . . . 12

Ang Nobela . . . . . . . 17

Pagsusuri at Teoryang Pormalistiko . . . . 20

ix
Panunuring pampanitikan . . . . . 22

Pagtuturo ng Panitikan sa Batayang Edukasyon ng Pilipinas. 23

Pokus sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan. . . 27

Ang mahusay ng Kritiko sa Panitikan. . . . 29

Kaligiran ng mga Akdang pampanitikan. . . . 29

Mga Lokal na Pananaliksik. . . . . . . 46

Banyagang Pananaliksik. . . . . . . 46

Teoyeritikal na Balangkas . . . . . . 46

Paglalahad ng Suliranin . . . . . . 48

Paradigma ng Pag-aaral . . . . . . 49

Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . 50

Depinisyon ng mga Termino . . . . . 51

Kabanata 2. MGA PARAAN AT METODO NG PAG-AARAL

Desenyo ng Pag-aaral . . . . . . 53

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . . 54

Kagamitan at Instrumento . . . . . . 54

Pangangalap ng Datos. . . . . . . 55

Etikal na Pagsasaalang- alang. . . . . . 56

Kabanata 3. RESULTA AT PAGTALAKAY

Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon . . . . 58

1. Paglalahad ng Kabuuan ng Takbo ng Kwento. . . . 58

2. Elemento ng Akda. . . . . . . 79

x
2.1. Mga Tauhan . . . . . . .

79

2.2. Tagpuan. . . . . . . .

92

2.3. Tunggalian . . . . . . .

100

2.4. Banghay . . . . . . .

106

2.5. Mensahe at Simbolismo . . . . .

111

3. Lengwahe / wika . . . . . . . 119

4. Bisa ng Komiks . . . . . . . 132

Lagom . . . . . . . . . 134

Konklusyon . . . . . . . . 135

Rekomendasyon . . . . . . . 137

Mga Sanggunian. . . . . . . . . 139

APENDIKS

A. Ang Sinuring Komiks . . . . . . 142

B. Bibliograpiya . . . . . . . 143

xi
1

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Maihahalintulad ang halaga ng panitikan sa isang batis na tuloy tuloy at walang

katapusan ang pagdaloy. Ito ay magwawakas lamang kung maglalaho ang mga

makalimbag na mga titik sa daigdig at kung mawawalan ng kakayahan ang tao na

magpahayag na kanilang saloobin, mga kaisipan, damdamin at mga karanasa. Mula sa

mga siping artikulo (2018) ayon sa aklat ni C.P. Sauco, et.al.

Ayon kay Arrogante (2019), Ang wika at literature ay maituturing na

magkakambal sapagkat ito at isinisilang sa bibig ng isang lahi. Maituturin na ang wika

ang pinaka kaluluwa at buhay naman ang literature. Ito ang pinaka dahilan kung bakit

dapat na sutiin at ituro ng may kahusayan ang dalawang nabanggit.

Bilang isang uri panitakan, ang nobela ay natatangi sa aspekto ng pagkakasulat at

paghahatid ng mensahe sa mga mambabasa. Maaari itong magbigay ng mga aral at

magtaglay ng mga natatagong mensahe na kinakailangan ng malalim na pagintindi at

pagsusuri upang mas maging mabisa at makatuturan ang pagbasa.

Ayon sa The Shorter Oxford Dictionary, ang nobela ay “isang naratibong

kathang-isip na nasa anyong prosa o tuluyan at nagtataglay ng malaking haba kung saan

ang mga karakter at kilos ay kumakatawan sa tunay na buhay na inilalarawan sa isang

balangkas na higit o hindi gaanong komplikado.”

Mula sa nakatala sa aklat na "Art, Narrative and Childhood" ni Teresa Grainger

(2004), ang komiks ay isang obra na nasa anyong larawan o isang grapikong midyum na

ginagamitan ng mga salita at larawan upang ipabatid at hihatid ang isang kwento o
2

salaysay. Kalimitang naglalaman ang komiks ng mga salita o kung minsa ay walang

salita at maaaring buuin ang istorya sa pamamagitan ng isa o higit pang mga larawan na

maaaring magpakita ng isang sitwasyon at magpakita o maghambing ng pagkakaiba ng

teksto upang makaapekto sa higit na mas malalim na pagpapabatid sa isang sitwasyon.

Ang dalawang uri ng panitikang ito (Nobela at Komiks) ay mga klasikong uri ng

mga akda na may kanikanilang kalakasan at kahinaan. Kung pagsasamahin at magiging

isa ang dalawang ito ay mas higit na magiging kapanapanabik at maaaring mabigyan ng

bagong buhay ang isang luma o matandang panitikan.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang Nobelang Noli Me Tangere na

akda ni Dr. Jose Rizal na nasa anyo ng komiks bilang pagtugon sa makabagong panahon

ng pagtalakay at representasyon nito. Ito ay isa sa mga obra maestrang tinatalakay sa

asignaturang Filipino kung kayat napapanahon ang ganitong uri ng bersyon. Layunin ng

pananaliksik na ito na masuri ang pagiginging epektibo ng bersiyong ito bilang panghalili

sa klasikong bersiyon sa pagtuturo. Taglay ng nobelang ito ang mga mensahe at mga aral

na nangangailangan ng mainam at masusing pagsusuri at pag-intindi upang lubos itong

maunawaan hindi lamang ng mga mag-aaral kung hind imaging ng sino mang babasa sa

akda.

Isa sa mga aspektong maaaring pagtuunan ng pansin sa pagsusuri ng isang akda

ay ang porma at pagkakabuo ng akda kung saan kaalinsabay na susuriin ang wikang

tinataglay nito.

Pormalistikong dulog ng pagsusuri ang isasagawa ng mananaliksik upang tukuyin

at maipalabas ang natural na katangian at kagandahan ng isang matandang literatura at


3

muli itong maipakilala sa pamamagitan ng naaangkop at napapanahong paraan ng

pagtalakay na sinasalamin sa komiks nitong bersiyon.

Sa pamamagitan ng pagsusuring ito mas mapapalalim ang pag-unawa at

matutukoy ang pagiging epektibong bersiyon ng obra maestrang pinag-aaralan sa

asignaturang Filipino na Noli Me Tangere na Nobela ni Dr. Jose Rizal. Layunin ng

mananaliksik na muling bigyang buhay ang pagtuturo at pagkatuto sa akdang ito sa

pamamagitan ng pagsusuri sa makabagong bersiyon ng akda na nasa anyong komiks

gamit ang pormalistikong dulog ng pagsusuri upang mapalabas ang kabisaan nito bilang

panghalili sa klasikong bersiyon.

Matapos ang pagsusuring ito, bilang isa guro sa Filipino, layunin ng mananaliksik

na matukoy ang kabihasaan ng bersiyon ng akdang Noli Me Tangere sa anyong komiks

upang mas maging makabuluhan ang pagtuturo at pag-aaral nito, hindi lamang sa mga

guro ng Filipino kung hindi maging sa mga mag-aaral.

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Taglay ng bahaging ito ang mga sandigang literatura na may kaugnayan sa

paksang tinatalakay sa pananaliksik. Sa bahaging ito matutunghayan ang mga nailimbag

na mga datos na siyang magpapalawak sa pananaliksik.

Ang mga pag-aaral at mga literaturang ito ay maaring magbigay ng linaw sa

paksang ninanais matugunan at pag-aralan ng mananaliksik. Ito ay magbibigay kalinawan

sa paksa at maaaring iging gabay sa pag-aaral o pagsusuri upang ito ay maging

matagumpaay at lubos na magkaroon ng katuturan. Ang mga ito ang inaasahang


4

makapagpapalago sa pag-aaral sapagkat ang mga ito ay siyang pangunahing salik na

nakaaapekto sa pag-aaral na ito.

Lokal na Literatura

Sagana at mayabong ang Pilipinas sa mga literature at panitikan na maaaring maging

pamantayan at batayan na maaaring maging gabay ng mga pananaliksik. Narito ang ilan:

Si Rizal

Mahigpit na tuntunin ng sa pagsuring Pormalistiko ang pag-iisang tabi sa mga

panlabas na aspekto na maaaring makaapekto sa pagkakabuo nito tulad na lamang ng

talambuhay ng may akda. Sa kabila nito maiging alamin kasaysayan ng buhay ng may

akda ng panitikang tatalakayin na si Dr. Jose Rizal.

Ayon sa mga tala, si Jose Rizal, isa sa pinakamahalaga at maimpluwensyang

manunulat at henyo noong huling bahagi ng dekada 1800, siya ay kilala sa kanyang mga

rebolusyonaryong gawa at sa kanyang pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino. Ang

mga akda ni Rizal ay madalas na hinahamon ang kolonyal na pamahalaan at

pinagtatalunan ang mga karapatan ng mga katutubo ng Pilipinas. Ang kanyang mga gawa

ay malawakang binasa at hinahangaan ng mga iskolar at estudyante sa buong mundo.

Si Rizal o kilala bilang Pepe na ang buong pangalan ay José Protasio Rizal

Mercado y Alonso Realonda, ay ang pambansang bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga

Espanyol sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El

Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa bansa. Siya ay isang

napakatalinong tao; hindi lamang isang manunulat, magsasaka, manggagamot, siyentista,

makata, imbentor, iskultor, at iba pa, kundi isang mahusay na atleta, martial artist, at

eskrimador.
5

Ang mga magulang ni Rizal ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Y

Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Siya ay ikapito sa labing-

isang magkakapatid at bunso sa dalawang lalaki. Siya ay isinilng noong ika-19 ng Hunyo

taong 1861 sa Calamba Laguna.

Kung titingnan ang kasaysayan ng kanyang pamilya, ang kanyang ama ay anak ng

isang negosyanteng Instik na nagngangalang Francisco Mercado Domingo Lam-co at ang

kanyang ina ay isang mestisong Intsik na nagngangalang Ines dela Rosa.

Hindi mapagkakailang intsik ang apelyidong Lam-co kaya’t ito’y madalas maging

dahilan ng pagdanas ni Domingo Lam-co ng diskriminasyon. Upang ito ay maiwasan at

makasunod sa kautusan ni Gobernador Claveria sa pagpapalit ng pangalang Pilipino

noong taong 1849, pinalitan ang Lam-co ng apelyidong kastila at kaniyang napili ang

Mercado dahil na rin ito ay bagay sa kanya bilang isang negosyante sapagkat ang

kahulugan ng salitang Mercado ay palenke. Kilala bilang mangangalakal ang Pamilyang

Lam-co noon sa bayan ng Biñan sa laguna.

Ang mga ninuno ni Rizal ay tanyag na mga negosyante ngunit ang kanyang ama

ay isang magsasaka. Isa siya sa mga empleyado ng Hacienda Dominicana sa Calamba,

Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay idinagdag lamang sa pangalan ng kanilang angkan sa

pamamagitan ng eksikutibong utos na inilabas ng Gobernador na si Claveria noong 1849

at ito ay nagmula sa salitang Espanyol para sa berdeng bukid.

Masasabing mayaman ang pamilya ni Rizal dahil ang pamilya ay napakasipag,

matiyaga at talagang masigasig.


6

Noong si Rizal ay tatlong taong gulang, noong taong 1864, tinuruan siya ng

kanyang ina ng abakada at napansin niya na ang anak ay may kakaibang katalinuhan at

kaalaman, bagama't siya ay kulang sa mga libro, ang ginang ay siyang naging ng unang

batong tungtungan ni Rizal sa pagtuklas sa iba’t ibang karunungan nito.

Noong siya ay siyam na taong gulang, ipinadala si pepe sa Binan at nag-aral kay

Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkatapos ng ilang buwan ay pinayuhan siyang

lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng mga guro ay itinuro na kay Rizal.

Noong Enero 20, 1872, pumasok si Jose sa Ateneo Municipal de Manila.

Nagpakita siya ng natatanging katalinuhan at nakamit ang lahat ng pangunahing medalya

at matataas na marka sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito nakakuha siya ng sertipiko

ng Bachiller en Artes at isang sobresaliente note, kasama ang pinakamataas na

kahusayan.

Nang sumunod na taon ay nag-aral siya ng Pilosopiya, Panitikan at Agham Pang-

agrikultura sa Ateneo Municipal Manila sa Unibersidad ng Santo Tomas si Rizal. Siya ay

kumuha rin ng kursong Medesina sa unibersidad at umalis patungong Europa noong 5

Mayo 1882 upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagtapos siya sa mga kursong ito noong 1884 at 1885 at nag-aral ng medisina,

pilosopiya at panitikan sa Madrid sa Espanya. Noong 1884, nagsimulang mag-aral ng

Ingles si Rizal. Alam na niya ang Pranses sapagkat nag-aral na siya ng wikang ito sa

Pilipinas pa lamang. Bilang karagdagan sa mga wikang ito, natutunan din niya ang mga

wikang Aleman at Italyano habang naghahanda para sa isang paglalakbay sa ilang mga

bansa sa Europa. Alam niya kung gaano kahalaga ang mga wikang ito upang matutunan

ang mga kaugalian ng mga tao roon at kung paano sila naiiba sa mga Pilipino sa bagay na
7

ito. Ang pag-aaral sa kasaysayan ng mga bayang nabanggit ay makakatulong sa mga

kababayan na maaaring matuto sa kanilang kaalaman. Bunsod nito, si Rizal ay maaaring

ituring na isang dalubwika.

Ayon kay Retana, isinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa

bayan ng Madrid noong huling bahagi ng 1884, ang ikaapat sa Paris, at ang isa pa sa

Alemanya. Ito ay inilimbag sa Berlin at noong Marso 1887 ay 2,000 kopya lamang ang

nailimbag. Ang doctor na mula sa San Miguel, Bulacan, na si Maximo Viola ang

nagbayad ng 300 piso upang ito ay maipalimbag.

Ang El Filibusterismo ay ang susunod na aklat ng Noli Me Tanger, na inilathala

sa Ghent, Belgium noong 1891.

Ang Liga Filipina ay itinatag noong Hulyo 3, 1892, ni Dr. Jose Rizal. Ang lihim

na asosasyong ito ay itinatag na may layuning makamit ang pagbabago sa PIlipinas sa

paraan ng paggawa ng gobyerno sa mapayapang paraan, sa halip na sa pamamagitan ng

rebelyon. Noong Agosto 5, 1887 bumalik siya sa Pilipinas. Noong Pebrero 3, 1888, muli

siyang umalis upang naiwasan ang galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli

Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong Hunyo 26, 1892. Noong Hulyo 7, 1892,

ipinatapon si Rizal sa Dapitan nang siya ay madakip, isang maliit na bayan sa hilagang-

kanluran ng Mindanao, dahil sa alegasyon na siya ay sangkot sa paghihimagsik noong

araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan upang turuan ang

labing-apat na lokal na bata.

Habang nagaganap ang isang digmaan, sa takot niya na madamay sa kilusang

rebelde noong Digmaang Espanyol-Cuban, humiling siya ng pahintulot na maglingkod sa

isang ospital sa Cuba. Binigyan niya si Kapitan Blanco ng isang liham na nagpapatunay
8

na hindi siya kailanman nakibahagi sa pag-aalsa sa Pilipinas. Gayunpaman, bago matapos

ang 1896 ay inaresto siya at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Real Puerza de Santiago sa Maynila. Nang dinala siya sa

tribunal ng militar at nilitis, hinatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pabaril sa

Bagumbayan.

Ang Noli Me Tangere

Ang pamagat ng Nobelang Noli Me Tangere ay hango sa Latin na may

kahulugang “huwag mo akong salangin (hawakan). Ito ay mula sa aklat ng Juan 20:17 sa

bibliya na nagsasaad ng turan ni Jesus kay Maria Magdalena na “huwag mo akong

salangin sapagkat ako’y hindi pa nakaaakyat sa kaing ama”.

Ayon sa kasaysayan, ito unang nobelang naisulat ni Rizal. Kaniya itong inilathala

noong siya ay nasa edad na dalawampu’t anim na tanong gulang. Isa ito sa

makasaysayang aklat kaalinsabay ng karugtong nitong nobela na kaniya namang

pinamagatang El Filibusterismo sapagkat sinasabing ito ay isa sa naging instrumento para

makabuoang mga Pilipino sa kaniyang panahon ng sariling pagkakakilanlan. Ayon sa

mga tala, hindi man tuwiran, ang aklat ni Rizal na ito ay malaki ng naging impluwensya

sa naganap na rebulusyon sa kaniyang panahon subalit ito ay taliwas sa hangarin at

pananw ni Rizal sapagkat siya mimo ay hindi naniniwala sa isang madahas na pagkilos.

Bagkos si Rizal ay naniniwala at hinahangad na mabago ang kaiyang lipuan sa isang

mapayapang paraan. Ang akda niyang ito ay orihinal na nakasulat at inilathala sa wikang

kastila.

Sinimulang isilat ni Rizal ang kaniyang nobela sa bayan ng Madrid sa España.

Bago siya umalis ng Paris ay natapos niya ang unang kalahating bahagi nito at
9

nakumpletoang huling bahagi nito sa bayan ng Berlin sa Alemanya. Nagsilbing bilang

tagapayo at tagabasa ni Rizal ang bantog na manunulat na si Vicente Blasco Ibañez.

Ang Pangungahing tinatalakay ng nobelang Noli Me Tangere ay ang kinagisnang

kultura ng Pilipinas sa Panahong ng may akda rito kung saan ipinakikita na pagiging

kolonya ng ng Espanya ang Pilipinas. Ilan sa mga binatikos at inihayag no adkdang ito ay

ang mga bisyong nakasanayan ng mga Pilipino at kung sino ang may hawak ng

kapangyarihan sa lipunan sa panahong iyon, ang simbahang katoliko na sinasabing higit

pa ang hawak na kapangyarihan kaysa sa pamahalaan.

Nagbunsod ng kontrobersiya ang akda ni Rizal na ito kung kaya nang siya ay

makabalik sa Pilipinas, ilang araw pa lamang, siya ay inabisuhan at ipinatawag ng noo’y

Gobernador-Heneral na si Emilio Terrere upang magtungo sa Malacañang. Kaniyang

inihayag na ang akdang Noli me Tangere ay puno ng subersibong ideya. Ng matapos ang

kanilang usapan, napayapa ang kalooban at pag-iisip ng Gobernador Heneral ngunit

kaniyang binalaan si Rizal na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan

kung ito ay kikilos laban sa akda ni Rizal at kay Rizal mismo.

Narito ang bahagi liham ni Rizal sa Leitmeritz kung saan mababakas ang

persekusyon sa kaniya;

“Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto

nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga

Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang

salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng

plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng

dilim ...
10

Sa bahaging ito ng liham, mahihinuha na malaki ang naging epekto ng akda sa

buhay ni Rizal at sa Bayan sapagkat ito ang isa sa sinasabing naging mitsa ng kaniyang

buhay.

Ang Bisa ng Isang Akda

Maiuugnay ang tatlong domeyn ang bisa ng isang akda. Inilalahat ni Haghshenas

(2015) sa kaniyang artikulo na may mahalagang ipokus ang pagsulat ng isang literature

sa mga aspektong pandamdamin, pangkaisipan at pangkaasalan upang epektibong

mahubog nito ang pagkatao ng isang indibidwal.

Sa pagsusuri ni Dangilan (2015), Ituro ang maraming kabutihang pampanitikan na

mapupulot sa iba’t ibang akda na magagamit sa totoong buhay. Inilalarawan ng mga

may-akda ang mga pakinabang ng paggamit ng mga pamamaraang pampanitikan para sa

pagsusuri.

Sang-ayon naman kay Garcia (2015) sa pagsusuring “Ang Bagong Depinisyon ng

Relasyon sa Tula ni Ruth Elynia Mabanglo: Kung Ibig moAkong Makilala” Naipakikita

ang kahalagahan ng bisang pampanitikan upang makapulot o makakuha ng mga aral mula

sa mga akda.

Sa mga tuntunin sa bisang pangkatauhan, ang sanggunian sa Oxford ay nagsasaad

na ang affective efficacy ay isang pagtatasa kung paano nakakaapekto ang isang akda sa

damdamin ng isang mambabasa. Ang pagpapakita ng bisa sa panitikan ay mahalaga sa

patuloy na pag-unlad ng panitikang Filipino


11

Panitikan

Ayon kay Romulo Peralta, et.al.(2014), Ang panitikan ay isang hiyas na

nagpasalinsalin sa ating kultura, isang tulay na nag-uugnay sa atin sa iba't ibang kultura

sa buong mundo.

Sa katunayan, ang panitikan ay isang napakahalagang kaban mapagkukunan

kaalaman dahil naglalaman ito ng tunay na napakahalagang mga aral sa buhay. Ang isa

pang tungkulin na maaaring gampanan ng panitikan ay ang pagbibigay ng tulay sa lahat

sa ibang bansa, dahil ang bawat panitikan ay may dalang kultura na nagmula sa bansang

pinagmulan. Alam ng marami na ang dahilan kung bakit maraming bansa ang nag-aaway

sa isa't isa ay dahil sa hindi pagkakaunawaan na dulot ng iba't ibang paniniwala. ngunit

kung alam ng lahat ang paniniwala ng ibang bansa ay siguradong magkakaintindihan ang

bawat isa. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng panitikan.

Hinggil naman kay Zeus Salazar (1995), Ito ay isang puwersa na nagtutulak sa

mga lipunan ng tao sa lahat ng uri, isang makapangyarihang kasangkapan na may

kakayahang magpalaya ng mga ideya na nagpupumilit upang makalaya. Isa rin itong

kakaibang karanasan ng tao na natatangi sa sangkatauhan.

Ang panitikan ay ang mga naisin at ideya ng tao na nakakulong sa isipan ng

manunulat. Ang ganitong mga pagnanasa ay hindi maisakatuparan dahil sa dikta ng

lipunan at limitadong kakayahan ng mga tao at mga hangarin na hindi matutupad. Ang

pagkabigo na ito ay nag-uudyok sa mga tao na gumawa ng panitikan.

Mula sa isang artikulo (2011) turan ni Arrogante, Ang panitikan ay talaan ng

buhay. Nakakatuwang marinig na ang panitikan ang talaan ng buhay, dahil lahat ng

akdang pampanitikan ay nagsisimula sa mga udyok ng karanasan ng tao. Gumagalaw ang


12

mga tauhan sa mga pangyayari ayon sa kanilang imahinasyon. Ang mga tauhan ay

maaaring mga repleksyon ng mismong may-akda, o maaaring sila ay mga kakilala na

akmang-akma sa pagkilos ng mga tauhan na gumagalaw sa akda.

Ayon kay A.A. Luces (2016), Ang pagbabasa ay ay nabubunsod ng iba't ibang

personal na kasanayan. Samakatuwid, ang pagbabasa ay napakahalaga para sa isang

indibidwal. Napakahalaga ng panitikan dahil itinutugma nito ang kanyang pag-aaral sa

mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, kanyang bansa, at marami pang iba

na hinubog ng kanyang pagkatao.

Sa panitikan, naririnig ng mga indibidwal kung paano nito hinuhubog ang

kanilang pagkatao. Ang kamalayang pampanitikan ay nagdidikta rin kung ano ang tama,

kung ano ang mali, at kung ano ang hindi katanggap-tanggap. Kaya naman, nararapat na

pagbutihin ang sistema ng edukasyon at pagtuunan ng pansin ang mga pag-aaral sa

panitikan. Dahil malaki ang impluwensya nito sa mga batang mambabasa. Ito rin ay isa

sa mga layunin ng pananaliksik na ito.

Ang Komiks

Ayon sa artikulo ni T. Grainger (2011) Ang komiks ay isang grapikong midyum

na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o

kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o

higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng

teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang

komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang

lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling

ekspresyon.
13

Mulasa aklat na A History of the Comic Book (2013), Ang aklat o magasin na

komiks ay isang paglalathala na naglalaman ng sining ng komiks sa anyong guhit-

larawan na sinasalaysay at naaayos ng may pagkakasunud-sunod sa mga panel. Ang mga

panel ay kadalasang may kasamang naglalarawang prosa at nakasulat na salaysay,

kadalasan, ang salitaan ay nasa lobong tulad na nasa sining ng komiks. Bagaman may

ilang pinagmulan ang komiks sa ika-18 siglong Hapon, naging popular ang aklat o

magasin na komiks sa Estados Unidos at Reino Unido noong dekada 1930. Ang unang

makabagong aklat o magasin na komiks, ang Famous Funnies, ay nilabas sa Estados

Unidos noong 1933 at ito ay isang muling paglilimbag ng naunang katatawanang istrip

ng komiks sa pahayagan, na naitatag ang mga kaparaanan sa pagkukuwento na ginagamit

sa komiks.[1] Sa wikang Ingles, hinango ang katawagang comic book mula sa mga

Amerikanong aklat ng komiks na una naging isang pagtitipon ng mga istrip ng komiks na

katatawanan; bagaman, napalitan ang kasanayan na ito sa pamamagitan ng pagtampok ng

kuwento sa lahat ng uri, kadalasang hindi nakakatawa.

Isinasaad mula sa artikulo ni Mary Ballis (2015) Ang Makukulay na Kasaysayan

ng Mga Komikeng Aklat at Mga Dyaryo ng Cartoon Strip. Ang comic strip ay isang

mahalagang bahagi ng pahayagan ng Amerika simula nang unang lumitaw ang higit sa

125 taon na ang nakalilipas. Ang komiks ng dyaryo, na madalas na tinatawag na funnies

o mga nakakatawang pahina, ay mabilis na naging popular na anyo ng entertainment.

Ang mga character tulad ng Charlie Brown, Garfield, Blondie at Dagwood, at iba pa ay

naging mga kilalang tao sa kanilang sariling karapatan, nakaaaliw na henerasyon ng mga

taong bata at matanda.

Bago ang mga Pahayagan


14

Ang mga guhit na panitikan, na madalas na may baluktot na pulitika, at karikatura

ng mga bantog na tao ay naging popular sa Europa noong unang mga 1700. Ang mga

printer ay magbebenta ng mga murang kulay na mga kopya ng lampooning mga pulitiko

at mga isyu ng araw, at ang mga eksibisyon ng mga kopya ay popular na mga atraksyon

sa Great Britain at France. Ang mga British artist na si William Hogarth (1697-1764) at

George Townshend (1724-1807) ay dalawang pioneer ng daluyan.

Ang mga komiks at mga guhit ay nilalaro din ng mahalagang papel sa kolonyal na

U.S. Noong 1754, nilikha ni Benjamin Franklin ang unang editorial cartoon na inilathala

sa isang pahayagan sa Amerika. Ang cartoon ng Franklin ay isang paglalarawan ng isang

ahas na may pinutol na ulo at may naka-print na mga salitang "Sumali, o Die." Ang

karikatura ay inilaan upang ilagay ang iba't ibang mga kolonya sa pagsali sa kung ano

ang magiging Estados Unidos.

Ang mga magasin sa Mass circulation tulad ng Punch sa Great Britain, na itinatag

noong 1841, at Harper's Weekly sa U.S., na itinatag noong 1857, ay naging bantog sa

kanilang masalimuot na mga guhit at mga kartun pampulitika. Ang Amerikanong

ilustrator na si Thomas Nast ay naging bantog sa kanyang mga karikatura ng mga pulitiko

at satirical illustrations ng mga kontemporaryong isyu tulad ng pang-aalipin at katiwalian

sa New York City. Nast ay din kredito sa inventing ang asno at mga simbolo ng elepante

na kumakatawan sa Demokratiko at Republican partido.

Ang Unang Komiks

Habang popular ang mga karikatura sa pampulitika at nakapag-iisang guhit noong

unang bahagi ng ika-18 siglong Europa, hinanap ng mga artista ang mga bagong paraan

upang matugunan ang pangangailangan. Ang Swiss artist na si Rodolphe Töpffer ay


15

kredito sa paglikha ng unang multi-panel comic noong 1827 at ang unang larawang

inilarawan, "The Adventures of Obadiah Oldbuck," isang dekada mamaya. Ang bawat isa

sa 40 mga pahina ng libro ay naglalaman ng ilang mga panel ng larawan na may

kasamang teksto sa ilalim. Ito ay isang malaking hit sa Europa, at sa 1842 isang bersyon

ay nakalimbag sa U.S. bilang isang suplemento sa pahayagan sa New York.

Habang nagbago ang teknolohiya sa pag-print, na nagpapahintulot sa mga

mamamahayag na i-print nang malalaking halaga at ibenta ang kanilang mga publikasyon

para sa isang nominal na gastos, nagbago rin ang mga nakakatawang mga guhit. Noong

1859, Aleman na makata at artist, si Wilhelm Busch ay naglathala ng mga karikatura sa

pahayagan ng Fliegende Blätter. Noong 1865, nag-publish siya ng isang sikat na comic

na tinatawag na "Max und Moritz," na nagsasalaysay ng mga escapades ng dalawang

batang lalaki. Sa U.S. ang unang comic na may regular na cast ng mga character, "Ang

Little Bears," na nilikha ni Jimmy Swinnerton, ay lumitaw noong 1892 sa San Francisco

Examiner. Naka-print ito sa kulay at lumitaw sa tabi ng taya ng panahon.

Ang Yellow Kid

Kahit na maraming mga cartoon character na lumitaw sa Amerikano pahayagan

sa unang bahagi ng 1890s, ang strip "Ang Yellow Kid," na nilikha ng Richard Outcault,

ay madalas na binanggit bilang ang unang tunay na comic strip. Una na inilathala noong

1895 sa New York World, ang strip ng kulay ang unang gumamit ng mga bula ng

pagsasalita at isang tinukoy na serye ng mga panel upang lumikha ng mga nakakatawang

narrative.Ang paglalang ng Outcault, na sumunod sa mga kalokohan ng isang kalbo,

dala-sa-tapat na kalye ng isang batang babae na bihis sa isang dilaw na damit, ay mabilis

na naging isang hit sa mga mambabasa.


16

Ang tagumpay ng Yellow Kid ay mabilis na nagsusulong ng maraming imitators,

kabilang ang Katzenjammer Kids. Noong 1912, ang New York Evening Journal ang

naging unang pahayagan upang ilaan ang isang buong pahina sa mga comic strips at

single-panel cartoons. Sa loob ng isang dekada, ang mga mahahalagang cartoons tulad ng

"Gasoline Alley," "Popeye," at "Little Orphan Annie" ay lumilitaw sa mga pahayagan sa

buong bansa. Sa pamamagitan ng 1930s, karaniwan ang mga full-color standalone na

seksyon na nakatuon sa komiks.

Ang Golden Age at Beyond

Ang gitnang bahagi ng ika-20 siglo ay itinuturing na ginintuang edad ng mga

komiks sa pahayagan habang lumalawak ang mga piraso at lumalaki ang mga papel. Ang

tiktik "Dick Tracy" debuted noong 1931. "Brenda Starr" ang unang cartoon strip na

isinulat ng isang babae ay unang inilathala noong 1940. Dumating ang "Peanuts" at

"Beetle Bailey" noong 1950. Iba pang mga tanyag na komiks ang "Doonesbury" (1970)

"Garfield" (1978), "Bloom County" (1980), at "Calvin and Hobbes" (1985).

Ngayon, ang mga piraso tulad ng "Zits" (1997) at "Non Sequitur" (2000), pati na

rin ang mga classics tulad ng "Peanuts," ay patuloy na nagbibigay-aliw sa mga

mambabasa ng pahayagan. Subalit ang mga sirkulasyon ng pahayagan ay unti-unti nang

bumaba dahil sa kanilang pagtaas noong 1990, at ang mga seksyon ng komiks ay

lumampas nang malaki o nawala nang buo. Ngunit habang tinanggihan ang mga papeles,

ang internet ay naging isang masiglang alternatibo para sa mga cartoons tulad ng

"Dinosaur Komiks" at "xkcd," nagpapakilala ng isang buong bagong henerasyon sa mga

kagalakan ng komiks.
17

Ang Nobela

Sa librong panitikang Pandaigdig nina Ambat, et.al. (2015) sinasaad na ang

nobela ay bungang isip o katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat ang

haba na nag bangahay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan. Ito’y naglalahad ng

isang kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas na

nagbibigay kasiyahan sa mga mambabasa na naglalaman ng iba’r ibang paksa.

Sa librong A Guide To the Study of Literature: A Companion Text For Core

Studies 6, Landmarks of Literature isinasaad sa pahayag na ang nobela ay naglalahad ng

manipestasyon ng katotohanan at buong pagkatao ng isang indibidwal at pagpapakita ng

reyalidad ng mga pangyayari sa lipunan. Ipinakikita rin sa nobela ang kalagayan ng isang

taosa lipunang kaniyang ginagalawan. Higit itong mahalagadahil nagsisilbing bayani ang

mga tauhan sa akda at mahusay na pinatatakbo ng mga ito ang nobela.

Ang nobelang tatalakayin sa pananaliksik na ito ay nagpapakita ng kalagayang

panlipunan sa nakaraan na maaaring maiugnay at mabakas magpasa hanggang sa

kasalukuyan.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng nobelang tagalog, subalit sa katuktukan ng ilusyon

at imahinasyon. Nagkakaiba-iba na lamang sa depinisyon batay sa mga katangian

nagdaragdag at natitisod sa pagpapalit ng panahon subalit ang mga kaisipat o konsepto pa

ring naglulublob at nakalublob na sa “Romantisismo” kahit man estilo ng Filipino. Ito ay

ayon sa artikulo ni Alcantara(2014).

Binanggit naman ni E. San Juan Jr. (2013), sa kanyang kritisismo sa mga nobela

ni Abueg, “ang nobela ay siyang natatanging diskurso ng mundong walang direksyon,


18

katuturan o kanininatnan ang kapitalista o burgesyang Sistema na umiiral pa sa hanggang

ngayon, kaakibat ang masahol na kabulukan at kabulukan ng mga panginoong may-ari.

Mula sa mga siniping tala ng Atisan Novels (2012) Ang nobela, akdang-

buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang

kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,

naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong

pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o

maraming tiyak na istilo.

Nobelang Pilipino

Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang

nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino

at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang

Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at

Kastila.

Mga impluwensiya sa pagsulat ng Nobelang Pilipino

Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino

ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue, ang

Conde de Montecristo (1844–46) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre

Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.

Kasaysayan ng Nobelang Pilipino


19

Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may

paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago.

Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

Panahon ng Kastila

Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na

nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.

Panahon ng Amerikano

Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano,

ang Panahon ng AklatanBayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934) at

Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging

maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik,

buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-

yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng

Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.

Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga

nobelista na sumulat tula at maikling kuwento.

Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa

pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kuwento at pagbabago ng panahon.

Panahon ng Hapon

Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa

materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)


20

Halimbawa ng nobela sa panahong ito:

Noong panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas, walang pagbabago sa sistema ng

pagsulat ng nobela at naging tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa

nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.

Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)

Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng

mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na

pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa

pamantayang pangkalakalan (commercial).

Pagsusuri at Teoryang Pormalistiko

Ang pagpapalagay na teoretikal, ay sinusuportahan ng tatlong teoriyang

pampanitikan: ang pormalistiko at ekpresibo. Nagsisilbing batayan sa pagsuusuri at

pagpapakahulugan ng mga datos sa pag-aaral. Ang Teoriyang Pormalistiko ay isang uri

ng kritisismong pampanitikan na nagbibigay- diin sa porma ng isang teksto at hindi sa

nilalaman. Binibigyan ng markadong atensyon ang istruktura, istilo at paraang artistiko

ng isang akda. Ginagamit ang teoriyang ito dahil kaugnay nito ang kuwentong ay may

mgaelementong napapaloob na ginagamit sa pagsusuri at para mabigyang-linaw ang mga

mambabasa (The Official Website of Panitikan). Mahalagang malaman ang mga porma o

instruktura sa pagsusuri ng akda para malinaw at masuri ito nang mabuti. Ang bawat

elemento ay pag-aralan at bubusihin nang maayos upang makapagbuo ng mabisang

pagaanalisa sa istruktura ng bawat kuwento. Maraming mananaliksik at kritiko ang

nakatuklas sa pinag-ugatan ng teoriyang ito, kabilang na ang isinulat ni Coleridge na


21

itinuturing niyang “buhay” dahil sa kaisahang nakapaloob dito (Villafuerte 22).

Idinagdag niya na ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anyo ng akda ay ang tanging

layunin ng pormalistang pagsusuri. Ang buhay ng may-akda ay hindi binibigyang-diin sa

teoryang ito, wala itong kasaysayan, at walang sosyolohikal, pampulitika, sikolohikal, o

pang-ekonomiyang implikasyon. Kaya, ang layunin ng teorya ay tukuyin (1) ang

nilalaman, (2) ang anyo o istraktura, at (3) ang paraan kung paano isinulat ang akda

(Villafuerte 22), dahil ang mga pisikal na katangian ng akda ay ang kakanyahan. Marapat

na isantabi ang kaisipan sa pinagbabatayan o orihinal na mga elemento, emosyonal man o

mental na maaaring maka apekto sa akda: Sa pagtataya ng nilalaman ng paksa, ayon sa

pagkakabanggit, ang bawat salita na bumubuo sa isang pangungusap, ang tono ng isang

pahayag, o isang simpleng pahayag ng isang kuwento. Ito ang dapat na isakatuparan.

Ang pahayag na ito ay nagsasaad na ang pagsusuri ay nagdadala sa mga abstract na

kaisipan at ideya nang mas malapit sa mas tiyak na mga konsepto. Ang mga salita ay

kadalasang may nakatagong mga pahiwatig, kaya maaari itong ibase sa tono at istruktura

ng pangungusap.

Maaaring ring maging pansuportang teorya ang teoryang dekonstruksyon ay

nagsimula noong 1950 sa Pransya, kinilala ito bilang isang makabagong pamamaraan ng

pagsusuri na kung saan para sa ilan ay mas mahusay na gamiting teorya sa pagsusuring

pampanitikan. Pagkalipas ng mga dekada lalong naging kagamit-gamit ang teoryang ito

partikular sa bansang Estados Unidos, dahil sa ang kalikasang taglay ng teoryang ito ay

ang pagtutuon sa wika. Dahil ang wika ang ginulo upang maitago ang kahulugan kaya ito

rin ang kailangang tuklasin. Isa pa sa mahalagang katangian nito ay ang kaugnayan ng

buhay ng tao sa akda. Ang mga natatanging aspeto ng teorya ng dekonstruksyon ay


22

patuloy na nagbago at muling binuhay at pinayayabong ang pag-aaral ng panitikan sa

mula Estados Unidos at iba pang mga bansang kumikilala rito.

Panunuring Pampanitikan

Base sa artikulong inilathala noong 2013, isang intensibong na pag-aaral ng mga

akdang pampanitikan ang Literary Criticismgamit ang iba’t- ibang dulog at estratehiya

para sa mabisang pag-unawa sa mga natatanging akdang pampanitikan.

Ang isang malalim na kaalaman sa fiction ay kinakailangan para sa pagsusuri

paghusga sa pangkalahatang nilalaman ng akda, ang paraan ng pagkakabuo at ang paraan

o istilong na ginamit ng may-akda. Ang kritiko ay dapat ding magkaroon ng opinyon

bilang resulta ng isang layunin na pananaw, alinman sa laban o para sa kathang-isip, kaya

mahalagang maging tapat siya.

Mahalaga ang pagpapaliwanag o pagpuna sa isang akda upang maipahayag ang

kahalagahan nito. Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan na may

iba't ibang likas na elemento at magkakaugnay ay ang kapaligiran.

Ang panitikan at mya dalawang layunin: una ay upang magbigay ng

kaginhawahan at edukasyon, kaya mahalaga rin na ang mga etikal na gawi ay may

pinagtutuunan at kinikilingan. Mula rito, Maraming mga paksa ang maaaring gamitin

bilang paksa tulad na lamang ng mga pangyayari, sitwasyon at mga palapalagay.

Panitikan ring maituturing ang Isang koleksyon ng masaganang mga sulatin o mga kopya

sa isang natatanging wika. Ang karanasan ang isa sa pinaka mahalagang salik sa

sangkatauhan na nagtuturo upang makalikha ng isang magandang panitikan. Ang

pinakamahalagang balido sa panitikan; Ang isang manunulat ay hindi maaaring maging


23

malikhain nang walang pagkiling sa pag-uugali. Pinapakilos nito ang isipan ng mga

mambabasa na umunlad at umunlad, kaya naman tinawag itong mabisang pag-iisip.

Ang larangan ng pag-aaral ng panitikang ito ay ang malalim na pag-unlad ng mga

akdang pampanitikan gamit ang iba't ibang pamamaraang kritisismo upang maging

mabisa ang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at akda. Ang pagsusuri ay

nangangailangan ng malalim na kaalaman sa akdang sisipatin, gayundin ang buong

nilalaman ng akda, ang paraan ng pagkakaayos nito at ang pamamaraang ginamit ng

may-akda.

Bilang resulta ng layunin ng pananaw, ang kritiko ay dapat ding magkaroon ng

opinyon laban sa kung iibahin o hindi ang fiction, kaya mahalagang maging tapat siya.

Ang pinakamahalagang bagay na nagtuturo kung paano lumikha ng natatanging panitikan

ay ang karanasan.

Pagtuturo ng Panitikan sa Batayang Edukasyon sa Pilipinas

Mula sa paahayag ni Rolando (2011) Sa isang nationwide seminar na dinaluhan

ng mga edukador ng Filipino, mula sa pribado at pampublikong paaralan sa iba't ibang

lugar sa bansa, sinimulan niya ang pagtalakay sa tanong na: Ano ang iyong mga

problema sa pagtuturo ng mga panitikan sa iyong mga mag-aaral? Marami at iba-iba ang

mga reaksyong natanggap niya mula sa mga kalahok sa seminar, ngunit kadalasan ay ang

kawalan ang ng interes at motibasyon ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pag-aaralng mga

akdang pampanitikan. sa kabilang dako, nagsagawa siya ng isang maliit na servey sa isa

sa kaniyang mga klase sa kolehiyo sa Filipino. Tinanong ng tagapagtalakay ang mga

estudyante kung sila ay interesadong magbasa ng literatura. Aniya, hindi na siya nagulat

na ilan lang ang nagtaas ng kamay. Tinanong ng tagapagsalita ang mga hindi na nagtaas
24

ng kamay kung bakit. Mula sa mga ito ay nakakuhay siya umano ng iba't ibang sagot sa

tanong na ito. Ngunit nang tanungin na niya ang isa sa kanila kung bakit hindi siya

hinimok sa elementarya at hayskul na tangkilikin ang literatura, nakatanggap lamang siya

ng ilang mga panunuya mula sa kanilang mga dating guro. Sa katunayan, maraming

iskolar pa nga ang sumasang-ayon na responsible ang mga guro sa kawalan ng interes ng

mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga literatura, lalo na kapag pinag-uusapan ang

panitikang Filipino. kung nagbabasa sila, ito ay dahil pinababasa sila ng guro. Sa isang

panayam, ayon sa mga sipi: ... malaki ang epekto ng paraan ng pag-aaral at pagtuturo

ngliteratura sa mga paaralan. Hinahayaan magdaos ang mga mag-aaral na gumawa ng

isang kompetisyon upang maisaulo ang nilalaman ng panitikan. Sinasabi ang "mabuti" sa

sinumang makakasagot sa mga tanong na nagsisimula sa Sino, ano, ano, kailan, saan

tungkol sa itinuro na aralin sa panitikan.

Dagdag pa niya, sa kaniyang panonood sa mga pagpapakitang-turo ng mga mag-

aaral na nagdadalubhasa sa larang sa Filipino, bagama’t magkakaiba ang mga paksa nila,

tila “Urbana at Feliza” ang tinatalakay nilang akda. Ito marahil sa kadahilanang, iyon ang

turo ng kanilang gabay na guro o iyon ang kanilang nakagawian mula kanilang pag-aaral

sa elementarya at at sekundarya. Ang mga akda ay kanilang binabasa lamang upang

tukuyin ang mga aral na maaaring mapupulot. Karaniwan din para sa maraming guro na

igiit ang makasaysayang karanasan ng may-akda at ang kanyang talambuhay. Marami

ang tila nakakalimutan na ang panitikan ay hindi kasaysayan. Gumugugol ang mga guro

ng oras sa pagtalakay sa background ng manunulat o sa mga detalye ng buhay ng

manunulat. Ang gayong mga guro ay hindi nagturo ng panitikan, ngunit kasaysayan. Ito

ang kadahilanan na panitikan ang kinakailangan talakayin at ituro at hindi kung ano pa
25

mang aspekto ng akda. Idinagdag ni Badayos ang mga sumusunod na obserbasyon: Ang

pamantayang pag-aaral ay hindi tungkol sa tunay na katangian ng panitikan. Sa pag-aaral

ng akdang pampanitikan, laging sinasabi ng guro ang nakikita at nararamdaman sa akda.

Ang kanyang tungkulin na pahintulutan ang mga mag-aaral na maranasan ang kabuuan

ng akda ay ganap na nakalimutan.

Mula sa isang artikulo noong 2016 ukol sa bagay na ito: “Kinailangang tanggalin

ang materyal mula sa alpombra ng Cinderella. Noon pa man ang gampanin na ng

litaratura ang pagtuturo ng pagbabasa, pagtuturo ng mga naaayong gawi o mga bertud,

pagbuo ng magagandang ideya at pag-unawa sa kasaysayan ng mga tao at ibang bansa

ay naging lingkod sa silid-aralan. Siyempre, totoo na ang ang literatura kapaki-

pakinabang sa lahat ng ito at iba pang mga bagay ngunit ang literatura, una sa lahat at

isang sining at nararapat na maituro para sa sarili nitong kapakinabangan at upang

mapanitili ang kakanyahan ng mga ito. Ang lahat ng iba pang salik na nauugnay sa

pag-aaral ay pangalawang desisyon na lamang..”

Kaya naman kailangang baguhin ang kurikulum ng panitikan para sa batayang

edukasyon. Kung gayon, ang kasalukuyang tanong ay: Paano ba dapat ituro ang isang

panitikan sakasalukuyang batayang edukasyon?

Itinuturo ang panitikan sa pangatlo at pang-apat na taon. Binigyang-diin ng

bagong kurikulum naang paglalarawan ngpag-aaral na ito ay Pampanitikan o Pag-unawa

sa Pagbasa. Tila isang paalala na angpaggamit ng salitang kritisismo at pag-unawana ang

pag-aaral ng panitikan sa bagong kurikulum ay mas nakahihigit sa nakaraang kurikulum

at sa gayon ay umuunlad hindi lamang sa literal na pag-unawa, ngunit higit sa lahat sa

mas mataas na pagkakasunud-sunod. Sa ikatlong taon, nakatuon ang Filipino sa pagsusuri


26

ng iba't ibang uri o genre ng panitikansa bansa, habang sa pagsusuri ng iba'tibang genre

ngkatutubong panitikan at panitikang Asyano sa ikaapat at ikatlong taon.

ipinakikita lamang nito na ang pagtuturo ng panitikan sa unibersidad ay dapat na

interaktibo at ay nasa anyongkolaboratibo. Pinalalawak ng mga dulog na ito ang

interaksyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaralsa silid-aralan, ngayon ay dapat

magkaroon na rin ng malawak at makabuluhang pakikipag-ugnayan ang mag-aaral sa

ibang mga mag-aaral, mag-aaral sa text at maging sa komunidad ng mga mag-aaral. Ang

proseso ng pagkatuto-pagkatuto ay hindi na monopolyo ng guro. Ayon kay Garcia

(2003), laos ka na kung lagi kang bida sa iyong klase. Ang prinsipyong ito ay tuon sa

mga sumusunod na pamantayan: Hindi monopoly ng guro ang mga karunungan at mga

kaalaman sa loob ng silid. Ang disipulo ay isang nilalang na nag-iisip at naggalugad,

kaya may isang bagay na hindi natin alam. Malaki ang agwat kapag mayroon tayong

ganap na kaalaman sa labas ng ating edukasyon o espesyalisasyon. Bilang isang tunay na

artista, dapat lamang na gampanan natin ang iba't ibang tungkulin sa loob ng silid-aralan,

hindi lamang upang hamunin ang ating sarili, kundi (para) bigyan ang mga mag-aaral ng

ibang pananaw.

Paano ito gagawin sa klase? Ang sagot ay isang matalinong pagpili ng diskarte.

Ang kailangan lang ay pumili ng naaangkop na mga estratehiya para sa isang partikular

na gawain at ilapat ang pagkakaiba-iba upang ang mga aralin sa panitikan ay hindi

nakakabagot at masyadong predictable para sa mga mag-aaral.

Ang paglalapat at paggamit ng isang tiyak at natatanging teoryang pampanitikan

sa bawat gawaing tinatalakay sa loob ng silid aralan ay isa lamang sa natatanging

katangiaan ng nabanggitn na proseso. Kaya ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan
27

lamang ito na ang bawat guro ng panitikan ay dapat na ganap na pamilyar sa bawat teorya

na magagamit sa silid-aralan. Alam kong isa siya sa mga kaklase namin sa school.

Susuriin namin ito kung kinakailangan. Maraming mga libro, literatura at artikulo ang

nai-publish sa paksang ito. Nakakatulong ito sa amin na basahin na ang pagsusuri ng

bawat paksa ay direksyon, hindi bilang kung kami ay isang grupo ng mga katanungan sa

hangin.

Pokus sa Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan

Ayon sa artikulo ni Jesseca Jean Aguilar Sepillo (2013), Binibigyang-diin ng

kurikulum ng primaryang edukasyon ang pagbuo ng higher order skills (HOTS).

Kaugnay nito, maaaring maging kapaki-pakinabang na bumalik sa taxonomy ni Benjamin

Bloom upang maikategorya ang antas ng abstraction ng mga tanong na kadalasang

ginagamit sa anumang institusyong pang-edukasyon. Ang taxonomy ng Bloom ay

nagbibigay ng isang kapaki-pakinabang na istraktura para sa pag-uuring mga tanong sa

talakayan at pagsubok. Ang aking paniniwala ay ito: Kung matutukoy ng isangguro ang

mga tanong na umiiral sa anumang antas na may kaugnayan sa isang klase, hindi na siya

mahihirapang pumiling angkop nadiskarte na gagamitin sa kanyang pagtuturo. Mahalaga

ang taxonomy ni Bloom at maging ang sining ng pagtuturo ng mga guro sa pagsusuri ng

mgapampanitikan. Kaugnay nito, mapapansin na ang paglalarawan ng mga manwal sa

pagpapatakbo ng BEC sa tatlong antas ng pagsusuri: [Ang] linguistic analysis ...ay

ibabatay sa mga partikular na elementong pang-ekonomiya, tulad ng sukat/ kaangkupan,

pag-uulit ng mga salitang pantig, sulat, onomatopoeia. Sa bahaging ito, sinusuri ang mga

aksyon batay sa mga kahulugan ng salita maaaring sa pagpili ng salita, sa kapangyarihan

ng salita, sa derivasyon ng kahulugan ng salita, o maging etimolohiya ng salita). Sa


28

bahaging ito, maaaring masuri ang akda ayon sa ayos ng pangungusap (haba, kaiklian,

pag-uulit, pagbabago). Kapag tinatalakay ang akda sa mga tuntunin ng pagsusuri sa

nilalaman, ang akda ay sinusuri batay sa kung ano ang maaaring masabi, na may ilang

tradisyonal na elemento na tumutukoy sa bisa ng akda sa kamalayang panlipunan. Sa

panunuring pampanitikan, maaaring masuri ang akda batay sa mga tiyak na teoryang

maaaring magamit, pamantayan ng kritisismo, terminolohiyang pampanitikan at ang

kaugnayan at regulasyon ng mga tiyak na elemento ng akda.

Pangwakas na pagtuturo: Paano natin mapapabuti ang pagtuturo ng panitikan

upang tangkilikin ng mga mag-aaral ang pag-aaral na ito? Anong mga katangian ang

dapat isaalang-alang ng isangguro sa panitikan?

sa pagbabasa ko ng mga kaugnay na artikulo, maaaring gawin ang mga

sumusunod upang maging isang epektibong guro sa panitikan: 1. Pag-unawa, 2. Puso, 3.

Pagkamalikhain, 4. Pagkasensitibo, 5. Andam. Sinabi ito ni Natividad (banggit ni

Padolin, 2001) tungkol sa unang pangangailangan:

... Walang mabuti at mabisang paraan ng pagtuturo na hindi lubos na nauunawaan ang

pamamaraang ginamit ... Kailangan pa rin ng mga guro at tagapagturo na

magpakadalubhasa sa pamamaraan sa pagtuturo upang lubos na makinabang ang mga

mag-aaral.

Tungkol sa pangalawang pangangailangan, sinabi ni Simbulan (1998): Hindi tayo

matututo ng panitikan sa pamamagitan ng bibig lamang, kinakailangan tayong

magkaroon ng pusong may pagunawa upang mabigyang-kahulugan ang damdamin,

lungkot at saya ng manunulat, pusong kayang tumagos sa iyong mga taludtod sa

kaibuturan ng kawalan ng pag-asa. Ang makata, na tumitingin at kumikilala sa


29

pampublikong mundo ng kagandahan at kapangitan sa lahat ng aspekto nito, kaniyang

nauunawaan ang kahulugan ng walang laman na tagumpay, kung paano sumisibol ng

pag-ibig at ang mabilis napagdaan patungo sa paglaho nito. Kailangan natin ng puso para

malaman at pahalagahan ang lahat ng ito. Dapat nating gawin ang tibok ng puso ng

karunungan.

Turan ni Badayos (1998) tungkol sa ikatlong pangangailangan: ... hindi natin dapat

kalimutan ang pagkamalikhain. Ang pagkamalikhain ay isang natatanging katangian ng

isang guro. Ito ay isang katangiang marapat lamang taglayin ng bawat indibidwal guro

upang ang pagtuturo ay maging epektibo at ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay maging

madali, mabilis, makabuluhan, mabisa at masaya.

Ang mahusay na kritiko sa panitikan

Mula sa pagsisipini Rosalie Orito (2014) sangayon sa mga salit ni Alejandro G.

Abadillo, nararapat na ng kritiko ay may katigasan ng damdamin sa paninindigan upang

ang kanyang pangangalaga ay maging malinaw na bentahe para sa pag-aaral ng

panitikan. Ang mga nakahanay ay ang mga katangian na dapat isaalang-alang ng isang

kritiko.

1. Ang kritiko ay tapat sa kanyang sariling paggalang upang punahin ang mga akdang

pampanitikan bilang sining.

2.Ang kritiko ay handang ibigay ang kanyang sarili bilang isang matuwid na kritiko sa

isang pampanitikan at hindi isang kritiko ng lipunan, manunulat, mambabasa o

ideolohiya. Palaging bukas ang kritiko sa mga pagbabagong naganap sa panitikan.

4. Iginagalang ng kritiko ang mga desisyon ng iba pang kritiko na nalalapat sa ibang mga

disiplina, tulad ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.


30

5. Tapat na kinikilala ng kritiko ang isang akda bilang sumailalim sa proseso ng

pagtatayo o gusali batay sa sinusunod na mga tuntunin at batas.

kaligiran ng mga akdang pampanitikan

Dagdag pa ng pag-aaral ni John Vincent G. Sarenas, et. Al, (2011). Pumatok ang

mga pelikulang Shake, Rattle and Roll sapagkat kababakasan ang pelikulang ito ng

kultura at mga paniniwalang Filipino. Isang halimbawa sa mga mababakas na kulturang

Filipino sa naturang pelikula ay ang mga pamahiin na kung hindi susundin ay

magbubunga ng hindi magagandang bagay na siyang pangunahing tuon ng pelikula kaya

ang mga suliranin ding ito ang siyang pinag-uugatan ng mga kababaghan sa kwento.

matapos ang paglalahad ng pangunahing sanhi ngsuliranin ay lilitaw at ipakikilala naman

ang mga malign o mga kababalaghan na siyang mananakit sa mga tauhan bilang resulta

ng hindi ng pangunahing problema. Kadalasay mga malign tulad ng mga kilala ng mga

Pilipino na kapre, mga aswang, Whilte lady, mga multo, mga demonyo, mga lamang

lupa, elemento, halimawsa dagat at iba pang mga anyo mula sa katubigan o kagubatan at

marami pang iba. Ito ang mga pinakakaraniwang dahilan para magsulat, lumikha, at

maging inspirasyon ng mga manunulat. Makikita na ang pangunahing pokus ng pagsulat

ay kung ano ang gusto ng merkado o ng mambabasa o madla, dahil kung wala ang madla

ay walang silbi ang akda. Ang isa pang nangingibabaw na salik ay ang kalagayan ng

mundo at ang lipunang ginagalawan ng manunulat. Kaya naman, walang duda na ang

bawat panitikan ay kaalaman tungkol sa paniniwala at kultura. Ang mga literatura at

pelikulang nasuri ay mula sa Asya, gayundin ang pananaliksik mismo.

Sa pag-aaral ni Emmanuel Jayson V. Bolata (2016) na may titulong Binagyong

mga Pahina: Pagsibol ng mga Akdang Pambatang Pilipino Hinggil sa Kamalayang


31

Pandisaster, 2010-2016. Ang pag-aaral na ito ay nagsasaad na ang panitikang pambata ng

Filipino tungkol sa mga panganib ng bagyo ay nabuo noong panahon ng pamumuno ni

Pangulong Benign S. Aquino III. (2010-2016). Ang mga salik na ito ay maaaring

maiugnay sa malawak na trahedya na karanasan sa mga bagyo gaya ng supertyphoon ng

Yolanda, mga aksyon ng gobyerno (at hindi pagkilos) at mga personal na obserbasyon ng

mga bookmaker ng mga bata. Sa tulong ng verbal-visual analysis ng mga piling picture

book, natukoy ang mga kahinaan na taglay ng mga katha, na maaaring bumuo at

magpyabong sa mga pagmumuni-muni sa papel ng gawaing mga bata sa agham at

panitikan.

Hinggil sa pag-aaral ni Marc Christian M. Lopez (2013) ang pagdulog sa dalumat

ng “ginhawa”. Nakabatay ito sa isang kinatawang istruktura at kadalasang humahantong

sa pagbuo ng mga arbitraryong dikotonomiya. Tio ay matatagpuan sakaniyang artikulong

may pamagat na Dama at Damdamin: Ang Tropikalidad ng Ginhawa sa Epikong

Kudaman, Gayunpaman, naglalayon ang pag-aaral na ito na matugunan ang katwiran na

inaalok ng kaginhawahan at mga emosyon na bahagi ng natural na sensibilidad, batay sa

mga parameter na kinakatawan nito at hindi binibigyang-priyoridad ng proyekto ng

pagtukoy sa mga hadlang at pagkakakilanlan ng mga istatistika. Kapag ginagamit ang

epikong Kudaman mula sa tribong Pa'wan bilang teksto, ang pagsusuri sa konsepto ng

kaginhawaan bilang intensity, na namamagitan sa malapit na relasyon sa pagitan ng

katawan at kapaligiran, ay partikular na kahalagahan. Hahantong ang sanaysay sa isang

proposisyon: Ang kaginhawahan bilang intensity ay isang oryentasyon sa tropikal na

espasyo na tumutugon sa paraang higit na na-dislokalisado kaysa sa isang


32

kasinungalingan, at nagpapahayag ng pagka-suheto na mas daynamiko at relasyunal

kaysa sa paglilimita.

A-ni E. San Juan, Jr. (2019) sa kanyang pag-aaral na Cartography of Changes in

the Archipelago sa nobela ni Faustin Aguilar na The Secrets of the Island: Metacomaire

ay gumamit ng mga mag-aaral (readers) sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikan para

pag-aralan ang nobelang "Secrets of the Island". layunin ni Faustino Aguilar na imapa

ang pagbabago ng kasaysayan at mga imahe ng kapuluan ng Pilipinas mula sa panahong

idikta ng kalikasan ang kapalaran ng mga nilalang, hanggang sa pagbubukas ng kapuluan

at panghuli sa kalakalang pandaigdig. Ang pag-aaral ay nagbabalik sa esensya ng imahe

ng mga kaugalian, tradisyon at kaugalian na nagtatago ng mapagkunwari na kasamaan,

ang kalikasan ay ang mayamang resulta ng malikhaing pawis ng tao na naaayon sa

proseso ng edukasyon ng kalikasan. Sa gitna ng mga pagbabagong ito ay ang mga

pakikibaka sa pagitan ng mga maharlika at mahihirap, naghaharing uri at proletaryado, sa

ideolohiya, lalo na sa relihiyon o mga sistema ng paniniwala, etika o moralidad, lihim,

pagkukunwari, kawalan ng katapatan at katapatan sa lipunan.

Bilang karagdagan, sa pag-aaral ni Rina Garcia Chua (2019) na Where the Boac

River Ends or Leads: A Comparative Study of Postcolonial Ecocriticism and Eco-

Cosmopolitanism, ginugunita ng artikulo ang mga alaala ng may-akda noong kanyang

kabataan at ilang pagbisita sa Marinduque tungkol sa mga panganib ng aking pagkalason.

. sa Boac River dahil sa mga aktibidad ng pagmimina ng Marcopper Mining Corporation.

Sinusuri ng artikulong ito ang mga hangganan ng postcolonial ecocriticism at eco-

cosmopolitanism upang makahanap ng naaangkop na theoretical framework na

magagamit para sa ecocriticism na lampas sa mga hangganan ng pambansa at estado


33

upang matugunan ang mga isyu sa hustisyang panlipunan at pangkalikasan na lampas sa

panrehiyong sanction. mga hangganan. Ang papel ay kasama sa balangkas ng pag-unawa

na hango sa personal na diasporic na karanasan ng may-akda, lalo na sa relasyon ng

Canada at Pilipinas, na ang relasyon ay hindi nakabatay sa kolonyal na kasaysayan, kundi

sa ideolohiya ng globalisasyon.

Isa pang batayan ay ang pag-aaral ni Paz Verdades Santos (2019) na may titulong

Risoma for Trees: Deleuze-Guattari's Concept of or the Ecology of Naga City, Bicol.

Matutuklasan sa artikulo kung paano mailalapat ang mga teorya ni Deleuze at Guattari sa

kilusang ekolohiya, partikular na ang kaalaman tungkol sa tatlong pangunahing

ekolohiya, panitikan ng minorya, at ekolohiy sa pagbuo ng Supplement to the Floor:

Naga River Arts and Culture Initiative, mga sinaunang puno na nagpapahaba sa mga

kalye ng Naga sa They Gray, We Green (Ghana Green, Ash Pyerde) at Save 651 at iba

pang kampanya sa edukasyong pangkalikasan. Inilalarawan ng artikulo kung paano

gagana ang daluma daluma sa paglitaw ng mga kilusang pangkalikasan sa lungsod ng

Naga, walang pinuno, walang hierarchy, hindi nagtataglay ng demokratikong sentralismo

at walang linyang pampulitika. Bilang pangwakas, bagama't dapat tandaan na wasto at

patas ang pagsusuri sa uri ng Marxist, ang gawain ay bumalik sa panawagan ni Guattari

para sa mga bagong prinsipyo ng serbisyo publiko, isang sistemanghindi nakaugat sapera

kung hindi sa panlipunan at pang-ekonomiya. Mapabuti ang mga tao sa pamamagitan ng

prosesong ito at tulungan silang makaligtas sa mga krisis sa kapaligiran at panlipunan.

Tinatalakay ng mga pag-aaral na ito na ang mga panitikan sa bansa at sa buong

Asya ay naapektuhan ng iba’t ibang bagay. Tulad ng panahon, kapaligiran, sakuna, krisis,

karanasan ng manunulat, damdamin at iba pang mga aspekto na nakikita ng manunulat na


34

matutunghayan sa panitikang ginawa. Tulad ng mga pag-aaral sa itaas ang mga ito ay

naglalaman o sumuri sa panitikang dulot ng iba’t ibang sakuna at pagbabagong

pangkapaligiran.

Nakasaad sa Reader Response Theory (Britton, 1984; Harste, 1985; Rosenblatt,

1978), nagsimula ito noong unang bahagi ng ika-20 siglo, nang ang pananaliksik sa

pagbabasa ng literatura ay lumipat mula sa isang writing-based na diskarte sa

mambabasa. Ang teorya ng diskarte ng mambabasa ay nagbibigay pokus sa palitan ng

interaksyon at transaksiyon sa pagitan ng mambabasa at ng binasang teksto. Higit na

binibigyang natin pansin ang karanasan at maaaring maranasan ng mga mag-aaral (mga

mambabasa) sa pagbabasa ng akda. Layunin na masuri ng mapataas ang saloobin at

damdamin ng mga mag-aaral bilang mambabasa sa pagbabasa ng mga akda.

Mula sa pagsusuri ng E. San Juan Jr. (2014) na pinamagatang History, Art,

Society: The Politics of Literature in Modern Times, In the Reality of Our Neocolonial

Situation, ang panitikan ay nagsisilbing kasangkapan upang gawing kaisipan ang mga

paksa ng pagsunod. Ang pagsusuri sa pagsasamantala at pakikibaka ng isang uri na

nililimitahan ng normatibong ideolohiya ay kadalasang hindi malinaw. Pinipigilan nito

ang mga tao na maunawaan ang katotohanan ng mga problemang ito. Ang ideolohiya ay

isang konsepto na tinatanggihan ng grupong ito dahil ito ay na-institutionalize at naka-

embed sa ilang mga konteksto at kasanayan. Kumuha ng historikal at panimulang

pagbabasa ng mga nobela ni Luarhati Bautista, Talakayin ang mga pagkakaiba ng

ideolohiya ng teksto sa isip ng may-akda, dahil maraming mga puwersang namamagitan.

Tulad ng alienation at materialization. Hinuhubog ng teksto ang mga mambabasa nito

bilang mga ahente na naghahangad na lutasin ang mga umiiral na maliwanag na


35

kontradiksyon sa lipunan sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga bagong mapanlikhang

solusyon. Ang paggamit ng wika ng isang gawa ng sining ay maaaring maging isang

mapanganib na desisyon, lalo na kung nagtatrabaho ka sa ibang audience. Sa kasong ito,

ang pagpili ng wika ay sumasalamin sa masalimuot at dinamikong konteksto ng

kasaysayan ng Pilipinas.

Ang lipunan ay tulad ng isang relasyon sa pagitan ng mga paksa. Ito ay hindi

lamang umiikot isang partikular pangkat ng mga tao na hiwalay sa isa't isa. Ang bawat

pagkakakilanlan/kaakuhan ay may kanya-kanyang kakaibang pananaw at kwentong

sasabihin. – nabuo lamang sa loob ng ugnayang panlipunan. Samakatuwid, ang paksaay

produkto ng pagkilala, tawag, interpelasyon ng diskurso, at pagsasanay. Ang kahulugan

ng akda ay hindi nagmumula sa ego o pagkakakilanlan ng may-akda. Ang diskurso sa

tekstong ito ay isang makapangyarihang puwersa sa kasaysayan. Ang nararapat na

gawing paksa ng diskurso ang wikang gamit ng mga institusyong pang-ideolohiya. Ito ay

isang mahusay na pagkakataon upang mabigyan ng pagkakataong sumikat ang panitikan

sa Filipino sa pamamagitan ng paglalantad sa sitwasyon kung saan Ingles pa rin ang

nangingibabaw na wika, tanda ng karunungan ng modernisadong oligarkiya. Sa kabila ng

lumalagong kapangyarihan ng mga multinasyunal na bangko at korporasyon sa iba pang

industriyalisadong bansa, nananatiling buo ang dominasyon ng mga bangko at negosyo

ng U.S. Ang kapangyarihan ng Ingles ay kitang-kita sa buong mundo - ito ang pundasyon

ng ating pangingibabaw. Sa pamamagitan ng mga institusyon at praktikal na operasyon

nito, kinikilala ng lipunan ang lahat ng miyembro nito bilang may tiyak na tungkulin sa

kasaysayan ng lipunan. Ang pagkakakilanlan ng may-akda ay batay sa nangingibabaw na

pananaw, na siyang pamantayan para sa naka-institutionalized na kasanayan. Ito ang


36

paniniwalang pinanghahawakan ng mga may awtoridad tulad ng mga hukom, abogado, at

burukrata. kung saan nakasalalay ang kapangyarihan ng naghaharing uri sa nahahati na

lipunan.

Malaki ang posibilidad na ipagpalagay na ang isang akda ay produkto ng kinang o

talino ng isang may-akda. Kaiba noong sinaunang panahon, ang may-akda ng epiko,

koro, pasyon, atbp. ay isang tanyag na pigura. Ang bagay na ito ay kabilang sa isang

pangkat na nagsilbi sa pinuno ng tribo, ng simbahan o aristokrasya. Umaasa sila sa

kombensiyon, itinatag na mga pamantayan, at mga regulasyong institusyonal.

Ang kaalaman ng artisan ay naging isang mahalagang kalakal noong Renaissance,

at nagawa niyang ipagpalit ito sa sinumang nagnanais nito. Parang malaya siya, pero sa

totoo lang, alipin siya ng palengke. Ito pa rin ang sitwasyon para sa sinumang intelektwal

(guro, mamamahayag, atbp.). Sino ang hindi mabubuhay kung wala ang mga

kinakailangang kagamitan? Noong ika-19 na siglo, nakipaglaban ang mga artista laban sa

mapang-aping burges na orden ng kapitalismong industriyal. Mula sa isang romantikong

pananaw, ang tunay na galit ng may-akda ay isang nakakapreskong pahinga mula sa mga

indibidwalistikong kaugalian ng burges na lipunan. Ang awtoridad sa paksang ito ay

naniniwala na ang pinagmulan ng kahulugan at kahalagahan ng akda ay namamalagi

doon. Nang maglaon, ito ay higit na pinatingkad ng ideolohiya ng kapitalistang sistema,

kahit na ang normative claimant ay tinuligsa ng ilan sa mga pinaka-maimpluwensyang

manunulat sa ating panahon. Ang paghihimagsik nina Villa, Abadilla, Amadou Hernánez

at ng mga makabagong sumunod dito ay sintomas ng krisis sa paglalagay ng edukadong

petiburgesya sa neo-kolonyal na gulo na lumalala at lumalala ngayon.


37

Napakamaimpluwensya pa rin ng klasikong istilo ng pagsulat nina Regalado,

Balmaseda, Panganiban, na makikita sa paraan kung paano pinahusay ng romantikong

idealismo ang "dulce et utile" ni Horace. Noong dekada 1970 at 1980, ang post-

modernistang pananaw ng pormalismo, feminismo, estrukturalismo at iba pang tatak ay

ang "katapusan ng ideolohiya" o ang tagumpay ng kapitalismo, ang pagbagsak ng

Unyong Sobyet, ang bandila ng alternatibong radikal na neoliberalismo. ipinasok.

Tatlong paraan ang resulta. Una, ang panitikan ay may mahalagang layunin na pukawin

ang mga damdamin at magbigay ng mahahalagang aral. Ipinapakita ng dokumentong ito

ang utilitarian na ugat ng panukala. Pangalawa, inilalahad ng may-akda ang mga

katotohanan nang may layunin, nang walang anumang personal na pagkiling. Pangatlo,

ang kaginhawaan ay dulot ng kaayusan at anyo ng sining. Ang kagandahan ang

mahalagang katangian nito para saeksklusibo at sopistikadong sensibilidad. Ang

panitikan ay produkto ng mga kontradiksyon sa lipunan, at inulit ng may-akda ang mga

ito. Ang kahulugan ng akda ay hindi matatagpuan sa tinig ng espiritu o imahinasyon,

ngunit sa pagpukaw o pagpukaw ng saloobin na tumutugma sa polariseysyon ng mga

karakter at pangyayari. Ang gawain ay isang produkto ng pakikipagtulungan, hindi isang

nakahiwalay na pagsisikap. Ito ay isang pagpapahayag ng komunikasyon at

pagtutulungan, hindi isang gawaing nag-iisa. Sa retorika ng teksto at pagbabalangkas

ngkwento, lumilikha ito ng posisyon para sa paksa na siyang nagrerepresinta sa isang

mapanghikayat na personalidad, marupok na sistema. Ang tunay na karanasan ay

nagmumula sa pakikipag-ugnayan sa salungatan ng mga puwersa.

Dagdag pa ng awtor kung hindi ka sumasang-ayon sa aming metakomentaryo,

nangangahulugan iyon na ginagamit mo pa rin ang tradisyunal na paraan ng pagtatasa ng


38

panitikan – at nangangahulugan iyon na luma ka na. Kung nakakaramdam ka ng

pagkabalisa, tumugon man lang sa mga mungkahi na ipinakita dito, at maaari mong

simulan na baguhin ang paraan ng pagtingin mo sa panitikan bilang isang salamin ng

tinatanggap na katotohanan o isang pagpapahayag ng kaluluwa ng salamangkero ng wika.

Magsisimula ring magbago ang pagkilala sa mga mag-aaral at guro bilang mga paksa ng

nangingibabaw na paradigm o sistema ng pagtataya at pagpapahalaga. Ang dialectical at

materialistic na pagsusuri na ito ay nagbibigay ng impetus para sa pag-uusap sa

komunidad.

Mga Lokal na Pananaliksik

Nakasaad naman sa pananaliksik ni Emily Alibuyog-Concepcion na Mga Salik na

may Kaugnayan sa Performans sa Pagkatuto sa Noli Me Tangere ng mga Mag-aaral ng

Ikatlong Taon sa Laboratory Hayskul ng Central Luzon State University (2017), mas

makabubuting ating pakasuriin muna ang indibidwal na motibasyon at istilo ng mga ito

nang maiangkop ang mga gagamiting istilo sa pagtuturo maging ang mga ihahandang

gawaing-pangklasrum na makatutugon sa mga pamamagitan ng pagkakaroon ng mga

kasanayan at kaalaman.

Nakasaad naman sa pananaliksik ni Emily Alibuyog-Concepcion na Mga Salik na

may Kaugnayan sa Performans sa Pagkatuto sa Noli Me Tangere ng mga Mag-aaral ng

Ikatlong Taon sa Laboratory Hayskul ng Central Luzon State University (2017), mas

makabubuting alamin muna ang indibidwal na motibasyon at istilo ng mga ito nang

maiangkop ang mga gagamiting istilo sa pagtuturo maging ang mga ihahandang

gawaing-pangklasrum na makatutugon sa mga pamamagitan ng pagkakaroon ng mga

kasanayan at kaalaman.
39

Ayon sa pag-aaral ni Emmanuel Jayson V. Bolata na Binagyong mga Pahina:

Pagsibol ng mga Akdang Pambatang Pilipino Hinggil sa Kamalayang Pandisaster, 2010-

2016. Nakasaad sa pag-aaral na ito na namukadkad ang panitikang pambatang Pilipino na

pumapaksa sa disaster ng mga bagyo noong panahon ng administrasyong Benigno S.

Aquino III (2010-2016). Maihahanay sa mga salik ng pagyabong ang malaganap na

kalunos-lunos na karanasan at pangyayari sa pananalasa ng mga bagyo tulad ng super

typhoon Yolanda, ang aksiyon (at kawalang-aksiyon) ng gobyerno, at personal na

obserbasyon ng mga manlilikha ng akdang pambata. Nangibabaw mga ang berbal-biswal

na panunuri sa mga piling picturebook, mga tatalastasin ang mga dalumat ng

vulnerabilidad na taglay ng mga akda, na magpapasibol ng mga pagmumuni sa gampanin

ng mga akdang pambata sa kaalaman at kamalayang pandisaster.

Hinggil sa pag-aaral ni Marc Christian M. Lopez (2019) na Dama at Damdamin:

Ang Tropikalidad ng Ginhawa sa Epikong Kudaman, isinasalang ng papel sa isang

interogasyon ang pagdulog sa dalumat ng “ginhawa” na sumasandig sa representasyonal

na balangkas, na kadalasang nauuwi sa pagtatatag ng mga arbitraryong dikotomiya tulad

ng “loob”/“labas” at ng “katutubong di-malay”/“sinakop na kamalayan.” Sa halip,

nilalayon ng kasalukuyang pag-aaral na maitulak ang rasyonalidad na inihahain ng

ginhawa bilang isang damdamin, na bahagi ng katutubong sensibilidad, batay sa

inilalahad nitong mga parametro at nang hindi napapangunahan ng proyekto ng

pagtatatag ng mga takda at estatikong identidad. Gamit ang epikong Kudaman ng tribong

Pala’wan bilang teksto, partikular na interes ng gagawing pagsusuri ang pagdama sa

ginhawa bilang isang kasidhian na pumapagitan sa matalik na ugnayan ng katawan at

kapaligiran. Hahantong ang sanaysay sa isang proposisyon: ang ginhawa bilang kasidhian
40

ay isang oryentasyon sa espasyong tropikal na tumatalab sa paraang mas dislokalisado

kaysa nakapook, at nagpapahayag ng isang pagka-suhetong mas dinamiko at relasyonal

kaysa takda.

Sa pag-aaral E. San Juan, Jr ni na Kartograpiya ng Pagbabago sa Arkipelago ng

Nobelang Ang Lihim ng Isang Pulo ni Faustino Aguilar: Isang Metakomentaryo,

ginagamit ng pag-aaral ang nobelang Ang Lihim ng Isang Pulo ni Faustino Aguilar upang

imapa ang pagbabago ng kasaysayan at imahinasyon sa arkipelago ng Pilipinas mula sa

panahon na kalikasan ang nagdidikta ng kapalaran ng mga nilalang tungo sa pagbubukas

sa komersiyong pangkapuluan at kalauna’y pandaigdigan. Muling binabasa ng pag-aaral

ang kalikasan mula imahen ng ugali, kostumbre at kinagawian na nagkukubli sa mga

kasamaang mapagkunwari, tungo sa isang kalikasan bilang saganang bunga ng pagtugma

ng mapanlikhang pawis ng tao at mapagpaunlaking proseso ng kalikasan. Sa pinakaubod

ang ganitong mga pagbabago, ang tunggalian ng maharlika at timawa, ng naghaharing-uri

at ng mga proletaryado, na umiinog sa usapin ng ideolohiya, partikular ng relihiyon o

sistema ng paniniwala, na kalakip ang problema ng etika o moralidad, tungkol sa

paglilihim, pagkukunwari, pagtataksil, at katapatan sa pakikipagkapwa.

Dagdag pa ng pag-aaral ni Rina Garcia chua (2019) na Kung Saan Nagtatapos o

Humahantong ang Ilog Boac: Isang Pag-aaral na Komparatibo ng Postkolonyal na

Ekokritisismo at Eko-Kosmopolitanismo, binabalikan ng papel ang mga alaala ng may-

akda ng kanyang kabataan at ilang pagbisita sa Marinduque upang pag-aralan ang

naganap na sakunang pagtagas ng lason ng minahan sa Ilog Boac dala ng mga gawang

pagmimina ng Marcopper Mining Corporation. Susuriin ng papel ang mga hangganan ng

postkolonyal na ekokritisismo at eko-kosmopolitanismo upang makahanap ng angkop na


41

balangkas teoretikal na maaaring magamit para sa isang ekokritika na lumalampas sa mga

hangganang pambansa at estado, upang harapin ang mga usapin ng katarungang

panlipunan at pangkalikasan nang lampas pa sa pagkakakilanlang nakabatay sa lugar

tungo sa kritika ng mga hangganan. Nakapaloob ang papel sa balangkas ng pag-unawa na

nagmumula sa personal na karanasang diasporiko ng may-akda, partikular sa ugnayan ng

Canada at Pilipinas, na hindi naman talaga nakabatay sa kolonyal na kasaysayan ang

ugnayan, kundi sa ideolohiya ng globalisasyon.

Isa pang batayan ang pag-aaral ni Paz Verdades Santos na Risoma (2019) para sa

mga Puno: Mga Konsepto nina Deleuze-Guattari para sa Ekolohiya ng Lungsod Naga,

Bikol. Tinatalakay ng papel kung paano maaaring magamit sa kampanyang

pangekolohiya ang mga pagsasateorya nina Deleuze at Guattari, partikular ang dalumat

ng tatlong ekolohiya, panitikan ng minorya, at ekosopiya. Inilalarawan ng papel ang

aktuwal na pakikibaka at pakikisangkot ng may-akda upang sagipin ang Ilog Naga sa

pagbuo ng Susog Salog: The Naga River Arts and Culture Initiative, ang matatandang

puno sa pagpapalapad ng mga kalsada ng Lungsod Naga sa pagkakabuo ng They Grey,

We Green (Gana Berde, Abo Pyerde), at Save 651, at iba pang kampanya para sa

edukasyong pangkalikasan. Inilalarawan ng papel kung paano maaaring gumana ang

dalumat ng risoma sa pagsulpot ng mga kilusang pangkalikasan sa Lungsod Naga, nang

walang namumuno, walang herarkiya, walang demokratikong sentralismo, at walang

linyang pampolitika. At sa huli, habang pinapansin na wasto at makatuwiran pa rin ang

pagsusuring Marxista ng mga uri, bumabaling ang papel sa panawagan ni Guattari para sa

mga bagong simulain upang maglingkod sa sangkatauhan, isang sistema na hindi

nakaugat sa salapi, bagkus ay sa panlipunan at pang-estetikang pakinabang na maaaring


42

payamanin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng proseso at matulungang makaligtas sa

krisis pang-ekolohiya at panlipunan.

Tinatalakay ng mga pag-aaral na ito na ang mga panitikan sa bansa at sa buong

Asya ay naapektuhan ng iba’t ibang bagay. Tulad ng panahon, kapaligiran, sakuna, krisis,

karanasan ng manunulat, damdamin at iba pang mga aspekto na nakikita ng manunulat na

matutunghayan sa panitikang ginawa. Tulad ng mga pag-aaral sa itaas ang mga ito ay

naglalaman o sumuri sa panitikang dulot ng iba’t ibang sakuna at pagbabagong

pangkapaligiran.

Ayon sa pag-aaral ni Jashcka Vennisse U. Del Campo et.al. (2019) na Pagsusuri

sa Serye ng Nobela ni Beeyotch, ang mga panitikan ay nilikha lamang upang kumuha ng

atensyon ng nakararami, sumikat. Sang-ayon sa pag-aaral na mapapansin na ang mga

panitikan ay karamihan ay ukol sa pag-ibig dahil ito ang interes ng mga tao sa

makabagong panahon. Samantala ang ibang temang mas malalim ay naiisantabi. Hindi na

mahalaga ang sining at kariktan ng akda, dahil ang mga mambabasa sa makabagong

panahon ay hindi batid ang pagpapakahulugan sa mga tagong kaisipan. Bilang

pandagdag, sang-ayon sa pag-aaral ni Dave Cabungcal et.al (2016)., na Kabit tuko: Isang

Pag-aaral sa mga Pelikulang ukol sa Pakikiapid, ang mga manonood ay nahahatak

lamang ng kung ano ang uso at “click” o “in”. Tulad na lamang nang nauso ang temang

pangangabit lahat ng teleserye ay nagkaroon ng temang ganito, maging pelikula at

maging ang mga nakalimbag na panitikan sa tabloid at nobela. Ang natatanging dahilan

ay dahil ito ang nais ng tao at tiyak na ito ay tatangkilikin ng marami.

Sa kabuuan ang dalawang kaisipang magkasalungat ay umiikot lamang at

nakabatay sa mga tao. Una ay ang karanasan ng tao na maaring isapanitikan.


43

Napapanahong kalagayan ng mga tao sa pagkasulat ng panitikan, maaaring isyung

panlipunan. Isa pa ang layon ng tao, bawat manunulat ay may kanya-kanyang layon sa

pagsulat ng panitikan. Kung saan nakikita ng mga manunulat na ang panitikan ay may

sapat na kapangyarihan upang gawin yaong layon ng manunulat.

Sa pag-aaral naman ni Yoseph Yapi Taum (2015) na may titulong “Collective

Indonesian Memories of the 1965 Tragedy During New Order Regime”, inilalahad ang

mga bayolenteng pangyayari sa akda, at lumabas ang iba’t ibang mga isyung panlipunan

at inilahad ang pagmamalupit ng awtoridad tulad na lamang ng pag-aresto ng hindi

dumadaan sa pagdinig, pananakit na pisikal, pagmamalupit at inorganisang masaker ng

mga sundalo. Kaya kaalinsabay sa paglalahad na ito, maaaring iugnay ang pagsusuri

dahil na rin sa mga isyung panlipunan na kinahaharap sa kasalukuyan.

Sinasalamin ang iba’t ibang paksa na nakabatay marahil sa nakikita at

nararanasan ng may-akda. Maging ang nobela man o ibang akda ay inilalahad ang nais

ipahiwatis ng awtor.

Maaaring iugnay ang pag-aaral ni Sibayan (2017) na may pamagat ng “Mga

Politika ng Dila: Imahe (Nasyon), Kaakuhan at Erotismo sa Nobelang Lumbay ng Dila,

masisipat sa nobela ang mayamang talaban ng mga politika o relasyong

pangkapangyarihan sa partikular, ipinakit sa papel ang poliyika ng wika, politika ng

espasyo, politika ng katawan at politika ng kasaysayan at kung paano nito hinulma ang

proyektong bansa bilang isang nobela.

May kaugnay ang nobela sa pagsusuri dahil masasalamin dito ang isyung

pampulitika, maaaring maging sandigan ng pagsusuring ito ang nasabing pag-aaral upang

higit na maging kapakipakinaban.


44

Ang mga akda ni Dr. Jose Rizal at at iba pang rebolusyunaryong makata ay ay

nagpapahayag ng makatotohanang larawan ng bansan Pilipinas sa kanilang kapanahunan.

Gumigising ito sa damdaming maka -Pilipino at nagsisilbing mitsa sa pagtatangol ng mga

karapatang dapat tamasahin ng bawat isa. Ginagamit din ang nobela upang magturo ng

wastong pag-uugali at tunay na mga paniniwala na maaaring magamit sa pang-araw-araw

na takbo ng buhay.

Tunay na Malaki ang paniniwala ng mga dating nobelista na may malaking

bahagi sa paghubog ng kaisipan at damdamin ng mga mambabasa ang pagbasa ng nobela.

Sa pangkalahatang oryentasyon, na ginanap noong 9-10 Nobyembre 2015 sa Sulo

Riviera Hotel, Diliman, Quezon City, sinuri ng mga piling deligado mula sa Luzon,

Visayas at Mindanaa ang mga akdang isasama sa listahan batay sa nabuong pamantayan.

Gayunpaman, ang listahan ay hindi pa pinal at nasa proseso ng paghatol at pagsusuri ng

mga iskolar at manunulat; ang pokus ay nagsisilbi ng malawak na pagtalakay sa

kasaysayan, kalikasan at estetika ng lokal na panitikan at nagtatakda ng mga

pamantayang pampanitikan. Sino ang dapat magkaroon ng katas ng pinakamahusay na

panitikan mula sa iba't ibang rehiyon. Panghuli, ang proyektong ito ay isang paraan

upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga guro na magtuturo ng Filipino

para sa mabisa at mahusay na kurikulum sa Filipino at makapag-ambag sa pambansang

edukasyon ng mga kabataan at mamamayan. Bilang pagpapalawig sa pagtalakay

matutunghayan at nakasaad sa mga aklat na nalimbag ang mga tala na pinagmulan ng

Nobelang Pilipino.

Ayon sa aklat na NOBELA: Mga Buod at pagsusuri nina Ruby V. Gamboa- Alcantara at

Lydia F. Gonzales Garcia Ang nobelang tagalog ay iniluwal sa panahon ng Amerikano.


45

Ito ay pinatutunayang Produkto na labas sa panahon ng pananakop ng mga kastila

bagamat napakayaman ng ipluwensya ng nasabing panahon. Ayon pa sa aklat na ito

karamihan sa mga tagapanguna ng nobelang tagalog sa panahon ng pag-usbong nito ay

aral sa paaralang kastila kung kayat hindi kataka taking ang kanilang malikha ay mga

kwentong kastila rin ang kaanyuan. Sa panahong 1900-1911 (unang yugto ng panahon ng

Amerikano) masasabing nasa itaas ng kamalayan ang nobela ang Juan Masili ni Patricio

Mariano ang kinatawan ng panahong ito sapagkat ditto ay makikita ang pagtuligsa sa

pagsasamantala ng mayayaman sa mahihirap. Ang sunod namang panahon ng paghubog

(1940-1960 nasumakop sa panahon ng Idigmaang hapones, KOmonwealth at Republika

ng Pilipinas ay nagsimula sa unang baitang ng balangkas sa pag-unlad ng nobelang

tagalog ng ukol sa Pag-ibig. Ang huling yugto ng paghubog ng nobelang Pilipino (1967-

1972) ay mailalarawang pinakamataas na panahon sa nobelang Tagalog sapagkat sa

panahong ito naisulat at nailathala ang mga nobelang kumakatawan sa pagbabago sa

lipunan. Ang huling yungtong ito ay halos umabot sa Apex ng kamulatan sa mga unang

tinatalakay na nobela ngunit bigla namang bumagsak sa paglabag ng mga nobelang may

pangkaraniwang istorya lamang ng pag-iibigan, paghihiwalayan, pag-alis atbp, ang

iniikutan.

patuloy ang naging pagtaas ng Nobelang Tagalog — subalit kaituktukan

ng ilusyon at imahinasyon. Nagkaka-ibaiba na lama ng depenisyon batay sa mga

katangiang naragdag at natisod sa pagpapalit ng panahon subalit mga kaisipan o

konsepto pa ring naglulublob at nakalublob na sa "romantistmo " kahit man estilo

ng pilipino katulad ng:

(1) pangunguna ng tungkol pag-ibig;


46

(2) pagsasalay ng walang katiyakang balangkas;

(3) pagiging sobrang sentimental;

(4) puno ng pagpapakasakit at pagmamartir;

(5) pagbabalik sa kaayusan o pagpapanatili ng kaayu san; decorum

(6) kahiwagaan o mistisismo

(7) pagiging didaktiko o mapangaral,

(8) pagtakas sa katotohanan o "eskapismo";

(9) katolisismong bulag — panatisismo;

(10) patriotismong pilit; at

(11) kung anu-ano pang katangiang mailusyon lamang.

Sinasalamin lamang sa mga talang ito na ang mga pangunahing tema ng panitikan

partikular ang nobela ay nakapokus sa mga pangyayari sa sa lipunan at nagaganap sa

panahon kung saan o kalian ito naisulat ng maykatha. Ito rin ang ilan sa mga aspektong

susuriin kung matagumpay at epektibo bang naihayag ang mga ito sa nasabing bersiyon

ng akdang susuriin.

Banyagang pananaliksik

Ayon sa Reader Response Theory (Britton, 1984; Harste, 1985; Rosenblatt,1978)

Nagsimula ito sa pagpasok ng ika-20 siglo kung saan ang pananaliksik sa pagbasa ng

akdang pampanitikan ay nagbago ang tuon mula sa writter-based approach tungo sa

reader-based approach. Ang teoryang Reader-based approach ay nagbibigay diin sa

transaksyon at interaksyon sa pagitan ng mambabasa at nang tekstong binabasa. Dito mas

binibigyang pansin ang magiging karanasan ng mga mag-aaral (mambabsa) habang


47

binabasa ang akda. Ang layunin nito ay iangat ang damdamin at saloobin ng mga mag-

aaral (mambabsa) sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.

Teoritikal na Balangkas

Ayon kay Alejandro (2016), ang pagsusuri na dapat taglaying ng isang kritiko ay

ang ganap na kaalaman sa kaniyang paksa. Una, ito ay tumutukoy sa kabuuang nilalaman

ng akda at ang paksang tinutukoy ng awtor. Dapat din na malaman na ang buhay at

kaisipan ng awtor ay isinasaalang-alang ang panahon ng pagkakasulat nito; Ikalawa, ang

katapatan ng loob ay isang isang katangiang dapat taglayin ng isang kritiko; Ikatlo, ang

isang kritiko ay dapat mag-angking ng likas na pagkukuro. Ang isang tagasuri na may

likas na pagkukuro sa buhay ng awtor ay hindi sanligan sa pagkilatis ng isang akdang

pampanitikan.

Ang akdang Noli Me Tangere na nasa anyong komiks ay daraaan sa pagsusuri sa

ilalim ng makabagong gabay o teorya sa pagsusuri ni I.A Richards (1979), ang Teoryang

Pormalismo.

Sa pag-aaral na ito ang Pormalistikong Pamamaraan ng Pag-aanalisa o Kritisismo

ang gagamitin. Ang paraang ng pag-aanalisa ng literaturang ito ay epektibo at mainam na

metodo sapagkat ang susuriing bersyon ng akday nasa anyo ng komiks na nagtataglay ng

istruktura ng pagkakabuo na kaiba sa klasikong bersyon ng Noli Me Tangere. Layuning

ng ganitong uri ng paraan ng pag-aanalisa na suriin ang porma o pag-kakabuo ng

literaturang sinusuri upang mapalabas ang totoong kahulugan at kabisaan ng akda sa

pamamagitan ng pagsusuri sa ginamit na wika at ng pisikal na pagkakabuo nito.


48

Ang Pormalistikong Dulog sa pag-aanalisa ayon kay A.I. Richards ay naglalayong

tukuyin ang kabisaan ng isang akda sa pamamagitan ng pagsusuri at pagbibigay ng

atensiyon sa teksto mismo at hindi sa kritisismo na base sa mga panlabas na salik na

maaring nakaaapekto sa pagkakabuo ng akda tulad ng karanasan o bayogrpiya ng may

akda o ano pa man.

Sa pagsusuri gamit ang Teoryang Pormalistiko at pagsusuri ng isang akda,

maiging pagtutuunan ang bumubuo sa pagkaakda ng panitikan tulad ng elemento,

simbolismo, tagong kahulugan at ang mga pagkakatagni-tagni ng bahagi ng akda. Ito ay

upang masusing masuri ang ang nasabing bersiyon ng obra maestrang nobelang susuriin.

Ang teoryang ito ay kakaiba sa kalikasan dahil nakapokus ito sa pagpapalabas ng

tunay na kagandahan at kahulugan ng akda sa pamamagitan ng pagtuon sa istrutura ng

akda. Layunin din ng teoryang ito na tukuyin ang iba’t ibang bahaging bumubuo sa akda

upang muli itong bigyang buhay at palabasin ang katotohanang taglay ng akda.

Gagamitin ang Pormalistikong dulog upang suriin ang akda. Ang dulog na ito ay

nakatuon sa pagsusuri sa pagiging epektibo ng pagkakabuod ng akda na siya namang

nababagay at angkop para sa bersiyon ng Noli Me Tangere na nasa anyong Komiks.

Binibigyang pansin sa dulog na ito ang pinaka anyo ng akda kung saan ilan sa mga tuon

nito ay ang nilalaman, kaanyuan at kayarian at ang paraan ng pagkakasulat at pagkakabuo

ng akda ayon na rin sa isang sanaysay na inilathala nina W.K. Wimsatt at M. Bradsley

(1954), na nagpapahayag na “Ang mga salita mula sa mga pahina ang siyang tunay na

mahalaga; ang mga mambabasa ay walang pribelehiyo upang mapasok at Makita ang

isipan ng manunulat upang matukoy kung ano nga ba ang tunay na nais sabihin o
49

ipahiwatig nito. Ang pagkalap ng mga kahulugan mula sa labas ng teksto ay hindi

kinakailangan, ito ay maaaring maging balakid lamang.”

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang nobelang Noli Me Tangere ni Dr.

Jose Rizal na nasa anyong komiks sa pamamagitan ng Pormalistikong paraan bilang

isang napapanahong bersyon ng akda. Bilang pagtuon, ang pag-aaral ay naglalayong

masagot ang mga sumusunod;

MGA SULIRANIN

1. Paano inilahad ang kabuuang takbo ng kwento sa bersiyon ng akda?

2. Paano inilahad ang bawat elemento sa bersyon ng Nobela?

2.1. Tauhan

2.2. Tagpuan

2.3. Tunggalian

2.4. Banghay

2.4.1. Simula

2.4.2. Gitna

2.4.3. Wakas

2.5. Mensahe at Simbolismo

3. Paano nakaapekto ang istruktura ng akda sa pagkakabuo ng Bersyon ng Nobela?

3.1. Porma

3.2. Diksyon
50

3.3. Kaisahan

4. Paano nailahad ang bisa ng komiks bilang midyum sa pagpapakilala sa Nobelang

Noli Me Tangere?

Paradigma ng Pag-aaral

MALAYANG BARYABOL ‘DI- MALAYANG


BARYABOL

1. Mga Elementong bumubuo 1. Pagsusuri ng akda gamit ang


sa berson ng Nobela. Teoryang Pormalismo.
- Tauhan 2. Paglalahad ng kabisaan ng
- Tagpuan komiks bilang midyun sa
- Tunggalian pagpapakilala ng Nobelang
- Banghay Noli Me Tangere.
- Mensahe at simbolismo
2. Istruktura ng akda
- Porma
- Kaanyuan o kayarian
3. Mga mungkahe at
- Paraan pagkakasulat Suhestiyon upang
Kahalagahan ng Pag-aaral mapagbuti ang bersyong
Komiks ng Noli Me
Ilan sa kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pagtulong sa laksang institusyon na

may kaugnayan sa pag-aaral ng wika at panitikan, lalong higit na sa pagbibigay katuturan

at pagtuturo sa mga panitikan na malimit ay nakatago ang kahulugan at konteksto na

nangangailangan ng mahusay na pagsusuri upang mapalabas ang mga ang mga nais

ipabatid ng may akda at ng akda mismo lalong lalo na ang panibagong bersiyon ng

akdang ito na nasa anyong komiks upang matukoy ang kabisaan nito. Ang mga

matutulungan ng pag-aaral o pagsusuri na ito ay ang mga sumusunod;


51

Sa mga Guro sa Filipino. Sa pagtuturo ng panitikan lalong lalo na sa natatanging obra

maestrang Noli Metanger, makatutulong ang pagsusuring na ito upang maituro ng maiigi

ang nasabing akda at maging kapakipakinabang sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng

nobela at mabigyan ng panibagong bihis o buhay ang akda.

Sa mga Mag-aaral. Sa kabuuan ng pag-aaral na ito, ang pinakalayon ay ang mas

episyente at mas epektibong pagkatuto at pagiging enterisado ng mga mag-aaralsa

makalumang akda. Dagdag pa ang pagpapahalagang pampanitikan na maikikintal sa mga

mag-aaral.

Sa mga Mambabasa. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mambabasa upang

mapalalim ang sa nobelang sinuri gamit ang Teoryang Dekunstruksiyon at pagsusuring

pormalistiko upang upang lubos na maunawaang ang akda lalong lalo na ang bersiyong

nasa komiks bilang panghalili sa orihinal na anyo nito.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ito ay magsisilbing batayan sa mga susunod na

mananaliksik sa panunuring pampanitikan. Maaring gamitin ang mga kinahantungan ng

pag-aaral na ito upang maging batayan sa mga susunod na pag-aaral. Para sa mga

susunod na mananaliksik ng panitikan, ang pag-aaral na ito ay kababakasan ng

kakanyahan at katangian ng Teoryang dekunstruksiyon at pagsusuri gamit ang

pormalistikong paraan para sumuri ng akda. Sa mga nais gamitin din ang teoryang

kahalintulad nito ang balangkas ng pag-aaral na ito ay maaaring maging reperensya.

Depinisyon ng mga Termino

Ang mga sumusunod ay mga salita na maaaring makatagpo sa pag-aaral na ito. Sa

bahaging ito ay bibigyan ng ng malinaw na pagpapakahulugan ang mga salita batay sa


52

pagkakagamit ng mga ito ayon sa pagnanaliksik. Upang maibsan at mabawasan ang mga

balakid sa hindi pagkaintindi ng mga ilang salita na ginagamit lamang sa larangan ng

akadenya, pagtuturo, panitikan, at wika ay narito ang mga pagpapakahulugan:

Nobela. isang halimbawa ng akdang pampanitikan na nagtataglay ng mahabang salaysay

at nahahati sa sa mga kabanata.

Komiks. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong larawan at ilustrasyon ng

mga pangyayari sa isang kwento na nagtataglay ng mga dayalogo ng mga tauhan.

Pormalistiko. Ang uri ng pagsusuri na nagbibigay tuon sa anyo ng ng panitikan.

Sinusuri ng dulog na ito ang ang pinakapisikal na katangian ng akda at pagkakabuod nito.

Ito ang dulog na gagamitin sa pagsusuring ito.

Mensahe. Ang impormasyong ipinadala ng tagapaghatid/ tagapagsalita sa tatanggap sa

pamamagitan ng isang channel ng komunikasyon. Ito ang mga nais sabihin ng pahayag o

ng isang salita.

Simbolismo/ Pahiwatig. Isang elemento ng mga panitikan at ng maikling kwento na

responsable sa pagtatago ng isang kahulugan o gawain sa pamamagitan

ngisangkinatawan lamang nito. Maaaring ang kinatawang ito ay tao, hayop, lugar,

pangyayari bagay at iba pa.

Literal. Isang uri ng pagpapakahulugan na hindi nagtataglay ng anumang natatagong

mensahe o kahulugan.

Tauhan. Isang elemento ng panitikan na responsablesapaggalaw ng kwento.

Akda/panitikan. Isang aspekto sa Filipino na nakatuon sa pagsasama o paglilimbag ng

katalinuhan mula sa isang partikular na lugar. Maaaring nakasulat at o sinasalita. Ito ay

mga sulating pasalaysay, o patula.


53

Konteksto. Ang hanay ng mga pangyayari o sitwasyon habang nasa proseso ng

komunikasyon kung saan nagkikita ang nagpadala at tatanggap at kung saan ginawa ang

mensahe.

Kabanata 2

MGA PARAAN AT METODO NG PAG-AARAL

Sa bahaging ito ng pananaliksik, matutunghayan ang mga pamamaraang ginamit

sa pag-aaral, ang mga instrumento at disenyong ginamit sa pag-susuri.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang Dikriptibong paraan ng pananaliksik (Discriptive Analysis) ang gagamitin sa

pagsusuri sapagkat ang metodong ito ay nagbibigay tuon sa pag-aanalisa sa mga hindi

tuwirang senyales o palatandaan sa mga nakalimbag na diskurso sa ilalim ng pag-aaral na


54

ito. Ang uring pananaliksik na ito ay mainam sapagkay layunin ng pananaliksik na

masuri ang akdang Noli Me Tangere na nasa anyong Komiks at ang kabisaan nito bilang

panghalili sa Klasikal na anyo ng akda.

Ang Deskriptibong uri ng pananaliksik bilang isang disenyo ng pananaliksik na

may layunin ng proseso sa pangangalap, pag-aanalisa, pag-uuri, at paghahanay ng mga

datos o impormasyon ukol sa mga inilatag na kondisyon, gawi, proseso, mga bago sa

paligid at ugnayang sanhi at bunga at ang pagbibigay sa mga ito ng nararapat at

matamang interpretasyon ukol sa mga datos at impormasyong na maaarin o di kaya

naman ay hindi ginagamitn ng mga pangstatistikong kagamitan ayon kay Calderon

(2006). Bilang karagdagan, ayon kay Walliam (2011), kaniyang inilarawan na ang

deskriptibong pananaliksik ay nakakonekta sa obserbasyon at pagkalap ng mga datos.

Ayon kay Darmadi (2013), ang metodo sa pananaliksik ay ang paraan upang

matamo ang mga datos na nauukol sa espesipikong pangangailangan. Ang siyentipikong

pamamaraan ay nangangahulugan na ang aktibidad sa pananaliksik ay nakabase sa

siyentipikong katangian, rasyunal na natukoy, empirical at sistematiko. Kwalitatibong

pananaliksik ang siyang gagamitin sapagkat ang ganitong uri ng pananaliksik ay

itinuturing na isang subjetibo-sistematikong uri ng dulog na ginagamit upang ilarawan at

mga karanasan upang bigyan ito ng katuturan na siya namang isasagawa upang ito ay

maisakatuparan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na suiriin ang ang nobelang Noli Me Tangere na akda

ni Dr, Jose Rizal na nasa anyong komiks.


55

Ang teoryang Pormalismo ang magiging sandigan ng pananaliksik kaalinsabay

ang dekunstruktibong paraan ng pagsusuri upang maging bilang teoryang pantulong sa

pagsusuri sa akda upang alamin ang mga na kahulugan, tagong kahulugan, simbolismo o

pahiwatig para sa lubos na pagkaintindi at mabisang pagtuturo ng nasabing akda at

masuri ang kabisaan ng pagkakabuod nito.

Bibigyang diin din ng pananaliksik na ito kung ano ang mga suhestiyong na

maaaring mabuo batay sa pagsusuri gamit ang pormalistikong dulog sa bersiyong komiks

ng nobela upang mas mapayabong at maging makabuluhan ang pag-aaral at pagtalakay sa

nasabing obra maestra para sa mga guro at mag-aaral.

Kagamitan at Instrumento sa Pag-aaral

Magsasagawa ang mananaliksik ng isang maingat maayos na paghahanda upang

ang mga angkop na instrumentong gagamitin sa pangangalap ng mga kinakailangang

datos at impormasyon para ang isasagawang pag-aaral ay mabuo. Ang mananaliksik ay

bumuo ng mga katanungatanungan at ang mga ito ay sinagutin sa pamamagitan ng

maingat na pagsusuri sa inilahad na mga suliranin upang matugunan ng patas at

makatuwiran na pag-aaral ang nobelang Noli Me Tangere sa anyong komiks.

Ang balangkas ng pagsusuring Pormalistiko na mula sa pagsisipi ni S. Andres

(2016) na hango sa aklat na “Theory Into Practice, An Introduction to Literary

Criticism” ni Ann B. Dobie (2011) ang gagamitin ng mananaliksik upang isakatuparan

ang pagsusuri. Ang porma ng pagsusuring ito ay may talong bahagi; Ang Panimula kung

saan kinakailangan ng manunuri na iprisinta ang iba’t ibang pahayag kung paanong ang

mga elemento ng akda ay nakaaapekto sa pagkakabuo nito, ang katawan kung saan
56

ilalarawan at susuriin ang kabuuan ng akda, at ang kongklusyon kung saan layuning

maipakita ang pangkabuuang koneksyon sa pagitan ng porma at nilalaman ng akda.

Gumamit ang mananaliksik ng kwalitatibong pamamaraan upang maipakita ang

katotohanang nakapaloob sa akda at ang kabisaan ng pagkakabuod o pagkakabuo nito.

Babalangkasin ng mananaliksik ang kabuuan ng akda at itatala ang mga mahahalagang

bahagi at datos na tutugon sa bawat suliraning inilatag uupang makabuo ng angkop na

mga suhestiyon na matutlong sa maayos ay makabuluhang pag-aaral sa akda.

Pangangalap ng mga Datos

Ang mananaliksik ay nagsagawa ng isang maingat na paghahanda upang ang mga

angkop na instrumentong gagamitin sa pangangalap ng kinakailangang mga datos at

impormasyon upang isinasagawang pag-aaral ay mabuo. Ang mga sumusunod ay ang

mga hakbang na isinagawa ng mananaliksik:

1. Pangangalap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na magpapatunay at

magiging sandigan ng mananaliksik upang maging matagumpay ang pag-aanalisa

ng bersiyon nobela. Kabilang sa mga ginamit na referensya ng pananaliksik ay

ang mga libro, jornal at diksyunaro, maging ang mga nailathala o ‘di nailathalang

Tesis na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

2. Pagbuo at pagsagot ng mananaliksik sa inihanay na mga katanungan. Ang nobela

sa anyong komiks ay maingat na susuriin sa pamamagitan ng inilahat na mga

suliranin upang matugunan ang makatotohanan at paksa na pag-aaral sa obra

maestrang Noli Me Tangere.


57

3. Ang mananaliksik ay gagamit na kwalitatibong pamamaraan upang ipakita ang

nilalaman ng akda at suriin ang pagiging epektibo ng pagkakabuo ng bersiyong

komiks ng Noli Me Tangere gamit ang Pormalistikong paraan ngpagsusuri.

Babalangkasin ng mananaliksik ang kabuuan ng komiks at itatala ang mga datos

na tutugon sa bawat suliraning iprinisinta sa pananaliksik na ito kaugnay ang

pagtukoy sa bawat bahagi ng nobela na kakikitaan ng mga ebidensya na tutugon

sa mga nasabing suliranin na siya namang aangkop at magiging materyales upang

makabuo ng kapakipakinabang na mga suhestiyon sa pag-aaral.

Etikal na Pagsasaalang-alang

Ang akdang napili ng mananaliksik ay ang Noli Me Tangere na na nasa anyong

komiks, isa ito sa apat na obra maestrang tinatalakay at pinag-aaralan sa asignaturang

Filipino sa pampublikong paaralan. Ito ay isa sa malalaking nobelang katha ni Rizal na

sinundan ng aklat na El Filibusterismo. Ang anyong ito ay napapanahon sapagkat

naniniwala ang mananaliksik na mas magiging interesado ang mga mag-aaral at mga

mambabasa sa bagong representasyong ito ng obra.

Layunin ng akdang ito na gisingin ang diwa at damdamin ng mambabasa hinggil

matandang obrang Noli Me Tangere at muling buhayin at ipakilala ang bago at

napapanahong bersiyon nito.

Maingat na isinaalang-alang ng mananaliksik ang pagsagot sa mga suliraning

inilahad tungkol obra maestrang Noli Me Tangere upang walang sinuman ang maaaring

maapakan at masaktan ang damdamin sa pananaliksik na ito.


58

Tuon naman ng teoryang Pormalistiko, ang teoryang sandigan sa pag-aaral na ito

na suriin at ipakita ang bagong anyo ng matandang panitikan na susuriin at alamin ang

kabisaan bilang panghalili sa orihinal na anyo ng nobela sa pamamagitan ng pagsusuri sa

nilalaman nito.

Mababakas sa bersyon ng nobela na komiks ang taglay rin na katangian ng

orihinal na akda ang maging nasaksihang lipunan ng may-akdang si Dr. Jose Rizal sa

panahon kung kalian niya kinatha ang akda. Isinasalaysay sa nobela, hindi man tuwiran,

ang mga katangian ng mga tao sa panahon na kaniyang ginagalawan, ang kalagayan ng

lipunan at ang kalagayan ng mga Pilipino sa panahong nabanggit. Ang mga nabanggit na

salik ang siyang nagbigay buhay sa akda. Ang mga ito rin ang ilan sa mga salik na

susuriin ng mananaliksik upang ipakita kung matagumpay na nairepresenta ng bersyong

komiks ng Noli Me Tangere ang mga salik na nabanggit.

KABANATA 3

RESULTA AT PAGTALAKAY

Ang bahaging ito ang naglalaman ng paglalahat ng mga resulta at

binungangisinagawang pag-aaral. Matutunghayan ang kasagutan sa mga suliranin

na naging resulta ng pagsusuri.

Presentayon, Analisis, at Interpretasyon ng mga Datos


59

1. Paglalahad Ng Kabuuang Takbo Ng Kwento

Ang kabuuang kwento ng akdang Noli Me Tangere sa anyong komiks ay

inumpisahan sa isang tagpo kung saan makikitang ang tatlong karakter na hindi

pinangalanan ay nag-uusap patungkol sa magaganap na pagtitipon sa bahay ng

isang kilalang personalidad ng si Don Santiago Delos Santos na nasa kalye

Anluwage.

Sa sumunod na tagpo, inilahad ang pag-aasikaso ng kasambahay (Tiya

Isabel) ni Kapitan Tiago sa mga bisitang nagsisipagdating sa piging. Ang mga

panauhin ay nag-uusap usap na nasa iba’t ibang dako ng bulwagan. Isa sa mga

grupo ng mga panauhin ay binubuo ng mga kilalang makakapangyarihan tulad no

Padre Damaso. Kanilang pinag-uusapan ang iba’t ibang mga problema tulad mga

saloobin tungkol sa mga indio tulad na lamang ng kamangmangan umano ng mga

ito dahil sa pagkawalang bahala sa mga bagay.

Habang ang mga nabanggit ay patuloy sap ag-uusap ay siya namang

pagdating ni Kapitan Tiyago na kasama si Crisostomo Ibarra. Habang nakikipag

kumustahan si Ibarra sa mga panauhin ay matama siyang pinagmasdan ni tinyente

Guevara. Kaniyang nakilala ang kura na matalik umanong kaibigan ng kaniyang

ama na si Don Rafael ngunit ito ay pinabulaanan ng padre. Upang maiwasan ang

pagkapahiya ay kaagad na binati ng tinyente ang binate sa kaniyang pagdating.

Bahagyang yumukod ang binata at patuloy ang pag-uusap ng dalawa ukol sa mga

bagay bagay tungkol sa kabutihan ng nasawing si Don Rafael. Lumuwag ng

bahagya ang paghinga ng binate sa mga tinuran ng tinyente. Ilang sandal matapos
60

ang pakikipagdaupang palad niy Crisostomo ay nakisalamuha na ito sa iba pang

mga panauhin.

Dumako ang tagpo sa harap ng hapunan kung saan patuloy ang

pagbabalitaan. Isa sa napag-usapan ay ang mga bagay na pinagkaabalahan ni

Crisostomo habang siya ay nasa ibang bayan. Ayon sa binata, “sa bawat bayan na

kaniyang marating, nililisan niya itong batid ang kasaysayan ng pamumuhay,

Pulitika, Relihiyan, anupa’t sa kaniyang kabuuan…” mula sa kaniyang tinuran ay

painsulto itong sinagot ni Padre Damaso at ipinunto na ang binata ay na saying

lamang ng panahon at kayamanan sapagkat ang mga bagay na iyon ay maliit

lamang na maski paslit ay alam ang mga iyon.

Sa halip na magalit ang binata sa pang-iinsulto ng pare, ibinaling ni niya

ang kaniyang mga pahayag at tinuran ng huwag mag-taka ang iba pang mga

panauhin sapagkat sinasariwa lamang ng dating kura ang nakaraan kasama ang

kaniyang yumaong ama at nagturan na siya ay lilisan na. sa kaniyang

pamamaalam ay hindi na siya napigilan ni kapitan Tiyago kahit na sinabi nitong

darating si Maria Clara. Nang makaalis ang binata ay patuloy ang pangungutya ni

Padre Damaso at sinabing iyon ang nagiging bunga ng pagpapadala ng mga

kabataang Indio sa ibang bansa kaya nararapat itong ipagbawal.

Samantala, matapos makaalis ng binasa ay matamang pinagmamasdan

nito ang kapaligiran at ganoon na lamang ang kaniyang pagkamangha sapagkat sa

pitong taon niyang pagkawala ay wala manglang pagbabago ang pook na

kaniyang kinalakhan. Nasa gayan siyang pagmumuni muni nang siya ay kausapin

ng Tinyente. Binalaan ng tinyente ang binata na ito ay mag-ingat. Nang masiguro


61

ng Tinyente na tunay na walang alam ang binata sa sinapit ng sarili nitong ama ay

inilahad nito ang kaniyang nalaaman. Di halos makapaniwala si Ibarra sa

kaniyang mga narinig. Masaganang luha ang dumaloy mula sa mga mata ng

binata at sinikap pa niyang mabatid ang lahat ukol sa sinapit ng kaniyang ama. Si

Don Rafael ay namatay sa bilangguan at pinaratangan ni Padre Damaso na isang

pilibustero at erehe bunsod ng di nito pangungumpisal. Hanggang sa pulpit ay

pinasasaringan siya ni pare Damaso na naging mahigpit niyang kaaway.

Isang araw ay tinutukso ng mga bata ang isang mangmang na tagasingil ng

buwis ng BA-BE-BI-BOBO at utak pagong at hindi marunong bumasa. Napikong

ang mangmang at hinabol ang mga bata. Nang maabutan ay pinagsisipa ito. Sakto

namang pagdating ng am ani Crisostomo at kaniyang sinaway ang tagasingil ng

buwis. Sa tindi ng galit ng mangmang ay siya ang napagbalingan ng galit nito,

subalit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napahamak ang mangmang. Dahil sa

pamumuo ng dugo sa ulo ay namatay ang kubrador, na siyang ikinabilanggo ni

Don Rafael. Bago nga ito mapalaya ay binawian ito ng buhay dahil sa

karamdaman.

Saglit na natigilan ang Tinyente at hindi na itinuloy ang pagkukwento

bagkus ay sinabi nitong malalaman ng binata ang iba pang pangyayari kay

Kapitan Tiago. Mahigpit at walang imik na nagkamayan ang dalawa bago mag-

hiwalay.

Samantala, si kapitan Tiyago sa kaniyang tahanan ay nagninilay nilay sa

pangyayari sa kaniyang piging at inaalala na sana’y nasiyahan ang kaniyang mga

panauhin gayun din ang hindi pagdadaupang palad nina Maria Clara at Ibarra.
62

Kinabukasan matapos magsimba, makikitang nasa bintana si Maria Clara na

waring may hinihintay. Ang pagkainip ng dalagay ay naibsang nang may isang

kalsesang huminto sa tapat ng kanilang tahanan. Ito ay kalesa ni Ibarra. Nagbigay

galang si Ibarra sa kasambahay ng dalaga at ilang sandal pa ay nag-usap na ang

dalawa. Tinanong ni ng dalaga kay Ibarra kung siya ba ay hindi nakalimot.

Sinuguro naman ng binata na sa kabila ng magagandang dilag na kaniyang Nakita

sa pinanggalingang bayan ay namumukod tangi ang gandang kayumanggi.

Madami pang napag-usapan ang magkaulayaw hanggang sa makaalala si

Crisostomo na siya ay may tungkuling dapat tuparin. Siya ay kinakailangang

magtungo sa bayan ng San Diego kinabukasan sa araw ng mga patay. Upang

maaliw ang namimihagting dilag na noon ay nakatanaw sa pag-alis ng kaniyang

kasintahan siya ay inutusan ng kaniyang ama na si Kapitan Tiyago na magtulos

ng kandila para sa poong San Roque at isa para kay San Rafael na pintakasi ng

mga manlalakbay.

Kinabukasan, pasakay na sina Maria Clara nang makasalubong si Padre

Damaso. Tinanong nito kung saan sila tutungo. Agad namang sinagot ng dalawa

ang pare at sinabing sa beateryo ang tungo nila upang kunin ang mga naiwang

gamit ngdalaga. Tuloy tuloy na pumanhik si Padre Damaso sa bahay at kaniyang

kinausap si Kapitan Tiago. Makalipas ang ilang sandal ng kanilang pulong ay

litong litong tinungo ni Kapitan Tiago an altar at pinatay ang sindi ng kandilang

patungkol kay Ibarra. Samantala, sa libingan sa Bayan ng San Diego, dalawang

lalaki ang naghuhukay at nag-uusap tungkol sa isang bangkay na hinukay ng

matandang supulturero. Ang nasabing bangkay ay dalawampung araw pa lamang


63

naililibing nang ipahukay ng kurang Malaki na si Padre Damaso at ito ay

ipinalilipat sa libingan ng mga intsik.

Hindi naglaon ay unti unting dumarami ang mga tao sa libingan, kabilang

na sina Ibarra. kasama niya ang kaniyang katiwala. Kanilang hinahanap ang lugar

kung saan inilibing ang kaniyang ama subalit ngunit hindi nila ito mahanap. Ayon

sa katiwala ay nilagysan niya ito ng isang krus na may pangalan ni Don Rafael.

Subalit ng sumapit sila sa itinuro ng matanda ay wala roon ang tinutukoy na

puntod. Agad na tumalima ang matandang katiwala at nagtanong sa mga

supulturero kung nasaan ang hinahanap nilang nitso. Nagulat ang katiwala

sapagkat ayon sa sepulturero ay sinunog na nila ito ayon sa utos ng kurang

malaki. Hindi nakatiis si Ibarra kaya siya na mismo ang nakipag-usap. “may ilang

buwan na pong ipinahukay ng kurang malaki upang ilipat sa libingan ng mga

intsik”. Turan ng sepulturero. Ani pa ng sepulturero ay hindi niya naisakatuparan

ng uto sapagkat umuulan at mabigat ang kabaong kaya kaniya itong itinapon sa

ilog. Animo’y kulog na dumagundong sa kaniyang pandinig ang ipinagtapat ng

kaniyang kausap. Nangangalit ang mga bagang ng binata na hindi malaman ang

gagawin. Marahil sa tindi ng galit, pagdadalamhati o pakaawa sa sinapit na ama

ay lumisan siya sa libingan. Walang lingon lingon na binagtas ng binata ang daan

hanggang sa matanawan niya ang isang kura. Nang matapat sa kanya ang kura na

walang iba kung hindi si pari Salvi ayagad niya itong sinunggaban at tinanong

kung ano ang ginawa nito sa kaniyang ama. Sinagot ng pari ang tanong nga galit

na binata at ito ay kaniyang pinabulaanan. Itinuro ni padre Salvi na ang may

kagagawan ay si padre damaso. Binitawan ni Ibarra ang kura at mabilis na


64

lumisan sa darating ang matandang katiwala at inihingi nito ng pasensya ang sa

nagawa ni Ibarra. halos baliw na napag-isa si Ibarra sa kanyang silid at wari’y

nakikiramay ay walang patlang ang dagundong ng kulog t kidlat hanggang sa

narinig ang batingaw ng kampana.

Samantala sa kabilang dako ng kampanaryo ay nag-uusap ang dalawang

batang sacristan na sina krispin at basilyo at pinatutunog ang kampanaryo.

Tahimik na naupo ang wala sa labis na pagkapagal sapagkat ang nakababatang si

Crispin ay pinagbintangan na nagnakaw. Inalo ni Basilyo ang kapatid nang sa

darating ang sacristan mayor at kaniyang sinabi na mumultahan niya si Basilyo

sapagkat mali ang pagpapatunog nito ng kampana at sinabihan rin niya si crispin

na maiiwan ito sa kumbento hanggang di nito inilalabas ang kaniyang mga

ninakaw. Anyong dadalhin ng sacristan mayor si Crispin nang tangkaing pigilan

ito ni Basilyo. Lakas loob na ipinagtanggol ni basilyo ang kapatidsubalit siya ay

walang nagawa. Naiwang di makapagsalita si Basilio, walang nagawa kung hindi

pakinggan ang tining ng kapatid na nagpapasaklolo. Naisip ni Basilio na kung

siya lamang ay makapag-aararo ay hindi nila sasaipiin ang ganitong pangyayari at

kung paano siya makatatakas. Gamit ang lubid ay naglambitin siya upang

makalabas sa kampanaryo.

Samantala, sa dahilang inaasahan ang pagdating ng mga anak, abalang

abala si sisa sa pagluluto ng hapunan. Upang maaliw ang sarili sa paghihintay ay

manaka naka siyang umaawit. Ilang sandal pa ay narinig na niya ang tawag ng

kaniyang anak. Hintakot na pinagmasdan ni sisa ang anyo ni Basilyo ng ito ay

kaniyang makit at tinanong ito kung bakit siya humahangos at nasaan ang kaniyan
65

kapatid. Isinalaysay ni Basilyo ang pangyayari at gayon na lamang ang

pagkagulat ni Sisa sa nangyari sa mga anak. Sinabi ni Sisa kay Basilyo na huwag

itong mag-alala sapagkat siya ay makikiusap sa kura kinabukasan. Ipinaghanda ni

Sisa ng pagkain tuyo ang anak ngunit ito ay walang gana. Tuyo na lamang ang

natira sapagkat inubos ng kanilang ama ang inihandang pagkain ni sisa para sa

mga anak.

Kinabukasan ay maagang nagtungo si sisa sa Kumbento. May dala siyang

mga gulay para sa kura upang kahit paano’y maibsan ang galit nito sa kaniyang

mga anak, subalit nang pagdating niya sa kumbento ay sinabihan siya ng isang

tagapagsilbi na matapos makapagnakaw ng mga bata ay nagtanan ang mga ito at

iniutos na ipagbigay alam sa mga Gwardya sibil. Halos matulig si Sisa sa mga

narinig. Ni isang kataga ay wala siyang nabigkas. Nagmamadaling nilisan ni sisa

ang kumbento at habang nasa daan ay litong lito. Nang sapitin niya ang kanilang

dampa ay halog mapugto ang kaniyang paghing nang madatnan niya ang mga

gwardya sibil. Nakahinga ng maluwag si Sisa ng makitang walang kasama ang

mga Gwardya sibil. Natanaw siya ng mga ito at hinanap sa kaniya ang mga

ninakaw ng kaniyang mga anak. Ipinagkaila ni sisa ang paratang sa kaniyang mga

anak at sinabing wala siyang nalalaman sa ano man sa mga iyon. Hindi

pinaniwalaan si Sisa ng mga gwardya sibil kaya siya ang isinama ng mga ito.

Nagmakaawa si Sisa sa mga sibil. Nanikluhod ngunit hindi siya pinakinggan at

idinala sa kwartel. Hini naglaon ay umabot sa kaalaman ng Alperes ang

pangyayari. Iniutos ng alperes na pakawalan si sisa, sapagkat aniya ito’y gawa

gawa lamang ng kura. Dahil sa kapasyahan ng alperes ay nakalaya si Sisa. Parang


66

ibon na nakawala sa hawla, at mabilis na tinahak ni sisa ang daan pauwi. Hindi

alintana ang paminsan minsang pagkakadapa hanggang sa sapitin niya ang

kanilang dampa. Hinanap niya ang mga anak at nang hindi niya ito matagpuan ay

nagpunta siya sa gulod, sa ilog, sa kasukalan, subalit hindi niya natagpuan ang

mga ito. Muli siyang pumanhik ng bahay hanggang sa mamataan niya ang isang

kapirasong damit ni Basilio na may dugo. Dala marahil ng mga matitinding dagok

ay tuluyan nang pinanawan ng sariling bait si Sisa. Simula noon ay nagpalaboy-

laboy na ito sa lansangan. Hindi lahat ay nagdalang awa kay Sisa sapagkat ang

ilan ay patuloy pa rin siyang kinukutya.

Samantala sa kabilang dako, sa sang gulod ay kausap ni Ibara ang isang

Guro at itinuro nito ang lugar kung saan iinapon ang bangkay ng kaniyang

namayapang ama. Nagpag-usapan ng dalawa ang tulong na ginawa ni Don Rafael.

Nagpasalamat ang guro sapagkat nais ipagpatuloy ni Crisostomo ang balak ng

kaniyang ama imbis na ito ay ipaghiganti. Inalam ng binata ang mga balkid sa

pagtuturoat makalipas ang mahabang pag-uusap ay nangako ito ng pagtulong sa

kausap.

Pagkalipas ng tatlong araw, gayak na ang bayan ng san diego sa nalalapit

na kapistahan. Naging paksa ng salitaan ang pagdating ni Maria clara. Ang usapan

ay lalong naging maalingasngas ng dumating si Ibarra. walang sinayang na sandal

ang binata at nang patungo na siya sa bahay ng dalaga ay nasalubongniya si padre

Salvi. Nanghingi ng paumanhin ang binata sa nakaraang pangyayari at tinanggap

naman ng kura ang paghingi ng kapatawaran ng binata. Ilang sandal pa, nang
67

makapagusap si Ibarra at Maria clara ay napagpasyahan nila na sa ilog nila

idaraos ang kapistahan kasama ang kanilang mga kaibigan.

Kinabukasan, madilim pa ay handa na ang magkakaibigan. Kasama ang

ilang mga nakatatanda ay nagtungo na ang mga ito sa ilog. Napagpasyahan nila na

anghuli ng mga isda para sa pangnaghalian. Habang lulan sila ng bangka ay

patuloy ang tuksuhan. Ang lahat ay masaya maliban sa piloto ng bangka na

walang iba kundi si Elias. Nang sapitin nila ang baklad nang sila ay mamataang

magalasgas na bagay na nahuli ng baklad. Ito ay tila buwaya. Nagkaroon ng

pangamba ang mga kababaihan ng waking ano ano’y tumalon ang pilot sa tubig.

Labis na nag-alala sa tagal na inilagi ni Elias sa ilalim kaya napagpasyahan nito

sunidan ang piloto. Matapos makahagilat ng patalim ay sinundan ng binata si

elias. Ilang sandal pa ay pumala ang tubig at naibsal lamang ang kanilang

pangamba ng maayos na umahon ang dalawa. “masyado kayong mapusok ginoo.

Sa muli muli’y huwag ninyong bibiruin ang Diyos. Magtimpi kayo at malalayo ka

sa kapahamakan.” Tugon ni Ibarra sa pasasalamat ni Elias matapos ang

pangyayari. Nilapitan sila ni maria clara at sinabing paano kung hindi na lumitaw

ang binata sa lawa, tanging sagot ni Ibarra ay kung magkagayo’y makakasama na

niya ang kaniyang pamilya. Nagpaumanhin si Elias bago lumusan. Ilang saglit

lamang ay dumating ang mga gwardya sibil at kanilang hinahanap ang piloto na si

Elias na salarin sa pagkahulog ng Alperes sa lubat at pinararatangang nagbuhat ng

kamay sa isang Pare. Pinaratangan din ng sibil si ibara sa pagtanggap ng masang

tao sa kanilang kasiyahan ngunit tinitigan walang kurap ng binata ang kausap at

sinabing wala sialng pakialam kung sino man ang nais nilang tanggapin sa
68

kasiyahan at wala siyang tungkuling ipaalam ang kaniyang gawain. Ipinahanap ng

sarhento sa kaniyang kawal ang piloto sa lahat ng dako, ngunit di nila ito Nakita.

Kinabukasan, ipinagsadya ng binata ang bahay ni mang Tasyo, kilalang

pilosopo sa bayan ng San Diego. Kinunsulta ng binata ang pilosopo ukol sa

ipatatayo nitong paaralan sapagkat siya rin ang dating kinukunsulta ng kaniyang

namayapang ama sa mga suliranin nito. Matamang pinagmasdan muna ng

pilosopo ang binata bago ito nagpatuloy. Ipinayo nito na dapat ay sa kura

sumangguni ang binata sapagkat sila ang makatutulong sa kaniya dahil nasa

kanila ang lakas, gayun din lahat ng may kaya, sa tungkulin at sa kayamanan.

Kinakailangan rin ang tatag ng loob ang siyang maging gabay. Natapos ang

kanilang usapan at tinanggap ng binata ang mga payo ng pilosopo.

Ang payo ni mang Tasyo ang naging gabay ni Ibarra ito ay nagbunga ng

magtagumpag ang kaniyang panukala at hindi nagluwat bilang pasimula ay

naumpisahan na ang pagpapatayo ng paaralan. Nilapitan ng alcalde ang taong

naghuhugos ng malaking bato upang tanungin kung paano ang gagawin nito.

Samantala sa ibabaw ng mesa ay naroon ang isang bumbong na tingga, kasulatang

sulat kamay, pahayagan, medalya, at iba pang bagay na siyang ibabaon sa may

uka ring bato upang maging ala-ala sa nagdaang panahon. Nang makapasok na

ang panauhin ay… sa bumbong ay lumpit ng alkalde kay Ibarra at tinanong nito

kung ibig ba nito na siya ang mag-lagay ng bumbong sa uka ngunit kaniyang

tinuran ng higit na may karapatan ang kalihim. Ang eskribano na ang naglagay ng

bumbong sa uka at nang dumatin ang sandal ng paglalagayng bawat isa ng kutsa-

kutsarang palitada sa ibabaw ng bato ay sinabihan ng alkade na si Ibarra na


69

lamang ang hindi pa nakapaglalagay ng palitada. Tinungo ni ibara ang batong

kinalalagyan ng bumbong at ilang saglit lamang ay nasa ganoong katayuan si

Ibarra nang mula sa karamihan ay lumitaw si Elias, na kanina pa nagmamasid at s

amalakas na tinig ay simugaw ito ng “ginoong Ibarra mag-inagt kayo!” sa

pagkakagitla ng lahat, ang nakabiting bato ay bumagsak. Nagkagulo ang mga tao

at di magkamayaw na nagtakbuhan ang iba. Nang mapawi ang alikabok ay

tumambad si Ibara at ang bangkay ng isang lalaki. Ang bangkay ay ang

tagpaghugos. Nais ng alkalde na ipagsakdal ang namamahala sa gawaing iyo

ngunit hindi na pumayag si Ibarra at sinabing siya na lamang ang sasagot sa

pagpapalibing sa bangkay. Iniwan ng binatang lipos ang paghanga sa mga

nororoon, sa ipinamalas niyang kahinahunan.

Kinabukasan… may isang panauhin ang nais makausap si Ibarra. Ang panauhin

ay si Elias. Inihayag nito na si Ibarra ay may mga lihim na kaaway. Inihayag ni

Elias na aisa sa mga ito ang kamamatay ng tagahugos ang isa sa kaaway ni Ibarra.

Ikinuwento ni Elias na kaniyang natunghayan ang pagsasagawa ng plano ng

namantay. Nang ito ay tatakas na ay kaniya itong sinunggaban at sa kasaamaang

palad ay nadaganan ng gumuhong biga. Matapos ang ilan pang pag-uusap ay

tumindig si Elias at ipinaalala na hiwag kalimutan ni Ibarra ang mga sinabi niyang

kaaway nito.

Nang matapos ang paaralan ay isang tanghalian ang idinaos. Pinapurihan

ng alkalde si Ibarra nang sumabad si Padre Damaso. Aniya, sobra ang naging

gastos ng paaralang ipinatayo ni Ibarra. Ang hirap sa mga Indyo, komo nakapag-

aral ng kaunti ay akala mo kung sino na. dagdag pa niya “lahay sila ay
70

magwawakas ng nararapat sa kanila. Buhay pa man ay pinarurusahan na ang mga

ganyang ulupong at ang mga mapagpanggap na I’yay mangamamatay at

mabubulok sa loob ng bilangguan na wala mang lang sapin upang minlayan ng

kaniyang bangkay, tulad ni…” Hindi na nakuha pang tapusi ni padre Damaso ang

sasabihin nang maliksing sunggaban ni Ibara ang pare. Namataan ng binata ang

isang kutsilyo. Noon lamang nakuhang mamagitan ng alkalde at sinabihan ang

binata na ang kaniyang gagawin ay isang mabigat na kasalanan sa Diyos. Sinagot

ni Ibarra ang turan ng alkalde at sinabing mas malaking kasalanan ang ginawang

paglapastangan ng kura sa libingan ng kaniyang namayapang aman na si Don

Rafael at pagkawika noon ay akmang tatarakan ng patalim ni Ibarra ang dating

kura nang siya ay pigilan ni Maria Clara. Ang tinig at titig ng kasintahan ay

nagpalamig sa mainit na simbuyo ng damdamin ni Ibarra. walang kibong nilisan

ng binata ang pook na iyon.

Kinabukasan, sa bahay ni kapitan Tiago. Umiiyak si Maria Clara dahil ang

kaniyang kasintahang si Crisostomo at isang Eskumulgado at hanggang hindi siya

inaalisan nito ay pinagbabawalan siya ng kaniyang ama na makipagusap sa

kasintahan. Inalo ni tiya Isabel ang dalaga ay siniguro nitong patatawarin din na

pare si Ibarra. naudlot ang pag-uusapa ng dalawa nang dumating si kapitan Tiago

at sinabi nitong nagyari na ang kinatatakutan nitong mangyari. Iniutos ni padre

Damaso na sirain ni kapitan tiyago ang kasunduang ukol sap ag-iisang dibdib nina

Ibarra at Maria Clara. Sa sinabing iyon ng ama ay tuluyan nang napahagulgol ng

dalaga. Inalo ni Santiago ang si Maria Clara ngunit wala itong magawa sapagkat

siya ay natatakot sa kahihinatnan ng kaniyan katawan at kaluluwa. Ipinayo ni tiya


71

Isabel kay kapitan Tiago na sulatan nito ang Arsobispo ngunit ani kapitan tiyago

ay wala rin itong magagawa.

Isang araw, sa tanggapan ng kararating na Heneral. Nagtungo ang

binatang si Juan Crisostomo Ibara upang makausap ito. Kilala siya ng heneral at

alam ang pangyayaring alitan nil ani padre Damaso. Nang nasa loob na si Ibarra

ay maluod siyang tinanggap ng Heneral. Matapos paupuuin ay kanilang

napagusapan ang ginawang pagpapatayo ng paaralan ni Ibarra at ang heneral ay

masaya ukol rito. Ipinangako ng Heneral na walang dapat alalahanin si Ibarra

ukol sa alitan nil ani padre damaso sapagkat hanggat siya ang namamahala sa

Pilipinas ay hindi maaano si Ibarra. ipinangako rin ng Heneral na siya na ang

bahala na kumausap sa Arsobispo ukol sa pagiging eskumulgado ng binata.

Humahanga ang Heneral kay Ibarra sa mga tinuran nito na wala siyang hangad

kung hindi ang ikauunlad ng kaniyang bayan, bunsod nito ay inanyayahan siya ng

heneral na sumama sa pagbabalik nito sa Europa upang doon manirahan ngunit

ang binata ay tumanggi. Nang makaalis na si Ibarra ay tinawag ng Heneral ang isa

niyang kagawad. Ayon sa Heneral, matapos niyang makaausap si Ibarray ay

kaniyang napagtanto na maaaring maging isang mabuting kastila sang taon na

hindi kinakailangang iwaksi ang pagka-mabuting Pilipino. Pagkawika noon ay

ipinatawag ang alkalde at inihabilin maging sa alperas na tulungan si Ibarra sa

mabubutinitong layunin.

Samantala, dahil sa sama ng loob ay nagkasakit si Maria Clara kaya siya ay

dinalaw nina Donya Victorina kasama ang kaniyang Doktor na asawa. Pumasok

ang doctor sa silid ng dalaga at habang sinusuri ay ipinakilala naman ni Donya


72

Victorina si Don Alfonso Linares na inaanak ng isang kamag-anak ni padre

Damaso. Dahil sa relasyon ng binata kay padre Damaso ay malugod ang

pagtanggap ni kapitan Tiyago sa kaniya. Patuloy ang huntahan at balitaan ng sa

parating si padre Damaso at kinumusta nito si Maria Clara. Tuloy tuloy na

tinungo ni pare Damaso ang silid ng dalaga. Lumapit sa katre at nagsambit na

“Maria, Maria anak ko… hindi ka mamamatay… Tatawag ako ng dalubhasang

manggagamot!”. Ang hagulgol ng kura ay narinig sa labas. Nang lumabas si pare

Damaso ay lumapit si Linares. Nagpakilala ang binata at sinabing siya ay inaanak

ng bayaw ng pare na si Carlicos. Nagyakap ang dalawa, nagkakilankan at

nagkumustahan. Nag-abot ng sulat ang binata at matapos matunghayan ang

nilalaman nitong pahingi ng tulong upang makahanap ng trabaho at

mapapangasawa, agad na nilapitan ng pare si Kapitan Tiyago at sinabing nais niya

itong makausap ng sarilinan. Di pa nagluluwat ay dumating si sinang at

kinumusta ang kaibigang si Maria Clara. Pumasok si sinang sa silid ng dalaga at

iniabot ang gamot sa may sakit. Kinumusta ni Maria Clara ang kasintahan kung

ito ba ay sumulat. Ayon kay sinang ay hindi. Binanggit lamang ng binata na

lalarakarin niyang siya ay mapatawa ng Arsobispo ang kaniyang Eskumunyon.

Sinabi ni Maria Clara na sulatan ni Sinang si Ibara at sabihing siya ay kalimutan

na. mag uusisa pa sana si Sinang nang pumasok si tiya Isabel at sinabing siya ay

kukumpisalin ni pare Damaso at ipinatatanong ng kaniyang ama kung maaaring

ipakilala niya sa dalaga ang isang panauhin. Hindi nagkait ang dalaga at

ipinakilala sa kaniya si Don Linares De espadaña. Pagkakita ni Linares sa dalaga

ay nabihag na kaagad ang kaniyang puso. Namulahan naman ang dalaga sa


73

tinuran nito na “Hindi ko akalain na makakikita ako ng isang mala-anghel na

kandahan” matapos Makita si Maria Clara.

Samantala ng mga sandaling iyon, si kausap ni Elias ang isang matanda.

Iminumungkahi ni Elias sa kausap na siya ay pagbigyan at bigyan ng pagkakataon

ang kaniyang sinasabi upang maiwasan ang saka-sakaling pagdanak ng dugo.

Kaniyang ipinunto na si ginoong Crisostomo Ibara ay isang taong marangal at

may pagmamahal sa ingang bayang. Nangko si Elias sa kaniyang kausap na kung

sakaling siya ay mabigo ay siya ang unang unang mamamatay. Nasiyahan ang

matanda sa itinugon ni Elias kaya ipinagkatiwala ng matandang kausap na

iparating ang kanilang mga hinaing kay Ibarra. nangako si Elias na makalipas ang

apat na araw ay malalaman ang kasagutan ni Crisostomo Ibarra.

Kinabukasan, sa isang tagong lugar naguusap ang dalawang lalaki. A ng isa ay

“mas malaki ang tatanggapin ng kausap kung matutupad ang naipagbilin nito.

Paniniguro naman ng lalaki na siya na ang bahala sa lahat. Hiniling ng unang

lalaki na ipangako ng kausap na walang dapat na makabatid sa kanilang pinag-

usapan.

Isang araw, sa umpukan ng mga sabungero, habang abala ang iba ay dalawang

lalaki ang ang nag-uusap. Tinanong ni Lucas kung pumayag na ba ang kapatud ni

Bruno. Ang kapatid ni Bruno na si Tarsilo ay hindi pumapayag sa nais ni Lucas

sapagkat lubhang mapanganib ang kaniyang binabalak. Isang saglit pa ay naiba

ang usapan ng tanungin ni tarsilo si Lucas kung ito ay pwedeng magpahiram sa

kanila ng salapi na ibabalik rin kaagad ngunit hindi pumayag si Lucas.

Tinalikuran ni Lucas ang magkapati at anyong lilisan na nang mapagdesisyunan


74

ng dalawa na pumayag at tanungin kung magkani ang kanilang kikitain. Nilapitan

ng magkapatid si Lucas at sinabing sila ay pumapayag na. sinabi ni lucas sa

magkapatid ang kanilang kikitain na kung sila ay makakukuha ng mga

makakasama sa pagsalakay ay may tig-tatlumpu at kung sila ay makakapagsama

ay makakatanggap ng tig-sasampu. Kung magtatagumpay naman ang pagsalakay

ay makatatanggap sila ng tig-isangdaan. Sa ganoong kundisyon ay kaagad na

pumayag ang magkapatid.

Samantala sa bahay ni kapitan Tiago, kasalukuyang kausap nina Maria Clara sina

Linares. Kanilang napag-usapan ang bansang pinanggalingan ng binata. Ang

masayang pag-uusap ay nagambala nang dumating si Donya Victorina at

inutusang hamunin nito ang Alperes. Pahayag ng galit na Donya na hinamak sila

ng Alperes at ipanahahayag kung sino si Linares. Gusting ni Donya Victori nan a

hamunin ni linares ang Alperes dahil kung hindi ay ibubunyag nito ang kaniyang

tunay na pagkatao.

Sa darating si kapitan Tiago na galling sa sabungan… isinalaysay ni

Victorina sng pangyayari. Tinanong siya ni kapitan Tiago kung ano ang binabalak

nitong gawin. Muli ay ipinagpilitan ni Donya Victorina na hamunin ni Linares

ang Alperes at kung hindi ay huwag itong ipakasal kay Maria Clara. Sa mga

tinurang iyon ni Donya Victorina pinamulahan ng mukha si Maria Clara. Ngayon

lang niya natuklasan na ipinagkasundo na pala siyakay Linares. Dahil sa narinig

ay umiyak si Maria Clara.

Nang gabing iyon, matapos magkausap sina Ibara at Elias ay nakipagkita

siya sa sugo ng matandang kapitan. Kinausap ni Elias ang sigo at nais niyang
75

ipabatid na siya ay bigo. Tinanong ng sugo kung kalian aanid si Elias sa kanila,

ang taning sagot lamang nito ay “sa oras na ipasya ng kapitan ang sandal ng

pakilos.”

Samantala, kinausap ni pare Damaso ang alperes. Inutusan niya ito na ihanda ang

kaniyang mga sundalo sapagkat siya ay may masamang balitang natanggap.

Kaniyang nabalitaan na lulusubin ng mga tulisan ang kwartel sa ganap na ika-

wala bukas ng gabi. Kaagad na ipinag-utos ng alperes na maghanda ang kaniyang

mga sundalo.

Kinabukasan sa tahanan ni Ibarra, bago mag ika-walo ng gabi ay dumating

si Elias at pinayuhan siya na kailangan niyang lumayo sa pook na iyon. Inihayag

ni Elias na mag-kakaroon ng isang pag-aalsa na gagawin sa oras na iyon at ang

pangalan ng binata ang isisigaw upang siya ang mapahamak. Ayon pa kay Elias

sinabi rin ng kaniyang nakausap na sila ay inupahan ni Ibarra upang manggulo.

Hindi alam ni Ibarra ang kaniyang gagawin matapos marinig ang inihayag ng

kausap.

Samantala nang mga sandaling iyon sa labas ay nagsisimula na ang pag-

aalsa at ang pangalan ng ni Crisostomo Ibarra ang isinisigaw ng mang

nanggugulo. Marami pang mga putukan ang namagitan, mga sigawan at daing.

Pagkaraan ng mahabang katahimikan ay napagpasiyahan ni Ibarra na lumisan na.

maliksing inayos ni Ibarra ang mga kasulatang dadalhin at susunugin nang may

kumatok sa pinto at nagturang “ Sa ngalan ng Espanya, buksan ang pinto, kundi

ay gigibain naming ito!”. Sinabi ni Ibarra kay Elias na isang pagpapatiwakal kung

siya ay maglaban. Nang makapagtago si Elias ay mapayapang nananog si Ibarra


76

at siya ay dinala ng mga sibil sa kwartel. Samantal, sa loob ng kabahayan, naisip

ni Elias na hindi nararapat na mapakasakamay ng mga buhong ng kayamanan ni

Ibarra. Matapos halughugin ni Elias ang kabahayan ay naisip nito na sa

pamamagitan ng kayamanang iyon ay maaaring makaligtas ang binata. Ipinasiya

ni Elias na sunugin ang bahay upang walang mapakinabangan ang mga kastila.

Samantala sa isang panig sa di-kalayuan sa kwartel ay inuutusan ng isang

sibil ang iba pa na tipunin ang bangkay ng mga nanggulo. Tinuran nito na kung

hindi dahil kay ibara ay hindi mangyayari ang kaguluhang iyon. Nangsapitin nina

Ibarra ang kwartel ay pinabulaanan nito ang kaniyang kinalaman sa nangyaring

pag-aalsa. Ngunit hindi hinayaang magpaliwanang ng Alperes si Ibarra at di

umano’y siya ang itinuturong utak ng pag-aalsa.

Ilang araw nang nakakulong si Ibarra nang kumalat ang balitang ikakasal

na si Maria Clara. Ang Kasunduan sa pagitan nilang dalawa at ang dalaga ay

ipinagkasundo ni Kapitan Tiago kay Don Alfonso Linares na pinisan nina Doktor

at Donya De Espadaña.nang makarating ang balitang ito kay Ibarra ay naisip nito

na ang puso pala na kaniyang kasintahan ay kanoon pala karupok. Isang gabi, sa

pamamagitan ng isang mahusay ng pagbabalak ay napasokni Elias ang karsel ni

Ibarra at tinulungan itong makatakas. Tinanong ni Elias kung saan gusting

magtuni ni Ibarra at sinabi nitong idaan muna siya kina Mria Clara bago siya

umalis.

Samantala, kasalukuyang nagpapahinga noon si Maria Clara sa sutea nang

magpakita sina Ibarra at Elias lulan ng isang bangka. Ilang sandal pa ay nagkaniig

na ang dalawang sawimpalad. Sa kanilang pag-uusap ay tinuran ni Ibarra na


77

marahil ay hindi sila nauukol sa isa’t isa at siya na naparoon upang sabihin bago

siya lumisan ay pinatatawad na niya ang dalaga. Anyong papaalis na ang binata

nang pigilin siya ni Maria Clara. Inilahad ng dalaga na kung mababatid lamang ng

binata ang buong katotohanan ay hindi niya sasabihin ang mga tinuran.

Natuklasan ni Maria Clara ang tunay nitong ama. Ipinagbawal nito na mahalin ng

dalaga ang binata maliban na lang kung patatawarin siya sa kalapastanganang

kaniya umanong ginawa. Ayon pa sa dalaga ay alalang alala ang kaniyang ina sa

karangalan ng kinilalang ama at sa banal na katayuan ng kanyang tunay na ama.

Himingi ng kapatawaran si Ibarra sa pag-aalinlangan nito sa katapatan ni Maria

Clara. Sinabihan ni Maria Clara na tumakas na ang binata at lagi nitong

pakatandaan na kahit saan siya makarating ay siya ang pinaka iniibig nito.

Makailang hinagkan ni Ibara ang dalaga sa pisngi at labi, pagkakunya ay

nagpaalam na ang binata. Ilang saglit pa, nang makaalis ang dalawa ay nag-uusap

sila. Inaya ni Ibarra na sumama na lamang si Elias sa kaniya sa ibang bansa

yaman din lamang na iisa ang kanilang papalaran. Di na nakuhang sagutin ni Elias

ang binata nang makarinig sila ng sigaw. Walang anu-ano’y umalingawngaw ang

nakatutulig na putok. Sinabi ni Elias na magpapahabol ito t huwag titinag si Ibarra

upang pagtlon ni Elias ay akalain ng mga humahabol na walang laman ang

bangka. Tinutulan ito ni Ibara at sinabing lumaban sila sa hanggang sa huling

sandali ngunit sinabi ni Elias na walang mangyayari sapagkat sila ay walang

sandata. Pagkakuwa noon ay tumalon na sa tubig si Elias. Walang tigil ang

ginawang pagpapaputok ng mga sibil. Sa bawat litaw ng ulo ni Elias upang

huminga ay gayon din ang pagpapaputok ng mga humahabol. Hindi siya


78

nilubayan ng mga sibil hanggang sa siya ay tinamaan. Nang hindi na lumitaw si

Elias ay inakala ng mg humahabol na patay na si Ibarra at kanila itong ibabalita sa

Alperes.

Samantala sa kabilang pampang ng iloga ay nag-uusap ang isang bata at

matanda. Ayon sa matanda ay makalawa nang magbilog ang buwan ng kanilang

matagpuan ang batang may sakit. Nais ng bata na umuwi sa kanilang bahay upang

makita ang kaniyang ina at kapatid sapagkat ito maarahil ay tumatangis dahil sa

kanyang pagkawala at sa araw na iyon ay pasko. Pinigilan ng matanda ang bata sa

kaniyang gusto at sinabing hindi siya makararating sa kanila ng buhay sa bayan

saka hahanapin siya ng mg anak ng matanda. Nais rin ng bata na bigyan ng

aginalda ang kaniyang ina na tiyak na ikatutuwa nito, ang kaniyang sarili.

Napaluha ang matanda, hindi niya inaasahan na mabigkas iyon ng isang paslit.

Dahil sa narinig ay pinayagan na rin ng matanda ng humayo ang bata. Bagaman

may sugat sap aa ay matulin ang lakad ni Basilyo sa hangad na makarating kaagad

sa bayan. Habang naglalakbay ay naisip ng bata na matutuwa ang kaniyang ina at

magkakasalo sila sa Noche Buena.

Samantala, nang mga sandaling iyon. Nagpalaboy laboy si Sisa. Ang akla

ng mga tao ay kinupkop siya ng kaibigang mediko ni Ibarra nginit natakot ito na

mapagbintangan na kaibigan nito. Ayon pa sa usapan ay, maliban sa palaboy

laboy at pakanta kanta, hinda naman nananakit si Sisa at siya ay naninirahan sa

gubat.

Samantala, nang hindi matagpuan ni Basilio ang kanyang ina sa kanilang dampa

ay pinaghanap niya ito sa lansangan hanggang sa ito ay kaniyang Makita. Ang


79

tinig ni Basilio ang nagpakarimot sa di nakakakilalang ina. Tinawag ng bata ang

kaniyang ina. Hinabol niya ito at nang abutan ay kagad na niyakap. Nang

mapagmasdang Mabuti ang anak himalang nagbalik ang hustong bait nito. Kapwa

sila nawalan ng malay at nang pagsaulian ng ulirat si Basilio, ay natagpuan niyang

walang buhay ang ina. Ilang saglit pa ay isang lalaki ang nakakita sa kanila. Nang

makapagpakilala si Basilio ay inutusan ng lalake ang bata na manguha ng kahoy

at kaniyang italasan sa lugar na iyon sa pagkat bago mag umaga ay mamamatay

na rin ang lalaki. Inutusan niya ang bata na ipatong ang bangkay ng namantay

naina at lalake saka silaban. Bilin pa ng lalake na matapos silaban ang mga

bangkay ay humukay isa isang dako at ang salaping makukuha ay sa kanya na.

nang wala na si Basilyo ay humarap si Elias sa silangan at tinurang “Mamamatay

akong di man lamang nasisilayan ang bukang liwayway sa aking Inang Bayan.”

Wakas.

1.1. Ang akdang sinuri ay nasa anyong komiks. Matutunghayan sa bersiyon ng

akdang Noli Me Tangere na ito ang pagiging natatangi sa parraan ng

paglalahad sapagkat ito ay binigyang buhay sa paggamit ng narasyon at

pagsasalarawan ng mga tauhan kung saan ipinakikita at nilalapatan dayalogo

ang bawat tagpo sa akda.

Hindi maikakaila na ang bersiyong ito ay nasa anyong buod na mula sa

orihinal na kwento. Bunsod ng pag-aanyong ito ay mababakas ang pagtalon

ng kwento na siyang nagiging kadahilanan sa pag-iwan nsa ibang mga tagposa

orihinal na kwento ng akda.


80

Ilan sa mga ito ay mga sumusunod na tagpo, ilan sa mga ito ay ang; pagtanaw

ni Ibarra sa bintana ng Fonde lala sa kaganapang nangyayari sa iniwan niyang

kasiyahan; ang pagbabalik tanaw nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa

mga alala ala ng kanilang pagkabata sa bayan ng San Diego; ang tagpo sa

pulong sa Tribunal kung saan inilahad ang mga plano sa magaganap na

kapistahan ng San Diego at ang ilang mga tagpo sa naganap na piknik nina

Ibarra.

Sa kabila ng pagtalon ng kwento na nagbunsod ng pagkaiwan ng ilang mga

tagpo ay naging ganap pa rin ang pagkakalahad at daloy ng pangyayari. Hindi

man nailahad ang ilang mga tagpo tulad nang nasa orihinal na bersyon ng

akda ay naging buo pa rin ang kweto at mahusay pa rin ang naging daloy nito

sapagkat inilahad sa bersyong tinalakay ang mahahalagang pangyayari na

bumuo sa kwento.

2. Elemento ng Akda

Matagumpay na nailahad sa bersyong komiks ng akdang Noli Me Tangere ang mga

elemento nito. Mula sa klasikong na bersiyon ng Nobela, matatagpuan rin sa Komiks

ang ibat ibang elemento nito tulad ng mga tauhan, tagpuan, tunggalian at ang pinaka

banghay ng kwento.

2.1. Mga Tauhan

2.1.1. Crisostomo Ibarra


81

Ipinakilala ang pangunahing tauhan sa tagpo kung saan ang mga

panauhin ay nag-uusap usap. Tulad sa klasikong baryon ng

Nobela, si Crisostomo Ibarra ay ang binatang anak ni Don Rafael

na nag-aral sa Europa at ang kasintahan ni Maria Clara. Ang pag-

uwi ni Crisostomo ang dahilan ng pagpapahanda ni Kapitan Tiago

ng isang piging sa kanyang tahanan. Layunin ng pag-uwing ito na

malaman ang tunay na sanhi sa pagkamatay ng kaniyang ama at

ang pagbisita sa puntod nito. Si Crisostomo Ibara ay inilarawan sa

komiks bilang isang taong matapat at may pagmamahal sa bayan.

Sa kabila ng pagiging mabuting tao ng binata ay hindi naiwasang

lumitaw ang kaniyang mga kaaway at naging dahilan ito ng

pagiging sawimpalad at pagkakaroon ng malaking pagbabago sa

mga pangyayari sa kaniyang buhay.

2.1.2. Maria Clara


82

Si Maria Clara ay ang dalaga at nag-iisang anak ni Kapitan tiyago.

Siya ay inilarawan sa komiks bilang isang dilag na may

nakabibighaning kagandahan na maihahalintulad sa isang anghel.

Ang dalaga ay ang katipan ni Ibarra na kalaunan ay ipinagkasundo

kay Linares na utos naman ni pare Damaso. Ayon sa takbo ng

kwento, nalaman ni Maria Clara ang katotohanan na ang tunay na

ama nito ay si pare Damaso. Sawimpalad na inihayag ni Maria

Clara na hindi na nito maaaring pakasalan si Ibarra sapagkat ang

kaniyang totoong pagkatao ay ibubunyag sa madla ng taong

nagtapat sa kanya kung hindi ito susundin. Sawim palad na

nagpaalam si Maria Clara Kay Ibarra matapos ang aknilang huling

pag-uusap.

2.1.3. Elias

Ipinakilala si Elias bilang ang piloto ng bangkang sinakyan nina

Ibarra sa ginanap na piknik sa ilog sa bayan ng San Diego. Sa

tagpong iyon unang nagkadaupang palad at nagkakilala si Elias at


83

Ibarra. Malaki ang naging utang na loob ng piloto kay Crisostomo

sapagkat sa kaniya itong iniligtas mula sa kapahamakan ng

sagupaain ang isang buwaya sa ilog. Matapos ang insidenteng iyon

ay nangako si Elias ng katapatan sa binatang si Ibarra at mula noon

ay naging saklolo ni ibara si Elias sa tuwing ito’y nanganganib. Si

Elias ay naging matapat kay Ibarra hanggang sa huli nitong

hininga.

2.1.4. Kapitan Tiyago

Si Kapitan Santiago Delos Santos ang ama ni Maria Clara. Siya ay

ipinakilala sa komiks bilang isang mayaman at kilalang

personalidad. Si kapitan Tiyago ay sunod sunuran sa mga

kagustuhan ng simbahan at ni pare Damaso. Lubos na iniingatan ni

kapitan tiyago ang kaniyang katawan a kaluluwa kaya naniniwala

ito na ang pagsuway sa utos ng pare ay isang malaking kasalanan.

Dahil dito maging ang kaligayahan ng anak ay nasakripisyo.

Kaniyang binalewala ang kasunduan na si Maria Clara at Ibarra ay

makasal. Ipinagkasundo ni Kapitan Tiayago ang kaniyang anak

kay Linares ayon na rin s autos ni Pare Damaso.

2.1.5. Pare Damaso


84

Siya ang pangunahing antagonista sa takbo ng kwento. Si pare

Damaso ay ang dating kura ng San Diego. Mababakas sa takbo ng

kwento sa komiks na si pare Damaso ay isang bugnuting pare.

Bunsod ng pagkagalit ni pare Damaso sa yumaong si Don Rafaelna

dahilan rin ng pagkamatay nito, lubos rin ang galit nito kay

Crisostomo Ibarra magmula pa lamang nang ito ay dumating at

ipakilala sa piging. Siya rin ang dahilan ng pagkaeskumulgado ni

Ibarra matapos ang kamuntikang pagkapaslang ng binata sa kaniya

sa isang piging. Si pare Damaso ang naging dahilan kung bakit ang

pag-iibigan nina Maria Clara at Ibarra ay humantong sa kasawian

at hindi nagkatuluyan sapagkat lubos nitong tinututulan ang

pagmamahalan ng dalawa. Upang makapaghiganti kay Ibarra ay

nagpasimula siya ng isang pag-aalsa na ibinintang kay Crisosto mo

Ibarra.

2.1.6. Tinyente Guevara


85

Ang tinyente ang naghayag ng tunay na kwento sa kamatayan ni

Don Rafael kay Ibarra. Siya ay isa sa mga taong napamahal sa

nasawing Don.

2.1.7. Mga Sepulturero

Ang mga karakter na ito ang may hawak sa katotohanan tungkol sa

nangyari sa bangkay ni Don Rafael.

2.1.8. Padre Salvi

Siya ang pare na pumalit kay padre damaso ayon sa Nobela. siya

ay napagbintangan ni Ibarra na may kagagawan sa pagpapahukay

at pagpapatapon ng bangkay ng ama.

2.1.9. Si Crispin at Basilio


86

2.1.9.1. Crispin

Si Crispin ang nakababata sa dalawang magkapatid na

sacristan. Siya ay napagbintangan na nagnakaw ng

dalawang onsa at ginigipit ng sacristan mayor. Siya ay

ipinalalagay na napatay ng nasabing sacristan mayor

matapos ang tagpo sa kampanaryo.

2.1.9.2. Basilyo

Siya ang nakatatanda sa magkapatid. Tumakas ang bata

matapos kuhanin ng sacristan mayor si Crispin. Umuwing

nag-iisa si Basilio sa kanyang inang si Sisa. Siya ay nawala

nang magtungo ang kaniyang ina upang sunduin ang

kapatid sa kumbento. Itinuloy ang kaniyang kwento sa

komiks nang kausap na niya ang isang matanda na nag-

alaga sa kaniya ng isang buwan nang siya ay magkasakit.

Pinilit na makauwi ni Basilio sa ina upang sorpresahin ito,

ngunit nadatnan niya ang ina na wala sa sariling katinuan.

Si Basilyo ang inatasan ni Elias na sumunog sa bangkay

niya nang ito ay mamatay at ibinilin dito na hukayin ang

kayamanan na kinuha niya sa bahay ni Ibarra upang

kaniyang gamitin.

2.1.10. Sisa
87

Si sisa ang ina ng dalawang batang sacristan na sina Crispin at

Basilio. Siya ay inilarawan sa komiks bilang isang mapagmahal na

ina sa kaniyang mga anak. Nang mawala ang kaniyang mga anak

ay pinanawan ng sariling katinuan si Sisa dahil sa pag- aalala sa

kahirapang dinanas. Bumalik lamang ang katinuan ng babae nang

muling mayakap ang kaniyang anak na si Basilio. Nang di

maglaon ay namatay siya sa tabi ng anak.

2.1.11. Alperes

Siya ang isa sa makakapangyarihan sa bayan ng San Diego ayon sa

akda. Mababakas sa komiks na ang Alperes ay may galit kay pare

Salvi. Siya ang dahilan ng pagpapalaya kay sisa nang ito’y dakpin

ng mga gwardya sibil. Ang Alperes ang nagpadakip kay Ibarra sa

impluwensya ni pare Damaso.

2.1.12. Ang Guro


88

Siya kausap ni Crisostomo Ibarra sa tabi ng ilog at ang nagturo dito

kung saanng bahago itinapon ang bangkay ni Don Rafael. Inihayag

ng guro ang kabutihang nagawa ni Don Rafael noong nabubuhay

pa. Sa kaniya inihayag ni Ibarra ang planong pagpapatayo nito ng

isang paaralan sa Bayan ng San Diego.

2.1.13. Pilosopong Tasyo

Si mang Tasyo ang kinikilalang Pilosopo sa Bayan ng San Diego.

Siya ang kinunsulta ni Ibarra para sa kaniyang binabalak na

ipatayong paaralan ngunit ipinayo nito na mas maiging sa kura at

sa mga may kapangyarihan sumangguni ang binata sapagkat ito

ang mas makatutulong sa kaniyang balakin.

2.1.14. Alakalde
89

Ang Alkalde ay isa sa mga nangunguna sa ginanap na pagbabaon

ng bumbong na siyang magiging simbolo ng alaala ng nagdaang

panahon.

2.1.15. Ang Tagapaghugos

Ang tagapaghugos ang siyang tinukoy ni Elias na isa sa mga

kaaway ni Ibarra. siya ang nagplano upang mapahamak si Ibarra at

mabagsakan ng biga sa ginanap na paghuhugos ngunit dahil sa

tulong ni Elias ay nakaligtas si Ibaara at sa halip ay siya ang

nabagsakan at namatay.

2.1.16. Tiya Isabel


90

Siya ang tinutukoy sa inang tagpo na kasambahay. Inilarawan si

tiya Isabel bilang tagapangalaga ni Maria Clara at palagi nito ng

kasama.

2.1.17. Kapitan Heneral

Ang Heneral ang hiningan ng tulong ni Ibarra upang mawala ang

kaniyang pagiging Eskumulgado dahil sa kaniyang nagawa kay

pare Damaso. Humanga siya sa binata ng kaniya itong makausap

dahil sa pagmamahal nito sa bayan. Bunsod ng kaniyang paghanga

ay siniguro niya sa binata na hanggat siya ang namamahala sa

Pilipinas ay walang dapat ipangamba si Ibarra. ipinangako rin niya

na siya na ang bahalang kumausap sa Arsobispo ukol sa kaniyang

suliranin.
91

2.1.18. Donya Victorina De Espadaña

Mababakas sa pagsasalarawan sa komiks ang katangian ni Donya

Victorina na hindi magpapatalo. Siya ang asawa ni Doktor De

Espadanya na tumingin sa kalagayan ni Maria Clara nang ito ay

magkasakit dahil sa lubos na pangungulila kay Ibarra. sa isang

tagpo ay pinilit niya si Linares na makipag dwelo sa alperes dahil

sila ay hinahamak nito at kung hindi ito gagawin ng binata ay

ibubunyag niya ang tunay na pagkatao nito.

2.1.19. Don Linares De Espadaña

Si Linares ay ang binatang kasama ng mag-asawang De Espadaña

ng sila ay dumalaw sa noon ay may sakit. Ayon sa kaniya siya ay

inaaanak ng bayaw ni pare Damaso na si Carlicos. Nang ipakita

niya ang sulat na kaniyang tangan na naglalaman ng paghingi ng

tulong upang makahanap ng trabaho at mapapangasawa kay pare

Damaso ay agad nitong kinausap si Kapitan tiyago at


92

napagpasyahang ipagkasundo si Linares at Maria Clara. Kaagad na

nabighani si linares sa dalaga nang ito ay kaniyang masilayan.

2.1.20. Pinuno

Siya ang kusap ni Elias sa isang tagpo sa komiks na nag-utos sa

kaniya upang kausapin si Ibarra na pumanig sa kanila.

2.1.21. Lucas

Si lucas ay ang tauhan na inutusan ni Padre Damaso na kumalap ng

mga tao upang makiisa sa isasagawang pag-aalsa na ang layunin ay

upang isisi kay Ibarra.

2.1.22. Bruno at Tarsilo


93

Sila ay ang dalawang magkapatid na kinausap ni Lucas upang

makiisa sa isasagawang pag-aalsa na pakana ni pare Damaso.

2.1.23. Ingkong

Siya ang matandang kumupkop sa batang si Basilio sa loob ng

isang buwan. Siya ay namangha sapagkat ng kaniyang kusapin si

Basilio ay nakita nito ang pagmamahal sa ina.

2.1.24. Sinang

Si sinang ang kaibigan ni Sisa. Ipinakilala siya sa sa tagpo kung

saan kiniyang dinalaw si Maria Clara nang ito ay mag-kasakit.

Siya ang nagbigay ng gamut sa dalaga at nagsilbing mensahero

upang makausap ni Maria Clara ang kasintahan. Inutusang siya

upang sulatan si Ibarra at ibinilin na iparating na kalimutan na nito

ang dalaga.

2.2. Tagpuan
94

Ang tagpuan ay isa sa mga pangunahing mababasa sa ano mang akdang tulad

ng Nobela. Ang elementong ito ang siyang bumubuo sa damdamin ng akda.

Ang mga sumusunod ang pagtalakay sa mga tagpuan sa komiks.

Inilahad sa komiks ang iba’t ibang tagpuan na inilalarawan rin sa klasikong

bersyon ng nobela.

2.2.1. Daang Anluwage

Sa unang tagpo, tinukoy ang ang lugar na ito kung saan ang-uusap

ang ilang tauhan ukol sa magganap na piging sa bahay ni Kapitan

tiyago.

2.2.2. Sa Bahay ni kapitan Tiago sa binundok

Sa bahay ni kapitan tiyago naganap ang piging kung saan rin

nagkadaupang palad si ang noo’y kauuwi lamang mula Espanya ng

si Ibara at si Padre Damaso. Ilan pa sa mga pangyayaring naganap

dito ay ang pagdadaupang palad nina Maria Clara at Ibara bago ito

tumungo sa bayan ng San Diego para sa araw ng mga patay.


95

2.2.3. Liwasan

Hindi inihayag ang pangalan ng kalyeng ito ngunit ayon sa

klasikong bersiyon ng nobela ito ay ang liwasan kung saan noon ay

naglalaro si Ibarra. inilarawan ito sa komiks na walang pagbabago

makalipas ang ilang taon. Sa lugar ding ito nagkausap sina Ibarra

at Tenyente Guevarra ukol sa kamatayan ni Don Rafael.

2.2.4. Bayan ng San Diego

Sa bayanng ito naganap ang karamihan sa mga tagpo na inilarawan

sa komiks.

2.2.4.1. Libingan

Ayon sa komiks, sa isang tagpo ay makikita ang dalawang

sepulturero na nag-uusap ukol sa isang bangkay na

ipinahukay at iniutos na ilipat sa libingan ng mga intsik. Sa

lugar na ito inaakala ni Ibarra matatagpuan ang labi ng

kanyang yumaong ama.


96

2.2.4.2. Kampanaryo

Sa lugar na ito naganap ang pagkumpronta ng sacristan

mayor sa dalawang magkapatid na paslit at pambubugbog

kay Crispin.

2.2.4.3. Sa dampa ni Sisa

Sa tagpuang ito naganap ang mga tagpo kung saan

inihahayag n si sisa ay nagluluto para sa kaniyang mga

anak nasi Basilio at Crispin. Sa dampa rin niya nakita ang

kapirasong damit ni Basilio na may bahid ng dugo na

naging sanhin ng pagkawala ng sariling bait ng babae.

2.2.4.4. Kwartel
97

Ito ang lugar kung saan dinala si Sisa matapos siyang

damputin ng mga sibil nang hindi Makita ang mga anak

nito. Ito rin ang lugar na pinagdalhan ka Crisostomo Ibarra

ng siya ay hulihin dahil sa bintang ng pagpapasimula ng

isang pag-aalsa.

2.2.4.5. Ilog

Sa lugar na ito napagpasiyahang magtungo nina Ibarra at

Maria Clara kasama ng kanilang mga kaibigan upang idaos

ang kapistahan. Dito rin unang nakadaupang palad si Elias

na siyang naging tapat sa kaniya matapos niya itong iligta

sa bingit ng kamatayan. Ilan pa sa mga kaganapan sa ilog

sa Bayan ng sandiego ay ang mga sumusunod ayon sa

komiks; ang pakikipag-usap ni Elias sa Sugo ng matandang

kapitan upang sabihin na siya ay bigo; ang pagdadaupang

palad nina Maria Clara nang tumakas si Ibarra; at ang tagpo


98

ng huling pagsasama ni Ibarra at Elias habang sila ay

hinahabol ng mga gwardya sibil.

2.2.4.6. Bahay ni Pilosopo Tasyo

Sinadya ni Ibarra si Mang tasyo kung saan kanya itong

kinausap at nanghingi ng payo ukol sa plano nitong

ipatayong paaralan sa bayan ng San Diego.

2.2.4.7. Lugar ng Paghuhugos

Hindi direktang tinukoy kung saan ang eksaktong lugar nito

ngunit sa mga tagpo ay naganap sa lugay na ito ang isang

malagim na pangyayari kung saan kamuntikan nang

mapahamak si Ibarra. dahil ka Elias ay naiwasan ang

masamang pangyayari sa binata bagkus ay ang namatay ay

ang nagplano ng masama, iyon ay ang yaong maghuhugos.

2.2.4.8. Bahay ni Ibarra


99

Ilan sa mga pangyayari sa komiks ang naganap sa tagpuang

ito. Matapos ang malagim na pangyayari sa paghuhugos

sinadya ni Elias Ibarra sa kaniyang bahay upang ito ay

balaan ukol sa kaniyang mga kaaway. Nasa bahay rin si

Ibarra ng sumiklab ang pag-aalsa. Ito ang huling lugar na

kinaroroonan niya bago dakpin ng mga gwardya sibil. Ito

ay sinunog ni Elias matapos na isama ng mga gwardya sibil

si Ibarra.

2.2.4.9. Bahay ni Kapitan Tiago

Sa tagtpuang ito ang karamihan sa mga tagpo na ukol kay

Maria Clara. Kaniyang nakilala si Linares nang si Maria

Clara ay bisitahin ni Donya Victorina kasama ng binata at

ng kaniyang doctor na sawa upang suriin. Sa balkonahe sa

bahay na ito naganap ang tagpo ng huling pagdadaupang

palad ni Maria Clara at Ibarra.


100

2.2.4.10. Sa Bulwagan ng Pananghalian

Bagamat hindi tinukoy sa komiks ang eksaktong lugar ng

tagpuang ito, dito naganap ang tagpo kung saan kaminti na

Tarakan ni Ibarra si pare Damaso. Hindi napigilan ni Ibara

ang kaniyang galit ng alipustahin ng pare ang kaniyang

yumaong ama. Nang makakuha ng isang patalim ay

maliksing dinamba ng binata ang mapanlibak ng pare.

Salamat na lamangkay Maria Clara at napakalma niya si

Ibarra.

2.2.4.11. Tanggapan ng Kapitan Heneral

Sa dakong ito kinausap ni Ibarra ang noon ay kadarating

lamang na Kapitan Heneral galling Europa. Kinausap siya

ng binata upang humingi ng tulong na makausap ang

Arsobispo upangang kaniyang pagkaeskumulgado ay

mapawalang bisa.
101

2.2.4.12. Tagong Lugar

Hindi eksatong tinukoy sa komiks kung saan ang tagpuang

ito. Dito kinausap ng isang tauhan na ayon sa paglalarawan

ng imahe ay si pare Damaso ang isa pa upang humanap ng

mga taong sasama sap ag-aalsa.

2.2.4.13. Sabungan

Dito naganap ang tagpo kung saan makikitang kinkausap ni

Lucas sina Bruno at Tarsilo upang isama sa gagawing pag-

aalsa. Kinausap niya ang mag-kapatid upang magsama pa

ng iba na makikilahok sap ag-aalsa.

2.2.4.14. Gubat
102

Sa dakong ito ay naganap ang kamatayan ni Sisa. Dito

nakadaupang palad ni Elias ang Batang si Basilyo na

kaniyang binilinan upang sunugin ang kanyang bangkay

kasama ng kaniyang ina at hukayin ang kayamang

kaniyang ibinaon upang magamit ng bata sa kaniyang pag-

aaral.

2.3. Tunggalian

Ang mga sumusunod ang mga tunggaliang taglay ng bersyong komiks ng Noli

Metangere na sinuri. Mapapansin ang ilang mga tunggaliaang taglay ng

komiks ay natatsngi sa bawat isa. Ilan sa mga mababakas na tunggalian ang

ang mga sumusunod:

2.3.1. Tunggaliang Tao Laban sa Tao

Matutunghayan ang uri ng tunggaliang ito sa komiks sa mga

tagpong:

2.3.1.1. Crisostomo Ibarra at Padre Damaso


103

Nang pagdating ni Ibarra sa piging nang siya ay libakin ni

padre damaso sa usapan sa hapagkainan ukol umano sa

pag-aaksaya nito ng oras at panahon sap ag-aaral sa

Europa. Muli pang nakaniig ang dalawa sa tanghaliang

isinagawa bilang pagpapasinaya sa naipatayong paaralan ni

Ibarra. sa tagpong ito ay kamuntikan nang masaksak ng

patalim ni Ibara si Padre Damaso. Ang mga pangyayaing

ito ay naging sanhi upang maging eskumulgado ang binata

at maghiganti ang pare at nag-sagawa ng isang pag-aalsa

upang mapagbintangan si Ibarra.

2.3.1.2. Don Rafael at Maniningil

Sa pagbabalik tanaw sa kwento ukol sa kwento ng

katotohan sa pagkamatay ni Don Rafael na inihayag ni

Tinyente Guevarra. Ang tagpong ito ay ukol sa nangyaring

komosyon sa pagitan ng mangmang na tagasingil at ni Don

Rafael nang ang maniningil ay mamatay.


104

2.3.1.3. Crispin, Basilio at Sakristan Mayor

Nang saktan ng sakristan mayor sina Crispin at Basilio na

pinagbintangang nagnakaw at pinaratangang mali ang

pagpapatunog ng kampana.

2.3.1.4. Alperes at Padre Salvi

Hindi man direktang inihayag, mababakas ang

pagkakaroon ng alitan ng Alperes at ni Padre Salvi sa tagpo

kung saan nalaman ng nauna na si Sisa ay dinakip. Sa uos

ng Alperes ay nakalaya si Sisa dahil sa paniniwala nito na

ito’y gawa gawa lamang ng kura.

2.3.1.5. Donya Victorina at Asawa ng Alperes


105

Inilarawan sa tagpo na si Donya victorina ay ay

nanggagaliiting dimating habang nag-uusap sina Maria

Clara at Linare. Nais nitong hamunin ng binata ang alperes

sapagkat sila ay hinahaman nito. Hindi direktang tinukoy

ang kaaway ng Donya ngunit ayon sa kaniyang mga saalita

ay tinutukoy nito na kaaway.

2.3.2. Tunggaiang Tao Laban sa Sarili

Matutunghayan rin ang uri ng pagtutunggali ng mga tauhan sa

kanilang pansariling aspekto bilang tauhan.

2.3.2.1. Crisostomo Ibarra at ang Kaniyang sarili

Matutunghayan ang pakikipagtunggali ng pangunahing

tauhan na si Crisostomo Ibarra sa tagpo kung saan nalaman

ng binata ang tunay na kwento sa pagkamatay ng kaniyang


106

ama. Hindi niya malaman ang gagawin at inilarawan ang

pagtimbang nito sa dapat gawin. Ito rin ay ipinakita sa

tagpo sa sementeryo nang kaniyang malaman ang nangyari

sa bangkay ng kaniyang ama. Napagtagumpayan ni Ibarra

ang suliranin sa sariling nang kaniyang makausap ang Guro

at napagpasiya na imbis na gumanti ay ituloy na lamang

ang mga magagandang balakin ng kanyang yumaong ama.

2.3.2.2. Kapitan Tiago at ang Kaniyang Sarili

Ipinakilala si kapitan tiyago sa komiks na isang taong

sunod sunuran sa utos ng simbahan at mga kagustuhan ni

Padre Damaso. Ipinakikita sa takbo ng paglalahad ng

kwento ang palagiang paninimbang ni Kapitan Tiago sa

kaniyang mga dapat gawin. Lubos na naapektuhan nito ang

kaniyang anak at ang pag-iibigan nina Ibarra at Maria

Clara.
107

2.3.3. Tunggaliang Tao Laban sa Lipunan

2.3.3.1. Crisostomo Ibarra at ang Lipunan

Sa kabila ng kabituhan pagmamahal sa bayan ng binatang

si Ibarra, hindi naiwasan ang mga suliranin na nagdulot ng

malaking pagbabago sa katayuan nito sa paglalahad ng

kwento. Dahil sa mga maling paratang bunsod ng away nila

ni padre Damaso ay napagbintangan siya na nagpasimula

ng isang pag-aalsa. Tumakas sa kulungan sa tulong ni Elias

at pinaghahanap ng mga gwardya sibil sa huling yugto ng

kwento.

2.3.3.2. Sisa laban sa Lipunan

Mababatid sa paglalarawan sa kwento sa komiks na si Sisa

ay isang mapagmahal na ina. Sa kabila nito, hindi


108

maiwasang siya ay kutyain ng mga taong nakapaligid lalo

na nang mawala siya sa sariling katinuan nang kaniyang

mga anak na sina Crispin at Basilyo ay hindi niya

matagpuan. Siya ay nangpalaboy laboy sa kalye ay ang

tanging tumulong lamang sa kaniya ay si Crisostomo

Ibarra.

2.3.3.3. Maria Clara at ang Lipunan

Ipinakilala si Maria Clara bilang sentro ng atensyo dahil sa

taglay nitong kagandahan at sa katayuan nito sa buhay

bilang anak ni Kapitan Tiyago. Sa kabila ng mga ito at

naging pangunahing suliranin ng dalaga ang mga taong

nakapaligid sa kaniya. And dikta ng mga ito and siyang

naging dahilan ng kaniyang kasawian.

2.3.3.4. Elias a ang Lipunan


109

Si Elias at Ibarra ay nagkadaupang palad sa ilog sa Bayan

ng San Diego. Naging tapat itong kaibigan ni Ibarra nang

iligtas siya mula sa bingit ng kapahamakan. Sa kabila nito,

Si Elias ay itinuturing na tulisan at pinaghahanap ng mga

sibil sahil sa mga paratang sa kaniya.

2.4. Banghay

sa bahaging ito, minabuti ng mananaliksi na alamin ang pinaka balangkas ng

akda. Tunugaygay sa pagsusuri ang naging takbo ng ng paglalahad ng kwento

sa komiks mula sa simula hanggang wakas.

2.4.1. Simula

Tulad ng sa klasikong bersiyon ng Nobelang Noli Me Tangere, ang

mga unang tagpo ay sinimulan sa isang piging na ipinahanda ni

kapitan tiyago para sa Pag-uwi ni Don Crisostomo Ibarra. sa mga

tagpong ito ay ipinakilala sina padre Damaso na siyang magiging

dahilan ng kasawian at pagbabago ng buhay ng binata. Sa tagpo

habang ang mga panauhin sa nasabing piging ay naghahapunan ay

inihayag ang unang suliranin at pagtutuos nina padre Damaso at

Ibarra. Ipinakilala rin ang tauhan na si Tinyente Guevarra na siya


110

namang nagpaalam kay Ibarra sa tunay na dahilan ng kamatayan ni

Din Rafael Ibarra. sa bahaging ito rin muling nagtagpo ang

magkasintahang si Ibarra at Maria Clara na nagkaloyo ng

magtungo ang binata sa Europa upang doon mag-aral. Kanilang

sinariwa ang mga alaala at ang pag-iibigan.

2.4.2. Gitna

Ang bahaging ito ay umikot sa mga tagpo na naganap sa bayan ng

San Diego at ipinakilala ang iba’t ibang mga tauhan na bubuo sa

kwento kung saan ipinakita ang mga tagpo na nagpkilala sa iba’t

ibang mga tauhan at mga suliranin ng kwento.

Matapos ang muling pagniniig nina Ibarra at Maria Clara ay

nagpaalam at nagtungo na ang binata sa bayan ng San Diego upang

dalawin ang puntod ng yumaong ama. Ang binata ay nabigo at

nalaman mula sa sepultorero na wala na roon ang bangkay ng ama

sapagka ito ay ipinahukay ni padre Damaso. Ipinakilala rin si padre

Salvi na noon ay napagbintangan ni Ibarra na lumapastangan sa

bangkay ng yumao niyang ama.

Ipinakilala ang magkapatid na paslit na sina Basilio at Crispin at

ang suliranin ng mga ito dahil sa ang mas nakababata ay

napagbintangan nagnakaw at ang nakatatandang si Basilio ay mali

ang pagpapatunog ng kampana. Si basilio lamang ang nakauwi sa

piling ng inang si Sisa sapagkat ang nakababatang kapatid na si

Crispin at kinuha ang Sakristan Mayor at naiwan sa kumbento.


111

Nabaliw si Sisa matapos ang mga dagok na kaniyang dinanas

bunsod ng pagkawala ng mga anak.

Sa bahaging ito ay naganap ang tagpo kung saan nakausap ni

Ibarra ang guro na nagturo sa bahagi ng ilog kung saan itinapon

ang bangkay ng ama. Napag-usapan ng dalawa ang paaralang

ipatatayo ni Ibarra.

Sa tagpo namang kung saan ipinagdiwang nina Ibarra at Maria

Clara ang kapistahan sa ilog kasama ng kaniyang mga kaibigan,

nakilala ni Crisostomo si Elias at iniligtas sa bingit ng

kapahamakan nang ito ay makipagsagupaan sa buwaya. Dahil sa

kabutihang naidulot ni ibara ay nangako ng pagtanaw ng utang na

loob si Elias at naging tapat nitong kaibigan hanggang sa huli.

Matapos ang tagpo sa ilog ay tinungo ni Crisostomo Ibara si

Pilospo Tasyo upng humingi ng payo ukol sa ipatatayo nitong

Paaralan. Ipinayo ng matanda na upang magtagumpay ang binata

sa kaniyang mga balakin ay sumangguni ito sa kura ay

makakapangyarihan sa bayan.

Sa araw ng paghuhugos ay isang sakuna ang naganap. Tinangka ng

tagapghugos na paslangin si Ibarra ngunit dahil kay Elias ay hindi

ito naisakatuparan at ang nasabing nagtangka mismo ang nasawi.

Dahil sa pangyayaring iyon ay kinausap ni Elias si Ibarra at

pinayuhan na ito ay palaging mag-ingat sapagkat siya ay maraming

kaaway.
112

Sa kabila ng mga pangyayari sa paghuhugos at natuloy at

naisakatuparan ang pagpapatayo ng paaralan ni Ibarra. Isang

tanghalian ang ginanap bilang pagpapasinaya rito. Pinapurihan ng

aklade si Ibarra sa kaniyang tagumpay ngunit patuloy ang

panlilibak ni padre Damaso. Ang ginawang ito ng pare ay nagind

mitsa ng pagpuyos ng galit ni Ibarra dahilan upang ito’y kaniyang

sunggaban at kamuntik na masaktan ang pare ngunit sa

pamamagitan ni Maria Clara ay kumalma ang binata. Ang

pangyayaring ito sa pagitan ni Ibarra at ng pare ay nagbunsod ng

pagiging eskumulgado ng binata at pagbabawal ni kapitan Tiyago

na magkausap sila ni Maria Clara.

Nangmagkasakit Si Maria Clara dahil sa pag-aalala ay dumating

ang mag-asawang De Espadaña kasama si Linares. Siya ay

nagpakilalang inaak ng bayaw ni Padre Damaso. Ipinagkasundo ni

Kapitan Tiago ang anak at si Linares sa utos na rin ni padre

Damaso.

Samantala upang makaganti kay Ibarra ay gumawa ng paraan si

padre Damaso upang makaganti sa binata. Kaniyang kinausap ng

palihim si Lucas upang kumuha ng iba pang mga babayaran upang

dumalo sa isang pag-aalsa na kalaunay ibibintang kay Crisostomo

Ibarra. Pinaghanda ni padre Damaso ang Alperes sapagkat alam

nito na may magaganap na pag-aalsa. habang isinisigay ng mga

mag-aalsa ang pangalan ni Ibarra, ang binata ay nanatili sa loob ng


113

kaniyang bahay kasama at kausap si Elias. Matapos ang

kaguluha’y naisip ni Ibarra na ang paglaban ay isang

pagpapatiwakal kaya siya ay sumama sa mga Gwardya sibil at

ikinulong sa kwartel. Ilang araw ang nakalipas habang si Ibarra ay

nakakulong, isang balita ang kumalat na ang kaniyang kasintahan

na si Maria Clara ay ikakasal na.

2.4.3. Wakas

Sa bahaging ito ng kwento inilahad ang mga tagpo na tumutukoy

sa paglalahad ng pagtatapos ng kwento.

Sa tulong ni Elias, nakatakas si Ibarra at nagtungo kay maria Clara.

Sa pag-uusap ng magkasintahan ay nalaman ng binata angtunay na

pangyayari kay Maria Clara. Ang kinikilala nitong Ama na si

Kapitan Tiago ay huwad at ang katotohana’y si padre damaso ang

tunay niyang ama. Mataposang pag-uusap ay sawing nagpaalam sa

isat isa ang magsing-irog dahil silay hindi maaaring magmahalan.

Matapos ang lumisan nina Ibarra at Elias, sila ay namataan ng mga

gwardya sibil sa binabaybay ang ilog. Upang makaligtas si Ibarra

ay tumalon si Elias sa tubig. Patuloy na pinaputukan ng mga sibil

si Elias hanggang sa siya ay tamaan at akalain ng mga ito na ang

napatay ay si Ibarra kaya nagpasiya silang ibalita ito sa Alperes.

Sa kabilang dako ay muling nagkita ang mag-inang sina Sisa at

Basilyo. Nang mayakap at mapagmasdang maigi ng ina ang

kaniyang anak ay himalang nagbalik ito sa katinuan. Di naglaon ay


114

namatay si Sisa sa tabi ng kaniyang anak. Nang matagpuan ni Elias

ang bata at bangkay ng kaniyang ina ay ibinilin nitong sabay na

sunugin ang kaniyang bangkay at ng kaniyang ina bago

magbukang liwayway. Ibinilin din ni Elias na matapos ang

pagsunog sa kanilang mga labi, hukayin ang nakabaong

kayamanang itinago niya mula sa kay Ibarra bago nito sunugin ang

bahay matapos itong dakpin ng mga sibil upang magamit nito sa

kaniyang pag-aaral. nang makaalis si Basilio ay humarap sa

silangan si Elias at sinabing “mamamatay akong hindi nasisilayan

ang bukang liwayway sa aking bayan”.

2.5. Mensahe at Simbolismo

Tulad sa klasikong berisyon ng nobelang Noli Me Tangere, hindi maitatanggi

ang pagiging lutang ng mga mensahe at simbolismong ginamit at ipinakita sa

akda.

2.5.1. Mensahe

Kung pakatutugaygayin ang kabuuang ng paglalahad ng kwento sa

komiks, hindi ito naiba sa Klasikong bersiyon nito o maging sa

ilang mga mababasang buod. Ipanakita sa ipinakita at tinalakay sa

komiks ang problema sa lipunan na kinaharap ng mga tauhan, ito

ay ang pagiging gahaman sa kapangyarihan ng mga

nasakatungkulan sa panahon kung kalian naganap ang kwento.

Matugumpay ring nailahad ng komiks ang mga mensahe ng


115

orihinal na bersyon ng Nobela sa pagpapahalaga ating kultura at

pagmamahal sa inang Bayan.

2.5.2. Simbolismo

Mababakas sa besyong komiks ang mga simbolismo sa akda na

siya ring matutunghayan sa klasikong bersyon nito.

2.5.2.1. Simbolismo ni Ibarra

Ang karakter ni Juan Crisostomo Ibarra ang siyang

sumisimbolo sa isang Pilipinong may pagmamahal at

pagpapahalaga sa bayan. Ito ay pinatunayan sa tagpo kung

saan kinausap ni Ibarra ang kapitan heneral at namangha ito

sa pagiging makabayan ng binata.

2.5.2.2. Simbolismo ni Padre Damaso


116

Sa paglalahad sa komiks, ang ang naging tuon ng karakter

ni padre damaso ay ang mahigpit nitong paghawak at

impluwensya sa buhay ni kapitan tiago at Maria Clara.

Inilahad rin sa kwento ang panlilibak niya kay Ibarra.

Sinisimbolo ng karakter na ito ang mga aspektong

nakaaapekto sa isang tao upang hindi niya mapaunlad ang

kaniyang sarili. Siya rin ang larawan ng isang taong

magpag-imbot at gagawin ang lahat upang masira ang

kapwa.

2.5.2.3. Simbolismo ni Kapitan Tiyago

Taglay ng karakter ni kapitan tiyago ang repleksyon ng

isang indibidwal ng walang bait sa sarili at hindi kayang

ipaglaban ang tama. Ipinakita at mapangangatwiranan ito sa

pamamagitan ng mga tagpo kung saan siya ay sunod

sunuran sa mga utos ni Padre Damaso sapagkat ayaw


117

niyang madungisan ang kaniyang karangalan at magkasala

sa simbahan. Sinisimbolo ng karakter na ito ang

pagbubulagbulagan sa katotohanan at kawang kibo sa tama.

2.5.2.4. Simbolismo ni Maria Clara

Ipinakilala sa komiks ang karakter ni Maria Clara bilang

isang magandang dilag. Sinisimbolo ng katauhan ni Mari

Clara ang ang kagandahang hindi matatanggihan nino man.

Repleksyon ito ng katangian ng tao na tanawin ang

kagandahan at mahumaling dito. Mababakas ang

sibolismong ito sa mga tagpo kung saan paksa si Maria

Clara sa usapan ng mga tao at nang pagkahumaling ni

Linares sa kagandahan nito ng masilayan ang dalaga.

Larawan rin ang karakter ni maria Clara ng mga

kababaihang walang laya at sariling pasya sa kaniyang

kinabukasas. Itpinakita ito sa tagpo kung saan walang

nagawa ang dalaga nang ipagutos ng kaniyang ama na siya

ay ipagkasundo sa aong hindi niya minamahal.

2.5.2.5. Simbolismo ni Sisa


118

Si Sisa ang ina ng dalawang paslit na sina Basilio at

Crispin. Mababakas sa komiks ang simbolong tinataglay ng

karakter ni Sisa. Ang katauhang ito ay repleksyon ng isang

inang mapagmahal at gagawin ang kaniyang makakaya

para lamang sa kaniyang mga anak. Si sisa ay simbolo ng

isang ina na handang magpakasakit sa para sa kaniyang

mga anak.

2.5.2.6. Simbolismo ni Crispin at Basilio

Sinasagisag ng karakter ng dalawang paslit na sacristan ang

mga inosente at walang malay sa lipunan. Mababakas ang

simbolismong ito sa tagpo kung saan sila ay minamaltraro


119

sa loob ng kumbento at pinagbintangan na nagnakaw sa

simbahan. Makikita rin sa karakter ni Basilio ang

simbolismo ng isang mapagmahal na anak sa tagpo kung

saan kausap niya ang matandang nag-alaga sa kaniya

matapos siyang mawala. Inihayag ng musmos ang dahilan

kung bakit niya nais balikan ang kaniyang pamilya.

2.5.2.7. Simbolismo ni Pilosopo Tasyo

Ipinakilala sim ang tasyo sa akda ng ito’y sadyain ni Ibara

sa kaniyang tahanan. Mababakas sa kaniyang katauhan nag

katalinuhan. Sinisimbolo ng matanda ang katalinuhan.

Ipinakita isa sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng

mainam na payo para sa balakin ng ni Ibarra.

2.5.2.8. Simbolismo ni Elias


120

Si Elias ay isa sa mahahalagang tauhan na ipinakilala sa

akda. Mababakas sa paglalarawan sa kaniyang karater ang

mabuting mga katangian. Si Elias ang simisimbolo sa mga

taong marunong tumanaw ng kabutihan at utang na loob,

pagiging tapat sa matuwid at kaibigan. Pinatutunayan ito sa

mga tagpo kung saan matapos iligtas ni Ibarra mula sa

kapahamakan si Elias ito ang kaniyang naging lagging

saklolo at hindi nawala sa kaniyang tabi hanggang sa huli.

2.5.2.9. simbolismo ng Piging sa Tahanan ni Kapitan Tiago


121

Nang ganapin ang piging ang ipinahanda ni kapitan tiago sa

kaniyang tahanan ay madaming makakapangyarihang tao

ang dumalo at nagtipon. Larawan ang kaganapang ito sa

pagkahumaling ng mga tao sa kapangyariahan.

2.5.2.10. Simbolismo ng Bayan ng san Diego

Sa bayang ito naganap ang karamihan ng mga tagpo sa

kwento. Ayon sa takbo ng pangyayari naganap sa dakong

ito ang mga bagay na repleksyon ng komunidad sa panahon

ng mga kastila. Sumisimbolo ang bayang ito sa kawalan ng

kaunlaran. Ito ay mababakas sa mamamayan ng bayan ng

san Diego at na tila ba ay naghihilahan pababa.

2.5.2.11. Simbolismo ng pagkakabilanggo ni Ibarra

Sinisimbulo ng pangyayaring ito angkaganapan sa lipunan

kung saan namamayani ang kabuktutan sa kabila ng

kabutihan ng puso ng isang tao. Ito ay ipinakita sa mga tagpo

ng himagsikang pinasimulan ni padre Damaso upang

mapagbintangan si Ibarra.

3. Lengawahe/ Wika
122

Kaiba sa klasikong bersyon ng nobelang Noli Me Tangere, ang komiks ay

nagtataglay ng sariling paraan ng paglalahad sa mga pangyayari sa kwento. Taglay

nito ang anyo ng wika at istruktura at anyo nito.

3.1. Porma

Bilang paraan ng pagkukwento, ginamit ang kakanyahan ng komiks upang

padaluyin ang bawat tagpo. Sa kabuuan ng akda, binigyang buhay ang kwento

sa pagbabato ng mga dayalogo ng mga tauhan na at pagsasalaysa sa bawat

tagpo nagtataglay ng ibat ibang aspekto na bumubuo dito. Sa kabuuan ng

komiks, ipinakita ang ilang mga tema sa pagkakabuo nito. Kapansin pansin

ang ilang repetisyon tulad ng paggamit ng mga salitang “samantala”, “sa

kabilang panig”, ilang sandal pa ay”, “nang”, “nasa gayon”, “makalipas ang

ilang sandal”, “kinabukasan”, “kinabukasan”, “matamang” at “ilang araw”.

Ang mga katagang ito ay mapapansing ginagamit sa tuwing uumpisahan at

ilalahad ang bagong tagpo.

Kung pakasusuriin naman ang wika, kapansin pansin na ito ay derekta at hindi

na ginamitan ng labis na mga matatanlinhagang mga salita upang mas maging

madaling intindihin ng babasa. Karamihan sa mga salitang ginamit ay

maihahanay sa anyong Pambansa.

Ang wikang ginamit sa komiks na sinuri ay nagtataglay ng mga imahe na

nagpalutang sa damdaming kinakailangan sa pagsasalaysay sa kabuuan ng

kwento. Sa kabila ng paggamit ng pagsasalarawan ng mga tagpo sa komiks,

taglay rin ng akda ang kaanyuan ng wika na nagsasaad ng pananaw tulad sa

mga pagsasalaysay sa bawat tagpo. Isa sa katangian ng komiks ay ang


123

kakayahan nitong padaluyin ang kwento sa pamamagitan ng panaka nakang

pagsasalaysay. Ginagamit ito upang mapalutang at mailarawan ang mga

kinakailangang pananaw ng tauhan. Ang sinuring komiks ay nagpakita ng

kaisahan ng wikang taglay nito mila sa simula hanggang huli dahilan sa

matagumpay at maayos na pagpapadaloy sa kwento.

Masasalamin sa mga halimbawa ng pagsasalaysay at dayalogo ang katangiang

taglay ng wika sa komiks na nabanggit.

- “Masaganang luha ang dumaloy sa mga mata ni Ibarra”- ang

kalungkutan at pagdadalamhati ni Ibarra ang mababakas sa pahayag

na ito nang kaniyang matuklasan ang tunay na dahilan ng kamatayan

ng ama.

- “Animo’y kulog na dumagundong sa kanyang pandinig ang mga

ipinagtapat ng kausap. Nangangalit ang mga bagang na hindi

malaman ang gagawin.” – ang pagkabalisa ni ibara ang larawang


124

makikita sa pahayag na ito nang malaman ang nangyari sa bangkay

ng ama.

- “Halos baliw na napag-isa si Ibarra sa kanyang silid at wari’y

nakikiramay ay walang patlang ang dagundong ng kulog at kidlat.” –

sa pahag na ito, mababakas ang labis na pighati at kalungkutan ng

tauhan sa mga naganap at natuklasan niyang katotohanan.

- “Naiwang di makapagsalita si Basilio, walang nagawa kung hindi

pakinggan ang tinig ng kapatid na nagpapasaklolo” – sa sasalaysay

ito mababatid na ang tauhan ay nasa kalagayan kung saan siya ay

walang magawa at kung hindi making lamang sa panaghoy ng

nagpapasaklolo.
125

- “Parang ibon na nakawala sa hawla, at mabilis na tinahak ni sisa

ang daan pauwi. Hindi alintana ang paminsan minsang

pagkakadapa.” – isinasalaysay sa pahayag na it ang pag-aalala ng

tauhan at hindi alintana nito ang mga pangyayari sa kaniyang

paligid.

- “Ang payo no mang tasyo ang naging gabay ni Ibarraat ito ay

nagbunga nang magtagumpay ang kaniyang panukala at hindi

nagluwat bilang pasimula.” – ang pahayag na ito ay naglalarawan sa

pagtatagumpay ni Ibarra sa pamamagitan ng pagsunod nito sa mga

payo ng isang matalino.


126

- “Ang tinig at titig ng kasintahan ang nagpalamig sa mainit na

simbuyong damdamin ni Ibarra.” – sa pamamagitan ng pahayag na

ito, inilarawan ang bungang dulot ni Maria Clara kay Ibarra nang ito

ay magpuyos ng galit laban kay Padre Damaso.

- “Nasisiyahan ako… Ngayon ko natanto kung paanong maaaring

maging isang mabuting kastila ang tao nang di kinakailangang

iwaksi ang pagka-mabuting Pilipino!” – ang pahayag na ito ay mula

sa Kapitan Heneral matapos nitong makausap si Crisostomo Ibarra.

mababakas sa pahayag na ito ang pagkamangha ng Kapitan Heneral

sa pagiging Makabayan ni Ibarra.

- “Sa mga tinuran ni Donya Victorina ay napamulahan siya ng

mukha, ngayon lang niya natuklasan na ipingkasundo na pala siya

kay Linares.” – ang pahayag na ito ay nagmila sa tagpo kung saan

pinipilit ni Donya Victorina si Linares na hamunin sa isang duwelo

ang alperes dahil sa panghahamak nito sa kanila. Mababakas sa


127

pahayag na ito ang paglalarawan sa damdamin ng pagkabigla ni

Maria Clara.

- “Hindi nararapat na mapasakamay ng mga buhong ang kayamanan

ni ginoong Ibarra.” – ang pahayag na ito ay ang pananaw ni Ibarra

nang si Crisostomo ay dinakip ng mga Gwardya sibil sa bintang na

pagpapasimula ng isang Pag-aalsa. tukoy ng pahayag na ito ng

tauhan ay ang kabuktutan at pagsasamantala ng mga nasa

kapangyarihan.

- “Mamamatay akong di man nakita ang ningning ng pagbubukang

liwayway sa aking inang Bayan…” – ang pahayag na ito ni Elias sa

pinaka huling tagpo ay nagpapahiwatig ng panghihinayang ng

tauhan.

3.2. Diksyon

Natatangi ang anyo ng komiks sa mga uri ng panitikan. Upang ilahad ang

kwento ay gumagamit ito ng mga tagpo, pagsasalaysay at dayalogo ng tauhan

upang mainam na maipakita ang daloy ng kwento. Ang sinuring komiks ay


128

nagataglay ng mga salitan at pahayag na may literal at tagong kahulugan.

aglay din ng mga ito ang mga simbolismo na nagbigay kulay sa anyong ito ng

akda tulad sa klasikong bersyon nito.

- “Siguradong magiging Engrande ang handa ni kapitan Tiago.” –

inilalarawan ng pahayag na ito ang pagiging makapangyarihan at

mayaman ni kapitan Tiago.

- “Ipagpaumanhin nyo, tayo’y nasa bahay ng isang indio.” Ang pahayag na

ito ay nagpapakita ng pang-aalipusta sa mga Pilipino mula sa tagpo sa

piging.

- “Maitutulad sa mahahalagang hiyas ang kababaihan sa ating bayan!” – ang

pahayag na ito ni ibara ay nagpapakahulugang ang mga Pilipina ay may


129

natatangi at angking kagandahan.

- “Animo’y kulog na dumagundong sa kanyang pandinig ang mga

ipinagtapat ng kausap. Nangangalit ang mga bagang na hindi malaman

ang gagawin.”, “Halos baliw na napag-isa si Ibarra sa kanyang silid at

wari’y nakikiramay ay walang patlang ang dagundong ng kulog at kidlat.”

- sa mga pahayag na ito ay mahihinuha ang pagkabigla ni Ibarra sa mga

pangyayari. Inihalintulad ang kaniyan saloobin sa kulog na may

katangiang maingay at nakakabingi upang ilarawan ang kalagayan ng

tauhan sa sitwasyon.

- “Parang ibon na nakawala sa hawla, at mabilis na tinahak ni sisa ang daan

pauwi. Hindi alintana ang paminsan minsang pagkakadapa.” – sa

pamamagitan ng pahayag na ito inilarawan ang tauhan kun paano ang

kaniyang naging kilos sa tagpo. Inihalintulad ito sa isang ibong nakalaya

matapos na mawalan ng Kalayaan.


130

- “Masyado kayong mapusok gonoo, huwag ninyong bibiruin ang Diyos.

Magtimpi kayo at malalayo ka sa kapahamaka.” – ang pahayag na ito ay

turan ni Ibarra matapos niyang ligtas si Elias mula sa kapahamakan sa

ilog. Simbolo ng katapangan ang pagsagupa ni Elias sa buwaya ngunit sa

kabilang dako ay hindi dapat hinahamon ang buhay ayon sa pahayag ni

Ibarra.

- “Lahat silay mangawawakas ng gaya ng nararapat sa kanila. Buhay pa

man ay pinarurusahan na ang mga ganyang ulupong!” – ang pahayag na

ito’y ukol lay Ibarra. Tinuran ito ni padre Damaso sa tagpo ng

pananghalianbilang pagpuna umano sa malaking gastos ni Ibarra sa

pagpapatayo ng paaralan.
131

- “Nasisiyahan ako… Ngayon ko natanto kung paanong maaaring maging

isang mabuting kastila ang tao nang di kinakailangang iwaksi ang pagka-

mabuting Pilipino!” – mababakas sa pahayag na ito mula sa kapitan

Heneral ang kaniyang paghanga kay Ibarra sa pagiging makabayan nito.

Simbolo ito ng kakayahan ng tao na mapanatili ang sarili niyang

pagkakakilanlan sa kabila ng mga pagbabago.

- Ang paghagulgol ni Padre Damaso nang Makita ang kalagayan ni Maria

Clara – sa tagpong ito mababakas ang kahinaan ni Padre Damaso, ito ay

ang kaniyang anak na si Maria Clara. Sinisimbolo nito ang kakayahan ng

tao na magtaglay ng kahinaan sa kabila ng katigaan ng puso.

Mapapatunayan nito na kahit ano mang kabuktutan ng tao ay

mangingibabaw pa rin ang pagmamahal.

- “Isang pagpapatiwakal ang maglaban ako. Baka pati ikaw ay

mapahamak.” – ang pahayag na ito ay mula kay Ibarra sa tagpo kung saan

mas minabuti niyang sumuko matapos ang pag-aalsa na ibinibintang sa

kanya at siya ay dadakipin na ng mga gwardya sibil. Nais ipakita sa


132

aksyon ng tauhan na walang magandang dulot ang karahasan ito ay

magbubuga lamang ng kapahamakan.

- “Marahil sadyang hindi tayo nauukol sa isa’t isa naparito ako upang

sabihin ko sa iyona bago ako lumisan ay pinatatawad na kita lumigaya ka

sana.” – sa pahayag na ito mababakas ang kakayahan ng tao na

magpatawad sa kabila ng kasawiang dulot ng mga sitwasyon. Ang

tagpong ito nang muling magkaniig sina Maria Clara at ibara matapos

tumakas ang binata ay nagpapahiwatig sa kakayahang magpalaya ng tunay

na pag-ibig.

- Ang pagpapahabol ni Elias sa mga gwardya sibil upang makaligtas si

Ibarra. – sinisimbolo ng tagpong ito ang katapatan ng tunay na kaibigan.

Ang tagpong ito ay kababakasan ng ng kakayahan ng isang tao na

magpakasakit para sa isang tunay na kaibigan.


133

- “Yamang ngayon ay pasko ay gusto ko pong umuwi upang makapiling

ang aking ina’t kapatid. Siguro po na tumatangis sila sa aking pagkawala.”

– ang pahayag na ito na mula sa paslit na si basilyo ang umantig sa

damdamin ng matandang kausap. Ipinapahiwatig sa tagpong ito na ang

pagmamahal sa pamilya ay mkapangyarihan at maaaring taglayin nino

man at madarama manging sa puso ng isang paslit.

- “Mamamatay akong di man nakita ang ningning ng pagbubukang

liwayway sa aking inang Bayan…” – sa pahayag na ito mula kay Elias ay

mababatid ang kanyang kalungkutan. Sinisimbolo ng tagpong ito ang

kawalan ng pag-asa sa babila ng pagpapagal sa pagsulong ng kabutihan.

3.3. Kaisahan

Naging matagumpay ang paglalahad ng daloy ng kwento sa bersyong komiks

ng nobelang Noli Me Tangere, ipinakita ang kaisahan ng mga elementong

bumuo sa bersyon ng nobela. Sakabila ng pagiging buod nito mula sa


134

klasikong bersyon, matagumpay pa rin na naipakilala at nailahad ang iba’t

ibang mahahalangang elementong bumuo sa akda, mula sa mga tauhan

hanggang hanggang sa pagkakaayos ng banghay nito. Matutunghayan ang

maayos na paglalahad ng kwento sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tagpo

sa komiks.

Makatarungang nailahad sa komiks ang koneksyon ng bawat tauhan sa iba

pang elemento sa nobela.

- Juan Crisostomo Ibarra – ang pangunahing tauhan at nagsilbing pokus ng

kwento.

- Padre Damaso – ang katunggali ng pangunahing tauhan at ang behikulo ng

pangunahing suliranin.

- Elias – ang suporta sa pangunahing tauhan a susi sa pagiging epektibo ng

daloy ng kwento.

- Maria Clara – ang isa sa nagbigay kulay sa kwento ay naging tulay sa

pagpapalabas ng mga kakanyahan ng pagkatao ng mga karakter.

- Sisa, Basilio at Crispin – ang mga karakter na representasyon at simbolo

ng lipunan.

Makikita rin sa mga dayalogo at narasyon sa komiks ang ilang mga

matatalinhagang pahayag upang bigyang kulay ang mga tagpo.


135

“Maitutulad sa mahahalagang hiyas ang kababaihan sa ating bayan!”

“Animo’y kulog na dumagundong sa kanyang pandinig ang mga ipinagtapat

ng kausap. Nangangalit ang mga bagang na hindi malaman ang gagawin.”

“Parang ibon na nakawala sa hawla, at mabilis na tinahak ni sisa ang daan

pauwi. Hindi alintana ang paminsan minsang pagkakadapa.”

“Lahat silay mangawawakas ng gaya ng nararapat sa kanila. Buhay pa man ay

pinarurusahan na ang mga ganyang ulupong!”


136

“Nasisiyahan ako… Ngayon ko natanto kung paanong maaaring maging isang

mabuting kastila ang tao nang di kinakailangang iwaksi ang pagka-mabuting

Pilipino!”

“Isang pagpapatiwakal ang maglaban ako. Baka pati ikaw ay mapahamak.”

4. Bisa ng Komiks Bilang Midyum sa Pagpapakilala sa Nobelang Noli Me Tangere

Ang nobela bilang natatanging uri ng panitikan ay nagtataglay ng magagandang

katangian upang mahikayat ang mga mambabasa nito na mag-isip at at mapalawak

ang imahinasyon. Ang Noli Me Tangere ay isa sa mahuhusay at klasikong obra

maestrang akdang panitikan ng ating kasaysayan. Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang

mga aral at kaalamang nagtuturo ukol sa pagiging makabayan. Ito ang repleksyon ng

nakalipas at pinagdaanan ng ating mga ninuno sa nakaraan at maaari rin na

magpasahanggang ngayon ay maging gabay ng makabagong henerasyon sa pagtunton

sa kalagayan ng ating lipunan.


137

Sa pagbibigay ng bagong bihis sa klasikong Nobela, ginamit ang komiks upang mas

mapalawak ang maabot nito sa mundo ng panitikan. Bilang bersyon ng akda, taglay

nito ang buod ng orihinal na kwento at nilalaman. Sa kabila nito ay bakas pa rin ang

kakanyahan at kagandahan ng klasikong nobela mula sa mga tauhan na matagumpay

na nailahad mga gampanin, sa mga suliranin, mga tagpo at mensaheng nais ipabatid

ng nobela.

Hindi maitatanggi na ang wikang ginamit sa komiks upang ilahad ang daloy ng

kwento ay iba sa orihinal na bersyon ng nobela, ngunit sa pamamagitan ng

kakanyahan ng katangian ng komiks ay matagumpay pa ring nitong nailahad

pinakalayunin na maipakita ang bisa ng akda bilang bersyon ng matandang Nobela.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na Pagsusuring Pormalistiko sa akdang Noli

Me Tangere sa Anyong komiks. Kung saan ang mananaliksik ay sinuri at tinugaygay

ang kabuuan ng bersyong ng Nobela. Sa kabuuan ay nagtataglay ng apat-na-pu’t-

siyam (49) napahina ang nasabing bersyon ng nobela na kakikitaan naman ng mga

tagpo na nagpapakitang daloy ng kwento.

Naging tuon ng pagsusuri ang katangiang pisikal na taglay ng komiks. Mababakas

sa bersyong ito ang sarili kakanyahan na kaiba sa klasikong bersyon. Bagaman ito ay

nasa angyong buod, matagumpay pa ring nailahad ng bersyong komiks ang mga

mahahalagang elemento na kinakailangan sa maayos na pagdaloy ng nobela. Ang

pagpapakilala sa mga mahahalagang tauhan ay nabigyan ng katarungan sa

pamamagitan ng maayos na presentasyon ng kanikanilang mga gampanin sa akda.


138

Nailatag rin ng maayos ang mga mahahalagang suliraning nagpaikot sa akda at siyang

namang naging behikulo sa matagumpay na pagdaloy ng kabuuan ng kwento. Taglay

rin ng bersyong komiks ang wika at natatanging pagsasalarawan ng kwento na kaiba

sa klasikong bersyon ng nobela, na siya namang nagbigay ng bagong bihis upang mas

lalong malawak ang maabot ng akda sa aspektong pampanitikan at lipunan. Sa kabila

ng pagiging matuwid at derekta ng wikang ginamit ay mababakas pa rin ang ilang

mga talinhaga na ginamit upang mabigyan pa rin ng kulay ang presentasyon ng

kwento. Ginamit ito upang hindi ito lubusang malayo sa inang bersyon nito na siya

namang nagtataglay ng mga simbolismo at mga natatanging kahulugan.

Konklusyon

Ang mga sumusunod ay ang nabatid sa pag-aaral na ito na pinatibay

naman ng mga resulta sa pagsusuri.

1. Sa kabuuan ng pananaliksik nabatid ang pagiging epektibo ng bersyong

komiks sa kabila ng pagiging buod nito sa klasikong bersyon ng nobela.

naging natatangi ang paglalahad ng kwento sapagkat ito ay binigyan ng

bagong bihis upang maging mas makaakit ito ng mga mamabasa at mas

maging madali ang pagintindi sa klasikong obra.

2. Ang mga elementong matatagpuan sa akda ay siyang magbibigay buhay sa

kwento. Mahalagang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat elemento upang

maging matagumpay ang daloy ng nito. Ang bawat tauhan ay kinakailangang

kaisa ng mga suliranin sa akda at nabibigyang katarungan ang presentayon ng

probema. Kinakailangan din ang tuloy tuloy na daloy ng bawat tagpo sa


139

kwento. ang mga ito ay mababakas sa bersyong komiks sapagkat nabigyang

katarungan nito ang mga kaisipang nabanggit.

3. Ang Nobelang Noli Me Tangere ay isang obrang bunga ng katalinuhan ni Dr.

Jose Rizal. Ito ay nagtuturo ng paging makabayan at pagmamahal dito, gayon

din ang pagpapakita sa sa katangian ng ating lipunan. Ang komiks na bersyon

ay hindi lumayo sa layung ito. Taglay ng komiks ang mga simbolismo ng mga

tauhan at pangyayari na inilirawan makikita rin sa klasikong bersyon ng

nobela.

4. Katangitangi ang paraan ng palalahad ng kabuuan ng kwento sa bersiyong

komiks ng Noli Me Tagere. Bagaman ginamitan ito ng mga larawan upang

ipakita ang daloy ng mga tagpo hindi pa rin naisantabi ang istruktura sa

wikang ginamit sa akda. Sa pamamagitan ng tuwirang paglalahad sa

kahulugan at konteksto at panaka nakang mga patalinhaga ay maayos at

sistematikong nailarawan ang takbo ng kwento mula simula hangga sa wakas.

Nagampanan nito ang pinaka layunin ng isang komiks na makapagkwento sa

paraang nakakaaliw at madaling maintindihan ng sinumang mambabasa.

5. Teoryang Pormalistiko ang naging sandigan sa pananalisik na ito. Ang

balangkas sa pagsusuring Pormalistiko ang naging batayan upang masuri ang

katangian at pagiging epektibo ng bersyong komiks ng Noli Me Tangere.

Ginamit ang naturang paraan ng pagsusuri upang maipalabas ang kagandahan

ng nagbagong bihis na bersyon. Madami nang hakbang ang isinagawa sa

pagdaan ng panahon upang mabigyan ng panibagong buhay ang klasikong

obra maestrang Noli. Sa paglipas ng mga panahon, sa kabila ng mga


140

pagtatangkang ito, hindi pa rin kumukupas ang kahalagahan at magandang

katangian ng Nobela ani Rizal. Sa pagbibigay ng bagong bihis ay mas

napapalawig pa ang pagbibigay ng halaga sa isa sa mga obra ng ating

kasaysayan.

Rekomendasyon

Ang pangunahing layuning ng pananalisik na ito at upang masuri ang katangiang

taglay ng bagong bersyon ng Nobelang obra na Noli Me Tagere at ang pagiging epektibo

nito bilang panghalili sa orihinal at klasikong bersyon na maaaring magamit sa aspektong

pang edukasyon. Narito ang ilang mga rekomendasyong nabuo batay sa ginawang

pagsusuri.

1. Sa aspektong pang-edukasyon. Bilang isa sa mga paksang tinatalakay sa

paaralan ang pagtalakay sa matandang panitikan ay marapat na gawing

masigla, buhay at kumpleto. Sa kabila ng pagiging matagumpay ng bersyong

komiks ng Noli Me Tangere sa pagpapakilala ng mga mahahalaga at

pangunahing tauhan, mahahalagang suliranin at pangyayari at aral na taglay

nito, nararapat na maging buo ang pagtalakay sa iba pang mga aspekto mula

sa klasikong bersyon nito.

2. Sa panig nang mambabasa, mahalagang maging komprehensibo ang kaalaman

lalo na sa klasikong bersyon ng nobela sapagkat ang bersyong komiks nito ay

nasa anyong buod. Mahalagang malaman ang iba pang mga detalye na

bumubuo sa akda upang maging ganap ang pagkaintindi.

3. Pag-aralan ang lahat ng aspekto na tumatalakay sa panitikan. Mahalaga ang

malalim na pagkabatid ng mga guro sa tinatalakay na panitkan at


141

anumangpaksainsa panunuring pampanitikan.

4. Sa mga susnod na mananaliksik na papaksain ang bersong komiks ng Noli Me

Tangere, mainam na gumamit ng iba pang dulog upang mabigyan ng bagong

mukha ang pag-aaral dito. Kung hindi naman ay gumamit ng iba pang uri ng

bersyon nito upang mas mapalawig ang pagpapahalaga at pagkaintindi sa akda

na magiging malaking kapakinabangan hindi lamang sa pasusulong ng

kahalagahan ng panitikan kung hind imaging sa ikauunlad ng edukasyon.


142

Mga sanggunian
Santos, P. V. (n.d.). Risoma para sa mga puno: Mga Konsepto nina Deleuze-Guattari para
sa Ekolohiya ng Lungsod Naga, Bikol. Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa
Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Filipino, Ateneo AJOL. Retrieved April 28,
2022, from
Capili, J. W. (1970, January 1). Jose Wendell Capili, Dalawang Antolohiya, Isang
Kasaysayang pampanitikan: Ilang Tala Sa Likod ng Tatlong Aklat Tungkol sa mga
Filipinong Manunulat SA Australia - philpapers. Katipunan Journal. Retrieved
April 28, 2022,
Ambat, Vima C., et. al., 2015, Panitikang Pandaigdig (Filipino:Modyul para sa Mag-
aaral), Vibal Group Inc., Pasig City.
Bascuguin, Aleli D., et. al. Isang Pag-aaral sa Persepsyon ng mga Pilipino sa Kalidad
ng Edukasyon at sa Programang K+12 ng Gobyerno: Isang Sarbey. Nalathalang
tesis Bamberg, Micheal, 2010, Narative Analysis, Clark University, Worcester,
USA.
Cabungcal, Mark Dave V. et. al., Mga Pelikulang may Temang Pakikiapid:
IsangAnalisis, 2017. Di-nalathalang tesis
Dayagbil, Filomena T., et. al., 2016, Special Topics, Central Luzon State University,
Science City of Muňoz.
Del Campo, Jashcka Vennisse U. at Sarmiento, Jessabelle O., Mga Nobela ni
Beeyotch: Pagsusuri, 2018. Di-nalathalang
Monteroso, JM O., et. al., 2019, Ang Makukulay na Kwento ng Bahaghari, Print Saver,
Cabanatuan City.
Ortiz, Arry E., et. al., Isang Pag-aaral ukol sa mga Makakastilang Kultura sa
Cabanatuan, 2017. Di nalathalang-tesis
Peralta, Romulo N., et. al., 2017, Panitikang Asyano (Modyul ng Mag-aaral sa
FILIPINO), Republika ng ng Korea, Principia Co.,Ltd., Pasig City.
Sarenas, John Vincent S., Isang pagsusuri sa Lahat ng Serye ng Pelikulang Shake, Rattle
and Roll, 2017. Di-nalathalang tesis
Udarbe, John Lord A., et.al., Mga Awitin ng Bandang Parokya ni Edgar: Isang
Pagsusuri, 2018. Di-nalathalang tesis
Ventosa, Daniella C., et. al., 2019, Marahuyo, Print Saver, Cabanatuan City.
Ventura, Ace H.,et. al., 2019, Kathang Isip (Lipon ng Maikling Kwento), Print Saver,
Cabanatuan City.
143

Vera Cruz, Baby Jean M., “PUGAD BABOY” Serye Una


Hanggang Sampu ni
Apolinio Medina Jr.: Isang Pagsusuri, 2011. Nalathalang tesis
Villafuerte, Patrocinio V. at Bernales, Rolando A.,
2008, Pagtuturo ng/sa Filipino:
Mga Teorya at Praktika, Mutya Publishing House Inc., Valenzuela City.
Margallo, M. (2021, April 19). Teoryang pampanitikan / MGA dulog SA Pagsusuri.
Academia.edu. Retrieved April 28, 2022,
Guillermo, R. (2009, September 23). (PDF) Pantayong Pananaw and the history of
Philippine Political Concepts. ResearchGate. Retrieved April 28, 2022, from
Scribd. (n.d.). Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas. Scribd. Retrieved April 28, 2022,
from
Listahan ng mga Akdang Pampanitikan para sa K-12 - kwf.gov.ph. (n.d.). Retrieved April
28, 2022, from
Largo, Register sa Paglilitson : Talisay City, Cebu 59 P-ISSN 2350-7756 | E-ISSN 2350-
8442 | www.apjmr.com Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7,
No. 1, February 2019, Part II
Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1, February, 2019
Mapa & Marbella, Ang Impluwensiya ng Midya sa Pag-Aaral ng Wika 34 P-ISSN 2350-
7756 | E-ISSN 2350-8442 | www.apjmr.com Asia Pacific Journal of
Multidisciplinary Research, Vol. 7, No. 1, February 2019, Part II
Santiago - Published and distributed by C & E Pub. – 2007
https://philpapers.org/rec/CAPDAI-3
https://www.academia.edu/46951711/
TEORYANG_PAMPANITIKAN_MGA_DULOG_SA_PAGSUSURI
https://www.researchgate.net/publication/
250278124_Pantayong_Pananaw_and_the_History_of_Philippine_Political_Conce
pts
https://www.scribd.com/doc/159476691/35466487-Kasaysayan-Ng-Panitikan-Sa-
Pilipinas
https://ajol.ateneo.edu/katipunan/articles/221/2480
https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/06/LISTAHAN-NG-MGA-AKDANG-
PAMPANITIKAN.pdf
144

tesis https://brainly.ph/question/574796 https://brainly.ph/question/574796#readmore


https://brainly.ph/question/460793?source=aid928880)
https://brainly.ph/question/460793#readmore
https://brainly.ph/question/15616#readmore
https://www.britannica.com/art/short-story/Emergence-of-the-modern-short-story
https://english.stackexchange.com/questions/164811/what-is-the-word-to-describe-somet
hing-that-has-hidden-meaning
http://faculty.goucher.edu/eng211/hidden_meaningstheory_
https://www.google.com/search?q=yin+yang&source
https://literarydevices.net/exposition/
https://www.setonmagazine.com/latest-articles/why-good-stories-make-it-easy-to-
teachmoral-lessons
https://thekidshouldseethis.com/post/story-setting-flocabulary#:~:text=Setting%20is%20
one%20of%20the,more%20than%20just%20give%20context.
https://www.litcharts.com/literary-devices-and-terms/rising-action#:~:text=What's
%20the %20Function%20of%20Rising,or%20question%20of%20the%20story.
http://25qt511nswfi49iayd31ch80-wpengine.netdna-ssl.com/wp-content/uploads/papers/a
cah2017/ACAH2017_33951.pdf
https://papers.iafor.org/submission33951/
https://literaryterms.net/theme/#:~:text=The%20importance%20of%20using%20theme%
20in%20narrative%20is%20unparalleled.,not%20a%20story%20at%20all.
https://examples.yourdictionary.com/reference/examples/plot-of-a-story-examples.html
https://self-publishingschool.com/how-to-write-dialogue/
https://www.academia.edu/34440917/Pananaliksik
145

APENDIKS

Apediks A. Ang Sinuring Komiks


146

BIOGRAPIYA NG MANANALIKSIK

Personal na Impormasyon

Pangalan: Banjo Tabajonda Javier


Kapanganakan: Hunyo 7, 1994
Tirahan: Bakod Bayan, Cabanatuan City, N.E.
Pangalan ng Magulang: Rolando V. Javier at Cecille Tabajonda

EDUKASYON

Kolehiyo: Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya


Nagdalubhasa sa Filipino
Wesleyan University - Philippines
2016
Sekondarya: Camp Tinio National High School
Cabanatuan City, Nueva Ecija
2011
Elementarya: Bakod Bayan Elementary School
Cabanatuan City, Nueva Ecija
2006
Karanasa sa Pagtuturo:
San Isidro Integrated School
Cabanatuan City, Nueva Ecija
November 2017- January 2018 (Substitute Teacher)

ACA Elementary School


Cabanatuan City, Nueva Ecija
February 2018 (Substitute Teacher)
147

ISLA Elementary School


Cabanatuan City, Nueva Ecija
March 2018 (Substitute Teacher)

Camp Tinio National High School


Cabanatuan City, Nueva Ecija
June 2018-2021 (Junior High School Teacher)
June 2022 (Senior High School Teacher)

Eligibilidad

Liscensure Examination for Teacher


Setyember 2016 (84.2 rating)

You might also like