You are on page 1of 12

Kabanata 2

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na artikulo, literatura at pag-aaral na

lokal at banyaga kung saan ay naaangkop sa pag-aaral na isinasagawa.

Kaugnay na Literatura

Sa bahaging ito inilalahad ang mga aklat, magasin at dyornal na maaaring may kaugnayan

sa pag-aaral.

Ayon kay Sharma (2014) “Ang wika ay masistematiko at inorganisang mga salita upang

makapaghatid ng diwa sa kausap. Wika rin ang isa sa paraan ng pakikipagkomunikasyon. Sa bawat

wika ay nagkakaroon ang tao ng hinuha at pagpapakahulugan.”

Sa pag-aaral na ito, tiningnan ng mga mananaliksik ang mga wika sa Terminal ng Tarlac

batay sa kung paano ito ginamit at naunawaan ng kausap. Sa pamamagitan ng mga salitang nakalap

ng mga mananaliksik ay mauuri rin ang taong nagtataglay ng wikang ito.

Batay kay Fromkin et.al (2010) “Walang diksyonaryong makapagtatala nang lahat ng mga

pangungusap na kailangan. Maaaring ang mga diksyonaryo ay makapagbigay ng mga halimbawa

ayon sa kung paano gamitin ang mga salitang nakatala at binigyang kahulugan.”

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik, isa sa kanilang naging awtput ay ang pagbuo ng

glosaryo. Sa glosaryong ito nakatala ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga Terminal ng

Tarlac. Bawat salita ay may mga halimbawa rin ng mga pangungusap batay sa kung paano ito

ginamit sa aktwal na sitwasyon.


Naitala sa aklat ni Suraj Shukla na “Linguistics Phonetics and English Language

Teaching”, ang pagkatuto ng wika ay karaniwang nakatuon sa “first language or native language”

o wikang kinagisnan at hindi sa pagkatuto ng “second language”. Ang kapasidad sa pagkatuto at

paggamit ng isang wika ay isang salik o susi sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa ibang tao.

Patunay lamang ito na kailangan ang pag-aaral na kagaya nito upang bigyang-pansin ang pagkatuto

ng ibang wika na mauunawaan ng nakararami.

Sa aklat ni Dr. Kanna (2013), binigyang-halaga niya ang pagpili ng mga salitang gagamitin

sa T.V. Ang kanyang pag-aaral ay naglalahad ng maling konsepto ng mga bumubuo ng T.V

komersyal. Ang mga salitang ginagamit ay naaayon sa kagustuhan ng tao ngunit hindi

nangangahulugang tama ito. Kaugnay sa pag-aaral na ito, binigyang-pansin ang mga salita batay

sa pagkakagamit nito sa Kapampangan, Ilocano at Tagalog. Maaaring magbunsod ng kalituhan o

maling pagkaunawa ang pagsasabi ng isang salita na ginagamit sa ibang wika ngunit iba ang

pagpapakahulugan. Halimbawa na lamang ang salitang “nagbayag” sa Ilokano na

nangangahulugang “ang tagal” ay maaaring magging bastos ang kahulugan sa Kapampangan at

Tagalog na makaririnig.

Sinabi ni J. Lee sa kaniyang aklat, “Ang wika bilang instrumento sa pakikibagay sa

lipunang kanyang kinagagalawan.” Kabilang ang mga kondoktor at ang tsuper sa mga nakikibagay

sa pagbabago ng sitwasyon at sa mga taong kanyang nakakasalamuha. Isa sa mga magiging

instrumento ng mga tsuper at kondoktor sa kanyang pakikiangkop ang glosaryong binuo.

Batay kay Dinglasan (2008), ang pagkakaroon ng wika’y isang katangiang ikinaiiba ng tao

sa iba pang mga kinapal ng Diyos. Taglay ng wika ang kultura ng lipunang pinag-iingatan ng

wikang naihalo sa ibang kultura at ito ay magbubunsod ng bagong wika na bunga ng pagsasama
ng dalawang wika. Maging ang kultura ng nagsasalita ay nagbabago bunsod rin ng kaniyang

pakikisalamuha.

Malaki ang impluwensya ng wika sa pagkakakilanlan sa isang tao kung saan ba siya

nagmula at kung anong kultura mayroon sa kaniyang pinanggalingan. Tulad ng sa pag-aaral na ito,

ang mga terminal sa Tarlac ay lunsaran ng iba’t ibang taong nagsasalita ng kani-kanilang

lenggwahe. Sa kanilang pagsasalita gamit ang kanilang wika madaling matutukoy ng kondoktor,

tsuper at ng barker kung saang direksyon sila tutungo.

Nabanggit sa dyornal ni Angeles (2011), “Malaking impluwensya sa paggamit ng varayti

ng wikang Filipino sa mga Komersyal lalong-lalo na sa mga kabataan.” Nakatulong ang datos na

ito sa mga mananaliksik upang kanilang mas maunawaan ang isinagawang pag-aaral at makuhanan

ng kaalaman ukol sa napiling pag-aralan na may kinalaman sa wika partikular na ang mga varayti

ng wika sa terminal ng Tarlac.

May dahilan kung bakit magkakaiba ang wika sa Pilipinas, ayon kay Batnag (2011). Ang

Pilipinas ay multilingual at multi-cultural. Ang ating watak-watak na isla na may iisang mithiin na

ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi gayon rin sa isang

midyum ng wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa

pagtatangkang baguhin ang lipunan ng isang bansa. Sa kabila ng ating pagkakaiba sa midyum ng

wikang ginagamit sa pang-araw-araw, hindi maikakatwa ang hangaring maunawaan at makipag-

ugnayan sa iba pang indibidwal upang lumawak ang kaalaman ng tao na naging daan tungo sa

makabuluhang pakikipag-tao.

Sa aklat ni Inalvez (2014), “Binigyang paglalarawan ang antas ng wika batay sa mga taong

gumagamit. Madaling mauri at makilala ang tao batay sa wikang ginagamit niya kung anong
probinsya, kung anong persepsyon at kung nakapag-aral ba o hindi. Ang pagkakaroon ng antas

ng wika ay isang mahalagang katangian nito. Dahil dito ay madaling makilala ang isang tao;

madaling maibagay ng tao ang kanyang sarili sa isang sitwasyon o pagkakataon.”

Tulad sa pag-aaral na ito, inuri ang mga salitang pormal at di-pormal na ginamit sa mga

Terminal ng Tarlac at bumuo ng glosaryo. Nakilala at nauri rin ang mga taong nagsasalita sa

terminal batay sa kung anong lugar sila nagmula. Maging ang kultura nila ay masasalamin din

kung paano sila magsalita.

Binigyang pagpapakahulugan ni Inalvez (2010), na ang pormal na pananalita ay mga

salitang kinikilala at ginagamit nang higit ng nakararaming tao partikular na ang nakapag-aral,

dalubhasa at nagtuturo ng wika. Kabilang sa antas nito ang antas pambansa at pampanitikan. Ang

di-pormal naman ay mga salitang simple, palasak at ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-

usap sa mga kakilala at kaibigan. Ito naman ay binubuo ng apat na antas: ang lalawiganin,

kolokyal, balbal, at bulgar o bawal.

Mababasa ang mga salitang kinalap sa terminal sa binuong Glosaryo. Bawat salita na

makikita rito ay may nakalakip na kahulugan at kung pormal ba ito o di-pormal. Nakabase rin ang

mga salitang ito sa pagkakagamit ng mga salita sa pahayag.

Ang mga nabanggit na kaugnay na literatura ay ang mga nagsilbing pundasyon at sandigan

ng ginawang pag-aaral. Ang mga banyaga at lokal na literaturang ito ay nagsilbing padron at

basehan sa ginawang pag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral
Sa bahaging ito inilalahad ang mga kaugnay na pag-aaral na isinagawa ng ibang

mananaliksik maaari itong banyaga at lokal.

A. Banyaga

Ayon sa pag-aaral ni Eslami (2013), “The Use of Dictionary and Contextual Guessing

Strategies for Vocabulary Learning by Advance English – Language Learners” sinabi na ang isang

salita ay maaaring may maraming kahulugan at maaaring malaman sa pamamagitan ng

pangungusap. Dahil sa pagkakaiba ng punto ng iba maaaring maging iba ang interpretasyon o

kahulugan nito. Halimbawa buhay at bu.hay. Paano mo malalaman kung paano ang bigkas at ano

ang kahulugan nito? Maaaring ipagamit o ipagawa sa pangungusap ang salita upang mas malaman.

Dagdag pa rito na kailangang mahikayat ng guro ang kanyang mga mag-aaral na gumamit ng

talatinigan o diksyunaryo at maaari din namang glosaryo upang hanapin ang kahulugan ng hindi

pamilyar na salita kaya’t ang glosaryong ginawa ng mga mananaliksik ay makatutulong upang

mas mapalawak pa ang bokabularyo ng mga ibang mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Koo (2006), “Effects of using Corpora and Online Reference tools or

Foreign Language Writing; A Study of Korean Learners of English as a Second Language”,

lumabas na ang kakulangan sa salitang banyaga ng mga Koreano ay nagbunsod ng hadlang upang

maipahayag ang nais nilang sabihin. Bilang tugon sa kanyang pag-aaral, bumuo siya ng bilinggwal

na diksyonaryo. Tulad ng pag-aaral na ito, naging balakid din ang kakulangan ng kaalaman sa

paggamit ng mga lenggwaheng Ilokano, Kapampangan at Tagalog upang maipaabot ang nais

sabihin sa mga pasahero na taliwas ang lenggwaheng kanilang ginagamit sa pakikipag-ugnayan.

Sa ginawang pag-aaral ay bumuo ng glosaryong makakatulong sa mabilis na pagkakaunawaan ng

pasahero at mga manggagawa sa terminal ng Tarlac.


Sa pag-aaral ni Asbjornsem (2013), “Bilingualism. The Situation in Norway”. Sa pagkatuto

ng ibang lenggwahe ay kailangang makasalamuha ang ibang mga tao na nagsasalita ng taliwas sa

lenggwaheng sinasalita ng nagnanais nito. Sa kaniya ring pag-aaral ng panibagong lenggwahe ay

makakabuo rin siya ng mga pinagsamang salita. Tulad ng pag-aaral na ito, na nakapokus sa

terminal ng Tarlac. Maraming taong namamalagi at nagtutungo rito. Sa mga manggagawa sa

terminal na matagal na ay nakabubuo ng bagong mga pahayag na sa mga pahayag na ito ay taglay-

taglay ang dalawang lenggwahe. Halimbawa nito ay “Umusog kayo man idyay” na ang unang

bahagi ng pangungusap na “Umusog kayo…” ay salitang Tagalog samantalang ang “… man

idyay” ay salitang Ilokano na kaugnay ng ipinaliwanag ni Asbjornsem (2013) sa kaniyang pag-

aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Al-Zahrani (2011) na may pamagat na “The Effectiveness of

Keyword-based Instruction in Enhancing English Vocabulary Achievement and Retention of

Intermediate Stage Pupils with Different Working Memory Capacities”. Sinasabing mahalaga ang

wika sa mabisang pakikipagkomunikasyon. Lahat ng tao na gustong maghatid ng mensahe ay

gumagamit ng wika upang maipaabot ito sa kausap. Sinabi rin niya na ang Wikang Ingles ang

pinakamabisa o nag-iisang paraan upang makipagsabayan sa buong mundo. Ayon rin sa kanyang

pag-aaral, napakahirap ituro ng wikang Ingles sa mga bansang hindi ito ang kanilang unang wikang

sinasalita. Sa pagtuturo ng Ingles ay kailangang ituro muna ang bokabularyo, balarila, tamang

pagbigkas at ang mga makrong kasanayan. Ito ay ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at

pagsusulat.

Hindi madaling matuto ng ibang lenggwahe na ang maaaring maging unang hakbang ay

ang pagtuturo ng bokabularyo sa wikang bago sa kanila. Sa glosaryong binuo na nakapokus sa


mga Terminal ng Tarlac, naging basehan ito at hanguan sa mga bagong salita na magagamit mula

sa kanilang pang-araw-araw na pakikisalamuha.

Ayon sa pag-aaral ni Ammour (2011) na pinamagatang “A Sociolinguistic Investigation

of Language Variation in the Speech Community of Medroma”. Ang wika ay isang

makapangyarihang kasangkapan sa pakikipagtalastasan sa isang lugar. May mga lugar na

kakikitaan ng varayti ng wika na kung saan sinasalita ito ng bawat indibidwal. Ang pag-aaral na

kanyang isinasagawa ay patungkol sa pagkakaiba ng wika na nagsimula noong 1960 at halos ang

pag-aaral na ito ay patungkol sa pinagmulan ng wika. Kaugnay ng pag-aaral na ito ang mga

mananaliksik ay nilayon na malaman ang pagkakaiba ng wikang sinasalita sa Terminal ng Tarlac

na kung saan nalaman ang katawan ng bawat indibidwal, ang kanyang kultura at kung ano ang

kinalakhan nito.

B. Lokal

Ayon sa pag-aaral nina Ballo-allo et.al. (2016) na may pamagat na “Pagsusuri ng mga

varayti ng Wikang ginagamit sa mga T.V Komersyal” pinaliwanag na may dalawang uri ng varayti

ng wika, ang permanenteng varayti na patungkol sa idyolek at dayalek. Sa kabilang banda naman

ang pansamantalang varayti na pumapasok ang register moda at estilo. Malaki ang naging tulong

ng pag-aaral na ito sa mga mananaliksik dahil tungkol ang pananaliksik sa varayti ng wika na kung

saan nakapokus sa mga salita na madalas sinasalita sa mga terminal ng Tarlac. Pumasok rin dito

ang mga dayalekto na madalas ginagamit sa Terminal. Ginagamit ng tao ang lenggwahe base sa

kaniyang kagustuhan at hindi na binibigyang-pansin ang tamang paggamit nito. Tulad ng mga tao
sa terminal, hindi sila gumagamit o sumusunod sa alintuntuning panggramatika. Nakabase sila sa

sitwasyon at taong kinakausap sa kanilang pagsasalita.

Hinggil sa pag-aaral ni Coroza (2009), “Isang likas na pangyayari ang pagkakaroon ng

iba’t ibang anyo o varayti ng isang wika.” Wika nga nina Michael Gregory at Susanne Caroll na

nabanggit ni Coroza sa kanyang pag-aaral,“A language variety is a sub-set of formal and/or

substantial features which correlates regularly with a particular type of socio-situational

features”. Sa madaling salita, dahil penomenong panlipunan ang wika, ang mga taong nabubuklod

sa iisang pook na nagkasama-sama dahil sa iisang gawain ay nakalilinang ng sari-sari nilang

paraan ng pakikiangkop sa paggamit ng wika.

Ayon sa pag-aaral ni Antonio (2017), “Kabisaan ng worm word technique bilang bagong

paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan sa wika at panitikan”, sinabi na ang wika ay nagsisilbing

buhay ng tao sa pang-araw-araw niyang pakikipagtalastasan saan man ito makarating. Sa

pamamagitan ng wika, naipaparating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang ibahagi. Ang

wika ay nagsisilbing susi upang magkaintindihan ang mga tao. Sa pamamagitan ng wika

nakakapaghatid tayo ng ating saloobin sa ating kapwa, katulad sa pag-aaral na naglayon na mas

magkaintindihan ang mga pasahero at driver upang mas maging bukas sa komunikasyon ang bawat

isa. Kahit na may mga iba’t ibang dayalekto ang sinasalita ay maaari pa rin silang magkaintindihan

sa pamamagitan ng glosaryong binuo ng mga mananaliksik.

Sinabi rin sa pag-aaral na ito na lubhang mahalaga ang wika, nagsisilbi itong lakas at

nabibigkas sa bayan upang maihatid ang damdamin at mithiin ng indibidwal. Ang wika nga ay

lubos na napakahalaga sa bawat indibidwal dahil ang bawat isa ay gustong maiparating ang

kanilang damdamin at nararamdaman.


Ayon sa pag-aaral ni Albay (2017), na may pamagat na “Epekto ng Modernisasyon ng

Wikang Filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad ng Pangasinan” sinabi

na ang wika ay isang paraan ng paggawa ng transaksyon. Binanggit din na lahat ng nangyayari sa

ekonomiya ay batay sa kung paano mo ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin

ng malinaw sa iba ang iyong naintindihan tungkol dito. Nasasabi na ang wikang pambansa ay may

malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa. Sinabi sa pag-aaral na ito na

kailangang maipahatid natin nang maayos ang ating gustong sabihin dahil maaaring iba ang

interpretasyon kaya’t sa pag-aaral ay gumawa ng glosaryo na magsisilbing batayan o tulong sa iba

upang hanapin ang kahulugan ng mga salita na hindi maintindihan sa ibang dayalekto. Halimbawa

ay isa kang pasahero at ang iyong wika o dayalekto ay Tagalog at ang drayber ay nagsasalita ng

Ilokano, papasok na rito ang kahalagahan ng glosaryo.

Ayon sa pag-aaral ni Capul (2017), “Pagbuo at Balidasyon ng Talatinigan Bilang

Kagamitang Panturo sa Senior High School,” pinaliwanag na bilang guro ay nararapat lamang na

gumawa ng paraan upang masolusyunan ang ganitong suliranin. Isa sa solusyon ay ang pagbuo ng

mga sanayang-aklat at modyul. Upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral ay

kailangang sanayin natin sila na gumamit ng talatinigan. Tulad ng pag-aaral na isinagawa ng mga

mananaliksik na naglayong gumawa ng glosaryo na makatulong sa suliranin ukol sa talasalitaan

na magagamit ng mga manggagawa sa Teminal ng Tarlac at mga pasahero na kabilang dito ang

mga mag-aaral, mga taong propesyonal at mga manlalakbay.

Ipinakita sa mga pag-aaral na nabanggit ang tungkol sa varayti ng wika na kung saan

naging tulong ito sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik. Dahil sa mga pag-aaral na ito ay

mas lalong napagtibay ang ginawang pananaliksik. Ang mga pag-aaral na nabanggit ay naging
matagumpay at tulad ng mga ito ay naging matagumpay din ang isinagawang pag-aaral. Ang

glosaryo ay nagsilbing awtput sa pag-aaral na ito.

Ang mga nabanggit na kaugnay na pag-aaral ay nagsilbing pundasyon at sanligan ng

naging pag-aaral. Ang mga banyaga at lokal na pag-aaral na nabanggit ay nagsilbing padron at

basehan sa ginawang pag-aaral.

Binanggit ni Eslami sa kanyang pag-aaral na “The Use of Dictionary and Contextual

Guessing Strategies for Vocabulary Learning by Advance English – Language Learners,” sinabi

na ang isang salita ay may maraming kahulugan na maaaring malaman sa pamamagitan ng

pangungusap. Tulad sa kanyang pag-aaral nabatid ng mga mananaliksik kung paano ba ginamit

ang mga salita sa Kapampangan, Ilokano at Tagalog sa mga terminal ng Tarlac sa pamamagitan

ng binuong glosaryo.

Nabanggit ni Coroza sa kanyang pag-aaral,“A language variety is a sub-set of formal

and/or substantial features which correlates regularly with a particular type of socio-situational

features”. Sa madaling salita, dahil penomenong panlipunan ang wika, ang mga taong nabubuklod

sa iisang pook na nagkasama-sama dahil sa iisang gawain ay nakalilinang ng sari-sari nilang

paraan ng pakikiangkop sa paggamit ng wika. Nilayon ng ginawang pag-aaral na ito na makapag-

ambag tungo sa mas makabuluhang pakikipagkomunikasyon ng mga taong gumagamit ng iba’t

ibang bernakular na wika partikular sa mga terminal ng Tarlac.

Ang mga nabanggit na pag-aaral ay nagsilbing patunay sa katuturan ng naging pag-aaral

ng mga mananaliksik.
Konseptwal na Balangkas

INPUT PROSESO AWTPUT

1. Pagtukoy sa
mga Varayti ng 1. Pagbuo ng
1. Mangalap ng
Wikang isang Glosaryo
wikang gamit sa
ginagamit sa ng mga salita
Terminal
Terminal ng sa Terminal ng
2. Uuriin ang mga
Tarlac na kung Tarlac
salita batay sa antas
saan 2. Pagpapabalido
nito kung pormal o
pumapasok ang ng Glosaryo sa
di-pormal
Pormal at Di-
3. Pagbibigay Tarlac State
Pormal na salita
kahulugan sa mga University na
tungo sa
salita kung paano dalubhasa sa
pagbuo ng
ginamit. Filipino
Glosaryo

Figyur 1. Prosesong Daluyan ng Pag-aaral

Ipinapakita sa kabuuang daloy ang isinagawang pag-aaral, upang mas mapalawak ang

kaalaman tungkol sa nasabing pag-aaral.

Ang unang hakbang o ang input ng pag-aaral ay pagtukoy sa mga varayti ng wikang

ginagamit sa terminal ng Tarlac na kung saan pumapasok ang pormal at di-pormal na salita tungo

sa pagbuo ng Glosaryo. Ang unang hakbang ay siyang pokus ng pag-aaral, na kung saan

maipapakita dito kung paano uumpisahan ang pag-aaral.

Ang ikalawang hakbang ay ang proseso sa ginawang pag-aaral na kung saan ang mga

mananaliksik ay nangalap ng wikang ginamit sa terminal sa tulong ng video recorder at tape

recorder. Pangalawang hakbang sa prosesong ginawa ng mga mananaliksik ay inuri ng mga

mananaliksik ang mga salita batay sa antas nito kung ito ay pormal o impormal at ang huling
proseso na ginawa ng mga mananaliksik ay binigyang-kahulugan ang mga salita batay kung paano

ito ginamit.

Ang ikatlong hakbang ay ang awtput na kung saan bumuo ng glosaryo ang mga

mananaliksik mula sa mga salita sa mga Terminal ng Tarlac at ang huli ay ipinabalido ito sa mga

ekspertong guro sa Filipino ng Tarlac State University.

You might also like