You are on page 1of 3

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Panimula
Bagamat ang pagkatuto ay isang walang hanggan at katapusang proseso,
hindi ito natatapos sa pamamagitan lamang ng paghahangad na magkaroon ng
kaalaman, at pagtatamo sa mga karunungan na hinahangad ng isang tao.
Itinuturing na edukasyon din ang magiging daan sa pagkamit ng mga pangarap ng
isang inidibidwal, dahil dito, siya ay inaaasahang matuto ng mga bagay na may
kaugnayan sa kaniyang inaabot na pangarap na may kapakinabangan dito. Sa
ganitong punto, hindi natatapos ang pagkatuto, gayundin ang esensiya ng
edukasyon sa paraang natamo lamang natin ang isang kaalaman, bagkus kung
paaano ito maisasalin sa pang-araw-araw na pamumuhay at gagamitin ng isang
indibidwal ang kaniyang natutunan.
Batay sa naging pananaliksik nina Dalusong at Dela Casa et., al (2010),
edukasyon ang pinakamahusay na pundasyon tungo sa tagumpay sa buhay at ang
tanging pamanang kayang ipagkaloob ng isang magulang sa kanilang mga anak.
Ang edukasyon ay maihahanay sa pagkain at tirahan sa kadahilanang isa rin sa
pinakamahalagang pangangailangang bayolohikal bilang tao. At batay sa itinatakda
ng konstistusyon ng Republika ng Pilipinas, ang edukasyon ang mas higit na dapat
bigyan ng pansin ng pamahalaan.

Ang usapin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay binubuo ng


napakaraming salik na lubhang nakaaapekto sa paglinang ng kaalaman at
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ilan sa mga tiyak na halimbawa nito ay ang
pagbabago at pagpapalit ng mga asignatura sa ibat ibang baytang at taon sa
elementarya hanggang sa antas ng tersiyarya, mga programa at gawain sa loob at
labas ng paaralan, gayundin ang mga kagamitan sa pagtuturo gaya ng visual aids,
libro o batayang aklat, banghay-aralin, mga takdang gawain, at ang kurikulum
bilang gabay sa pag-aaral at higit sa lahat ang mga paraan, estratehiya, at dulog sa
pagtuturo ng mga guro batay pa rin sa pananaliksik nina Dalusong at Dela Casa et.,
al (2010).
Sa pagtalakay sa mga antas na pinagdadaanan ng isang mag-aaral batay sa
sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, nakapaloob sa mga ito ang ibat ibang
asignatura gaya ng Ingles (English), mga asignaturang kaugnay sa Araling
Panlipunan

(Social

Studies),

Siyensiya

at

Teknolohiya

(Science

and

Technology), Matematika (Mathematics), at Filipino kasama ang Panitikan


(Literature).
Maliban sa kalagayang pang-ekonomiya, isa sa nakikitang dahilan ng mga
mananaliksik kung bakit bumababa ang bahagdan ng pagkatuto ay ang ibat ibang
mga paraan, estratehiya, at dulog sa pagtuturo ng mga guro gaya sa larangan ng
Panitikang Pilipino.

You might also like