You are on page 1of 8

FILIPINO GURU

Malalim at masusing pag-aaral ng iba't ibang genre ng panitikang Filipino

TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Humanismo
a.
Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao
dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng
bagay at panginoon ng kanyang kapalaran
b.
Pananaw Humanismo
1)
Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang
pangunahing paksa rito.
2)
Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga
natatanging talino kakayahan at kalikasan ng tao.
3)
Para sa humanista ang literature ay kailangang
1.
Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop
lamang sa genre nito
2.
May magkakaugnay na balangkas at may
kagandahan ng anyo
3.
Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
4.
Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
5.
May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas
ng kalikasan (pisikal, moral, sikolohikal)
2.
Teoryang Formalistiko
a.
Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang
nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda.
b.
Pananaw Formalistiko
1.

1)

Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan


nito.
2)
Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling
buhay at umiiral sa sariling paraan.
3)
May mga elemento ang isang akdang pampanitikan
at ang bawat isa ay kaugnay ng iba pang elemento;
magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang
maging mahusay ang akda.
3.
Teoryang Imahismo
a.
Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen.
Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng
kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang
pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng
nakapaloob sa akda.
b.
Pananaw Imahismo
1)
Malaya ang manunulat/makata na pumili ng
anumang nais na paksa sa kanyang akda/tula.
2)
Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang
mga salita.
3)
Malinaw ang mga epekto nito.
4)
Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa
akda/tula.
4.
Teoryang Realismo
a.
Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay
naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay.
Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong
suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay
parang natural.

b.
1)

Pananaw Realismo
Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa
kagandahan para sa realismo.
2)
Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang
uri ng paksa.
3)
Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal,
political, atbp)
4)
Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay
walang hinto.
5)
Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
6)
Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa
pagkakalugmok nito.
5.
Teoryang Feminismo
a.
Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang
operasyon ng sistemang patriarchal sa kababaihan.
b.
Pananaw Feminismo
1)
Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng
ibinibigay sa babae.
2)
Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga
karanasan ng kababaihan sa matapat na pamamaraan.
3)
Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na
pananalita.
4)
Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at
realistiko.
5)
Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan
kundi aktibo na.
6.
Teoryang Sosyolohikal

a.

Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing


halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng daigdig,
ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang
kapalaran.
b.
Sa pananaw na itoy mahalagang mabatid ang
kapaligirang sosyolohikal ng akda.
c.
Pananaw Sosyolohikal
1)
Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay
nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang
namamatitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga
puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
2)
Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin
ang naging pangunahing paksa rito.
3)
Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap
na kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at
kakayahan ng tao at kalikasan.
7.
Teoryang Eksistensyalismo
a.
Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito,
maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng tauhan
na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan.
Sinusuri ng akda batay sa lakas ng paninindigan ng
tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang
kalagayan. Mahalaga na Makita ang pagtanggap niya sa
nagging bunga ng pansariling pagsisikap.
b.
Pananaw Eksistensyalismo
1)
Malaya ang tao siya lamang ang maaring
magdesisyon kung paano niya gugugulin ang panahon
niya habang siya ay buhay.

2)

Responsible ang tao siya lamang ang responsible sa


kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa
kanyang kabutihan o kasamaan.
3)
Indibidwal ang tao walang isang tao na kaparehas
niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at
kamatayan ay kanya lamang.
4)
Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali
maliban sa taong nakaranas sa pinag-usapan.
5)
Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa
pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
6)
Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng
tao at ng pagtanggap niya sa naging bunga ng
pagpapasya.
8.
Teoryang Romantisismo
a.
Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o
likas-kalayaan. Piniiral ditto ang sentimentalismo at
ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang
damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na
ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at
espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang
naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pangaraw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay
magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang
inilalalrawan.
b.
Pananaw Romantisismo
1)
Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang
teoryang ito.

2)

Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang


mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang
kagandahan.
3)
Makatao,
demokratiko
at
mapagsulong
sa
ikagagaling ng lipunan ang paniniwala ng mga
romantiko.
4)
Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng
panitikan.
1.
Karakter na sobrenatural o romantiko
2.
Sitwasyong
pang-araw-araw
o
karaniwang
pamunuhay
3.
Mababa o kanayunang buhay
4.
Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma,
Panggitnang Panahon
9.
Teoryang Naturalismo
a.
Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling
representasyon ng realidad.
b.
Pananaw Naturalismo
1)
Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at
walang awing kagubatan.
2)
Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam
na mga detalye.
3)
Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran
at pinanggalingan.
4)
Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay.
Pesimista siya sa simula pa lamang.
5)
Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na
katangiang moral.

6)

Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal


na katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral.
7)
Itoy may simpleng tauhan na may di mapigil na mga
damdamin.
10. Teoryang Dekonstruksyon
a.
Ang pananaw na ito ay tinatawag na postinstrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang
binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad
o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa kamalayang
panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa
kamalayan ng gumagamitsa teksto at hindi sa teksto
mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan
nitoy nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na
nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng
teksto ay nasa mambabasa na.

You might also like