You are on page 1of 19

MGA BATAYANG TEORYANG PAMPANITIKAN

Iuulat ni; Carlito Regua Jr (BSEd-II_fil.)

1. Teoryang Realismo
 Tinatalakay ang problema sa lipunan ng isang tiyak na panahon o lugar.

Sinisiyasat ang mga sistema, pwersang panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa isang tao.

Ang tunay na larawan ng daigdig ang panaguukulan ng pansin

2. Teoryang Humanismo
 Nagbibigay halaga sa tao sa paniniwala na ang tao ang sentro ng daigdig, ang taga-buo ng sarili niyang kapalaran.

Kailangan ang pagharap sa mga suliranin at pagtugon sa mga nangangailangan.

3. Teoryang Naturalismo
Pinahahalagahan ng mga tagapagtaguyod ng teoryang ito ang kalikasan ng di-sakdal na tao, anupat binibigyandiin hindi ang moral na kayarian ng tao kundi ang pisikal.

Inilalarawan ang buhay sa isang gubat, marumi, kasuklam-suklam, at walang awa.

4.Teoryang Formalistiko
Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarain at paraan ng pagkakasulat ng isang akda.

Naniniwala na ang kariktan ng isang akda ay nasa anyo o porma nito. Walang kaugnayan ang pinagmulan, pagkatao at mga karanasan sa buhay ng isang akda sa pagkakabuo ng isang panitikan.

Bawat isa sa mga elemento ng akda ay magkaka-ugnay.

5. Teoryang Imahismo
Naniniwala na ang pinakamalinaw na pagsulat(Ultimate Clarity) ay makakamit lamang sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak at eksaktong mga imahen.

Salungat sa teoryang romantisismo sa kalabisan at sa kasalimuotan ng mga elemento. Mga paksain ay angkop sa tunay na buhay at pakikipagugnayan ng tao sa kanyang kapwa at lipunan.

6. Teoryang Romantesismo
Umiinog sa wagas na pag-iibigan ng nagiibigang pangunahing tauhan.

Ang pag-iibigan ay may pagsubok o may balakid.

7. Teoryang Sosyolohikal
Sinusuri ang panitikan ayon sa panahong kinamulatan o pinangyarihan nito.

Hindi hiwalay sa lipunan ang diwa.

8. Teoryang Eksistensyalismo
Nauugnay sa kaisipang indibidwalism ang teoryang ito. Ang tao ay dapat

mabuhay bilang tao, may kamalayan at bawat suliranin niya ay siya lamang ang makalulutas nito.

Ang pagiging tao(being) ang mahalaga at hindi ang sistema ng paniniwala.

You might also like