You are on page 1of 42

MALALINTA NATIONAL

HIGH SCHOOL

Filipino 10
Ikatlong Markahan
Aralin 3
1

MARICEL P. DULAY
Guro sa Filipino
MNHS
Ang Ibong
Nakahawla
ni Maya Angelou 02:35 2
LC

1. Naiaantas ang mga salita ayon sa antas


ng damdaming ipinahahayag ng bawat
isa (F10PT-IIIc-78).

2. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula


batay sa napakinggan (F10PN-IIIc-78)

02:35 3
Pagpapalalim na Gawain
Sa araling ito ikaw ay lilikha ng sarili
mong tula tungkol sa paggalang sa
pagkakapantay-pantay ng tao, anuman
ang kulay at lahi. Lalapatan mo ng himig
ng isang kilalang awitin o orihinal mong
himig. 02:35 4
Mahalagang Tanong

Bakit hindi dapat manghusga at


magdiskrimina ng isang tao nang
dahil lang sa kanyang lahi, kulay ng
balat, itsura o anyo, kasarian, o
edad? 02:35 5
02:35 6
SIMULAN NATIN
Nasubukan mo na bang mahusgahan o
maging biktima ng diskriminasyon dahil
sa isang katangian o kalagayang taglay
mo na hindi mo naman ginusto?
Ilahad ang iyong karanasan.
02:35 7
• Anong naramdaman mo sa pangyayaring
ito o kung hindi mo pa naranasan ay ano
kaya ang naramdaman mo kapag nangyari
ito sa iyo?
• Bakit kaya ang pakiramdam ng isang taong
nahuhusgahan dahil sa kalagayang hindi
naman niya ginusto ay para siyang
ikinulong sa isang hawla o ikinahon?
02:35 8
02:35 9
Alam Mo Ba?
Si Maya Angelou - isang hindi
pangkaraniwang babae Lumaki siya sa
panahong laganap ang diskriminasyon sa mga
tulad niyang African-American subalit
napagtagumpayan niya ang lahat ng mga
pagsubok at masalimuot niyang nakaraan at sa
kabila ng mga ito’y naging mahusay at
iginagalang siyang makata, manunulat, artista,
mang-aawit, at aktibistang nagtaguyod sa 02:35 10
karapatang sibil lalo nang mga kawa niya
African-American. Isinilang siya noong Abril 4,
1928 sa St. Louis, Missouri.
Kinilala si Maya Angelou sa isinulat niyang
talambuhay na pinamagatang Know Why the
Caged Bird Sings, ang kauna-unahang akdang
di piksyon ng isang babaeng African-American
na naging New York Times best seller sa loob
ng 02:35 11
Kinilala si Maya Angelou sa isinulat niyang
talambuhay na pinamagatang Know Why the
Caged Bird Sings, ang kauna-unahang akdang
di piksyon ng isang babaeng African-American
na naging New York Times best seller sa loob
ng dalawang taon -- isang hindi
pangkaraniwang pangyayari para sa isang
aklat.
02:35 12
Nakilala rin siya sa obra niyang On the
Pulse of Morning, ang tulang binigkas niya
sa inagurasyon ni Pangulong Bill Clinton
noong 1993 at nagpanalo kay Maya ng
Grammy Award para sa husay ng
pagkakabigkas sa nasabing tula.

02:35 13
Yumao si Maya Angelou noon lamang Mayo
28, 2014. Ikinalungkot at ipinagluksa ng
maraming tao sa buong mundo maging ng
mga kilalang personalidad ang kanyang
pagyao.

02:35 14
Si Pangulong Barack Obama man ay
nagpalabas ng mensahe para sa kanya na
nagsabing “siya ay isang napakahusay na
manunulat, mabuting kaibigan, at isang
kahanga-hangang babae. Ipinaalala ni Maya
Angelou na tayong lahat ay mga anak ng
Diyos; at tayong lahat ay may maiaalay para
sa ating kapwa.”
02:35 15
Pangkatang Gawain
Iantas ang mga salitang nakasulat nang madiin
ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag ng bawat
isa. Isulat ang 1 para sa pinakamababaw at 3 sa
pinakamatindi. Gawing gabay ang konsepto ng mga
pangungusap sa pag-aantas.
Nainis ako sa panunukso niya sa akin.
Nagngingitngit ako nang saktan niya ako at kunin pa ang mga gamit
ko
Nagalit ako nang subukan niya akong saktan. 02:35 16
v
v Makapagpapalungkot sa kanya ang agawin mo ang bagay na gusto
niya.
v
v
v
Wala nang natira nang angkinin mo na ang lahat ng pag-aari niya.
v Huwag mo namang kunin ang gamit ng kapatid mo.

v
v Nasindak ako nang sabihin niyang hindi na ako makaaalis sa lugar
na
v
vv
ito.
v Nahiya ako nang ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya.
Natakot ako nang malamang dadalhin niya ako sa lugar na di ko
02:35 17
kilala.
v
v Ang panaginip niya’y matingkad kaya’t hindi mawala-wala sa isip
8
niya.
v
9
v
Napapangiti siya sa mga pangarap na naglalaro sa isip niya habang
v
v
nag-iisa.
Isang bangungot ang labis na nagdulot ng sindak o takot sa kanya.

v
v Umigpaw siya upang makatawid sa mataas na bakod ng kulungan.
v
v
Tumalon siya para malaktawan ang makitid na kanal sa tabing
kalsada.
v
v Humakbang siya upang maabot ang dulo ng kalsada.
02:35 18
B. Napagtatambal ang dalawang salitang
magkasingkahulugan
Hanapin at pagtambalin ang dalawang
salitang magkasingkahulugan mula sa mga
nasa kahon. Isulat ang bawat salitang
magkatambal sa mga linya sa susunod na
pahina.
02:35 19
galit na libingan makitid masikip minimithi
galit
naglakas- nangahas nanlilisik ninanais puntod
loob

1.____________________________at____________________________
2.____________________________at____________________________
3.____________________________at____________________________
4.____________________________at____________________________
5.____________________________at____________________________
02:35 20
Maliban sa mga salitang nakilala mo sa
Payabungin Natin ay baka may makita ka
pang ibang salitang hindi mo gaanong
maunawaan ang kahulugan kapag binasa mo
na ang ating aralin. Ikahon ang mga salitang
ito at kilalanin ang kasingkahulugan gamit ang
diksiyonaryo o halawin ang kahulugan batay
sa konteksto ng pangungusap kung saan ito
02:35 21

ginamit.
ANG IBONG NAKAHAWLA
NI MAYA ANGELOU
Isang ibon ang umigpaw
sa likod ng hangin
at nagpalutang pababa sa may ilog
haggang sa magwakas ang agos
at nagtawtaw ng kanyang mga pakpak
sa kahel na silahis ng araw
at nangahas angkinin ang langit.
02:35 22
Ngunit ang isang ibong nanlilisik
sa kanyang makitid na hawla
ay bihirang makasilip
sa mga rehas ng kanyang pagngingitngit
mga pakpak niya’y pinutulan at
mga paa’y tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.
02:35 23
Ang ibong nakahawla’y umaawit              
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan 02:35 24
Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng ibang
simoy
ng hangin malamyos sa mga punong
nagbubuntong-hininga
ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang
sinisinagan
ng umaga
At ang langit ay itinuturing na kanyang sarili
02:35 25
Ngunit ang isang ibong nakahawla’y nakatayo
sa puntod ng
mga pangarap
anino niya’y sumisigaw sa tili ng isang bangungot
mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian
kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.

02:35 26
Ang ibong nakahawla’y umaawit              
nang may kasindak-sindak na tinig
ng tungkol sa di-batid na mga bagay
ngunit minimithi ang kapayapaan
at ang kanyang himig ay naririnig
sa malayong burol
sapagkat ang ibong nakahawla’y
umaawit ng kalayaan
-Salin ni Rogelio G. Mangahas 02:35 27
1. Sino-sino ang sinisimbolo ng ibong
nakahawla? Sino-sino naman ang
sinisimbolo ng ibong lumilipad at
malaya?

02:35 28
2. Bakit kaya ito ang simbolismong naisip
ng may-akda para sa mga taong kanyang
pinatutungkulan?

3. Anong mensahe ang nais iparating ng


may-akda sa paggamit niya ng kaawa-
awang kalagayan ng mga ibong nasa
hawla? 02:35 29
4. Paano naging hawla ang maitim na
kulay ng mga taong may lahing
African-American? Batay sa mga
nalalaman mo sa kasaysayan, ano-
anong uri ng diskriminasyon ang
pinagdaanan nila nang dahil sa kulay
ng kanilang balat?
02:35 30
5. Bakit maituturing na hindi
malaya ang mga taong tulad nila
sa kabila ng katotohanang wala
namang pisikal na rehas ang
kumukulong sa kanila?
02:35 31
6. May mga tao ba sa ating
bansang maituturing ding “mga
ibong nakakulong sa hawla”
hanggang sa kasalukuyang
panahon? Sino-sino sila at sa
paanong paraan sila maituturing
na nasa hawla? 02:35 32
7. Bakit mahalagang
magkaroon ng boses at
paninindigan ang mga taong
ito upang makalaya sila mula
sa kanilang “hawla”?
02:35 33
Pangkatang Gawain
Nasusuri ang kasiningan at
bisa ng tula batay sa
napakinggan (F10PN-IIIc-78)
02:35 34
Suriin ang mga bisang taglay ng
tula, Maglahad ng paliwanag o
sagutin sa pamamagitan ng
paggawa ng:

1. Tula 3. Dula
2. Awit 4. Poster 02:35 35
1. Dama ang hapis, galit at
kalungkutan ng may-akda sa
malupit at mahirap na sitwasyong
pinaglagyan sa kanila ng lipunan
nang dahil sa kulay ng kanilang
balat.
02:35 36
2. Galit at awa ang
mamamayani sa mambabasa
dahil sa kalagayan ng ibong
nakatali na ang mga paa ay
nakakulong pa sa isang hawla.
02:35 37
3. Humihingi ng kalayaan at
pagkawala sa tanikala ng pang-
aapi at diskriminasyon ang
mensaheng ipinararating ng
tula.
02:35 38
4. Mabisang nailalarawan ang
malaking agwat sa pagitan ng
dalawang lahing pinatitingkad
ng pagkakaiba ng kulay ng
balat.
02:35 39
MGA PAMANTAYAN/RUBRIKS Puntos
Gumamit ng mga salitang simple at 30
madaling maunawaan ng kabataan.
Nasunod ang ibinigay na gawain 35
Nailahad nang maayos at sa 35
nakawiwiling paraan ang pagganap.
Kabuuan 100%

02:35 40
Kasunduan:
Lumikha ng sarili mong tula
tungkol sa paggalang sa
pagkakapantay-pantay ng tao,
anuman ang kulay at lahi. Lalapatan
mo ng himig ng isang kilalang awitin
o orihinal mong himig.
02:35 41
Maraming salamat sa
pakikinig.
02:35 42

You might also like