You are on page 1of 4

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 8

(Learning Activity Sheet)

Sanayang Papel Blg. 3 Kwarter 3

Pangalan ng Mag- aaral:__________________________________________________


Baitang: ____________ Pangkat/Taon: ____________ Petsa: ________________

L I.I.MGA
LEARNING SKILL
KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO

a. Most Essential Learning Competency (MELC)

1. Nabibigyang kahulugan ang mga lingo/termino na ginamit sa


mundo ng multimedia
2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio
broadcasting
3. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa mundo ng
pelikula

II. INTRODUCTORY
II. PANIMULANG CONCEPT
KONSEPTO

MGA TERMINONG GINAGAMIT SA MUNDO NG MULTIMEDIA,


BROADCAST MEDIA AT PELIKULA

Sa panahon ngayong nauuso ang iba’t ibang uri ng platform para makakalap
ng mga impormasyon at mahahalagang datos, nararapat lamang na alam ng
sinuman ang mga salita o terminong ginagamit sa mundo ng multimedia.

Ano ba ang MULTIMEDIA?

- Ito ay nilalaman na gumagamit ng isang kombinasyon ng iba’t ibang


mga anyo ng nilalaman tulad ng teksto, audio, mga larawan, mga
animation, video at interactive na nilalaman.

Ano naman ang BROADCAST MEDIA?

- Isang paraan ng pagbibigay o pamamahayag ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa lipunan.

Ano naman ang PELIKULA?

- Kilala rin bilang sine at pinilakang tabing. Ito ay isang larangan na


sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya.

MGA TERMINONG GINAGAMIT SA MUNDO NG MULTIMEDIA, BROADCAST


MEDIA AT PELIKULA

Acoustics - linaw ng pagkakarinig sa tunog sa isang silid

Airwaves - midyum na dinadaanan ng signal ng radio o

1
telebisyon na kilala ring spectrum o electromagnetic
spectrum
Amplifier -ito ang kakayahang baguhin ang lakas ng tunog

Analog -isang uri ng waveform o signal na diretso o tuwid

Announcer - taong naririnig sa radyo na may trabahong


magbasa ng script o anunsyo

Band - lawak na naaabot ng pagbobroadcast o ang haba ng


waves ng isang tunog

Close –up - ang paksa na kinukuhanan ay malapit sa camera o


nagmumukhang malaki sa screen

Composition - biswal na pagkakaayos ng isang kamera.


Kabilang dito ang pagkakalugar ng mga tauhan at
bagay, liwanag at kulay ng ilaw, framing, at iba pang
bagay na nakaaapekto sa aesthetics ng pelikula

Depth of Field - ang saklaw ng camera kung saan makikita


ang pokus ng eksena. Ang mga hindi pokus ng
camera ay karaniwang malabo.

Establishing shot - panimulang imahe ng eksena. Ito ang ginagamit sa


pagtatag ng lugar kung saan gaganapin ang eksena

Time Stamp - takda ng oras ng isang tiyak na eksena

Frame Rate - bilis ng pagpalit o lipat ng screen sa isang video. Kapag


mabilis ang frame rate, mas mataas ang kalidad nito
ngunit mas mataas din ang file size.

Cinema Truth - katangian ng isang dokumentaryong pampelikula upang


maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari

Cinema Verite - terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na


pagtatagpo at pagkuha ng mga pangyayari ng isang
filmmaker at ng kanyang film subject

Ethnographic Film- dokumentaryo na nagtatampok sa kultura, kalagayan at


buhay ng mga katutubo sa isang lugar at lipunan

Film Subject - bagay o pinapaksa sa pelikula na kinukunan ng kamera

Independent Films- pelikulang may malayang tema at pamamaraan


sapagkat pangunahing layunin ang bukasan ang
kamalayang panlipunan

Senaryo - termino sa pelikula na ang ibig sabihin ay tanawin o isang


eksena

Sequence Script – isang uri at bahagi ng iskrip na nagtatampok ng mga


detalye at kaisipan ng bawat eksena ng isang pelikula o
dokumentaryo.

2
III.III.
MGAACTIVITIES
GAWAIN

A. PAGSASANAY
A. PRACTIC
A. PAGSASANAY
E TASK
Pagsasanay Blg 1
A. Pagtatapat-tapat
Panuto: Hanapin sa hanay B ang tiyak na salitang magbibigay kahulugan sa
mga termino sa hanay A. Titik lamang ng napiling sagot ang isulat.

HANAY A HANAY B

1. Senaryo A. tumutukoy ito sa liit o laki ng


sakop ng camera

2. Cinema Truth B. tumutukoy ito sa bagal o bilis ng


paglipat ng bawat eksena sa
pelikula

3. Announcer C. dito nakasalalay ang


pagbabahagi ng impormasyo o
anunsyo

4. Depth of Field D. ito ang magiging basehan ng


pagiging makatotohanan ng isang
senaryo o dokumentaryo

5. Frame Rate E. ito ay nagpapatungkol sa isang


pangyayari na kukuhanan ng
camera upang bigayng pokus o
atensyon

Pagsasanay Blg. 2

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga termino sa loob ng kahon


gamit ang paglalarawan sa bawat aytem.

Independent film Time Stamp


Establishing Shot Close up Composition

___________ 1. Oras ang pinagtutuunan ko ng pansin,


Magaganap ang eksena kung kailan ko gugustuhin.
___________ 2. Sa akin naman nakabatay ang lugar ng eksena,
Sa pagbubukas ng pelikula, ito ang unang makikita
___________ 3. Malaya ako sa pagpili ng temang nais kong pag-usapan,
Layunin ko lang nama’y mamulat ang mata ng lipunan.
___________ 4. Kung wala ako, bawat eksena ay magulo,
Nariyan ako upang ayusin ang bawat anggulo.
___________ 5. Ginagamit ako upang bigyan ka ng pokus,
Ikaw ang sentro ng lente nang walang halong pagtutuos.

B. PAGTATAYA

Panuto: Gamit ang AKROSTIK ng salitang MEDIA, bigyan ng kahulugan ang


bawat titik na magbibigay paglalarawan sa multimedia, broadcast
3
media at pelikula.

M -

E -

D -

I -

A -

IV. RUBRIC
IV. RUBRIC SAFOR
PAGMAMARKA
SCORING

RUBRIC SA PAGMAMARKA sa PAGTATAYA


PAMANTAYAN 10 PUNTOS 7 PUNTOS 3 PUNTOS

KAWASTUHAN Wasto at walang May isa hanggang May tatlo pataas na


mali sa mga dalawang maling maling kahulugan ang
kahulugan ibinigay kahulugan ang naibigay sa bawat
sa bawat titik ng naibigay sa bawat termino sa titik ng MEDIA
Akrostik at titik ng MEDIA na na nagbibigay kahulugan
nagbibigay nagbibigay sa Multimedia, Broadcast
kahulugan ang mga kahulugan sa Media at Pelikula.
ito sa Multimedia, Multimedia,
Broadcast Media at Broadcast Media at
Pelikula. Pelikula.

KAANGKUPAN Bawat salitang May isa o May tatlo pataas na


ginamit ay angkop dalawang salitang salitang hindi angkop sa
sa mga salita sa hindi angkop sa bawat titik ng akrostik.
bawat titik ng bawat titik ng May salita ring hindi
Akrostik. akrostik. May salita magkakaugnay ang
Magkakaugnay rin ring hindi ginamit sa bawat titik nito
ang salitang ginamit magkakaugnay
sa bawat titik nito. ang ginamit sa
bawat titik nito

BALARILA AT SINTAKS Walang mali sa May isa o May tatlo pataas na mali
balarila at sintaks ng dalawang mali sa sa balarila at sintaks ng
ginawang balarila at sintaks ginawan sa akrostik.
pagpapakahulugan ng ginawang
Akrostik sa akrostik.
Pagtataya B.

V.IV.
MGAREFERENCES
SANGGUNIAN

 Panitikang Pilipino pahina 175-178


 Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan pahina193-222
 https://www.brainly.com.ph
 https://www.wikipedia.com.ph

Inihanda ni:

MICHAEL L. PELOJERO, T-II


LNHS, Dibisyon ng Lungsod Ligao
Tiniyak ang kalidad ni:

LEOPOLDO C. BRIZUELA, JR.


4 Pandibisyong Superbisor sa Filipino

You might also like