You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO NG FILIPINO 10
Kuwarter 3 Bilang 5

Pangalan ng Mag-aaral ____________________________________________________


Baitang/Seksiyon : ______________________________Petsa:___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Mahalagang malaman ang gamit ng simbolismo at matatalinhagang
salita sa pagsulat ng isang tula. Nagtataglay ito ng magandang
pagpapahayag ng saloobin at damdamin gamit ang mga salitang maaaring
magbigay buhay sa tula. Matututuhan sa araling ito ang pagbibigay ng
kahulugan ng tula na ginamitan ng simbolismo at matatalinhagang salita
o pahayag.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at
matatalinhagang pahayag sa tula. F10PB-IVc-82

III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO!

Bigyan mo ng mga kaugnay na salita na maaaring bumuo sa tula.


Sikaping maipaliwanag mo ito sa mga simpleng salita lamang. Gamitin ang
grapikong pantulong.
TULA

1
B. PAG-ARALAN MO!

Ang SIMBOLISMO ay nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay,


pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Maaring ang mga simbolo ay nanggaling sa mga karaniwang simbolo na
namana sa mga nagdaang iba't ibang salin-lahi o mga nilikhang simbolo
gaya ng mga nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat
upang maipahayag o maipabatid ang kanilang ideya o hangarin na nais
makarating. Kadalasang ginagamit ang simbolismo sa mga tula.
Ginagamit ito ng mga manunulat sa hindi literal na paraan para ipabatid
ang hangarin. Ang intensiyon ng manunulat ay dapat malapit o makuha
ng mambabasa ang tunay na ideya ng tula.

Simbolo Kahulugan
1. paruparo binata
2. usok pag-unlad
3. buwaya Ganid
4. bahaghari pag-asa
5. madawag na daan mga pagsubok
6. kastilyong bungangin pangarap na di natupad
7. rosas pangingibig
8. pagdidilim ng ulap pangyayaring di-mabuti
9. pagkahilo at pagsusuka pagdadalantao
10. ahas pagtataksil
Halimbawa ng mga simbolismo:

Ang MATALINHAGANG SALITA/PAHAYAG ay may malalim o hindi


tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino.

Halimbawa ng mga matatalinhagang salita/pahayag:

Hanay A Hanay B
Matatalinhagang Salita Kahulugan
1. magsunog ng kilay mag-aral ng mabuti
2. balitang kutsero hindi totoong kuwento
3. mababa ang luha madaling umiyak
4. tulog mantika mahaba ang oras ng pagtulog
5. nagtataingang kawali nagbibingi-bingihan
6. pinagbiyak na bunga magkamukha
7. kabiyak ng dibdib asawa

2
8. ilista sa tubig kalimutan na
9. lakad-pagong mabagal
10. boses palaka pangit ang boses

C. PAGSANAYAN MO!
Lagi lamang isaalang-alang na ang tula ay isang uri ng
panitikang nasusulat nang pasaknong. Ang tula ay naglalamang ng
simbolo at matatalinhagang salita upang mas maging buhay ang diwa ng
tula. Ngayon isang tula ang inihanda ko saiyo. Basahin mo ito na may
damdamin. Bakit? Mas mararamdaman mo ang nilalaman nito kung may
damdamin. Kung handa kana ay maaari mo ng simulan ang pagbabasa.

Ang Guryon ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de-Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang bago paliparin


ang guryong mo ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi pag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka pagsumimoy ang hanging, ilabas


at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwat ang pisi’y tibayan mo anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw


ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subalit tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya’y mapatid,
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maaawing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot


dagiti’t dumagit, saanman sumuot,
O!, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa patuluyang sa lupa’y sumubsob.

3
Pansinin ang mga salitang naka-bold sa tula. Ihanay ang mga
simbolismo at matatalinhagang salita na ginamit sa tulang Ang Guryon. Ibigay
rin ang kahulugan nito.
Simbolismo Kahulugan
1.
2.
3.
4.
5.

Matatalingang Kahulugan
salita/pahayag
1.
2.
3.
4.
5.

D.TANDAAN MO!

Ang SIMBOLISMO ay nagsasagisag ng


isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao
TULA o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan.
Nagiging malikhain at
nagpapaganda sa kabuoang
mensahe ng isang tula.

Ang MATALINHAGANG
SALITA/PAHAYAG ay may malalim o
hindi tiyak na kahulugan.

IV. PAGTATAYA
Bumuo ng isang maikling tula na naglalaman ng mga simbolismo
at matatalinhagang salita o pahayag. Maaaring malaya at
tradisyonal. Huwag mong kakalimutang gumawa ng sariling pamagat. Isulat
ito sa iyong sagutang papel

4
V.Pamantayan sa Pagmamarka
A. Malinaw na mensahe 10 puntos
❖ Piling-pili ang mga salitang ginamit
❖ May malinaw na pagpapahayag ng damdamin
B. Simbolismo at Matatalinhagang pahayag 10 puntos
❖ Malinaw ang kahulugan
❖ Malikhain ang paggamit ng mga salita
C. Kapupulutan ng Aral 10 puntos

V. SUSI NG PAGWAWASTO
Pagbalik-aralan mo!- Subhetibo ang sagot
Pagsanayan Mo!- Subhetibo ang sagot
Pagtataya. Bibigyan ng puntos batay pamantayan sa
pagmamarka sa pagbuo ng isang tula.

VI. SANGGUNIAN

Gloria P. San Juan, et.al.(2005), PANUNURING PAMPANITIKAN,


Booklore Publishing Corporation 1231-C Quiricada St,. Sta. Cruz, Manila, Pilipinas, 54-
55.
Magdalena O. Jocson, (2015), FILIPINO 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa
Mag-aaral. Department of Education- Institutional Materials Council Secretariat
(depEd-IMCS), 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City,
79.
Kontekstuwalisadong Banghay –Aralin Sa Filipino, Baitang – 10 (Kwarter4) Taong
2019, Department of Education Region V, Curriculum and Learning Management
Division, Learning Resources Management and Development System (CLMD-LRMDS),
Regional Center Site, Rawis, Legaspi City, 4500

Inihanda ni:

LORENZ C. ALMENDRAS, Guro 1


Nabua National High School
Nabua East District

Tiniyak ang kalidad ni:


JAYCEL P. LAURENTE, MT 1
Nabua National High School
Nabua East District

You might also like