You are on page 1of 5

10

FILIPINO

PAKSA: MATATALINGHAGANG PANANALITA


KOMPETENSI:
1. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
F10PT-IIc-d-70
2. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
F10WG-IIc-d-65
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng linggo, kayo ay inaasahang makamit ang sumusunod na layunin:
Kaalaman  natutukoy ang kahulugan ng mga ibinigay halimbawa ng idyoma
Kasanayan  nakagagawa ng sariling pangungusap na ginagamitan ng tayutay; at
Pandamdamin  naibabahagi ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinghagang
pananalita sa paggawa ng tula.

Ikaanim na Linggo – Pebrero 15-19, 2021

REY S. VISTAL
Pinagkunan/
I. Nilalaman
Sanggunian
Alam mo bang…
Ang matatalinghagang pananalita ay mga pahayag na di tuwiran o di literal https://drive.go
ang kahulugang taglay at sa halip ay may nakakubling mas malalim na ogle.com/drive
kahulugan. Karaniwang ginagamit ang matatalinghagang pananalita sa /folders/1Pfkg9
panitikan, lalong-lalo na sa panulaan sapagkat isa rin ito sa mga itinuturing na ldixw0EEC2Jp
elemento ng tula. May iba’t ibang uri ng matatalinghagang pananalita tulad ng 2FVAqYEYRQ
sumusunod: GcZrR

Mga Idyoma- Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao,


mga pangyayari sa buhay at sa paligid subalit nababalutan ng higit na malalim
na kahulugan.
Ilang halimbawa ng idyoma at kahulugan nito:

Mga tayutay- Isa pang uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung saan


sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng
pagsasalita upang higit na mapaganda mabigyang halina ang isinusulat o
sinasabi.

Maraming uri ng tayutay subalit ang sumusunod ang higit na gamitin:

1. Pagtutulad (Simile)- paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na


ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng, at iba pa.
Halimbawa: Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira sa bawat
madaanan.
2. Pagwawangis (Metaphor)- Naghahambing din ito tulad ng pagtutlad
ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang
tulad ng, gaya ng, at iba pa.
Halimbawa: Ang digmaan ay maitim na usok ng kamatayan
3. Pagmamalabis (Hyperbole) –Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa: Bumaha ng dugo sa nangyaring digmaan.
4. Pagbibigay –Katauhan (Personification)-pagbibigay katangian ng isang
tao sa isang bagay na walang buhay.
Halimbawa: Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.
5. Pagpapalit-saklaw (Synechdoche)-pagpapahayag sa pamamagitan ng
pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan.
Halimbawa: Maraming puso ang nadurog sa kalagayan ng mga batang
nabiktima ng digmaan.
6. Pagtawag (Apostrophe)-ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na malayo o wala naman.
Halimbawa: O Kamatayan, hayaan mong mamuhay muna at yumabong
ang mga kabataan.

7. Pag-uyam (Irony)- ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng


paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang
kahulugan.
Halimbawa: Ang ating bayan ay malaya kaya’t mga dayuhan ang
namamalakaya

II. Mga Gawain


Gawain 1: Kaalaman
Para sa bilang 1-2, punan ng angkop na idyoma upang mabuo ang diwa ng talata ng
pangungusap. Hanapin sa kahon nag sagot.

1. Bilang magulang kailangan__________natin sa sitwasyong ito ng New Normal para sa


paggabay sa ating mga anak.
2. Dahil dito marapat sana na huwag tayong gumamit ng__________ at higit bigyan natin
sila ng pagkalinga at pagmamahal.

Gawain 2: Kasanayan
Para sa bilang 3-4, gumawa ng sariling pangungusap na ginagamitan ng mga tayutay na
Pagtutulad at Pagmamalabis.
3. Pagtutulad- ________________________________________________.
4. Pagmamalabis- _____________________________________________.
Gawain 3: Nalaman Ko!
Panuto: Para sa bilang 5, ano ang kahalagahan ng paggamit ng matatalinghagang salita sa
paggawa ng tula?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
III. Performance Task
Pagsulat ng tula
Ngayon ay handang handa ka na upang sumulat ng iyong sariling tula. Gamitin mo ang mga
natutuhan sa mga elemento ng tula tulad ng tugma, sukat, saknong, larawang-diwa, simbolismo,
at kariktan gayundin ang matatalinghagang pananalita upang lumutang ang kagandahan ng
iyong tula. Pumili ng paksa base sa iyong nais.

RUBRIC SA PAGGAWA NG TULA

PUNTOS PAMANTAYAN
5 Mabisang naipapahayag ang mensahe ng tula,
may sukat at tugma.
4 Hindi gaanong naipahayag ang mensahe ng tula,
may sukat subalit walang tugma.
3 Hindi naipahayag ang mensahe ng tula, walang
sukat at tugma.

SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1
1. Mahaba ang pisi
2. Kamay na bakal
GAWAIN 2
Ang sagot ay nakadepende sa opinyon ng mag-aaral.
GAWAIN 3
Ang sagot ay nakadepende sa opinyon ng mag-aaral.
“Ang taong mapagtanong, daig ang marunong”

Inihanda ni: Nasuri ni:

REY S. VISTAL CHERRYL A. ADANTE


Guro Master Titser
LINGGUHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

I. Panuto: Basahin at intindihin ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1.Ito ay elemento ng tula na tumutukoy sa pare-pareho o halos magkakasintunog na


dulumpantig ng bawat taludtod ng tula.
a. Kariktan b. Tugma c. Sukat d. Larawang-diwa
2. Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa.
a. Kariktan b. Tugma c. Sukat d. Larawang-diwa
3. Isang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
a. Kariktan b. Tugma c. Sukat d. Larawang-diwa
4. Ito ay tumutukoy sa pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula.
a. Kariktan b. Saknong c. Sukat d. Simbolismo
5. Mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay
at sa paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na kahulugan.
a. Idyoma b. Simbolo c. Kariktan d. Tayutay
6. Isa pang uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang
nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda
mabigyang halina ang isinusulat o sinasabi.
a. Idyoma b. Simbolo c. Kariktan d. Tayutay
7. Uri ng tayutay na Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao,
bagay, o pangyayari.
a. Pagtutulad b. Pagmamalabis c. Pagwawangis d. Pag-uyam
8. Ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri
ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan.
a. Pagtutulad b. Pagmamalabis c. Pagwawangis d. Pag-uyam
9. Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang
katulad ng, gaya ng, at iba pa.
a. Pagtutulad b. Pagmamalabis c. Pagwawangis d. Pag-uyam
10. Naghahambing din ito tulad ng pagtutlad ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi
gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, at iba pa.
a. Pagtutulad b. Pagmamalabis c. Pagwawangis d. Pag-uyam
II. Punan ng angkop na idyoma upang mabuo ang diwa ng talata ng pangungusap. Hanapin
sa kahon nag sagot.

11. Sa panahon ngayon marami pa rin ang may__________ na handing tumulong sa


nangangailangan.
12. Lagi pa rin nating isaisip na kailangan nating_________ sa kasalukuyan lalo na at walang
sapat na kita ang ating mga magulang gawa ng pandemya.
13. Patuloy tayong manalangin, magkaisa at magtulungan bilang isang pamilya. ________
upang makamit ang ginhawang hinahangad.
III. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga pangungusap.
14. Oh COVID 19, kami ay lisanin mo na. ____________
15. Bumabaha ang luha ng mga pusong naulila dulot ng pandemya. ___________

You might also like