You are on page 1of 5

10

Learning Activity Sheet in


FILIPINO 10
Kuwarter 3 – MELC 3
Paggamit nang Angkop ang mga
Pamantayan sa Pagsasaling-wika

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

1
FILIPINO 10
Learning Activity Sheet (LAS) Week 1
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag s anumang porma nang
walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon
6- Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 10

Mga Manunulat: Reena B. Desamparado


Hydie V. Esponilla
Gregoria T. Jarangue
Mercy Grace G. Lo
Rosenie O. Ong
Renilen C. Tingson

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.


Education Program Supervisor I, Filipino

2
Kuwarter 3, Linggo ____
Learning Activity Sheets Blg. 3

Pangalan ng Mag-aaral _____________________ Grado at Seksyon _______________


Paaralan__________________________________ Petsa__________________________

Filipino 10 Gawaing Pampagkatuto Bilang 3

Paggamit nang angkop na mga pamantayan sa pagsasaling wika

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA:


⚫ Nagagamit nang angkop ang mga kasanayan sa pagsasaling wika. (F10WG-IIIa-71)

II. PANIMULA (Susing Konsepto)


Karamihan kung hindi man lahat na nabasa nating akda sa Filipino 10 ay nagmula sa iba’t
ibang panig ng mundo ay pawang mga salin mula sa wikang Ingles. Mahalagang kasanayan ang
pagsasaling-wika upang maibahagi at mapahalagahan din ng nakararami ang mga akda, sinipi,
awitin, talumpati at iba pang mahahalagang dokumentong nasusulat sa orihinal na wika. Subalit
kung hindi mahusay ang pagkakasalin ay maaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan at hindi
maipaabot nang tama ang mensaheng taglay ng orihinal.
Alam mo ba na…na ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng
talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago,2003).
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang boung tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.Tandaang
mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa
wikang pagsasalinan.Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa
mga estilo ng pagsususlat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin.Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas,
pagpapalit o pagbabago sa orihinal na diwa ng isasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang
paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3.rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi
malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang pansin din ang aspekyong panggramatika ng
dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyunaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang
salita.Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuga ang kahulugang angkop
sa konteksto ng pangungusap.

3
III. SANGGUNIAN

Ambat,V. C.,et al (2015) Filipino-Ikasampung Baitang,Modyul para sa Mag-


aaral,Pasig City: Vival Group,Inc.

IV. MGA GAWAIN


Gawain 1.
Panuto: Isalin sa Ingles ang sumusunod na salita.

Tagabantay ___________________
Misteryo ___________________
Nagpagulong-gulong ___________________
Mahika ___________________
Kumikinang ___________________

Pagsasanay/Aktibidad
Gawain 2.
Panuto: Isalin sa Filipino ang kasunod na talata
There was a great outcyin.The bent backs
straighted up,old and young who were called
slaves and could fly joined hands.Say like
they would ring –sing but they didn’t shuffle in
a circle.

Gawain 3. Mga Batayang Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin mo ng teksto?Angkop baa ng mga ginamit na salita sa
pagsasalin?Tama baa ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya?
2. Nananatili ba ang kaisipan sa iyon pagsasalin?Patunayan.

Gawain 4.
Panuto: Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao”gamit ang kasunod na
talahanayan. Lagyan ng tsek ang mapipiling eskala: 5- Napakataas, 4- mataas, 3-mataas-taas, 2-
hindi mataas,1-paunlarin pa.

4
The overseer rode after her,hollerin, Sarah flew Ang bantay ay nagroronda habang humihiyaw
over the fences.She flew over the woods,tall ,sumisigaw.Samantalang si Sarah at ang
trees could not snag her. Nor could the kanyang anak ay lumipad sa bakuran,sa mga
overseer.She flew like an eagle.Now,until she kahoy , sa mga nagtataasang puno na hindi siya
was gone from sight. No one dared speak about nakikita maging ng tagabantay.Lumipad siyang
it.Couldn’t believe it. But it was,because they tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na
that was there saw it was. silang di makita ng mga taong nasa
ibaba.Walang sinuman ang makapagsalita
tungkol ditto,hindi makapaniwala,subalit nakita
nila ito.

Katangian 1 2 3 4 5
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin.
Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.

V. REPLEKSIYON
Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling wika?

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Iba-iba ang sagot


Gawain 3 & 4

singsing,umaawit pero hindi sila magkakahalo.


magkahawak –kamay.Nagsasalita habang nakabilog animo
naunat,matatanda at batang mga alipin ay nakalipad na
May malakas na sigawan at hiyawan ang baluktot na likod
Gawain 2.

5. Gliter
4. magic
3. rolled –over
2. mistery
1. Overseer
Gawain 1.

You might also like