You are on page 1of 9

11

Learning Activity Sheet


sa Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik
Kuwarter 3 – MELC 1
Pagtukoy sa Paksang Tinalakay sa Tekstong
Binasa

EHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 – Filipino 11
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 -


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


ibang Teksto tungo sa Pananaliksik 11 – Filipino 11

Manunulat: Tessahnie S. Serdeña, T III

Editor: Lalice Joy J. Arquintillo, HT III

Tagasuri: Lalice Joy J. Arquintillo, HT III


Aileen N. Menor, MT I

Tagaguhit: Juvy Mae S. Consibit, MT I

Tagalapat: Mervic Hope G. Villanueva, T III

Division of Iloilo City Management Team:


Ma. Luz M. De los Reyes, SDS
Ernesto F. Servillon Jr., ASDS
Dr. Jerry M. Lego, SGOD Chief
Arlo L. Villalva, CID Chief
Leila G. Valencia, EPS-LRMDS
Dr. Cynthia J. Punsalan, EPS-Filipino

Regional Management Team:


Dr. Ramir B. Uytico
Dr. Pedro T. Escobarte
Dr. Elena P. Gonzaga
Mr. Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-
samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Iloilo at Kagawaran ng Edukasyon,
Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11 –


Filipino 11 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka, na
mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.
Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 1

Pangalan ng mag-aaral: _______________________ Grado at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 11

Pagtukoy sa Paksang Tinalakay sa Tekstong Binasa

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB-IIIa-98)

II. Panimula

Ang paksa ay pangkalahatang tema o mensahe ng isang akda. Upang matukoy


ang paksa, ang unang kailangang gawin ay makuha muna ang pangunahing idea ng
teksto. Ang pagbuo ng isang simpleng tanong na, “Tungkol saan ito?” ay isang
estratehiya sa pagkilala ng paksa. Ipagpatuloy ang pagtatanong sa sarili habang
binabasa ang teksto hanggang sa maging malinaw ang sagot sa binuong tanong.

May mga teksto na ang layunin ay magbigay ng impormasyon, manghikayat,


magbigay ng payo, magturo at iba pa. Ito ay ang iba’t ibang uri ng teksto. Mahalagang
matukoy ng mambabasa ang paksa ng iba’t ibang uri ng teksto upang mabatid ang
layunin ng may-akda sa pagsulat nito. Dito makikita kung ano ang mensaheng nais
ipabatid ng isang tekstong binasa.

Halimbawa

Laging maaga siyang umuuwi. Madalas may dala-dala pa siyang pasalubong sa


mga bata. Pagdating ng bahay tumutulong din siya sa pag-aasikaso sa mga bata at
maging sa pagtulong sa kanila sa paggawa ng takdang-aralin. Ni minsan ay hindi ko siya
nakitang sinasaktan ang mga ito kahit sila’y nagkakasala. Malumanay lagi ang kanyang
tinig sa pangangaral sa kanila. Tunay ngang uliran siyang ama

Ang paksa ng tekstong ito ay tungkol sa isang ulirang ama. Paano natin nalaman
na tungkol ito sa isang ulirang ama? Pansinin ang mga magkakaugnay na pangungusap.
Ito ay naglalarawan ng mga gawain at katangian ng isang ulirang ama. Ito ay isang
halimbawa ng tekstong deskriptiv.

III. Sanggunian

https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/35386398/Paglalahad_ng_totong_pangyayari_o_kasa
ysayan?auto=download
IV. Mga Gawain

Pangkalahatang Panuto: Basahin at gawin ang pagsasanay sa ibaba. Isulat


ang lahat ng sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain 1:

Panuto: Basahin at unawain ang iba’t ibang teksto sa ibaba. Tukuyin ang
paksa at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kaibigan ay isang taong kasundo at karamay sa halos lahat ng


gawain. Siya ay laging naririyan sa likod natin sa hirap at ginhawa. Wala nang
iba pang tao ang mas lalong nakakikilala at nakauunawa sa atin kung hindi
ang ating kaibigan. Alam niya maging ang ating kahinaan. Sa panahon ng
problema at pagsubok, inaasahan ang tulong at pakikiramay niya ngunit hindi
rin siya kumukonsente sa masasama at maling gawain.
Sa kabilang dako, ang kaibigan ay hindi inaabuso at nang-aabuso.
Naririyan sa kanya ang paggalang ng ating damdamin at karapatan bilang
tao. Siya ang taong nagmamahal at minamahal, tumutulong at tinutulungan
nag-iingat at iniingatan.

a. Ang tunay na kaibigan


b. Isang kakilala
c. Taong hindi maaasahan

2. Mga apatnapu’t limang minutong paglalakbay mula sa lungsod ng Iloilo


papuntang Bacolod sa pamamagitan ng lantsa o bapor ay matutunghayan mo
sa di kalayuan ang pulo ng Siete Pecados. Tila mga berdeng bulaklak na
lumulutang-lutang sa kalagitnaan ng karagatan ng Iloilo. Ang mga pulong
parang hiwagang isinabog ng Maykapal ay may iba’t ibang laki at hugis na
nakakahalinang tingnan. Nakakaakit puntahan at nang matuklasan kung
anong kababalaghan mayroon sa tila mga punso sa pusod ng dagat. Sa
pinakamalaking pulo, ay may isang magandang parola. Wari’y isang maliit na
palasyong mapayapang nakatirik sa puso ng pulo. Nakakatawag-pansin ang
parolang iyon kung dumadaan ang bapor. Agad nagtutungo sa kubyerta ang
sinumang baguhang pasahero upang pagmasdan ang kagandahang dulot ng
mga pulong ito. Ayon sa matatanda ang mga pulo ng Siete Pecados ay may
alamat.

a. Magandang parola
b. Maliit na palasyo
c. Pulo ng Siete Pecados.

3. Nang magising si Benjie isang umaga, wala na ang Daddy at Mommy niya.
Dali-dali siyang pumunta sa kabilang kuwarto at nakita niyang umiiyak ang
Ate niya pati ang kanyang Tita Maluz, ang katiwala ng Mommy niya sa
kanilang boutique. Naalaala pala niya ang nangyari kahapon. Dumating ang
mayamang negosyanteng taga-Maynila at pinaalis na raw sila sa kanilang
bahay. Pati mga kasangkapang matagal din nilang ipinundar ay kasama ring
ipinagbili. Sa mura niyang isip ay halos hindi niya maintindihan ang dahilan
ng mga pangyayari. Sa isang iglap ay wala na siyang matitirhan at ang
Mommy at Daddy niya, aywan niya kung saan.

a. Ang mayamang negosyante


b. Wala na ang mga magulang ni Benjie
c. Kasangkapang ipinagbili

4. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw, ang bato kong puso ay
tigang na lupang uhaw na uhaw. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing
huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal. Kailangang di ko na makita ang
panginginig ng kanyang mga daliri. Lumigpit ka!...At kailangang di ko na
mamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Hindi niya ako inuutusan. Bihira
siyang magalit sa akin at kung magkakagayon ay maikli ang kanyang
pananalita. Si Ina ay hindi palakibo, siya ay babaing bilang at sukat ang
pangungusap. (Mula sa: “Uhaw ng Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo)

a. Anak na kulang sa lantarang pagpapakita ng pagmamahal ng Ina.


b. Inang hindi palakibo
c. Anak na masaya

5. Dapat nang itigil ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa


labas ng bansa. Ang mga nangyayaring pagmaltrato, panggagahasa at
pagpatay hindi lamang sa mga domestic helpers na nagtatrabaho sa
Singapore at Saudi Arabia kundi maging sa mga nars, inhinyero at marinong
nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo ay halos sapat nang dahilan
upang mamulat ang mga Pilipino. Oo nga’t nagpapasok din sila ng maraming
dolyar sa bansa ngunit ang katumbas nito ay ang paghamak sa karapatang
pantao ng mga Pilipino. Alipin na ang turing ng mga dayuhan sa mga Pilipino
na kung tutuusin propesyunal ang mga ito at may mataas na pinag-aralan.
Katunayan, kulang na rin ng mga dalubhasa at eksperto ang maraming
paktorya at industriya ng bansa. Kailangan na rin sa mga malayong pook ang
mga nars at doktor. Nangangailangan na rin ng pag-alaga at pagmamahal
ang libu-libong mga batang iniwan ng kanilang ama’t inang nagpapahalaga
sa mga anak ng mga dayuhang amo sa ibang bansa. Sa kanilang
pagpapabaya sa sariling anak, ang mga magulang na ito ay magkakaroon ng
anak na sugapa, magnanakaw at kriminal. Malulutas ba ng pera ang mga
problemang ito?

a. Alipin ang turing ng mga dayuhan sa mga Pilipino.


b. Pagpatigil ng pagpapalabas ng mga manggagawang Pilipino sa
ibang bansa.
c. Pagpapabaya sa mga anak
Gawain 2:

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na


katanungan.

Ang Coronavirus Disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit


na dulot ng bagong virus. Ang mga taong nagkakaroon nito ay maaaring may
sintomas o symptomatic at maaari ding asymptomatic o hindi nakaranas ng
anumang sintomas kagaya ng lagnat, sipon at ubo. Narito ang ilang mga
simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang
kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit
napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay


Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang
sabon at tubig. Maaari ding gumamit ng hand sanitizer o alcohol.

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig


Madalas hindi natin namamalayan ang hinahawakan ng ating
kamay. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang
paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

3. Takpan ang iyong bibig at ilong


Siguraduhing ikaw at ang mga tao sa paligid mo ay at
sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay
ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko at tisyu
kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa
basurahang may takip at maghugas ng kamay.

4. Iwasan ang matataong lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa


taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong edad ay
animnapu pataas o may dati nang karamdaman gaya ng
altapresyon, diyabetes, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin
ang hindi bababa sa isang metrong pagitan mula sa iyo at sa kung
sinumang may lagnat o ubo.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit


Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit,
kahit sinat at ubo lang.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa


paghinga,magpakonsulta agad ngunit tawagan mo muna ang
health facility
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga,
magpakonsulta nang maaga. Kung kakayanin tumawag muna sa
hospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad


Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19
mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Siguraduhing ang
impormasyon ay mula sa maaasahang tagapagsalita –
Department of Health, World Health Organization, o iyong local
health worker.

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Anong uri ng teksto ang binasa? Ipaliwanag ang iyong sagot.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano ang layunin ng teksto?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Ano ang paksa ng tekstong binasa?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Paano mo madaling matukoy ang paksa sa binasang teksto?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

V. Repleksiyon

Bakit mahalagang matukoy natin ang paksa ng isang tekstong binasa?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 1:
a
c
b
a
b
Gawain 2:
Ang guro ang magbibigay ng iskor depende sa sagot ng mag-aaral
Susi sa Pagwawasto VI.

You might also like