You are on page 1of 24

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 9:
Paggamit ng Mabisang Paraan ng
Pagpapahayag sa Reaksyong
Papel

Pag-aari ng Pamahalaa
HINDI IPINAGBIB
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 9: Paggamit ng Mabisang Paraan ng
Pagpapahayag sa Reaksyong Papel
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Princess R. Penueco
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral
Job S. Zape Jr.
Eugenio S. Adrao
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Lourdes T. Bermudes
Bernadette T. Luna
Violeta I. Francisco
Marissa O. Aguirre
Ednel A. Almoradie

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region IV-A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 9:
Paggamit ng Mabisang Paraan ng
Pagpapahayag sa Reaksyong
Papel
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag sa
Reaksyong Papel

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at
matulungang makamit ng mag-aaral mo ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag sa Reaksyong Papel!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay

iii
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga Paggamit ng Mabisang


Paraan ng Pagpapahayag na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa Pagsulat ng
Reaksyong Papel na iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul.
Makatutulong ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri
ng teksto.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan
b. Kaugnayan
c. Bisa sa reaksyong papel na isinulat
( F11PU – IIIfg – 9 )

Layunin:
 Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag.
 Nakasusuri ng teksto batay sa kung anong uri ito ng pagpapahayag,
 Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa video na pinanood.

1
Subukin

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng


pagpapahayag ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung
PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha


siya ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo
ng banal na taong iyan. Kayo ang bahala”.

2. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay


sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

3. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga


taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.

4. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga
naririnig ko, ngunit nang makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galing
sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay pagpapakita
ng pakikipaglaban sa kasamaan.

5. Ang ibig sabihin ng paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang


maranasan ang mga kultura rito.

6. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa apat na


milyong mga bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.

7. Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw


raw ang aming kaligayahan.

8. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa


kanila ng kanilang magulang.

9. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o


ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.

10. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulungang tila hindi malaman ang
mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.

11. Sa ilalim ng demokrasya, ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay


dapat malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.

12. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.

2
13. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin
kumakain ng gulay!

14. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipaliliwanag kung bakit
ito nangyayari. Maaring ito’y isang trahedyang iniiwasan nating mangyari o isang
pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.

15. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

Aralin
Paggamit ng Mabisang
Paraan ng Pagpapahayag sa
9 Reaksyong Papel

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang paggamit ng mabisang paraan ng


pagpapahayag na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa pagsulat ng reaksyong
papel. Dito ay pagtutuunan mo ng pansin ang mga paraan upang makabuo at
makasulat ng isang reaksyong papel.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa mga naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa katanungang ito:

- Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng


teksto? Bakit?

Mga Tala para sa Guro

Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.


Tuklasin mo ang mga pamamaraan sa
mabisang paggamit ng pagpapahayag upang
makabuo ng isang reaksyong papel.

3
Tuklasin

Narito ang ilang mga popular na linya na ginampanan ng mga sikat na aktor.
Pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit ng popular na aktor at
aktres na gumanap sa pelikula.

1. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang
ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung
magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin”
-John Lloyd “One More Chance 2007”

2. "I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng
puso kasing tibay ng sa 'kin." 
- Clarisse (Andi Eigenman), Camp Sawi

3. “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the
biggest mistake of falling in love with my bestfriend!!!”
-Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang 1998”

4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May
mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung
pinakamasaklap, e yung na sa’yo na pinakawalan mo pa.”
-Toni Gonzaga “Starting Over Again 2014”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang napuna mo sa bawat pahayag?

2. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito?

3. Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit?

4. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag?

Suriin

4
Upang mas maging maliwanag sa iyo ang ang iba’t ibang uri ng pahayag, tara na’t
basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga ito at ang kalakip na
halimbawa. Makatutulong ito upang makapagsuri at makapagbigay ka ng iyong
reaksyon na mula sa binasang teksto o pinanood na pelikula.

Iba’t ibang Uri ng Pahayag

Paglalahad
Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na
obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng
kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may
interes.

Halimbawa:
Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay
isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat
mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam,
ngunit natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong
kalusugan sa komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang
pagkalat ng COVID-19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa.
Iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit.
Hindi namimili ang virus.
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/
materials/basicstagalog.pdf

Pagsasalaysay
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito
ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.

Halimbawa:
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya
ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si
Ogor. Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito

5
ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit
na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.
http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impeng-
negro-ni-rogelio-sikat.html

Pangangatwiran
Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng
pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng
pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha.

Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya
naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de
saya pa yata!

Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan
o pala-palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa
isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba
pang pandama.

Halimbawa:
Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang
umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata.

Pagyamanin

PAGSASANAY 1

6
Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung
ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na
pahayag.

PAGSASANAY 2

Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong


isyu sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon sa iyong naging
karanasan o maging karanasan ng ibang tao.

1. Pagiging ilaw ng tahanan ng isang ama:


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7
2. Pagpili ng matalik na kaibigan:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Kahalagahan ng takdang-aralin:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Pagiging masunurin na mamamayan:


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Pagiging tapat sa kasintahan:


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang alamin ang iba’t ibang uri ng pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
2. Paano nakaaapekto sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon ang di
pagtukoy sa tamang paggamit ng pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, naging makabuluhan ba sa iyo ang pag-aaral ng uri


ng mga pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

PAGSASANAY 1

Mula sa mga paksang nakalahad, bumuo ng sariling reaksyon batay sa hinihinging


uri ng pagpapahayag.

1. Karanasan habang nasa ilalim ng ECQ/GCQ inyong baranggay ( Pagsasalaysay )

2. Balik- Eskwela sa Kabila ng Pandemya ( Pangangatwiran )

3. Pansamantalng pagtigil sa pag-ere ng ABS-CBN. ( Paglalahad )

4. Middle Class: Dapat bang bigyan din ng ayuda ng ating gobyerno?


( Pangangatwiran )

5. Frontliners: Sa Panahon ng Pandemya ( Pagsasalaysay )

Pamantayan sa pagmamarka
Nilalaman / mensahe---------------------------------10 puntos
Orihinalidad---------------------------------------------10 puntos

Pagiging mabisa ng pagpapahayag------------------30 puntos

Kabuoan-------------------------------------------------50 puntos

9
PAGSASANAY 2

Gamit ang mga pahayag sa loob ng kahon, tukuyin kung anong uri ng
pahayag ang isinasaad.

1. Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang tindig


ng katawan at natatangi ang pagiging maginoo, Siya ang mabait na kasintahan
ni Huli. Naging matagumpay si Basilio sa kanyang buhay dahil na rin sa
kanyang pagsisikap, nagsilbi siyang kasama ni Kapitan sa kanyang bahay, kaya
naman siya ay nakapag-aral dahil na rin sa kanyang sipag.

Sagot: ________________

3. Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba


natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang limos bilang
pantawid-gutom?

Sagot: ________________

2. “Patay na ang ilaw sa kabahayan maliban sa isang maliit na lampshade


na bahagyang tumatanglaw sa kuwarto. Inakala ni Carmen na tulog na si Orpha
kaya hindi na siya nagtawag pang ipagbukas siya ng pinto. Duplikado naman
ang susi at tig-isa pa sila ni Rosita. Gaya ng nakaugalian na ng dalawa, may uwi
silang pumpon ng mga rosas at mga kuwintas na sampagita. Pagkalapag na
pagkalapag ng mga karga-karga sa sofa, na sinabayan ni Carmen ng bagsak-
upong pasandal, agad tinungo ni Rosita ang altar kinuha ang Kristal na flower
vase na nilaglagan na nga mga talulot ng dating nalalanta nang mga rosas,
pinalitan ito ng tubig, at inilagay ang dalang rosas.
Mga Huwad na Birhen Ni Joey A. Arogante

Sagot: ________________

10
4. Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga sapatos
ko ang maitim, marumi, malapot at malagkit na putik nang dumako ako sa lugar
na iyon na tinatawag na kadiwa. Maingay ang daloy ng trapiko. Sumasabay sa tila
gumagapang na mga sasakyan ang tagaktak ng ulan na parang butil ng yelo sa
lamig ang pagbugsu-bugsong buhos sa malawak ngunit karima-rimarim na paligid.
Oo nasa palengke ako na sa bawat hakbang ko tulad ng ibang bago lamang dito,
hindi maiwasang bumakas sa mukha ang nandidiring ekspresyon.
Mula sa “Musmos” Ni Leah V. Capillanes

Sagot: ________________

5. Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag


ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya sapagkat
naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sa ngayon.

Sagot: ________________

6. Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki, kung
gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.

Sagot: ________________

7.  Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa


nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at
ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa,
itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig
niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
 -- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

Sagot: ________________

11
8. Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan matapos ang pagdidiwang
ng kaarawan ng kanyang ina.

Sagot: ________________

9. Sa pagkamatay ng kaniyang ina, lalong naging mahirap ang buhay ng


batang si Canuto. Lungkot, gutom, hirap at sakit. Subalit kailangan nilang
mabuhay kaya’t nagsikap siya.

Sagot: ________________

10. Maliit siyang babae, siguro mga apat na piye at labing isang pulgada lamang ang taas
niya. Medyo bilugan ang kanyang katawan pero hindi mataba. Maputi ang kanyang balat at itim ang
maikli niyang buhok.

Sagot: ________________

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng


pagpapahayag ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung
PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa


kanila ng kanilang magulang.

2. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin
kumakain ng gulay!
3. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulangang tila hindi malaman abf
mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.

4. Sa ilalim ng demokrasya ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat


malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.

5.Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw
ang aming kaligayahan.
12
6. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o
ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.

7. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga
naririnig ko, ngunit nang Makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galling
sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na lahat dahil ito ay pagpapakita ng
pakikipaglaban sa kasamaan.

8. Ang ibig sabihin nang paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang
maranasan ang mga kultura rito.

9. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha


siya ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo
ng banal na tao iyan. Kayo ang bahala”.

10. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay


sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

11. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga


taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.

12. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.

13. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipapaliwanag kung
bakit ito nangyayari. Maaring ito’y isnang trahedyang iniiwasan nating mangyari o
isang pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.

14. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

15. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa 4 milyong


mga bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.

Karagdagang Gawain

13
PAGSASANAY 1

Pagbibigay ng argumento sa isang balita o isyu

Humanap ng anomang kliping sa diyaryo na naglalaman ng balita, editorial,


o iba pang uri artikulo na tumatalakay sa mga napapanahong lokal, pambansa, o
pandaigdigang isyu. Pumili lamang ng isang artikulo na may paksang mahalaga
sa iyo at gamitin mo ang uri ng pagpapahayag.

Tatayahin ang presentasyon batay sa sumusunod na batayan.

Batayan ng Grado Kaukulang Grado


Puntos

Tumpak ang mga datos at impormasyong 10


ginagamit sa pagtalakay

Napapanahon at kapaki-pakinabang ang 10


napiling paksa

Maayos ang sistema at malinaw ang 10


paglalahad ng mga bahagi ng presentasyon

Matalas ang paraan ng argumentsayon at 10


gumamit ng mahalagang ebidensya

Sumunod sa mga panuntunan ng maayos 10


na pagbibigay ng argumentasyon

KABOUAN 50

Susi sa Pagwawasto

14
Tayahin Tuklasin Subukin

1. Paglalarawan 1. Pasalaysay 1. Paglalahad


2. Paglalarawan 2. Paglalarawan 2. Pangangatwiran
3. Paglalahad 3. Pangangatwiran 3. Paglalarawan
4. Paglalarawan 4. Paglalahad 4. Pangangatwiran
5. Pangangatwiran 5. Pagsasalaysay
6. Pangangatwiran Isagawa 6. Paglalahad
7. Pagsasalaysay Pagsasanay 2 7. Paglalarawan
8. Paglalahad 1. Paglalarawan 8. Pangangatwiran
9. Paglalarawan 2. Pagsasalaysay 9. Paglalarawan
10. Paglalarawan 3. Pangangatwiran 10. Paglalarawan
11. Pangangatwiran 4. Paglalarawan 11. Paglalahad
12. Paglalahad 5. Pangangatwiran 12. Palalarawan
13. Pangangatwiran 6. Pangangatwiran 13. Pangangatwiran
14. Pangangatwiran 7. Paglalarawan 14. Pagsasalaysay
15. Pagsasalaysay 8. Paglalarawan 15. Pangangatwiran
9. Pagsasalaysay
10. Paglalarawan
1.

15
Sanggunian

Crizel Sicat-De Laza, & A. E. Batnag (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik Manila, Philippines: Rex Book Store

https://www.slideshare.net/michiperez/mga-aralin-sa-masining-na-pagpapahayag

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2012%20Pagpapahayag
%20na%20PasulatPaglalarawanPaglalahadPasalaysayPangangatwiran.pdf

https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/
basicstagalog.pdf

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

17

You might also like