You are on page 1of 21

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Pagsusuri ng Tono
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagsusuri ng Tono
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Mercedes P. Tare, MEd
Editor: Josephine L. Tomboc, EdD, Susan S. Bellido EdD
Tagasuri: Brengilda C. Canama MAED, Mario Shoji N. Romarate
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, EdD
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
Juliet Magallanes, EdD
Florencio R. Caballero, DTE.
Alma D. Belarmino, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikalawang Markahan Modyul : 1
Pagsusuri ng Tono
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino- 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsusuri ng Tono !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Nakapaloob dito ang mga pagsasanay na
magiging patnubay sa mga mag-aaral para
malilinang ang kanilang kakayahan sa
pagsusuri ng tula ng mga Hapones, ang haiku
at tanka. Sadya itong ginawang simple o payak
upang lubos na maiintindihan ang paksang
tatalakayin.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino- 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagsusuri ng Tono !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Maligayang pagdating sa ikalawang kwarter kaibigan. Masaya ako na


maluwalhati mong natapos ang iyong paglalakbay sa mga bansa ng Timog –
Silangang Asya. Ang iyong lingkod na si Gng. Mercy ay nakahandang samahan ka
sa iyong pagpapatuloy sa pagliliwaliw sa mga bansa ng Silangang Asya.

Naalaala mo pa ba kaibigan ang ating natalakay sa nakaraang aralin? Tama!


Ito ay ang pagbabahagi mo ng sariling pananaw sa resulta ng iyong ginawang sarbey
tungkol sa tanong na “Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong
nagugustuhan? Napakagaling ng iyong pagbahagi sa nagugustuhan mong akda.
Nakakatuwa ang iyong ipinakitang galing sa pagpapahayag na gamit ang
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan tulad ng totoo, talaga, tunay at iba pa.

Ngayon handa ka na ba kaibigan sa bagong aralin? Magaling! Gagalugarin mo


ang bansa ng mga Hapon at aalamin ang kanilang akda na Tanka at Haiku
pagkatapos suriin mo kung paano nila binibigkas ang mga ito.

Bago tayo magpapatuloy gusto ko lang malalaman kung nararanasan mo na


bang hindi mo mauunawaan ang iyong kausap? O dili kaya’y ang iyong binabasa?
Madalas ito ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng di
pagkakaintindihan sa komunikasyon. Ang tamang pagbigkas ng mga salita ay
malaking tulong para maipaabot mo ang angkop na mensahe at magiging malinaw
ang layunin at damdaming nais mong ipabatid sa iyong mga kausap.

Ang modyul na ito ay naglalayong linangin ang iyong kakayahan na suriin


ang tono ng pagbigkas ng napakinggang Tanka at Haiku. May mga salita kasi na
magkapareho ang baybay ngunit magkaiba pala ang kahulugan kapag binibigkas.

Kaya nga sa pagtatapos ng paglalakbay natin inaasahan ko na magagawa mo


ang kasanayang:
• Nasusuri ang tono sa pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku.

1
Subukin

Maghanda kaibigan. Susubukan muna natin kung mayroon ka ng nalalaman tungkol


sa ating aralin.

Panuto: Piliin mo ang naaangkop na tono/ damdamin at layunin ng tagapagsalita


sa sumusunod na taludtod ng haiku o tangka. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa iyong sagutang papel:

1. Umulan ba kahapon?
a. nagtatanong c. nagpapahayag
b.nag-aalinlangan d. nagbubunyi

2. Ikaw ba talaga iyan?

a.nag-aalinlangan c. naninigurado

b. nagtatanong d. nananabik

3. Nakapasa ako!

a. masaya c. nagpapahayag

b. nagtatanong d. nagsasalaysay

4. Oo, Masaya akong masaya ka.

a. nagpapahayag c.nag-alinlangan

b. naninigurado d. nagkukwento

5. Tumutukoy sa pagtaas –pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng mga salita.


a. intonasyon c. diin
b. antala d. hinto

2
Aralin

1 Pagsusuri ng Tono

Susuriin mo na ngayon, ang mga akdang mula sa Japan na lubhang mahirap


para sa ating mga Pilipino dahil hindi natin kabisado o pamilyar ang kanilang tono
at punto sa pagsasalita. Gayun pa man ating sisikaping pag-aaralan ang kanilang
akda na Tanka at Haiku pero bago tayo magpatuloy halika’t samahan mo akong
alalahanin ang nagdaang aralin.

Balikan

Naalala mo pa ba ang ating huling aralin?

Magaling! Ating tinalakay ang tungkol sa pagbabahagi ng sariling pananaw


batay sa resulta ng isinagawa mong sarbey.

Natatandaan mo pa ba kung paano mo ginawa at inilahad sa iyong mga


kaklase? Magaling! Tama ang iyong sagot. Inilalahad mo ang iyong nagugustuhang
babasahin sa Timog-Silangang Asya.
.
Ngayon, sagutan mo muna ang katanungan sa ibaba. Galingan mo!

Mga Tala para sa Guro

Ang paraan ng pagbigkas ng salita, parirala o pangungusap


sa ating pagpapahayag ay sadyang nagsasad ng layunin ng
tagapagsalita. Matutukoy ng kausap kung ano ang mensahe at
damdamin ng nagsasalita.Subukang sagutin ang mga pagsasanay
at sundin ang panuto.

3
Tuklasin
Sa pagkakataong ito kaibigan tutuklasin mo ang iyong galing sa
pagbasa o pagbigkas ng tanka at haiku pagkatapos aalamin mo
kung ano ang layunin ng sumulat nito. Umpisahan mo na!

Panuto: Basahin mo ang bawat Tanka at haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng
nais ipabatid nito. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot batay sa pormat sa
ibaba

Tanka Haiku
Katapusan ng aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune ni Gozalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hila mo’t tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng Paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng Puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

Naghihintay Ako Anyaya


ni Prinsesa Nukada ni Gozalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ulilang damo
Naghihintay ako, oo Sa tahimik na ilog
Nanabik ako sa’yo Halika, sinta
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas.

Pamagat Paksa Mensahe


Tanka
Naghihintay Ako
Katapusan ng Aking
Paglalakbay
Haiku
Tutubi
Anyaya

4
Suriin

Ang galing mo na kaibigan sa pagbigkas ng tanka at haiku! Bahagya mo ng natukoy


ang layunin at mensaheng nakapaloob nito kaya ngayon ipagpatuloy mo ang iyong
pagbabasa sa mga pahayag sa ibaba upang mas lalong mahahasa ang kakayahan
mo sa pagbigkas at pagtukoy sa tono o layunin ng nagpapahayag.

Gawain I
Panuto: Tukuyin kung ano ang layunin ng nagsasalita sa sumusunod
na pahayag:

PAHAYAG LAYUNIN

1. Nandito siya kanina?

2. Nandito siya kanina.

Mapapansing ang dalawang pangungusap o pahayag ay naglalaman ng


magkatulad na sangkap maliban na lamang sa paraan ng pagpapahayag o pagtaas
o pagbaba ng tinig ng pagsasalita. Kapansin-pansin na ang unang pahayag ay
mawari natin na nagtataka o kaya’y humuhingi ng pagtiyak o kumpirmasyon sa isang
mensaheng natanggap. Samantala ang ikalawang pahayag mawawaring ang ispiker
ay nagsasalaysay sa isang katatapos na pangyayari.

Binibigkas ng punung –puno ng damdamin at nagpapahayag ng emosyon


ang tanka at haiku.

Bukod dito, nag-iba-iba ang intonasyon ng ispiker o tagapagsalita kapag


nagpapahayag. Ito ay sapagkat ang intonasyong ginagamit niya ay naaayon sa
kanyang layunin at damdamin.

Intonasyon ayon kay Resuma (2002) ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa


pagsasalita, maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag.

Ayon naman kina Otanes at Shachter (1972), ang bawat pitch point ay may
tatlong natatanging pitch levels: ang mataas (3), katamtaman (2) at mababa (1)

5
Gawain II

Panuto: Suriin mo ang haiku at tanka ng mga Hapones na isinalin sa Filipino ni


Vilma C. Ambat.

Haiku ni Basho Ingles Filipino


Matandang sapa
An old silent pond…
I.Ha-tsu-shi-gu-ri Ang palaka’y tumalon
II.sa-ru-mo ko-mi-no-wo A frog jumps into the pond lumalagaslas
III.ho-shi-ge-na-ri. splash! Silence again
Tanka ni Ki no Tomonori
I.Hi-sa-ka-ta-no This perfectly still Payapa at tahimik
II.Hi-ka-ri-no-do-ke-ki Spring day bathedin soft light Ang araw ng tagsibol
III.Ha-ru-no-hi-ri From the spread-out sky Maaliwalas
IV.Shi-zu-ko-ko-ro-na-ku Why do the cherry blossoms Bakit ang cherry
V.Ha-na no –chi-ru-ra-mu So restlessly scatter down? blossoms
Naging mabuway?

Sa iyong pagsusuri kaibigan bigyang-diin ang damdaming nangingibaw sa


Haiku at Tanka na magiging batayan mo sa kung paano ito bibigkasin.
Bigyan mo ng pansin ang mga tunog na ginamit sa Tanka. Mapapansing ang
tunog ng /h/ ay paulit-ulit na ginamit tulad ng

Ang tono at damdaming


Hi-sa-ka-ta-no TONO nangingibaw sa tanka ay
Hi-ka-ri-no—do-ke-ki kapayapaan at katahimikan
Ha-ru-no-hi-ri
Shi-zu-ko-ko-ro-na-ku LAYUNIN
Ha-na-no-chi-ru-ra-mu Nagpapahayag ng emosyon

Sa mga Japanese ang tunog ng /h/ ay lumilikha ng damdamin ng


kapayapaan at katahimikan. Ang paghinto sa pagbigkas ng mga salitang Japanese
ay hindi laging nakabatay sa kanilang mga patinig. Binibilang nilang isang pantig
ang /n/
Samantalang sa pagbigkas ng Haiku, ang saglit na paghinto ay matatagpuan
sa pagitan ng dalawang larawang diwa o kaisipang ipinahihiwatig sa tula tulad ng:

Ha-tsu-shigu-ri Naglalahad ng unang ulan


LAYUNIN sa pagsisimula ng taglamig
Sa-ru-mo-ko-mi-no-wo
Ho-shi-ge-na ri

Pagbabago
TONO

6
DAPAT MONG TANDAAN KAIBIGAN NA …

TONO/Damdamin LAYUNIN

1.Pababa Kapag ang tinatanong ay hindi nasasagot ng oo o hindi

halimbawa Ano po ba ang samahan ng bansang nagkakaisa?

2.Pataas Kapag ang pangungusap na patanong ay hindi nagsisimula


sa panghalip na pananong at nasasagot ito ng Oo o Hindi.

halimbawa Kasama po ba ang Pilipinas sa naglockdown dahil sa COVID


19?

3.Katiyakan Tiyak ang isinasaad ng ganitong tono ng pagsasalita, lalo


pa kung ginagamit sa pagsagot sa tanong.

halimbawa Oo

4.Nakabitin Ang tono ay nagsasabing mayroon pang karagdagang


sasabihin ang nagsasalita.

halimbawa Ang mga Pilipino ...

5.Pag-aalinlangan Nagsasaad ng walang katiyakan ang tono ng pagsasalita.

halimbawa Baka matutuloy ang lakad natin mamaya.

7
Pagyamanin
Pagtibayin mo na kaibigan ang iyong kaalaman at kakayahan sa
pagsusuri ng tono ng tanka at haiku ayon sa paraan ng pagbigkas. Kayang-kaya mo
ito!

Panuto: Basahin ang kasunod na tangka at haiku pagkatapos suriin mo ang tono
at paraan ng pagbigkas nito ibigay rin ang mensaheng nakapaloob. Sundin ang
pormat sa ibaba at isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

PARAAN NG TONO/ MENSAHE


PAGBIGKAS DAMDAMIN

1.Panahon ng pandemya
Tayo’y magkakaisa
Sama-samang sugpuin
Tanka Ang COVID 19
Ang misyon natin.

2.Panahon ng new normal


Lahat ng mag-aaral
Ma syudad o probinsya
Nagkandarapa
Nanibago pa.

1.Ako’y nagalak
Sa iyong pagpaunlak
Haiku Pusong busilak

2.Rosas na pulang-pula
Bigay ng sinta
Ako ay lumigaya.

8
Isaisip
Pambihira ang galing mo kaibigan sa pagtukoy sa mensahe ng
tanka at haiku na iyong sinusuri ayon sa paraan ng iyong pagbigkas. Dapat mo lang
alalahanin ang sumusunod:

INTONASYON/TONO
SA PAGBIGKAS NG
TANKA AT HAIKU

• Ang tono ay maaaring mababa, katamtaman at mataas na maaaring


tumbasan ng tambilang (1) mababa, (2) katamtaman (3) mataas
• Ang tono ng pagbigkas ng haiku at tanka ay nagpapahayag ng damdamin na
maaaring masaya, malungkot, nananabik at iba pa.
• Mahalaga sa haiku ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o
paghinto
• Ang paraan ng pagbigkas ng tanka at haiku ng mga Hapon ay nagpapahayag
ng layunin na maaaring nagpapahayag o nagsasalaysay, nagtatanong,
nagpabatid, nagtuturo at iba pa

Isagawa
Handa ka na ba kaibigan na gamitin ang iyong kaalaman sa
pagsusuri ng tono sa pagbigkas ng tanka at haiku?
Tara! susubukan mong gawin ito.
Panuto: Sumulat ka kaibigan ng sariling Tanka at Haiku, Suriin ang tono o
nangingibabaw na damdamin. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na
papel.

Tula Tono

Tanka

Haiku

9
Tayahin
Subukan natin ang galing mo kaibigan!

Panuto: Pagpipili: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat sa sagutang papel
ang titik na may tamang sagot.
1. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagpigil
sa pagsasalita ang isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita
b. Magiging malinaw ang pagsasalita
c. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
d. Magkakaroon ng pagpapalitan ng pagsaslita

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang BUhay ayon sa pagbigkas nito?


a. Humihinga pa
b. May buhay
c. Kapalaran ng tao
d. Kaya pang gumawa ng kahit anong bagay

3.Saan ka nakatira? Ano ang layunin ng pangungusap?


a. Nagtatanong
b. Nag-alinlangan
c. Naghahamon
d. Nagpapahayag
4.Hindi, siya ang kababata ko. Ano ang layunin ng nagsasalita?
a. Nagpapaalaala
b. Naglilinaw
c. Nagpapaliwanag
d. Nagtatanong
3. “Ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng ito!” Ano ang tonong ginamit ng
ngsasalita?
a. Nagagalit
b. Naiinis
c. Nanghihina
d. Nanumbat
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa
mataas.

6.Kanina = ______________________ pag-aalinlangan


7.Mayaman= ______________________ pagtatanong
8.Magaling= _______________________ pagpupuri
9.Kumusta= _______________________ na masaya
10.Ayaw mo= ______________________ paghamo

10
Karagdagang Gawain
Upang matitiyak mo ang iyong natutuhan sa ating aralin, gawin
mo ang gawain na kasunod:

Panuto: Magsasaliksik ng tigdalawang haiku at tanka na maaaring mula sa


internet,libro o iba pang mga babasahin o kayay sarili mong likha pagkatapos suriin
ang tono sa bawat taludtod (isulat ang bilang 1 sa mababa,2 sa katamtaman at 3
sa mataas) at ang layunin ng manunulat.Isulat sa kalahating papel.

HAIKU HAIKU

TONO LAYUNIN TONO LAYUNIN


Taludtod 1 _______ _____________ ____________ ___________
Taludtod 2 _______ ____________
Taludtod 3_______ ____________

TANKA TANKA

TONO LAYUNIN TONO LAYUNIN


Taludtod 1_________ ______________ ____________ _______________
Tatudtod 2_________ ____________
Taludtod 3________ ____________
Taludtod 4_________ ____________
Taludtod 5_________ ____________

11
12
PAGYAMANIN
TANKA TONO PARAAN NG MENSAHE
PAGBIGKAS
1.Panahon ng Pandemya Binibigkas Diwa ng
Tayo’y magkakaisa Nag-alala nang pagtutulunga
Sama-samang sugpuin malumanay at n sa gitna ng
Ang COVID 19 punung-puno kagipitan
Ito’y misyon natin. ng damdamin tulad ng
pandemya
2.Panahon ng new normal Nabahala Maging
Lahat ng mag-aaral Punung-puno handa sa
Ma syudad o probinsya ng damdamin pagbabago ng
Nagkandarapa panahon
Naninibago pa.
HAIKU
1.Ako’y nagalak May wastong Pagyakap sa
Sa iyong pagpaunlak Natutuwa antala at kalinisan ng
Pusong busilak. paghinto budhi at
kabutihan ng
loob
2.Rosas na pulang-pula Wastong Pagpapahala
Bigay ng sinta Masaya antala at ga sa
Ako ay lumigaya. paghinto minamahal
Subukin TAYAHIN Tuklasin
1.Naghihintay ako
1.A Paksa: Paghihintay
1. C
2.A Mensahe: Nananabik sa pagdating ng
2. C hinihintay.
3.A 3. A 2.Katapusan ng aking Paglalakbay
4. B Paksa: Pag-iisip sa darating na balakid
4.B na susuungin /haharapin sa
5. D
5.A 6. 213 pamumuhay
7. 231 Mensahe: Matiyagang nagpaplano sa
8. 231 magiging kinabukasan
9. 231 3.Tutubi
10. 213 Paksa: Pagkatakot
Mensahe: magiging Matatag
4.Anyaya
Paksa: Pag-iisa
Mensahe: Nangungulila sa minamahal
Susi sa Pagwawasto
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung
may hindi ka pa lubos na naunawaan sa paksa, ay maaari mong balikan ang modyul
na ito o di kaya’y magtanong sa iyong guro. Tandaan, ang nagtatanong ay
nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari
ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay.

13
Sanggunian:

Mga Aklat:
ROMULO N. PERALTA, DONABEL C.L AJARCA, ERIC O CARINO, et. al. Ang
Panitikang Asyano-Filipino 9, Vibal Group, Inc.2014
Teacher’s Guide Filipino 9

Internet Sources:

Abbie Laudato (2014) Ponemang Suprasegmental hango sa https://www.Slideshare


.net mobile
Charmienestosata (November 25,2019) Pagsusulit sa Ponemang Suprasegmental
hango sa https://slideshare.net
Luzypearl (july 1 2014) Tono, Diin at Antala hango sa https://www.slideshare.net

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like